Showing posts with label Pinoy Humor. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Humor. Show all posts

Saturday, October 6, 2012

Ako si Musingan, Laking Zamboanga City



Magulo, nakakatakot, madaming rebelde, madalas may barilan, kidnapan at kung ano-ano pang mga kaguluhan, marahil iyan ang maiisip mo kapag narinig mo ang salitang Zamboanga City, pero mali, walang katotohanan ang mga bagay na yan, hindi po ganun ang aking lalawigan, hindi po ganun ang pagkakakilala ko sa kanya, para sa akin, ito na po ang isa sa pinamagandang lugar na maipapakilala ko sa iyo, masaya at masarap mamuhay dito, binubuo ng isang makalumang kalinangan sa modernong panahon, napapalibutan ng ibat-ibang kultura at pananaw sa buhay, bilang tao at mamamayan nito, isa ako sa libo-libong Muslim na ipinanganak at lumaki sa bayang ito, dito hinubog ng aking mga magulang ang aking pagkatao,  inaruga at sinuportahan sa lahat ng aking pangangailangan, ipinakilala sa akin ang katotohanan at ipanakita sa akin ang kaibahan namin sa karamihan, masasabi ko na ako’y lumaki sa isang kulturang punong-puno ng kasaysayan at nabigyan ng isang prinsipyong kailan ma’y hinding-hindi matatawaran, ito ang aking kultura, ang kultura ng isang Tausug.


Sa totoo lang, galing ang mga magulang ko sa Jolo Sulu, pero mula pa noong 1970’s pinili na nilang manirahan sa Zamboanga City, dito na sila namalagi, dito na kaming lahat ipinganak at nakapagtapos ng pag-aaral, sa katuyan, nakapag-aral ako sa isang Jehovah School, kaya sanay akong makisalamuha sa mga hindi Muslim, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan ay isang Katoliko, at isa sa mga naging karelasyon ko ay isa ring deboto, tumagal kami ng halos siyam na taon, bago namin napagpasyahang maghiwalay na, masasabi kong masmarami akong kaibigan na hindi Muslim kaysa sa mga Muslim, ganyan kami sa Zamboanga, iisa ang ligw ng mga bituka namin, nagmamahalan kami, at nagtutulungan.

Simple lang ang aking lalawigan, simple lang ang Zambonga City, sentro ito ng lahat ng kalakalan mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o maskilala sa tawag na BASULTA, tinatawag din itong International Backdoor Entry, dahil meron kaming International Airport dito para sa mga eroplano at International Port Area naman para sa mga barko, meron din kaming Economic and Free Port Zone, para naman ito sa mga negosyante na gustong magnegosyo sa aming lalawigan, kilala rin ang Zamboanga sa makukulay nitong Vinta, ito yung mga bangkang may makukulay na layag, tinatawag din itong Sakayan sa salita naming mga tausug, bukod dito marami rin kaming mga pasyalan, tulad ng Abong-Abong (nasa paanan yun ng bundok), Pasonanca Park (parang little Baguio namin sa Zamboanga City), at syempre... higit sa lahat, marami kaming paliguan dito, mula sa  Swimming Pool at Beach Resort, kami rin ang may pinakamalaki at maraming pagawaan ng Sardinas, ilan sa kanila ay ang Family Brand Sardines, Mega Sardines, Ligo Sardines at Hakone Sardines, dito rin galing si Mayor Cesar Climaco, naging pelikula pa nga ito na ginampanan ni Eddie Garcia.

Marami rin kaming mga pinagmamalaking mga pagkain, tulad ng Tausug Satti (Satey), Jah (Lukot-Lukot), Tiyula Itom (Tinolang baka ito na itim ang sabaw at maanghang), Piyanggang Manok (Tulad ng Tiyula Itum, maitim din ito, pero walang sabaw), mura ang mga bilihin dito, lalo na kapag galing sa Malaysia, mura ang mga Prutas at Isda, masasabi kong napaka swerte ko dahil wala akong naging problema pagdating sa kainan, dahil, halos ordinaryo na lang para sa amin ang mga pagkaing tulad ng Lapu-Lapu, Blue Marlin, Alimango, Pusit, Hipon at kung ano-ano pang mga pagkain na galing sa dagat na karaniwan sa mamahaling restawran mo lang ito makakain dito sa Manila, pagdating naman sa Prutas, tulad ng nasabi ko, napaka mura ng mga ito at meron kang mabibiling prutas sa halos lahat ng sulok ng kanto.

Banana-Q – iba ang Banana-Q sa amin, ito yung matigas na saging na iihawin at papahiran mo ng margarine pagkatapos isasawsaw sa asukal, hmmm, sarap, yung Banana-Q naman na tinatawag sa Manila ang tawag namin doon ay REBOSAW, hindi ko alam kung bakit, basta yan ang tawag namin dyan, o hah.. saan ka pa.

BANKO – sinasabi nila, matatawag mo raw na maunlad ang isang bayan kapag marami ito banko, sa Zamboanga City, hindi lang isa o dalawang banko ang meron dito, kundi halos lahat ng banko sa Pilipinas meron na sa Zamboanga, isa itong patunay na maraming tao ang nagdedeposito ng kanilang mga pera, marami ring pwedeng itayong negosyo rito, isa na rito ang tinatawag naming Barter Trade, isa ito sa pinaka epektibong paraan ng paghahanap buhay, kahit sino pwede itong pasukin, basta umayos ka lang at huwag kang mandaya ng kapwa mo.

