Showing posts with label Awards. Show all posts
Showing posts with label Awards. Show all posts

Saturday, October 6, 2012

Ako si Musingan, Laking Zamboanga City



Magulo, nakakatakot, madaming rebelde, madalas may barilan, kidnapan at kung ano-ano pang mga kaguluhan, marahil iyan ang maiisip mo kapag narinig mo ang salitang Zamboanga City, pero mali, walang katotohanan ang mga bagay na yan, hindi po ganun ang aking lalawigan, hindi po ganun ang pagkakakilala ko sa kanya, para sa akin, ito na po ang isa sa pinamagandang lugar na maipapakilala ko sa iyo, masaya at masarap mamuhay dito, binubuo ng isang makalumang kalinangan sa modernong panahon, napapalibutan ng ibat-ibang kultura at pananaw sa buhay, bilang tao at mamamayan nito, isa ako sa libo-libong Muslim na ipinanganak at lumaki sa bayang ito, dito hinubog ng aking mga magulang ang aking pagkatao,  inaruga at sinuportahan sa lahat ng aking pangangailangan, ipinakilala sa akin ang katotohanan at ipanakita sa akin ang kaibahan namin sa karamihan, masasabi ko na ako’y lumaki sa isang kulturang punong-puno ng kasaysayan at nabigyan ng isang prinsipyong kailan ma’y hinding-hindi matatawaran, ito ang aking kultura, ang kultura ng isang Tausug.


Sa totoo lang, galing ang mga magulang ko sa Jolo Sulu, pero mula pa noong 1970’s pinili na nilang manirahan sa Zamboanga City, dito na sila namalagi, dito na kaming lahat ipinganak at nakapagtapos ng pag-aaral, sa katuyan, nakapag-aral ako sa isang Jehovah School, kaya sanay akong makisalamuha sa mga hindi Muslim, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan ay isang Katoliko, at isa sa mga naging karelasyon ko ay isa ring deboto, tumagal kami ng halos siyam na taon, bago namin napagpasyahang maghiwalay na, masasabi kong masmarami akong kaibigan na hindi Muslim kaysa sa mga Muslim, ganyan kami sa Zamboanga, iisa ang ligw ng mga bituka namin, nagmamahalan kami, at nagtutulungan.

Simple lang ang aking lalawigan, simple lang ang Zambonga City, sentro ito ng lahat ng kalakalan mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o maskilala sa tawag na BASULTA, tinatawag din itong International Backdoor Entry, dahil meron kaming International Airport dito para sa mga eroplano at International Port Area naman para sa mga barko, meron din kaming Economic and Free Port Zone, para naman ito sa mga negosyante na gustong magnegosyo sa aming lalawigan, kilala rin ang Zamboanga sa makukulay nitong Vinta, ito yung mga bangkang may makukulay na layag, tinatawag din itong Sakayan sa salita naming mga tausug, bukod dito marami rin kaming mga pasyalan, tulad ng Abong-Abong (nasa paanan yun ng bundok), Pasonanca Park (parang little Baguio namin sa Zamboanga City), at syempre... higit sa lahat, marami kaming paliguan dito, mula sa  Swimming Pool at Beach Resort, kami rin ang may pinakamalaki at maraming pagawaan ng Sardinas, ilan sa kanila ay ang Family Brand Sardines, Mega Sardines, Ligo Sardines at Hakone Sardines, dito rin galing si Mayor Cesar Climaco, naging pelikula pa nga ito na ginampanan ni Eddie Garcia.

Marami rin kaming mga pinagmamalaking mga pagkain, tulad ng Tausug Satti (Satey), Jah (Lukot-Lukot), Tiyula Itom (Tinolang baka ito na itim ang sabaw at maanghang), Piyanggang Manok (Tulad ng Tiyula Itum, maitim din ito, pero walang sabaw), mura ang mga bilihin dito, lalo na kapag galing sa Malaysia, mura ang mga Prutas at Isda, masasabi kong napaka swerte ko dahil wala akong naging problema pagdating sa kainan, dahil, halos ordinaryo na lang para sa amin ang mga pagkaing tulad ng Lapu-Lapu, Blue Marlin, Alimango, Pusit, Hipon at kung ano-ano pang mga pagkain na galing sa dagat na karaniwan sa mamahaling restawran mo lang ito makakain dito sa Manila, pagdating naman sa Prutas, tulad ng nasabi ko, napaka mura ng mga ito at meron kang mabibiling prutas sa halos lahat ng sulok ng kanto.

