Showing posts with label Arts. Show all posts
Showing posts with label Arts. Show all posts

Tuesday, March 27, 2012

Bumabanner rin


Hephephep… ngumanga ka na nga muna… ehehehe… mahuhulaan mo kaya kung sino ang Prinsesang iyan??? “♫♫ Siya’y kilala niyo, siya’y kilala niyo, siya’y isa sa kapit-bahay, kapit-bahay ninyo….♫♫

Sinadya kong alisin ang kanyang pangalan sa Wallpaper para malaman ko kung mahuhulaan
niyo ba kung sino siya... click niyo na lang ang imahe para lumaki siya at mapagmasdang
mabuti ang kanyang taglay na kagandahan... sana sa ginawa kong ito... nakabawi na ako sa blogsary niya.


Guys and Gals, kamusta kayong lahat, namiss ko kayo, well ako naman e ok lang ako, ito at lalong pumupugeeee… nyehehehehe… nga pala nais ko lang kayong bigyan ng isang simpleng palaisipan kaya ako nagblog ngayon, sa huling update ko, pinakita ko sa inyo ang bagong banner ng blog ko na gawa ng kaibigan kong Graphic Artist, isang simple pero rock na gawa, sobra ko siyang nagustuhan, dahil since Friendster days pa ata e gustong-gusto ko ng gawan ng caricature ang mukha ko, ang kaso nga lang di ako marunong.

Kaya naman ng malaman ko na marunong pala si Frederick gumawa ng ganito, eh agad ko siyang pinakiusapan na kung maaari e papagawa sana ako sa kanya, dahil sa siya ay may busilak na kalooban at larawan ng isang mabuting mamamayan at lalakeng di makabasag pinggan e sumang-ayon naman agad siya, at tuwalalala, makalipas ang isang araw, meron na akong sariling banner na matatawag at may bonus pa, ginawan pa niya ako ng sarili kong logo, yahoo, ako na ang meron.

Pero alam niyo ba na ako ay isang model dyan sa Ermita, gabi-gabi nasa disco at nagpapabongga, e este inggitero nga pala, nang makita ko ang kanyang gawa, e inasam ko na agad na sana matutu rin akong gumawa ng katulad ng gawa niya, tulad nga ng sinabi ko, pangarap ko ito, pangarap ko ang maging isang magaling na Desktop Publisher o Graphic Designer, kaya naman ang ginawa ko, e pinag-aralan ko agad ang paggawa ng ganito.

Pero ang kaso wala akong materyales para makagawa ng cartonized pictures o caricature, hmmm, teka, magamit nga ang tinatawag nilang ABILIDAD, kung wala akong ADOBE ILLUSTRATOR, meron naman akong MS Power Point, nyehehehehe… opo mga kapatid, kaibigan at mga kabalitaktakan, MS POWER POINT po ang ginamit ko sa pagbuo ng banner na yan, nagsimula akong gawin ang korte ng kanyang ulo, tapos ang kanyang buhok, tapos ang kanyang mata, bago ko namalayan, natapos ko nang gawin ang kanyang pagmumukha (ahahahahaha), siya ang napili kong modelo dahil minsan na akong nabigo na iguhit siya ng isang magandang caricature, kaya naman hindi ko tinigilan hanggat hindi ko nakukuha ang tamang timpla ng aking mood, nag-ipon ako ng lakas ng loob upang sumabak muli.

Kahapon nga ng hapon, dahil sa wala akong magawa at ginagawa sa opisina ko, naisip ko na ito na ang tamang pagkakataon upang gawan siya ng isang magandang caricature kung caricature nga yan matatawag, at bago ko pa namalayan, ito sinusulat ko na ang aking naging karanasan sa pagguhit dyan, katakot-takot na sakripisyo ang ibinuhus ko dyan, pananakit ng likod, balakang, tuhod, siko, ulo, buti na lang may Alaxan FR, yahoo…. Nakakangawit din yan ng panga at kamay… tapos di pa siya ganun kaganda, pero ok lang, isipin mo naman, unang sabak ko palang yan at Power Point lang ang gamit ko, magtataka ka pa kaya kung bakit ganyan lang ang nagawa ko, hayst…

Anyway nais ko lang naman pahulaan sa inyo kung sino ang napakagandang binibini sa larawang iginuhit ko? Ang makakakuha ng tamang sagod ay dapat nakanganga buong araw, para malaman ng buong sambayanan na nahulaan mo kung sino ang babaeng nasa larawan.

Yung background nga pala…. Ninakaw ko na lang yan sa Internet.


Yahooo… salamat….




Wednesday, January 18, 2012

Clicks and Cuts (Caricature) 1st Blogsary



“Ang tao talaga nagbabago at kung minsan kasabay nito ang nararamdaman natin.”