Isa sa mga ipinagmamalaki namin sa Zamboanga City ay ang tinatawag naming Pueblo, ito ang pinaka sentro ng Zamboanga City, nandito ang mga Mall, Department Store, mga restawran, sinehan, pelengke, mga opisina at iba pang mga establisyemento, kaya kadalas halos isang sakay lang lahat ng lakad dito, tatlo ang unibersidad namin, ito ay ang Ateneo De Zamboanga University, Western Mindanao State University at Unibersidad De Zamboanga, meron din kaming AMA Computer College at STI Collage, pagdating naman sa Hospital, hindi rin magpapahuli ang Ciudad Medical na kung saan e halos kumpleto sila sa lahat ng kagamitan, lima ang malalaking Hospital dito sa amin, meron rin kaming museyo, ito ay ang Fort Pilar Museum, isa rin ito sa mga makasaysayang lugar sa bansa natin, katabi naman nito ang Paseo del Mar, parang mini Baywalk namin sa Zamboanga, sa mga Hotel naman, tiyak mapapagod ka sa kakapili kung anong Hotel ang papasukin mo, dahil marami kami niyan.

At syempre ang pinaka importante sa lahat, ang WIKANG aming ginagamit, ito ang CHAVACANO, isang wika na kung pakikinggan mo e parang Espanyol ang dating, kapag nasa Pueblo ka tapos ipinikit mo ang mga mata mo tapos taimtim mong pakikinggan ang mga taong nag-uusap, malamang maiisip mo na “nasa mexico kana”, dahil kung pakikinggan mong mabuti, ang bawat salitang ginagamit sa Chavacano e parabagang salita na hinango sa Maxico, Broken Spanish ang tawag namin dito, katunayan tinagurian ang Zamboanga na “The only Asia’s Latin City”, dahil sa kakaibang wika na ginagamit namin, hindi lang chavacano ang maririnig mong salitang ginagamit dito, dahil kung nasa Pueblo ka, malamang may makakasalubong ka ring dalawang tao na nag-uusap gamit ang wikang tausug, bisaya, iyakan, paminsan-minsan maranao, at iba pang wika tulad ng mga wika na ginagamit ng Chinese, Taiwanese at iba pang lipi, ibat-ibang lahi ang naninirahan dito at iba-iba ang relihiyon namin, pero iisa lang ang tawag namin sa isat-isa “Bagay” ibig sabihin nun “Kaibigan” kung napanood niyo ang pelikulang "Bagong Buwan" ni Cesar Montano, ginamit nila ang salitang ito.

Huwag po sana nating paniwalaan ang isang balita na napapanood lang natin sa telebisyon o nababasa sa dyaryo, kadalasan, nadadagdagan po ang mga pangyayaring kanilang binabalita, wala pong gulo sa Zamboanga City at maayos po kaming namumuhay dito, sampung beses ko pong pipiliing manirahan rito kumpara sa ibang lugar.


Ako po si Musingan, at ito po ang aking lugar na kinalakihan.


Maraming salamat po sa pagbabasa.


Opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 2012.


Salamat sa mga sponsors



























Sunday, April 1, 2012

Dahas


Habang nag-iisang nagpapahinga si Elina sa ilalim ng puno ng mangga sa likod bahay nina Tata Temyo, tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Lando ang kanyang amahin, simula’t sapol pa lang inaabangan na niya ang paglaki ni Elena, walang sino mang lalake ang pupuwedeng lumapit dito kundi siguradong uuwing bugbug sarado, alam ito ni Elena, pero wala siyang magagawa, dahil sa kanilang baryo si Lando na ang pinaka-tandang, siga ng lipunan, salot ng bayan, walang sino man ang nangahas na labanan siya, kaya wala siyang magawa sa pagpoprotekta sa kanya ni Lando ang kanyang amahin, total na-isip niya na mukhang nakakabuti naman sa kanya ito, dahil hindi siya natulad sa iba niyang mga kaibigan at kakilala na maagang nabuntis dahil sa kakalandi, total ika niya, hindi naman siya ginugulo ni Lando, yun nga lang minsan e naaasiwa siya kapag alam niyang nasa paligid niya ang lalakeng iniiwasan.

Sa araw ngang ito, dumating ang kanyang kinatatakutan, habang tahimik siyang nagpapahinga sa ilalim ng punong mangga, hindi niya napansin ang paglapit naman ng panganib sa kanya, si Lando na mukhang nababaliw na, nagulat siya ng makitang nasa kanyang likuran na ito, “Lando?” sambit niya, “Elena” sagot naman sa kanya ni Lando, “Kamusta ka na, matagal na akong naghihintay na maangkin ka, at ngayon ito na ang pagkakataon, mapapasakin ka na”, pagpapatuluy ng lalake sa kanyang sinasabi, “Huh? Anong ibig mong sabihin”, may halong kaba ang kanyang boses, alam niya na lahat ay pupuwedeng gawin ni Lando dahil alam niyang walang papalag dito, lalo na’t wala ang kanyang Amo, alam niyang siya’y nasa piligro, ngumiti lang ang lalaki at lumapit sa kanya, lumayo naman siya at akmang aalis para humanap ng saklolo, pero huli na, umikot sa kanya ang lalake saka siya hinawakan sa ulo, “Saan ka pupunta Elena?” , “Lando kung ano man ang iniisip mo, maawa ka, huwag mo ng ituluy”.

Pero wala na rin siyang nagawa, tuluyan ng nakuha ni Lando ang kanyang pagkababae, pumaibabaw agad ito sa kanya, habang hawak-hawak siya nito sa kanyang ulo, kitang-kita naman ito ni Emilio, ang lalakeng kanyang hinahangaan, pero wala rin itong nagawa, takot ito kay Lando, pumikit na lang ito habang tinatawag ni Elena ang kanyang pangalan, tiniis niya ang babaeng minamahal na ginagahasa ni Lando sa likod bahay nina Tata Temyo, nagmamakaawa si Elena habang nagpupumiglas, “Lando maawa ka”, pero huli na, dahil nairaos na ni Lando ang kanyang init sa dalaga ng walang nakikialam, nailabas na ni Lando ang lahat ng kanyang kinikimkim na init sa katawan, nanlulumong iniwan ni Lando si Elena habang umiiyak, walang nagawa dahil sa kanilang bayan, si Lando ang batas, gustuhin man niyang magreklamo, wala rin siyang magagawa, dahil habang papalayo si Lando, nakita niya ang kanyang Amo at mukhang natuwa pa sa ginawa sa kanya ni Lando.