Banana-Q – iba ang Banana-Q sa amin, ito yung matigas na saging na iihawin at papahiran mo ng margarine pagkatapos isasawsaw sa asukal, hmmm, sarap, yung Banana-Q naman na tinatawag sa Manila ang tawag namin doon ay REBOSAW, hindi ko alam kung bakit, basta yan ang tawag namin dyan, o hah.. saan ka pa.

BANKO – sinasabi nila, matatawag mo raw na maunlad ang isang bayan kapag marami ito banko, sa Zamboanga City, hindi lang isa o dalawang banko ang meron dito, kundi halos lahat ng banko sa Pilipinas meron na sa Zamboanga, isa itong patunay na maraming tao ang nagdedeposito ng kanilang mga pera, marami ring pwedeng itayong negosyo rito, isa na rito ang tinatawag naming Barter Trade, isa ito sa pinaka epektibong paraan ng paghahanap buhay, kahit sino pwede itong pasukin, basta umayos ka lang at huwag kang mandaya ng kapwa mo.

Isa sa mga ipinagmamalaki namin sa Zamboanga City ay ang tinatawag naming Pueblo, ito ang pinaka sentro ng Zamboanga City, nandito ang mga Mall, Department Store, mga restawran, sinehan, pelengke, mga opisina at iba pang mga establisyemento, kaya kadalas halos isang sakay lang lahat ng lakad dito, tatlo ang unibersidad namin, ito ay ang Ateneo De Zamboanga University, Western Mindanao State University at Unibersidad De Zamboanga, meron din kaming AMA Computer College at STI Collage, pagdating naman sa Hospital, hindi rin magpapahuli ang Ciudad Medical na kung saan e halos kumpleto sila sa lahat ng kagamitan, lima ang malalaking Hospital dito sa amin, meron rin kaming museyo, ito ay ang Fort Pilar Museum, isa rin ito sa mga makasaysayang lugar sa bansa natin, katabi naman nito ang Paseo del Mar, parang mini Baywalk namin sa Zamboanga, sa mga Hotel naman, tiyak mapapagod ka sa kakapili kung anong Hotel ang papasukin mo, dahil marami kami niyan.

At syempre ang pinaka importante sa lahat, ang WIKANG aming ginagamit, ito ang CHAVACANO, isang wika na kung pakikinggan mo e parang Espanyol ang dating, kapag nasa Pueblo ka tapos ipinikit mo ang mga mata mo tapos taimtim mong pakikinggan ang mga taong nag-uusap, malamang maiisip mo na “nasa mexico kana”, dahil kung pakikinggan mong mabuti, ang bawat salitang ginagamit sa Chavacano e parabagang salita na hinango sa Maxico, Broken Spanish ang tawag namin dito, katunayan tinagurian ang Zamboanga na “The only Asia’s Latin City”, dahil sa kakaibang wika na ginagamit namin, hindi lang chavacano ang maririnig mong salitang ginagamit dito, dahil kung nasa Pueblo ka, malamang may makakasalubong ka ring dalawang tao na nag-uusap gamit ang wikang tausug, bisaya, iyakan, paminsan-minsan maranao, at iba pang wika tulad ng mga wika na ginagamit ng Chinese, Taiwanese at iba pang lipi, ibat-ibang lahi ang naninirahan dito at iba-iba ang relihiyon namin, pero iisa lang ang tawag namin sa isat-isa “Bagay” ibig sabihin nun “Kaibigan” kung napanood niyo ang pelikulang "Bagong Buwan" ni Cesar Montano, ginamit nila ang salitang ito.

Huwag po sana nating paniwalaan ang isang balita na napapanood lang natin sa telebisyon o nababasa sa dyaryo, kadalasan, nadadagdagan po ang mga pangyayaring kanilang binabalita, wala pong gulo sa Zamboanga City at maayos po kaming namumuhay dito, sampung beses ko pong pipiliing manirahan rito kumpara sa ibang lugar.


Ako po si Musingan, at ito po ang aking lugar na kinalakihan.


Maraming salamat po sa pagbabasa.


Opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 2012.


Salamat sa mga sponsors



























Sunday, June 12, 2011

Dotcom


Wala na sigurong mas astig pa sa domain na Dotcom, lalo na kapag ang gamit mong domain ay ang sarili mong domain name, mas parang angat ka sa ibang blogger at astig, naks!!

