Sunday, December 11, 2011

Wala sa ayos....



Tae… hindi ako makapagsulat ng maayos…

Ehem… napapansin ko na medyo nawawala na ako sa sekulasyon ng mundo na aking nang natutunanng mahalin, ang mundo ng pagsusulat, ito ay marahil sa naaapektuhan na ang aking utak ng aking trabaho, TRABAHO? Baka batukan ako ni Akoni kapag nabasa niya ito… anong trabaho ba ang tinutukoy ko… eh sa wala naman akong ginawa buong araw kundi ang maupo sa harap ng desk ko at magbasa at bumisita sa mga blogs ng may blogs, ay ewan… basta nakakasawa at nakakapagod ang walang ginagawa, kaya to keep myself busy… (English po iyon), eh nagbabasa na lang ako o kaya naglalaro ng Angry Bird, pero nakakasawa na rin. Hayst.

Kausap ko kani-kanina lang si Akoni sa telepono, wala lang parang maiksing chikahan lang ng dalawang baklang nalilibugan, short conversation kung baga ng mga eklabus, may tinanong lang sa akin ang syokla, along the way (ehem… English na naman), habang nag-uusap kami, napagusapan namin ang mga blogger na sinusundan namin, at nasabi niyang nawawala na daw ang ibang humor bloggers na sinusundan namin… Oo ako rin.. napansin ko rin.. nawawala na sila… hmmm.. huwag ka nang maghanap ng pangalan.. dahil di ko rin naman babanggitin ang mga pangalan nila.

Hayst.

Kahapon ng gabi, isang oras at kalahati lang ang tulog ko, sobra akong inaatok, bumabalik na naman ang aking isomia… kaninang umaga naman sobra akong tinatamad pumasok sa opisina, kung pwede lang sana umabsent eh ginawa ko na, pero hindi pwede… hayst ulit.

Pagdating na pagdating ko dito sa office… agad kung binuksan ang computer ko, nagbasa-basa at sinubukan ko ring magsulat… kaso heto at limang oras na akong nakatunganga.. wala parin akong maisip… heto lang ang nakayanan ng mapurol kong utak… hayst.

Anyway… huwag na muna nating pilitin ang utak ko na ayaw gumana….


Hanggang dito na lang muna.


Salamat

D”N

Saturday, December 10, 2011

NO OTHER CONCERT (World Tour)



NO OTHER CONCERT (World Tour)



ANNEBISYOSA made it again…



Tulad ng sinabi ko (dito sa link na ito).. hindi malayong magkaroon si Anne Curtis ng sarili niyang Concert Event… ah yeah… ikaw na nga Miss Anne Curtis…. Wala ng tatalo pa sa iyo… From being the most followed Filipina Celebrity in Twitter, having her own album entitled “Annebisyosa”, and being a Box Office Queen.

And now having her own concert? Tulala ka no…, what else could you ask. Si ANNE CURTIS yan, at least di ako matatalo sa pusta ko... I am happy for her.. kasi dream come true yun para sa kanya...

Iba kasi ang karisma niya, iba ang dating niya sa manonood, maraming maganda at masmaganda pa sa kanya, pero nag-iisa lang talaga ang totoong Dyosa at siya yun, hindi ko lang alam kong anong magiging reaksyon ng manonood kung ibang babae ang pinakanta mo ng “Alone”, baka binato na iyon ng kamatis, pero iba si Anne Curtis, siya ang MAARTE na nakakatuwa, siya ang TRYING HARD na nakakainspired, siya ang SELF CENTERED na talagang kikiligin ka sa kakulitan niya.

Para sa akin, natural ang kanyang pinapakitang kakulitan sa harap ng telebisyon, wala na akong pakialam sa mga nabasa kong nega sa kanya, tulad ng pagyoyosi at paglalaklak ng alak, eh ano ngayon, may “K” naman siya, ikaw na talaga ANNE CURTIS… sayang nga lang, nagkaroon ka ng sarili mong Concert eh nasa Saudi ako, sinabi ko na nga sana huwag muna… not after June 2012… yan hindi tuloy kita mapapanood.