Nagtatago si Elena, marahil nahihiya sa nangyari sa kanya, makalipas ang ilang araw, sa wakas napisa na ang mga Itlog ni Elena, tuwang-tuwa si Tata Temyo, dahil nakabuo na naman ang kanyang Tandang na si Lando, ang kawawang si Elena, ngayon ay inahin na.


Tiktilaooookkkkk…. Happy April Fools Days.



Friday, March 9, 2012

Buti na lang nauso ang BLOG


Sa dami na ng bagay na pinagdaanan ko, dumarating parin ang pagkakataon na sadyang wala kang maikukuwento, hindi ito nangangahulugang wala kang gana kundi ito ay dahil hindi mo makuha ang totoong kahulugan kung bakit mo ito ikinukwento, kung mahilig kang magsulat, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit mo ito ginagawa, natanong mo na ba sa sarili mo kung may natutuwa ba sa mga ibinabahagi mo? Hanggang kailan ka magsasalaysay ng iyong mga karanasan? Hanggang kailan mo ito gagawin?

Isang taon na rin akong nagsusulat at ngayon masasabi ko na marami-rami na rin akong natutunan sa pagsusulat, masnaging mapagmatyag na ako at masditalyado na, naging dahan-dahan na rin ako sa aking mga pananalita at mga ginagawa, masnaging maayos at masnaging deretsahan na, ang pagsusulat para sa akin ay isa nang libangan, isang libangan na sadyang kay sakit sa ulo, basagan ng utak, sunugan ng kilay at higit sa lahat pagaaksaya ng panahon.

Teka mukhang mali, dahil kahit kailan hindi nasayang ang aking panahon sa pagsusulat, dito sa mundo kong ito, nakatagpo ako ng mga kaibigan, mga kakulitan, mga kaasaran, hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan, basta alam na nila kung sino sila, basta alam na nila kung sino ang mga tinutukoy ko, kahit na itago ko sila sa mga pangalan tulad ng “Ang babaeng mahilig magbisikleta sa ika-labing apat na kalye na siyang alipores naman ng prinsesa ng Mayan na katipan ni pareng jed na kaibigan ng higanteng may ari ng diamante na mahilig magbasa sa mga slumbook na nakalagay sa isang Pot” hayst dami nila no.

Maaring hindi mo makukuha ang siping iyan pero para sa kanila alam na nila na sila ang tinutukoy ko, kaya naman kahit na minsan ay talagang wala nang lumalabas sa utak ko na kahit isang katiting na idea ay sige pa rin ako sa pagpiga ng utak ko, dahil alam kong may pananagutan na ako sa kanila, at dahil ayaw ko ring magpahuli sa laban nila, at gusto kong makisabay sa kanila sa pagpapaunlad ng Pilipinas e este pagpapaunlad ng kanilang sariling kakayahan, sa buhay natin, kailangan rin nating lumaban kahit na alam nating matatalo rin lang tayo, dahil masmahalaga ang lumaban ka kesa sa matalo ka, di nga ba’t masmainam ang “matalo ka na lumalaban kesa sa matalo ka na wala kang ginagawa”?

Dumadating ang panahon na sadyang kay hirap na para sa iyo ang umpisahan ang isang kwento pero sige ka lang ng sige na parang walang iniitindi, sa pagsusulat naibubuhus ko lahat ng sama ng loob ko sa mundo at sa mga nangyari sa akin, sa pagsusulat naibabahagi ko ang mga bagay na hindi ko kayang ikwento, sa pagsusulat unti-unti kong naiintindihan ang aking sarili, unti-unti kong naitatama ang mga bagay na sa tingin ko ay mali, unti-unti kong nakikita ang kaibahan ng pagkatao ko noon at pagkatao ko ngayon.

Buti na lang nauso na ang blog, dahil kung hindi, hindi ko rin alam kung ano ang magiging libangan ko sa tuwing nalulungkot ako, nagpapasalamat ako at may taong nakaimbento nito, laki ng utang na loob natin sa kanila, dahil may nagagamit tayo para maipagsigawan natin ang ating damdamin sa buong mundo, salamat sa kanila, kahit papaano may nagagawa tayo sa sadaling wala na tayong magawang iba.


Salamat sa pagbabasa.



D"N



Saturday, December 31, 2011

Gising! (Isang umaga sa Riyadh) Re-Post



Gising! (Isang umaga sa Riyadh)

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Sigaw ng manok… kung ano man ang ibig sabihin nun ay hindi ko na alam, marahil sumisigaw siya ng umaga na, gising na o kaya naman binabati niya ang bukang liwayway ng araw. Pero teka, tumitilaok rin naman ang manok sa hapon ah, pero iba ito, araw-araw, tuwing alas kwatro ymedya ng umaga, tumitilaok ang manok na ito….

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmm…..


"Tiktilaooookkk!!!.. Keaga-aga, ang ingay ingay na, (teka nasa Saudi nga pala ako, at nasa Villa namin, bakit may manok eh wala naman kaming alaga dito at saka bakit parang may disco music ang manok. Nananaginip ata ako!!! Kasi nakikita ko ang mga manok na nagsasayawan sa labas ng bahay namin habang kumakanta ng ‘Pokerface’ by Lady Gaga." -- AL (Guhit ni Annalyn Perez)
Keaga-aga, ang ingay ingay na, (teka nasa Saudi nga pala ako, at nasa Villa namin, bakit may manok eh wala naman kaming alaga dito at saka bakit parang may disco music ang manok. Nananaginip ata ako!!! Kasi nakikita ko ang mga manok na nagsasayawan sa labas ng bahay namin habang kumakanta ng ‘Pokerface’ by Lady Gaga.