Mula pa 1998 gusto ko nang magkaroon ng sarili kong website na gamit ko ang sarili kong domain, at mula pa noon ay talagang pangarap ko na ang gamitin ang www.Musingan.com bilang akong domain name, ang kaso, sa mga ganitong kalakalan, eh madalas kailangan mo ng Credit Card at dahil wala akong Credit Card, hindi ako nabigyan ng pagkakataong makabili ng sarili kong domain, wala rin web hosting company sa Zamboanga City, kaya hangang pangarap na lang ako.

2006 pa ako nagbablog pero nitong February 2011 ko lang sineryoso ang pagsusulat sa blog ko, at kasabay ng pagseryoso ko dito eh nabuhay ulit ang pagaasam kong magkaroon ng sarili kong domain at lalong tumindi ang paghahangad ko ng na magkaroon ng sarili kong domain ng makita kong meron ng bagong domain name si Raymond Diamante ng oneacreofdiamond para sa kanyang blog.

Kung tutuusin, mura lang naman ang domain name eh, makakakuha ka ng sarili mong pangalan sa halagang USD5$, ang kaso tulad nga ng sinabi ko, dahil saw ala akong credit card, eh hindi ako nabibigyan ng pagkakataong makabili nito online, kaya patuloy akong nanibogho kay Acre, hmmmp...

Until.

“The most interesting blog award” came na pakulo ni Roy, wow nabuhayana ko ng loob, sabi ko, ito na, ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon, kailangang makasali ako sa pakulo niya at masiguradong ako ang magwawagi, at hindi nga ako bingo ng tadhana, ako nga ang nagwagi, salamat sa mga bomoto.

Kahapon ko nakita ang resulta, masayang Masaya ako, at kasabay nito ay ang pagkataranta kung anong domain ang gagamitin ko, pero tinatanong pa bay un, eh simula’t-simula pa eh gusting gusto ko nang mabili ang www.musingan .com, kaya naman ng magemail sa akin si Roy ay hindi na ako nagdalwang isip pa na sabihing gusto ko www.Musingan.com.

Nyeheheheh….

Well hindi parin po ako makapaniwala at meron narin akong sarili Domain name.

Salamat po talaga ulit ng marami sa mga bomoto sa akin.

Salamat ulit ng marami sa TSC (The Story Circle).
Salamat sa Tausug Network na siyang nagbigay ng malaking puntos sakin.
Salamat sa mga ka-blogs ko lalo na kay Acre at kay Mommy Razz.
Salamat sa mga kasamahan ko sa villa na kahit ayaw nilang bomoto eh mawindang windang sila sa kulit ko...

At higit sa lahat... salamat kay Roy.. sa pacontest niya...


Hala dalwang beses na ako nagsulat ng ganito. ehehehehe..



Basta salamat.


D"N


Monday, May 30, 2011

Response to Abdul Hakeem's Most Interesting Blog Award

Ayan na… finally, after almost two weeks, eh napagdesisyonan ko na ring sumali sa pacontest ni Abdul Hakeem a.k.a Roy, opo!!! Talagang dapat may a.k.a. yan, kasi hindi ako sigurado sa totoo niyang pangalan, pero ang sigurado ako ay ang talagang pinag-isipan kong mabuti kung ipagpapatuloy ko ba ang pagsali sa pacontest niya o hindi, nang una ko itong mabasa ang unang naisip ko ay ang Ligaw na Damong si Bino, dati nagpacontest narin siya tulad ng ganito, sumali rin ako at hindi ako pinalad, kaya naman nawalan ako ng gana, nasaktan at nagpakalayo-layo, nagmukmuk at nagpaka-emo, naks, joke lang, ang nais ko lang naman ay ang magpangiti at sana ay napangiti ko kayo sa banat ko.



Sa buhay ko, maraming beses na akong sumali sa mga pacontest, karamihan sa paaralan namin, noong high school ako, isa sa mga di ko makakalimuatang contest na sinalihan ko ay ang “Singing Contest” weeee… joke lang po “Slogan Contest” po talaga yun, high school pa ako noon, Nutrition Month yun, Forth Year High School na ako, tulad nito, huling minuto na rin ako nagpasyang sumali, yun ay ng nahuli ng dating ang pambato namin sa contest na iyon, wala akong preparasyon, nakakuha pa ako ng 2nd placed sa patimpalak, naaalala ko pa ang slogan theme namin “Boto at Ngipin Patibayin Gatas ay Inumin” at ang drinawing ko ay isang bata na umiinom ng gatas sa tabi nito ay isang lalaking nagpapakita na malaki ang katawan niya dahil sa gatas at isang babae na nakangiti at pinapakita na maganda ang ngipin niya, parents daw niya iyun, parents daw ohh!!!!, hindi naman ako kagalingan sa pag-guguhit, avarege lang, pero sa di ko malamang dahilan, bakit 2nd placed lang ang nakuha ko? At noong tiningnan ko ang ginawa ng nakakuha ng 1st placed, nagulat ako, ang ginuhit niya ay mga prutas sa ibabaw ng lamesa, hinanap ko ang gatas pero wala akong nakita? Ano kaya yun? 