VIVA Concerts Presents
ANNEBISYOSA
ANNE CURTIS


People Asia's National Sweetheart. Princess of All Media. Fil/Aussie. Actress/Host/Product Endorser & CERTIFIED Recording Artist.

NO OTHER CONCERT (World Tour)

January 28,2012
Smart Araneta Coliseum

Tickets Prices
Patron A = 3000
Patron B = 3000
Lower Box = 2500
Upper Box A = 1500
Upper Box B = 700

Tickets are available in all Ticketnet Outlets located at the SM Department Store Customer Service Area and at the Araneta Coliseum Booths.

For Inquiries and reservations, please call 911-5555.


Congratulations in advance.. alam ko megasuccessful yan sa dami ng manonood sa pagbirit mo…


Follow her on her Twitter @annecurtissmith.


D"N


Monday, December 5, 2011

Old School (Series)




Ito ay isang response lang sa katanungan ng isang kakilala sa forum ng TSC ukol sa mga palabas noong dekada 80’s at 90’s sa telebisyon, dahil sa halos lahat ng binanggit niya ay napanood ko, napagpasyahan kong gawan ito ng maiksing blog entry..

Arrowend: “Sino dito nakakaalala sa mga to?”

Super Friends
M.A.S.K.
Transformers (original)
He-Man
Sky Commanders
Dino Riders
Thunder Cats
Silver Hawks
Tiger Sharks
Centurions: Power Extreme!
Captain Power and The Soldiers of the Future
Voltron
Voltes V
Bioman
Visionaries: Knights of The Magical Light
Inhumanoids
Ghost Busters

Ito naman ang aking mga naging kasagutan.

Tulad ng madalas kong sabihin sa blog ko, masaya at exciting ang kabataan ko, dahil hinayaan talaga kami ng mga magulang namin kung papaano maging bata, hindi man kami ipinanganak na may mga magulang na super yaman, eh masasabi ko naman na talagang napagyaman nila ang aming kabataan, sa pagbibigay sa amin ng mga makukulay na ala-ala.
Bilang bata, masasabi ko na isa sa mga paborito nila ay manood ng palabas sa telebisyon, ito na marahil ang isa sa pinaka masayang sandali sa buhay ng isang bata… ang mahiga sa sahig habang nagkukulitan silang magkakapatid o magkakaibigan habang pinapanood ang palabas na gusto nila.

Muli nagpapasalamat ako sa aming mga magulang na siyang nagbigay sa amin na napakasayang ala-ala.

Super Friends
Composed of Superman, Wonderwoman, Batman and Robin, Wonder Twin, Aqua Man, Flash, paminsan-minsan, lumalabas sina Green Lantern at iba pa, pinapalabas ito sa RPN noon tuwing umaga, matapos nito ipapalabas naman ang mga cartoon tulad ng Popeye, Ghost Space, Flinstones, Scooby Doo at iba pang mga cartoon Series.

M.A.S.K.
Hindi ko alam kung ang tinutukoy mo ba ay yung cartoon about sa kotse ba yun or about sa Magic Mask ni Jim Carry… kung yung kotse.. inabutan ko yun kaso hindi ako nanonood.. yung Mask naman.. Pelikula ito ni Jim Carry hango sa isang Comic Book bago ito naging Cartoon Series noong late 1990’s, katulad lang din ng Buffy the Vampire Slayer isa munang Pelikula bago naging TV Series.. Favorite ko yan kaya alam ko.