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmm….. kainis talaga….

At muli kong naisip, ahhhh cellphone ko pala, tumutunog na naman ang alarm nito. Tilaok kasi ng manok ang tunog niya na may disco music na background, ‘di na ako nasanay. Alas kwatro ymedya ng umaga ko pinapatunog ang cellphone ko, pero minsan alas singko na ako ng umaga bumabango dahil sa katamaran. Kaya minsan o mas maganda sabihin na lang natin madalas nagmamadali ako sa pagligo at pagbihis para hindi ma-late sa pagpasok sa opisina…

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmmm…. Ano ba... Ahhhhhh… sarap pa matulog….

Pero kailangan ko nang bumangon kasi kung hindi, hindi na ako makakapagsalah sa umaga. Salah ang katawagan naming mga Muslim sa aming pagdarasal at pagsamba kay ALLAH. Mula nang mapunta ako sa Saudi, naging doble na ang aking pagiging relehiyoso. Limang beses sa isang araw nagsasala ang mga Muslim at limang beses ko rin ito ginagawa.

Malaki ang naitulong sa akin ng pagsasalah, naging mas panatag ang aking kaisipan at mas malawak ang pang-unawa. At dahil sa isa sa mga oras ng pagsalah ng mga Muslim ay sa umaga (alas singko) ginagawa, malaking tulong yun sa akin. Kasi hindi ako nahuhuli ng pagpasok sa opisina, katunayan, ako parati ang nauuna sa pagpaasok kesa sa Boss ko… oh ha… di ba….

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmm… eeeiissshhhh…. Kainis talaga…

Mmmmhhhh…



Ito ang maganda sa cellphone, kapag ginagamit mo ang alarm nito, pwede kang mag-extend, parang sa internet café lang, “Time ka na? Ano extend ka pa?" or kung gusto mo pwede ka rin mag-open time, pa’no? 





Biglang nawala ang tilaok ng manok, marahil napagod sa kakasayaw o kakatilaok ang mga mokong na ito. Ang sarap matulog, walang istorbo, walang ingay, payapa ang mundo, tahimik, walang makulit at higit sa lahat walang tumitilaok na manok…

Teka, bakit nawala? Bakit biglang naging peaceful ang paligid ko, walang gulo, walang disco. Ano na ang nangyari sa mga manok na kanina ay akala mo’y katapusan na ng mundo at bigla silang nawala?

Alarm on snooze
For 10 minutes…

Ehehehe… sarap matulog ulit…

Ahhhhh….. kaya pala, ehhehehe. Madalas ito ang ginagawa ko at ginagawa rin ng karamihan (amininnn). Pinipindot nila ang snooze para mawala ang ingay ng alarm at makatulog ulit (nagpa-alarm ka pa?). Ito ang maganda sa cellphone, kapag ginagamit mo ang alarm nito, pwede kang mag-extend, parang sa internet café lang, “Time ka na? Ano extend ka pa?" or kung gusto mo pwede ka rin mag-open time, pa’no? Madali lang, huwag ka magpa-alarm nang cellphone, tiyak sa tanghali ka na magigising niyan…

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Huuuuwwwaaaattttttt…..

Saan na naman galling ‘yan? Tulog na ba ako o cellphone ko lang talaga ang tumutunog ulit o baka naman may manok na talaga na nakapasok sa kuwarto namin, marahan kong binuksan ang aking mga mata, ramdam na ramdam ko ang bigat nito upang idilat, ramdam ko ang antok, sarap talaga matulog, sarap matulog, kakainis, saan ba galling ‘yang ingay na ‘yan…

Ahhhhhhhhhhh

Cellphone ko nga, tumutunog na ulit, natapos na pala ang 10 minutes na palugit ko, hayssssst. Makaulit nga, another 10 minutes ulit, ehehehe. Walang basagan ng trip, wow sarap, ZZzzzZZZzzz…hmmmmm…. ZZzzzZZZzzz… Tahimik na naman ang paligid ko, naglalakbay na naman ako sa aking panaginip, yippieee!!! Nasa ulap na naman ako, ang sarap matulog.

Pero…

Tut…. tutututuuutttt…. tutututututuuuuttttttt…..
tutututututuuuuttttttt…..

Ahhhhhhhhh….

Ano na naman ito… iba na ang naririnig ko… kakaloka na… sobra na talaga over. Ang manok, nagtunog-mono tone ng alarm ng cellphone ng kasama ko sa kuwarto, eeeiiiissshhhh. Kakainis talaga, tumutunog na naman ang cellphone ni Yusop, nagpapaalarm din kasi siya….

At….

Tontontooon…tontontooon… tontontooon…tononnn…
Tontontooon…tontontooon… tontontooon…tononnn…

Diyos ko… Diyos ko… Diyos ko… Patawawin niyo po ako… huhuhuhu… gusto ko pang matulog…



Lima kaming nasa kwarto, at limang cellphone ang tumutunog kada umaga. Kaya wala kang takas kung tinatamad kang pumasok dahil limang cellphone ang mangungulit sa iyo at magsasabing, “Umaga na kabayan, gising na at tayo’y lalarga na! 






Naman…kasi…. kanino na naman kaya ito? Kay Kuya Arnel naman ngayon ang tumutunog… naku naman… Kakawindang, kase sunod-sunod na ang tunog ng alarm ng cellphone naming. Akala mo’y may fire alert na nangyayari, sunod-sunod na ang pag-alarma ng aming mga celphone…kay Glenn, kay Arnel, kay Yusop, kay Ryann at sa akin! Sali mo pa dyan ang pagpapatugtog ng music ni Rhemhard sa kabilang kwarto. Keaga-aga nagpapatugtug na ang bruha, ahhhhhhh… sakit sa ulo talaga, sarap pa matulog pero ang ingay-ingay na.