Sumali rin ako sa Webpage at Programming Competitions noong nag-aaral pa ako ng Computer Programming, naks Programming hah!!! Opo, may konti po tayong alam sa mga HTML na yan at mga Visual Fox pro na yan, weeeee,,, nanakuha po ako ng 1st placed dito, pero hindi ako satisfied sa nakuha ko, kasi una, tatlo lang kami ang sumali sa Webpage Competition na yun, “Ako” si “Bucoy” at si “She Who Must not be named” so natural, pagandahan na lang kami, dahil siguradong lahat kami ay panalo na, di ba, pagandahan na lang kami para malaman kung sino ang 1st, 2nd at 3rd sa aming tatlo, tapos pagkatapos ng competition sinabi sa akin ni “She Who must not be named” pinagbigyan lang daw niya ako, at gusto niya raw ako talaga ang manalo, ganun? Eh ako rin kaya, gusto ko rin kaya siya ang manalo, pero maspinapangit pa daw niya ang gawa niya, kaya ako ang nakakuha 1st, siya naman ang 2nd at si Bucoy naman ang 3rd. sa programming naman, hindi ako nakaabot, nagkalituhan na kasi sa oras eh, kala ko kasi 10am ang start ng competitions yun pala bago ako umuwi pinalitan nila at ginawang 8:30am. Kaya di ko nakita ang bagong time schedule. 

Sumali rin ako sa Magic Competition namin sa club namin, ang YSM (Young Society of Magicians), nakakuha ako ng 2nd placed na naman, at ayun, natatawa kaming lahat, pati ang nakakuha ng 1st place ay natatawa rin, kasi expected naming lahat kasama na ang sarili ko at yung host ay ako ang makakakuha ng 1st placed, kasi medyo variety ang ginawa kong magic, mula sa baraha, nagcoin ako at konting stage, pero aaminin ko, wala akong magandang patter sa magic ko na yun, pero maganda ang pagkakagawa ko, at yung nakakuha naman ng 1st place ay walang ginawa kundi ang magpatugtug ng nakakatakot na music background na ani mo’y entrance ni Undertaker sa WWE (a.k.a WWF), at magkwento ng magkwento ng nakakatakot, siya pa ang nakakuha ng 1st palced, kasi habang nagkukwento siya, ginawa naman niyang isang paro-paro ang isang daang piso na hawak niya at pinalutang ito at pinalipad. Pero yun lang ang ginawa niya, wala ng iba. Pero oks lang, kasi nalaman namin na masmaganda pala ang premyo ng 2nd placed kesa sa 1st placed. Oh hah.. di ba. Saka Kaibigan ko naman ang nanalo eh. 

So ayun, ito na naman ako at nakikibaka na naman ako sa patimpalak ni Abdul Hakeem a.k.a Roy na ang “Most Interesting Blog Award Contest” hmmm… sana naman makamtan ko ang 1st place para magka Dot Com na rin tulad ni Bino at ni Acre, o kung hindi man, kahit 2nd o 3rd place man lang, tapos sana convert na rin ni Roy ito sa Dot Com. Pero ang pinaka concerned ko ngayon ay sana nakahabol pa ang entry ko sa pacontest niya, kasi ngayon ko lang ding pinasa ang entry ko eh. 

So sa mga kablogs ko dyan, sa mga kaibigan at kaaway, sa mga kinaiingitan ko at naiingit sa akin, sa mga kakilala ko at hindi ko kakilala, kung halimbawa ay mapadpad kayo dito, paki boto naman po ang entry ko, paki pindot na lang po ito. and look for "Ang Dami mong Pasumangil sa Buhay: Salarin"


Maraming salamat po. 


Note: 

Curious lang po ako! ROY! If ever man mapadpad kayo dito? Do you mind? Are you a Muslim? Bakit po Abdul Hakeem ang blog url niyo? 


I respect kung ayaw niyo po sagutin. 


Lastly.... I wanna say Congratulations to all the participants...


May GOD ALLAH BLESS YOU and Your FAMILY.