Nakatatak na yan sa utak ko at marahil hindi na mabubura pa, isa yan sa mga kasabihan na lagi kong nililingon, isa sa mga kasabihan na nagbigay daan para lubos kong maintindihan ang lahat sa nangyari sa akin at ni “She who must not be named”, kung tatanungin mo ako kung ano ang isa sa mga bagay na natutunan ko sa pagboblog o kapwa ko bloggers, yang statement na yan ang sasabihin ko.



Sinundan ko siya dahil sa kanyang trabaho, ang pagbibigay kalinga sa kapwa, nagustuhan ko ang kanyang trabaho, dahil may karanasan na ako sa ganito, minsan na akong napunta sa “Home for the elderly” at masasabi ko na talagang nakakaawa silang lahat, sabi pa nga ng isang matanda doon sa akin “Alam mo kapag may panauhin kami, masaya talaga kami, dahil nararamdaman naming may nagmamahal sa amin, kasi ang family namin iniwan na kami”, nakapunta rin ako sa “Home for the Orphanage”, nakakaawa ang mga sanggol doon, para lang silang mga damit na nakadisplay at handang ibenta sa gustong bumili.


Isang Social Workers si Mayen na sobrang kikay, sa mga blogpost niya makikita mo ang kanyang kakikayan, isama mo pa dyan ang desenyo ng blog niya, isang Harry Potter addict, si SEY ay kanyang Evil Twin Sister, BWAHAHAHAHA (Joke!) syempre may BF na siya… yun ay si Pareng Acre eh este si Jed pala si “JED”, nadrong lang ako… nadrong… nako Pareng Jed… pasensya kana sa gawa ko.. mukhang nagkaletse letse na mukha ng Prinsesa mo sa drawing ko… but anyway… it’s the thought that counts…. Ehehhehe…


So paano Happy 1st Blogsary sa iyo…. (sorry for being late.)




http://janemayen.blogspot.com/



Babuuuussss Eklabussss….



Salamatus….


Wednesday, January 4, 2012

Abstract (Simply relax)


This is my first approach to abstract drawing… just a simple color interpretation of woman in naked I found over the net…. I hope you all like it… I am deadly serious about making it to Art Industry, last night I was busy looking for an online forum that gives a hint and tips on how to become an effective Artist, I know I still have much to learn, but it’s ok… I am on my way now to pursue my childhood dreams (naks!!! joke).

  

In this picture you shall see a woman in naked scene who seems to be relaxed while sitting in one corner, behind her is a curtain and a flower base with a flower on it, in her right side is a display of sculpture made of stone.




With constant practice... I know I can do it...



Well that’s all from me now…
  




Thank you for coming.




D"N


Monday, December 26, 2011

Caricature ni Matata (1st Blogsary ni Akoni)


Una sa lahat nais kong sabihing PAKSYET ka AKONI, muntik na akong mahuli ni Mr. Abdulmajeed Alkhamis sa pagguhit ng mukha mong kay panget…at sa pagbibilang kung ilang ngipin meron ka sa harap... hayst.. kung hindi lang sa nalalapit mong blogsary hindi ko itataya ang maliit kong bayag (meron ba ako nun?) para iguhit ang mukha mong parang itlog ni Piolo Pascual, pero syempre… dahil sa blogsary mo at hiniling mo naman na gawan ka ng masahe este mensahe pala.. eh syempre matitiis ba naman kita… alam ko naman na may utang pa ako sa iyo na isang post.. yung Birthday mo… di kita nagawan ng kung anong kaek-ekan sa Adobe Photoshop… tinatamad din kasi ako noong mga panohong iyon eh… saka sira din ang Adobe Photoshop ko sa opis, kaya kahit gustuhin ko man di rin kita magagawan… sa bahay naman… eh masgusto ko pang manood na lang ng porno kesa ang gumawa ng kung ano-anong anek-anek sa kompyuter ko…. hayst…





Pero symepre sa pagkakataong ito.. di ko ito palalampasin… at para makabawi narin sa pagkakautang ko sa iyo… and since wala akong adobe sa opis tulad nga ng sinabi ko…. Eh ipinagguhit na lang kita ng kare-kare eh I mean caricature, kahit na alam kong hindi ako marunong… ehehehehe….pero pinilit ko pa rin… para lang sa iyo…  Wala ako idea sa katawagan na yan not until I heard it from Big Brother (naks… english po iyon….), inutusan niya kasi si Erica na gumawa ng caricature ng mga housemate ng Team Wayuk eh at si Deivine naman ang gumagawa para sa Team High Voltage… doon ko lang narinig ang termino na iyan, pero ganon pa man… kay Anthony Andres naman ako unang nainspired na gumawa ng caricature… astig din kasi ang batang iyon.. ang galing talaga niya… anyway… ano nga ba ang Caricature?