Magtakip kaya ako ng unan? Pero huwag na, kailangan ko nang bumangon kasi ‘di na ako makakapagsalah niyan. Saka baka maunahan na naman ako sa banyo, alam mo naman si Yusop, kung ‘di pa ako babangon eh hindi rin ‘yan babangon. Kapag nakita na niya akong naghuhugas ng bigas sa lababo para magsaing ng pang-almusal, tatayo na ‘yan at magtatanong, “Al!!! mauna na akong maligo hah?!"

Kaya kailangan ko nang unahan siya. Bumangon na ako sa kama sabay bulong sa sarili ng “ahhhhhh… katamaran lang ito…katamaran lang ito." Naupo ako sa gilid ng higaan ko, nag-iisip, “umabsent kaya ako?" Nakapikit ang mga mata pero nakaupo habang hindi makapag-decide kung aabsent o papasok sa opisina, “Haysst! tinatamad talaga akong bumangon."

Pero wala akong magagawa, kailangan eh, kailangan kong bumangon, “Oh well." Nag-unat na ako ng katawan at naghikab nang naaaaaaaaapakalalim…. “Hay! Sarap talagang ibato ng cellphone ko sa ding-ding. Matulog kaya ako ulit?" Ay huwag na, tumayo na ako, sinuot ang tsenelas ko, naglakad nang nanlalambot. Tinatamad na pumasok sa banyo upang maligo habang naririnig ko pa ang sunod-sunod na pag-alarm ng cellphone naming. Lima kaming nasa kwarto, at limang cellphone ang tumutunog kada umaga. Kaya wala kang takas kung tinatamad kang pumasok dahil limang cellphone ang mangungulit sa iyo at magsasabing, “Umaga na kabayan, gising na at tayo’y lalarga na!

Theeeeee EEnnnnddddddd …. Sarap matulog (Hikab)

“Baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven…"


Anak ng… ano na naman ito?
Tunog ng alarm ng cellphone ni Bimbie ‘yan… nakitulog na naman sa Villa namin ang lokaretang bakla na ito…. Oh hah… taray di ba?

The End…. 

Visit GMANetwork  Website to view my feature Blog...

---------------------------------

Itong post na ito ang napiling kong isali sa pakontest... sa kadahilanang paboritong paborito ko ito... pagkat bukod sa naiblog ko ito eh una ko itong na publish sa aming Magicians Forum at saka sa GMA Network Website.... at higit sa lahat... ginawan ko rin ng ito ng video blog... ito ang link niya..

http://www.musingan.com/2011/03/gising-isang-umaga-sa-riyadh-video-blog.html


Opisyal na lahok sa REPOST PAKONTEST ni GILLBOARD.... 










Saturday, December 24, 2011

Ang Pasko ay Sumapit




Pasko na pala bukas, ikalawang Pasko ko na dito sa Saudi, ikalawang Pasko na wala ako sa Pinas, ano nga ba ang ibig sabihin ng Pasko para sa isang muslim na katulad ko?

Ipinanganak at lumaki ako sa lugar kung saan nakakarami ang mga kristiyano, mula sa kapit bahay namin hanggang silid aralan napapalibutan ako ng mga kristiyano, ito ang Zamboanga City, isang lugar sa Mindanao na kung saan ay magkahalo ang moderno at sinalumang kultura, kaya naman masasabi ko na ako’y hindi isang tipikong tao, dala ko ang isang ugali ng isang makabagong Muslim na mahilig makisalamuha sa mga kaganapang nangyayari sa kapaligiran… mula pagkabata marami na akong naging kaibigang Kristiano, at halos lahat rin ng naging kasintahan ko ay mga Kristiano din, yung isa nga sa kanila ay umabot ng halos walong taong pakikipagrelasyon sa akin eh, meron din akong tinuturing na best friend na Kristiano, pero ganon pa man, hindi yun nangangahulugan na ako ay naniniwala na sa Pasko.

Para sa mga Kristiano ang pasko ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at higit sa lahat pagpapatawad sa lahat ng taong nagkasala sa iyo, ito ang panahon ng pagpapakita ng mabuting asal, pero ano nga ba talaga ang kahulugan ng Pasko sa akin? ang pasko para sa akin ay isang espesyal na araw na ipinagdiriwang sa tuwing sasapit ang ika dalawampot-limang araw ng buwan ng Desyembre, sa araw na ito ay ginugunita ng kapatid nating kristiyano ang araw ng kapanganakan kay Hesu Kristo na itinuturing nilang banal na Diyos, ito ang pinaka magandang panahon para simulan ang pagbabago, ang pagsasanay sa sarili upang maging isang mabuting tao, panahon ng pagpapakumbaba at pagaaruga, kung may tao kang nakaalitan ito na ang panahon para siya ay batiin mo, isang magandang simula sa lahat ng tao.

Ang Pasko para sa akin ay isang simpleng pyesta lamang, pero nirerespeto ko ang kahalagahan nito sa mga taong naniniwala rito, dahil tulad ng Ramadan, isang mahalagang okasyon rin ito sa kanila, sa panahong ito, napakaraming Sales at Bargains na binibenta kung saan-saan, kaya naman nauubus parati ang ipon ko, napakarami ring mga magagandang kaganapan sa paligid, tulad ng Konsyerto, Pagdiriwang, Paligsahan, at higit sa lahat mga pakulo at kung ano-ano pang pacontest ni Mayor o ni Kapitana, para siyang isang malaking pyesta na kung saan ang buong mundo ang kasali at nagdiriwang, kaya naman masasabi ko na talagang masaya ang lahat sa panahong ito.

