Parang pinaglalaruan ako ng tadhana, kanina habang papauwi kami, hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nakasalubong naming mga magagarang sasakyan, actually normal na pala ito dito sa Riyadh, lupet talaga, yun isa e nakahalera pa namin sa stop light, cool talaga ang dating ng driver nito, isang binatang Arabo, simple lang siya, bagamat di tumingin sa amin, mapapansin mo na siya’y may mababang kalooban.
Habang pinagmamasadan ko ang kanyang sasakyan na isang Dodge Charger SRT8, paksyet.. di ko maiwasang hindi mag-isip, “Kelan kaya ako makakabili ng mga ganitong sasakyan?”, sana kung dumating man araw na iyon, sana yung medyo bata-bata pa tayo… nyehehehe… yun bang pupwede pa akong mapagkamalang illegible bachelor, yun babagay pa sa akin ang magmaneho ng mga ganong klaseng sasakyan.
Napakasarap sigurong sumakay sa mga ganong kagarang kotse no, although hindi naman ako uhaw sa mga sasakyan, dahil mula pagkabata ko e meron na talaga kaming kotse saka meron rin kaming motor circle na Honda Wave, tatlo kaming lalake, tatlong motor din kami meron, pero kamakailan lang binenta na yung motor ko kasi wala naman daw ako doon e… pero ganun pa man talagang uhaw ako sa mga magagarang sasakyan, bago lang ako naging uhaw at matakam sa mga ganito, noong nakapunta lang ako ng Saudi, paano naman kasi, ang mga sasakyan na sa larawan at pelikula lang natin nakikita, dito sa Saudi halos ginagawang laruan lang ng mga Batang Arabo, ginagawang pang drifting, pang drag racing, pinapatakbu sa mga mabubuhanging desyerto para makagawa ng dust, walang pakialam kahit marumihan at magasgasan, masmarumi masmalupet.
Simple lang talaga ang mga Arabo kung may magagarang sasakyan, sobrang simple nila, sobrang nagpapaka-humble sila sa iyo kung nagpakita ka na ina-appreciate mo ang kanilang sasakyan, kung pinapakita mong nagagandahan ka at pinupuri mo ang kanilang sasakyan asahan mong magpapasalamat talaga ang mga iyan, hindi katulad ng mga ilang kababayan natin na nakapagdrive lang ng kotseng hindi pa naman kanila e kala mo kung sino nang pumorma, taas na ang noo at mukhang ayaw nang sumayad sa lupa ang tingin, napakayabang ng tingin, KSP at talagang SHOWIE… tulad na lang ng isang nakilala ko dito, nakabili siya ng isang Old Model na Honda VTec, bumaba na siya ng kanyang sasakyan, press-remote, auto lock, “klok-klok”, tumalikod siya at tumawid sa daanan, boom nakita niya akong paparating, hindi ako nagpahalatang nakatingin ako sa kanya, bigla ba naman siyang tumigil, lumingun sa kanyang kotse, kinuha ang remote ng autolock niya, at pinindot ito, “klok-klok” at pinindot ulit “klok-klok” at pinindot-pindot pa “klok-klok”, para makagawa lang ng ingay, na umanoy chinicheck niya kung naka lock na ba talaga ito o hindi pa? hanu naman daw yun, ng mapansin niyang hindi ko siya pinapansin, saka lang siya tumingil sa kanyang ginagawa.
Hindi Showie ang mga Arabo, talagang ganun lang talaga ang mga pag-uugali nila, akala mo mayabang pero hindi sila nagpapapansin, talagang pinagkakatuwaan lang nila ang kanila mga sasakyan, pinankakarera, ginagawang laruan, walang silang pakialam sa kakalabasan ng kanilang sasakyan, basta makapag enjoy lang sila.
Kung magkakaroon ka ng isang Chavey Camaro? Mangangahas ka kayang ipaparada yan sa isang public parking lot?, yun bang walang security, walang ticket-ticket, mga ganong bagay? marahil hindi? Dito sa Saudi, walang pakialam ang mga Saudi’s sa parking lot, kahit private pa ito o public, sige lang, kasi nga safe dito, di tulad sa atin, HONDA CRV lang… nakuh… tiyak… pinagpepestahan na yan ng mga bukas kotse… ehehehhe..
Anyway.. pagdating namin sa parking area, tyempo namang natapat kami sa “Huwaaaaaa” isa sa mga gusto kong KOTSE, ang CHAVEY CAMARO, yun pinaka gusto ko pa talagang kulay, ITIM, gusto ko ang itim kasi parang siya ang dark side ni BumbleBee ng Transformers... isa kasing kulay dilaw Camaro si BumbleBee e no... kaya naman ng makita ko ang kotseng iyan na katapat lang namin sa parking area bigla akong napabulong... “paksyet” sabi ko kay Kuya Amir, “pipicturan ko talaga”, at buti na lang talagang mabait si Kuya Amir, siya na mismo ang nagvolunteer na kuhaan niya ako ng picture sa tabi ng kotseng inaasam-asam.
Ito naman ang kotse ko... e este.. kotse pala ni Kuya Amir, Toyota Echo ehehehe
Sa loob ng kotse ni Kuya Amir.. eheheheh... feeling pogi lang...
Last January 17 naman.. may nagpark sa baba ng flat namin ng kotseng ito (Ford Mustang).
Nakapagblog na pala ako noon ng tungkol sa kotse, ito ang link...
Wakas.
Shukran.