Ayon kay wikiki..

Caricature:

A caricature is a portrait that exaggerates or distorts the essence of a person, animal or object to create an easily identifiable visual likeness. In literature, a caricature is a description of a person using exaggeration of some characteristics and oversimplification of others.

Caricatures can be insulting or complimentary and can serve a political purpose or be drawn solely for entertainment. Caricatures of politicians are commonly used in editorial cartoons, while caricatures of movie stars are often found in entertainment magazines.

Ayun naman sa MS Word.. ang other thesaurus term for caricature is Sketching, Drawing, Picture at Skit… Ahhh yun pala ang caricature… ehehehe… ay ewan…mapa lang naman ako eh…as in mapahaba ko lang ang post ko…ehehehe kahit ano pa ang gusto mong itawag dyan… basta para sa akin… drawing yan.. drawing… drawing.. in tagalong guhit ehehehhe… anyway… ano nga ba ang masasabi ko kay Akoni? Hmmm… teka… mahigit isang taon na pala tayo magkakilala no? at mahigit isang taon mo na pala akong inookray…ikaw akoni hah…akala mo hindi ako nakakahalata… ehehehehe… si AKONI!!!! magaling yan magsulat.. kaya niyang magsulat mula sa unang letra ng alphabet hanggang sa huling titik nito… kaya rin niyang magsulat ng mga numero, minsan nga gumagawa pa siya ng sarili niyang letra na kung saan siya lang ang nakakaalam kung anong letra iyon… magaling din siyang magblog hindi nga lang halata… dahil sa puro kapilyuhan ang mababasa mo sa mga sinusulat niya… may mga sinulat din siya na naging paborito ko rin.. yun ay ang Dear Diary niya at Babae, nais niyang makagawa ng aklat… gusto niya kasing maisalibro ang kanyang obra na “Kapitan Sinu”.. kaso ninakaw ni Bob Ong ang obra na iyon, isinumite sa publisher na Visual Print at inangkin na siya ang nagsulat.. kaya napilitan si Akoni na magsulat ulit ng bago, yun na ang “Kapitan Bola”, Kapitan parin ang ginamit niya… para pareho daw ng rangko ni Kapitan Sinu… ehehehhe… naging super mega hit yan sa mga fwens niya dito sa Saudi at sa Amerika… ayaw ko kay Kapitan Bola kasi inaagawan niya ako kay Liwanag… paborito ko kasi si Liwanag eh.. kada labas ng serye na iyan sa aming Outlook eh inaabangan ko ang paglipad ni Liwanag… baka sakaling masilipan ko ng panty… Uu Outlook.. as in MS Outlook… sa MS Outlook niya unang pinublish yan bago niya dinala sa blog world.




Speaking of Blog World… alam niyo ba na ako ang nagsign up ng blog para kay Akoni, nalaman ko kasi na meron siyang librong “Kapitan Sinu” dahil sa curious (naks curious oh!!!) ako kung anong klasing libro yun, nanghiram ako sa kanya… sabi niya sa akin… “Ok pahiramin kita, pero may kapalit”… kinabahan naman ako sa sinabi niya… syempre hindi kami talo sister… ehehehehe… pero buti na lang ng malaman ko kung ano ang kapalit ng paghiram ko ng libro niya nakahinga na ako ng malalim … pahihiramin lang daw niya ako kung mangangako ako na di pwedeng mapako na tulungan ko daw siyang makagawa ng sarili niyang Blog. Ayos… walang problema… kahit sampung blog pa yan akoni… basta pahiramin mo lang ako ng “Kapitan Sinu”… ako na ang bahala sa paggawa ng blog mo….

Actually ako ang kanyang unang followers sa kanyang blog… makalipas ang ilang linggo.. nang bumisita ako sa blog niya… meron na siyang ibang followers... yun ay sina Kamil, Iyakhin, Kiko at marami pa… syempre natuwa naman ako kasi mukhang masaya siya sa kanyang ginagawa. At heto nga… nagulat ako… nalalapit na pala ang kanyang unang Blogsary…. Kaya naman… hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ako ang unang makabati sa kanya ng HAPPY 1st BLOGSARY sa iyo AKONI naway marami pa kaming mga kapilyuhang mababasa galing sa guni-guni mong ligaw at giniling na utak…




Trivia… alam niyo ba kung ano ang apilyido ni AKONI? Ehehehehhe
               Sagot: MATATA…. AKONI MATATA (Means no worry)



Hala siya… mag aayos pa ako… lapit na uwian….




visit niyo si AKONI dito AKONILANDIYA...



Salamat sa pagbabasa...



D"N





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...