Bilang isang dating mag-aaral, ito rin ang isa sa mga pinakahinihintay-hintay kong araw sa buhay ko bilang estudyante, dahil sa tuwing sasapit ang Desyembre, gustuhin mo man o hindi magkakaroon parin kayo ng tinawag na Christmas Party, at syempre kung may Christmas Party meron ring Exchange Gift o maskilala sa tawag na Monito-Monita, gustong gusto ko ang Christmas Party, dahil sa Monito-Monita, syempre sino ba naman ang taong ayaw makatangap ng regalo di ba?  Naaalala ko pa ang isang pamangkin ko, nagreklamo dahil ang natanggap niyang regalo sa kanyang monita ay maliit na barko na nakalagay sa loob ng bote, nagrereklamo siya dahil sa lahat ba naman ng matatangap niya ay isang kagamitang pang display lang daw na di naman niya magagamit, samantalang ang iba daw ay mga damit, short pants, laruan, at kung ano-ano pang pupwedeng magamit ng isang batang katulad niya, naaalala ko rin noong grade 3 pa ako, ang biniling regalo ng nanay ko para sa aking monito ay isang panyong pambabae tapos ang nakuha ko namang regalo mula sa aking monita ay isa ring panyong pambabae (Toinks!!!!) yun talaga ang tinatawag na “What you give is what you get”, syempre ang pinaka high lights ng Christmas para sa lahat ng mag-aaral ay ang tinatawag na Christmas Vacations, tumatagal ito ng labin-limang araw ng pagpapahinga mula sa pagsusunog kilay sa tanghali tapat, yahoo ako na ang mahilig sa bakasyon.

Bilang isang manggagawa naman, pinakahinihintay ko naman ay ang 13 month pay at pamaskong bonus ng amo ko, dito talagang sinasamba ko na ang may-ari ng pinapasukan kong kumpanya, at masasabi ko sa kanya na siya na ang pinakamabait na matsing sa balat ng saging, dahil sa bonus at regalong matatangap mo galing sa kanya, syempre meron din kaming Christmas Party di ba, hindi na yan mawawala at tulad ng sinabi ko, kung may Christmas Party ay merong monito monita, at dito ang mga regalong matatangap mo galing sa iyong monito o monita ay talagang bongga, merong nagbibigay ng kotse, bahay at lupa, vacation package at kung ano ano pa, pero syempre joke ko lang po yun, eheheheh,, basta ang regalong matatangap mo ay hindi na bababa sa isang daang piso, oh di ba bongga ka sa banga.

Sa bahay naman, nagkakaroon din kami ng sarili naming monito monita, kaming magkakapatid, mga titas at pinsan, nakikisali rin ang aming mga kasambahay, pati nga nanay ko ay sumasali rin sa aming monito monita, naghahanda rin ng konting salo-salo ang ate ko, at bumibili naman ako ng konting paputok sa kili-kili dahil ginagawa namin ito sa bispiras ng bagong taon at hindi sa araw ng pasko, naalala ko pa noong minsan na nagkaroon kami ng monito monita ang nakuha kong pangalan ay pangalan ng ate ko at ang nakuha naman niyang pangalan ay pangalan ko, ehehehe.

Masaya ring dumalo sa mga bahay bahay ng mga taong nagdiriwang ng Noche Buena, daming pagkain at puro masasarap lahat, merong hamon, merong lechon, merong pork adobo, merong kaldereta at kare-kareng baboy, yahoo, ako na, ako na ang hindi makakain, ehehehe, bawal kasi sa mga Muslim ang kumain ng baboy di ba, kaya madalas doon lang ako sa kung ano ang pwede kong kainin, pero ok lang, busog naman ako sa manok at baka, sa mga cake at kung ano ano pang mga putaheng nakahanda.

Hilig ko rin ang magronda sa mga barabarangay tuwing pasko dahil sigurado akong meron silang mga programa sa labas simbahan nila, dahil sigurado pagkatapos ng simbang gabi ay maraming tao sa labas, at marami ring mga kakaning binibenta, hahahaha, mahilig kasi ako sa mga kakanin, tulad ng puto bungbong, puto maya, kutsina, cassava cake, biko, at higit sa lahat bibingka ni Rose anak ni Aling Ester, masarap ang bibingka ni Rose, may kakaiba itong lasa, at lahat ng kalalakihang nakatikim nito ay hindi siya nakakalimutan, maputi, mamasa-masa, malagkit at medyo malata ang kanyang bibingka, kapag kinain mo ang bibingka ni Rose sa likod ng kanilang tindahan, magkahalong pait, tamis at asim ang malalasahan mo, talagang mapapa “hmmmm” ka sa sarap habang kagat kagat mo ang iyong labi, ganyan ang sarap ng bibingka ni Rose… mahilig rin ako sa mga kakanin na hindi ko na alam ang mga pangalan, basta ba makita ko na mukhang masarap siya eh tinitikman ko na agad, kung ano anong putahe, kung ano anong klase ng pagkakaluto, kaya madalas eh bumibigat ang aking timbang sa panahon ng kapaskuhan.

Mahilig din akong mamasyal sa ibat-ibang lugar tuwing kapaskuhan, dahil sa mga ibat-ibang palamutiing nakasabit sa paligid, mga nagniningning na Christmas Light, mga naggagandahang parol at kung ano pang mga anek-anek, syempre hindi ko makakaligtaan ang magpakuha ng larawan sa Plaza, dahil siguradong meron ditong isang malaking Christmas Tree, at ang aming City Hall napapalibutan na ito ng ibat-ibang klase ng ilaw, may pula, puti, bughaw, berde, talagang mamamangha ka sa ganda ng iyong makikita, meron pang mga nagkakantahan at nagsasayawang mga tao sa taas ng entabladong nasa harap City Hall namin, hindi-hindi ka malulungkot kahit ikaw lang mag-isa ang pumunta doon sa plaza para manood.