Transformers (original)
Sa RPN din ito pinalabas noon, favorite ko talaga ito, lalo na si Bumble Bee na noon ay isang Beetle car pa na kulay yellow, astig ito, naalala ko pa ng bigyan nila si Spike a.k.a. Sam Witwicky ng isang special suit na kung saan pwede siyang magtransform into a certain car… oh!!! Hah!!!… alam ko di niyo alam yan… maghalungkad kayo ng Old School Transformer at mapapanood niyo yan.. di ko lang alam kung anong episode yan.

He-Man
The Master of the Universe… mag-aaway kami ng Ate ko kung hindi ako nakapanood ng He-Man, again RPN-9 parin ito pinapalabas noon. Alam niyo ba na ang He-Man ay isang Action Figure Toy talaga yan na ginawan ng Cartoon TV Series bilang promotional.

Sky Commanders
Hindi ako mahilig manood nito… wala ata sa amin ang nakapanood nito… di ko na rin matandaan ito.

Dino Riders
Bunsong kapatid lang namin ang mahilig manood nito… nachachakahan ako sa tema ng cartoon na ito.

Thunder Cats
“Sword of Omens Give me Sight Beyond Sight” si Lion-O ang bida diyan … kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Jaga, Tigra, Panthro, Cheetara at ang kambal na hindi ko maalala ang pangalan… wala naman sigurong mga kabataan noon na hindi nakakakilala sa Thundercats eh… napaka korni naman nila kapag di nila ito napanood.. anyway.. Just recently ay may napanood akong Thundercats na new episode na.. chaka ang pagkakagawa nila… hayst… masgusto ko ang Original na pinapalabas noon sa GMA-7.

Silver Hawks
Pass ako dito… wala akong alam na may existing palang cartoon na ganito ang title..

Tiger Sharks
Hahaha.. nag-aaway kami pati kuya ko nito.. dahil sa gusto ko ako ang Blue Shark… si Mako.. eheheh… gusto naman niya siya… kaya madalas di kami nagpapansinan kapag pinapalabas na ito… sa pagkakatanda ko sa ABS-CBN ito pinapalabas noon.

Centurions: Power Extreme!
Apat lang kaming magkapatid, talong boys, isang girl, si Ate, Kuya, ako at bunso namin, sa Power Extreme lang kami nagkakasundo… kasi tatlong lalaki lang ang bida dyan, si Max, Jake at Ace, ako si Ace, kuya ko naman si Max at bunso naman namin ay Jake, kaya magkasundo kaming nanonood nito, gustong-gusto ko talaga ang Cartoon na ito, dahil sa tuwing sumigaw sila ng “Power Extreme” eh nag aactivate ang mga gadgets na gusto nilang piliin. Sana maging Pelikula ito.

Captain Power and The Soldiers of Fortune eh Future pala... Future.
Hindi ito cartoon, isa itong American Live Action Series na pinapalabas noon sa GMA, sa pagkakatanda ko tuwing Sunday afternoon ata ito pinapalabas, ewan ko lang.. di ko masyadong nasubaybayan ito.

Voltron
Hinding-hindi ko makakalimutan ang cartoon na ito, dahil contemporary niya ang isa sa pinaka gusto kong Robot ang Voltes V.

Voltes V
Sino ba naman ang pinanganak noong 19-kopong-kopong ang hindi nakapanood nito, gamit ang aming black and white TV, magkasama kami pati kuya ko at bunso namin na nanonood nito, at magkasabay kaming sumisigaw ng “Ultra Electromagnetic Load” ewan… hindi na ako sure dyan… matagal na rin kasi yan eh… una na yan nacansela ang pagpapalabas sa Pinas noong 1978, at muli ito pinalabas ng mapaalis na si Marcos sa kanyang puwesto at muling pinalabas sa GMA noong 1990’s, dito rin hinango ng Eraserheads ang title ng kanilang unang album na “Ultra Electromagnetic Pop”, dahil isang avid Voltes V fan si Ely Buendia.