Friday, March 18, 2011

The Stylish and the Seven Facts


Sometimes last year, I encounter the Stylish Award and 7 Facts Awards from another blogger, I don’t know what it is, Since then I keep on asking myself how can I get one of those awards.


This morning, SEY of 14th Street gave me this award, I was shock and smiling all day, because I am hoping for someone who will give me this, and now Yeah!!! The moment has come and by accepting this awards you have to share 7 unknown facts about yourself and you have to do the following.

1. Thank the person who gave you the award and link back to their blog.

2. Post seven random facts about yourself.

3. Pass on the award along to 15 other worthy bloggers.




Ok here are the seven facts you should know about me.

1. Just like SEY and Mayen, I too can’t sleep without any pillow in my head, I have to cover my head with a pillow or anything that is soft and made of cotton, ever since I was a child, this is already my hobby. 


2. I can’t sleep in a bed that has a bed sheet, whatever bed sheet you put on to my bed, expect me to throw it away or remove it before I go to sleep, I need my bed to be rough and smooth. I remember the first time I slept with ehem! my ex-boyfriend eh este I mean ex-girlfriend, I forgot to tell her that I can’t sleep in a bed with bed sheets on, so we have to divide the area of our bed, the first area is covered with bed sheet while the other half is tadaaannn...NO BED SHEET ON.. parang half moon lang.

3. I love tight boxer shorts so much, I rarely wears brief, I can’t sleep with pajamas on, I sleep wearing nothing on my body except boxer short, I always feels like I am sexy every time I am sleeping. I have dozens of boxer short in my closet (masmarami pa sa mga damit ko at pantalon).

4. I love Hot and Spicy food, I prepare the food with chilli or with saw-sawan made of Toyo and Suke na pinisaan ng Sili Labuyu with matching sibuyas and kamatis, if wala niya, I will make my own, actually I even put or tack chilli powder to any of my chatchiria like Boy Bawang, Chippy, Nova or Nagaraya, my ever favourite is V-Cut original flavour. That was in the Philippines, but here in Saudi I love Doritos and Lays French Cheese flavour with chilli powder of course.

5. Curry is the best food for me ever and ever after AMEN. All of us in the family loves curry, (from my Mother, Father, Brother, Sister, how do you brush your teeth, with family form) everyone. We just love Curry Food, because of my father, almost every day he always ask for Chicken Curry or Beef Curry, that is why that food became our most favourite food. Ehehhee.

6. I’ve already lost half a Million Pesos money of my parents, My mom was really angry with me by that time, I swear I didn’t meant it, who would want to lose that kind of money. But my parents are really one of the great parents in the world, when they saw me worried and depress and was about to lose my head of thinking how can I replace that money, they stop talking about that topic and up to now everyone in the family are prohibited to tackle about that. My Mom said to me, “if you win some you lose some, that’s the game of life, have patient and leave everything to ALLAH, you will earn that money again”.

7. I see dead people, Joke; likes ko lang gayahin si Mayen sa kanyang joke na I hear voices; I’ve auditioned myself to Pinoy Big Brother twice, Truelili?, Season 2 and Season 3, yeah!!! Pretty cool hah!, But I did not pass any of the screening, and I also auditioned myself to GMA’s Survivor Series (anak ng... lakas din ng tama mo no?) I ended up to second screening, but after that I failed.

I decided to give these awards to 9 bloggers only instead of 15, because almost of the blogs that I am following already received this. And also I want to know more about them. 

So here are the awardees. 

  I want to know more about Yulie thats why i am giving you this awards.

2. Lhuy - My_Journal
    I want to know if you are now ok with you Mom and also with SO.

3. Biboy - Adobo Photoshop
    Give us some more tips in photo.

4. Moks – MOKSWORKX
    I really like your works especially your movie updates. 

5. Kristia Maldita – Jolog’s Backpack
    I haven’t heard anything from you lately. 

6. Emanuel Mateo – Ang Ikalawang Paglalakbay
    You inspire me with your amazing life.

7. Arvin De la Peña – Written Feelings
    I want to hear more about your story.

8. Nelo – Paralibot
    After Macau where is your next Adventure?

9. Diamond - One ACRE of Diamond
    You always give us a good post everyday. 

NOTE: I was supposed to give Kamil, AKONI and MOMMY_RAZZ this awards but Mayen already gave them and also to Mayen but Sey already gave her. Parang jologs lang no...? but of course I still want to give them but toinks!!! Do they have to write another version of 7 facts? Well for me, no need.


And lastly from the bottom of my blog, I want to SAY thank you SEY for giving the awards, I really appreciate it. NAKS NAMAN.



D”N



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...