Talagang napakasaya tuwing panahon ng kapaskohan, dahil hindi lamang ito panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan kundi ito rin ay panahon ng pagsasaya, bilang isang mulism, madalas akong makisalamuha sa mga taong nagdiriwang nito, ganon pa man, kahit na anong mangyari hindi ko pa rin kinakalimutan ang aking responsibilidad sa aking relihiyon at limitasyon sa pakikisalamuha at pakikibagay sa ibang tao.


Sana po ngayong pasko tayo ay magkaroon ng ganap na kapayapaan at pagmamahalan.



Maraming salamat po sa inyong lahat at maligayang pasko big brother.




D”N



Sunday, December 11, 2011

Wala sa ayos....



Tae… hindi ako makapagsulat ng maayos…

Ehem… napapansin ko na medyo nawawala na ako sa sekulasyon ng mundo na aking nang natutunanng mahalin, ang mundo ng pagsusulat, ito ay marahil sa naaapektuhan na ang aking utak ng aking trabaho, TRABAHO? Baka batukan ako ni Akoni kapag nabasa niya ito… anong trabaho ba ang tinutukoy ko… eh sa wala naman akong ginawa buong araw kundi ang maupo sa harap ng desk ko at magbasa at bumisita sa mga blogs ng may blogs, ay ewan… basta nakakasawa at nakakapagod ang walang ginagawa, kaya to keep myself busy… (English po iyon), eh nagbabasa na lang ako o kaya naglalaro ng Angry Bird, pero nakakasawa na rin. Hayst.

Kausap ko kani-kanina lang si Akoni sa telepono, wala lang parang maiksing chikahan lang ng dalawang baklang nalilibugan, short conversation kung baga ng mga eklabus, may tinanong lang sa akin ang syokla, along the way (ehem… English na naman), habang nag-uusap kami, napagusapan namin ang mga blogger na sinusundan namin, at nasabi niyang nawawala na daw ang ibang humor bloggers na sinusundan namin… Oo ako rin.. napansin ko rin.. nawawala na sila… hmmm.. huwag ka nang maghanap ng pangalan.. dahil di ko rin naman babanggitin ang mga pangalan nila.

Hayst.

Kahapon ng gabi, isang oras at kalahati lang ang tulog ko, sobra akong inaatok, bumabalik na naman ang aking isomia… kaninang umaga naman sobra akong tinatamad pumasok sa opisina, kung pwede lang sana umabsent eh ginawa ko na, pero hindi pwede… hayst ulit.

Pagdating na pagdating ko dito sa office… agad kung binuksan ang computer ko, nagbasa-basa at sinubukan ko ring magsulat… kaso heto at limang oras na akong nakatunganga.. wala parin akong maisip… heto lang ang nakayanan ng mapurol kong utak… hayst.

Anyway… huwag na muna nating pilitin ang utak ko na ayaw gumana….


Hanggang dito na lang muna.


Salamat

D”N

Monday, November 21, 2011

Someday


Someday – is an English word which literally expresses about future in an indefinite time; oh ha.. English yan…. “Someday” sa tagalog “Balang araw”… nagamit mo na ba ang salitang iyan, isa yan sa may pinakamahalagang ginampanan sa buhay natin, isa sa pinakamakahulugang salita, lalo na kapag “Someday” o  “Balang araw” lang ang sinabi ng isang tao.

“Mga patay gutom, mga walang hiya… mga baluga.. alipin.. magsilayas kayo.. mga walang utang na loob…” galit na sambit ni Don Pacundo sa kanyang driver at pamilya nito.

Daling nagligpit ang mag-anak ni Mang Temyong… pero bago umalis.. lumingon ang isang anak ni Mang temyong na si Anita kay Don Pacundo at tinitigan ito ng malalim at sinabing “Someday”…. Naks!!!

Kitams… sabi ko sa inyo makahulugan ang salitang iyan.. hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ni Anita sa kanyang sinabi, tanging siya lang ang nakakaalam sa kanyang gustong ipahiwatig.

“Someday….” “Someday….” “Someday….” At isa pang “Someday….” …. naisip mo na ba kung kailan nga ba talaga darating ang “Someday….” Na yan? …. Minsan ko na yan nagamit sa buhay ko, minsan nasabi ko na “Someday makakatapos din ako ng pag-aaral”….“Someday… makakapag abroad din ako”…. “Someday….” “Someday….” “Someday….” At isa pang “Someday….” Ulit…  At heto na nga ako ngayon,. Almost 20 years after ko sinabi ang mga bagay na iyon, narito na nga ako at kapiling ko na ang “Someday”…. Na yan… nakatapos na ako ng pag-aaral ko at masayang namamasukan bilang katulong eh este Admin Assistant dito sa desyerto ng Saudi Arabia… mula noong sinambit ko ang salitang “Someday….” Na yan, wala na akong ginawa kundi hintayin ang kanyang pagdating, at alam mo ba… bago ko pa man namalayan, dumating na pala siya, at yung ibang “Someday….” ko eh nilampasan na pala ako ng tuluyan at isa na lang ala-ala…

Ngayon panibagong “Someday….” Na naman ang aking hinihintay, panibagong pag-asa at panibagong pagsubok, sana kung dumating man ang bagong “Someday….” Na yan sa buhay ko, eh sana lahat ay maayos na…. konting tiis lang naman.. alam ko balang araw darating din ang “Someday”…. na yan…


Salamat sa pagbabasa.



Sana bumalik pa kayo dito “Someday….”