Bioman
Bago pa man nagkaroon ng Power Ranger nauna na ang Bioman, super favorite namin itong magkakapatid… kuya ko si Red One, ako naman daw si Green Two at bunso naman namin sa Blue Three, ate ko naman si Pink Five at yung best friend naman niyang si Gama ay si Yellow Four… kumpleto di ba… kaming lima… sabay sabay kaming nanood nito… naaalala ko pa noon, noong dumating na ang pasukan… puro Bioman ang aming gamit… Bioman na notebook, Eraser, pati yung Bag ko, at marami kaming Stickers nito na dinikit namin lahat sa pinto ng Fridge namin. Yahoo…. Meron ding Filipino Movies na hango sa Bioman na ang pamagat ay “Bio Kids” ang bida dito ay si RR Hererra…syempre… kapag spoof na ang paguusapan… wala nang tatalo sa Tito, Vic and Joe, dahil gumawa din sila ng sarili nilang bersyon, ito ay ang “Kabayo Kids”…

Visionaries: Knights of The Magical Light
Isa rin ito sa pinaka paborito naming cartoon noong bata pa kami… sa ABS-CBN ito pinapalabas, magkasunod ata pati ng “Inhumaniods”… “A Whim, A Thought and more is Sought, Awake my mind; thy will wrought” isa yan sa mga passage sa Visionaries na hindi-hindi ko makakalimutan.. binabangit yan ni Arzon tuwing nanghihingi siya ng advice sa kanyang Magical Stuff… “Sheathe these feet in the driving gale, Make swift these legs o'er land I sail!”… yan naman ang binabangit ni Witterquick tuwing gusto niyang tumakbo ng mabilis pa sa kidlat. Ako daw si Witterquick sabi ng kuya ko siya naman si Arzon, bunso naman namin daw ay si Krotek yung magaling sa pana.

Nakuha ni Arzon ang Tonem na eagle dahil sa kanyang galing sa pagbuo ng pakpak na yari sa dahon, ito rin ang dahilan kaya siya binigyan ni Merklyn ng Magical Stuff na Knowledge dahil sa kanyang pagiging creative.

Si Witterquick naman ay nabigyan ng Tonem na cheetah dahil sa pinakita niyang bilis sa pagtawid sa isang alley or tunnel….kung saan sa konting pagkakamali mo lang ay pwede ka nang mamatay, hindi na klaro sa aking diwa ang itsura ng dinaanan niya… pero sariwa pa sa isip ko ang sequence na yun. .. Dahil sa bilis niyang tumakbo nalampasan niya ang pagsubok na iyon, kaya naman binigay sa kanya ni Merklyn ang Tonem Cheetah at kasama ang Magical Stuff na Lightspeed… parang ganon.

Kailangan nilang bumalik sa Wizard para marecharge ang kanilang Magical Stuff o Tungkod kapag nagamit nila ito.

Pinakapaborito kong episode nito ay yung episode na kung saan eh kunwari magugunaw na ang mundo. Yun pala ay sinusubukan lang pala ni Merklyn ang kanilang tapang at tatag. Hmmm… mukhang maganda pag usapan ang Visionaries ahhh…. Mablog ko nga yan.

Inhumanoids
Chaka para sa akin ang cartoon na ito.. hindi ko siya pinapanood… napipilitan lang akong mag-abang sa telebisyon ng ending nito dahil kapag natapos na ang palabas na ito, kasunod na ang Visionaries, parehong sa ABS-CBN ito pinapalabas.

Ghost Busters
The Real Ghost Busters lang ang napanood ko… paborito ko ito, pero yung Extreme: Ghost Busters na pinapalabas ata noon sa Studio 23 ay hindi ko na napapanood, napapangitan na ako sa pagkakagawa… napanood ko rin ang lahat ng Ghost Busters Movies.


Hala siya… napahaba ata ang Response ko… Si Arrowend kasi eh.



Salamat sa pagbabasa.



At ang pinaka paborito kong panoorin sa lahat ay "Ang Panday: Cartoon Series"



D”N



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...