D”N

Friday, October 28, 2011

Blog na walang "__"



Eto ang blog na kakaiba dahil ang kataga di ordinaryo na “a, ba, ka, da, e, ga, ha, i, la, ma, na, nga, o, pa, ra” kumpara, mga tao na nagyayabang agad, yun pala, ay mga walang alam, na bumabanat ng bitaw? May tinatamaan ba ang mga bara ko'ng ligaw? o ikaw? ilitaw, kung ganu katalim ang utak nang malaman na natin kung kanino ang pumapaklang, huwag na magyabang, narito ang blog kong hinugot lang ng aking utak ay hinubog lang tulad ni Dello ay nagbura pa ng letra at ito ay partida, kinulangan man ng letra ay hindi magigiba ang layunin ko na maiguhit ko ang laman ng aking damdamin, oo alam ko na kaya mong gayahin ang aking mga pahangin, madali lang naman ito gawin, yun ay kung makakabuo ka ng haraya na kakaiba ang dating...

Tulad ng pinto kahit hindi mo pininturahan gaganda ito depende kung paano at kaninong gawa ito hinango mo, kaya kahit na wala ang ikalabing anim na letra ng alpabetong Pilipino ay kaya kong makabuo ng blog na punong-puno ng hangarin na makapagbigay ng kwento na may kwenta at malalim ang mga pakahulagan, na para bang bugtong na ikaw ay mapapailing dahil di mo kayang maintindihan kung ano ang aking ibig tukuyin, ang punto ko lang naman ay ibahagi ang mga dahilan ko na katangi-tangi at mangyari lamang ang blog ko at gawa mo huwag mo na itong ikumpara, dahil kahit kelan hindi ito magiging pareho tulad ng mga daliri mo, kapareho ba yan ng mga daliri ko...

Ang aking Akda iyo ng gayahin, pagpaguran iyo ng pagpilitang tularan, dahil walang ganito na para bang halimuyak na binubuga ko lang, ang aking blog ay tinutula ko lang, ang aking pagiging makata ay natural na yan, di ako katulad niyo na nag-bubuhat ng bangko at nangangarap na aangat kayo, teka ilan kayo? Ang dami nyo, nagbibilang ako, mga mukha lang pala kayong mga banong nagbabalatkayo at nagbabalat lang pala kayo ng luya, huwag ka nang magulat, O narito ang panulat iyo nang itatak ang pagtugon ng paghamon na bumuo ng blog na walang, ako’y natatawa na lang, gumawa ka ng tulang kulang-kulang, hirap ka bang magblog ako nilalaro ko lang, kung di mo makaya huwag ka ng magyabang...


D"N


Para kay Idol Dello


Tuesday, July 12, 2011

Week Expression....

  



Saturday: Kakatamad pumasok....


Sunday: Nakakainis daming trabaho...



Monday: Ayoko na.. dami talagang trabaho...


Tuesday: Di bale... Wednesday na bukas... ehehheheh....


Wednesday: heheheheh....it's Wednesday... Restday na bukas...



Yehey Thursday na... yahoo...  2 days rest day ko...


Ay Friday na... may pasok na naman bukas... hayst....




I just received this in my email... I thought it would be fun if I blog it... eheheheh!!!!




Thursday, July 7, 2011

Knock Knock with Chelle


It’s really a great day for me today, paano naman kasi, pagkagising ko kaninang umaga isang masayang post sa FB Wall ko agad ang nabasa ko, it’s Ysabelle, nagpost siya sa wall ko… natawa na ako agad ng mabasa ko ang notification ko na andun ang name niya, kasi alam kong may kalokohan na naman itong babaeng ito.


Twalalala… di nga ako nagkamali… may bago na nama siyang kalokohan, may knock knock daw siya para sa akin… eheheheh… ayun oh!!! Napabulalas ako agad sa kakatawa kahit di ko pa alam kung ano ang knock knock niya para sa akin, kasi alam kong matatawa talaga ako sa mga banat niya… di ba nasabi ko na sa blog ko na super kulit namin ng mga kasama ko sa Magic Group ko tuwing may gathering kami… at super nagpapalitan kami ng mga knock knock.. parang right of passage na nga yun sa amin eh.. kung wala kang joke eh magtiyaga ka sa kakatawa sa mga kakornihan namin… ehehehehe… kung di mo pa nabasa ang post kong iyo eh basahin mo dito.

Bago pa pinalabas ang “My Amnesia Girl” eh uso na sa amin ang Knock Knock Joke na yan at mga Banat Statement, if I may remember it was Hyzel who started the Joke… I forget already what was his first knock knock to us.. but if I am not mistaken I think it was Kang-kong, Mais Halaman, he is also well known for his memorable quotes “Hi I’m Yours”… weeee…

Nakatatak na sa isipan ko ang mga banat ng mga taga TSC (the Sharon cuneta show… eh este The Story Cirle pala….)… super naging Masaya ako sa grupong ito.. masasabi ko na there is no DULL moment kapag kasama ko sila… malaki ang naitulong nila sa akin.. lalo na sa madramang buhay ko, kaya naman ng mabasa ko na may knock knock si Ysabelle para sa akin… ayun oh… kandarapa agad ako sa panood… wala pa akong hilamos niyan… ahahaahha..

Usually kasi.. sa FB lang kami nagna knock knock.. pero kanina.. ng sagutin ko ang kanyang post eh sinabi niya sa akin na mamaya daw gagawa siya ng video pag kasama na niya si Tryck.. pero nag-insist ako na gumawa na siya sa office nila at ayun oh!!! Gumawa naman agad siya… ehehhehe… buti na lang game din ang mga kaopis niya….



This is the Thread of my Wall...






Anyway here it is the hilarious knock knock video of Chelle a.k.a Ysabelle.



Oppsss… teka.. may knock knock siya.. hmmm… meron din ako no.. Gumawa agad ako ng counter attack para sa kanya.. ehehehe.. ito panoorin niyo.



Ito naman ang video ng una kong napanood ang knock knock niya sa taas… eheheheh…




Kayo may knock knock ba kayo? Share niyo naman….


By the way.. Chelle is also great Blogger.. you may follow her site here.



Thank you for coming..



D”N





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...