Showing posts with label Love story. Show all posts
Showing posts with label Love story. Show all posts

Wednesday, April 20, 2011

Eva Paano Ka Ginawa (Unang yugto)

Hindi ito ang simula, pero nais ko lang na ito ang gawing simula ng aking mahabang kwento tungkol sa aking buhay pagibig. NAKS… kapal ko no.. para namang sabihing makulay ang aking buhay pagibig? Ehehhe,

Anyway…. simulan na natin.

Tulad ng isang ibong malaya, tulad ng isang napakagandang lawa, umibig siya ng walang hinihintay na kapalit, kasiyahan lang ng mahal ang kanyang sambit, ipinaglaban at walang kinilalang takot, walang kapantay na ligaya sa kanyang puso ay makikita, sadyang pinagtibay at pinagpala.

Tulad ng isa sa mga kanta ni Ogie Alcasid, “Bakit ba hindi ka nakilala ng ako’y malaya pa, at hindi ngayon ang puso ko’y may kapiling na”, minsan ko na itong naranasan, sa gitna ng aking pakikipag relasyon kay “She who must not be name” sa di sinasadyang pagkakataon, at parang ika'y nilalaro ng panahon, may isang makilala, at sa unang pagkikita, may pag-ibig na nadarama, Opo!!! itago na lang natin siya sa pangalang “LALA”.

2007, Unang araw noon ng aking Call Center training sponsored by TESDA, lumabas ako ng training center at pumunta ng corridor, nagmasid sa ganda ng Ateneo De Zamboanga Back Field, dumungaw sa baba at pinagmasdan ang mga jeep na dumadaan nang makita kong pumara ang isang tricycle at bumaba ang isang napakagandang anghel, naka bistida siya na parang Jumper style na polka dots at kulay blue, super kikay sa ayos, may dalang isang shoulder bag na maliit. 

Nasa third floor ang training room namin, pero buhat sa kinatatayuan ko, masisilayan mo  parin ang kanyang kagandahan, makikita mo ang kayang kinis, para sa akin, masasabi kong maganda ang isang babae o isang tao ito ay kung sa tuwing ngingiti siya ay maaaninag mo rin ang ngiti sa kanyang mga mata.

Bumaba agad ako, upang makasalubong ko siya, at mapagmasdan ko rin ang kanyang ganda sa malapitan at tama nga ang hinala ko, kamukhang kamukha nga niya si “Anne Curtis”, 90% na para silang pinagbiyak na bunga, sa loob loob ko’y sana makasama ko siya sa Training ko sa taas. Patay malisya akong dinaanan siya sa hagdanan, kunwari wala lang, kunwaring di ko siya napansin, bumili ako ng ballpen kasi naalala ko rin palang wala akong dalang ballpen, pero ng bumalik ako, naroon parin siya nakatayo sa hagdanan, tila may iniisip at nagdadalawang isip na pumanhik.

Naglakas loob akong kausapin siya, “Are you here for the Call Center Training?”, “Yes” sagot niya sa akin, “Marami na bang tao sa taas?” tanong naman niya sa akin, “Ahhh!! Uu.. magsisimula na nga tayo” tuwa at sabik ang aking naramdaman, “Thank you, kasama ko siya”.

Halos sabay kaming pumasok sa loob ng silid, tama lang, at magsisimula na kami, isa-isa kaming pinatayo upang magpakilala sa klase, at duon ko nalaman na tulad ko’y isa rin siyang Muslim, Business Management Graduate at  higit sa lahat wala pang asawa, Yahooo!!!! Sigaw ng puso ko.

Unti-unti kaming nagkakilala at unti-unting naging close sa isat-isa, slowly but surely nahuhulog ang puso ko sa kanya, masasabi ko na parang isang teenager na ngayon lang umibig, ganun ang nararamdaman ko para kay “LALA”, bawat araw na lumilipas, bawat minutong magkasama kami, lalong tumitindi ang aking nararamdaman para sa kanya.

Malabing siya, makulit din katulad ko, matalinong katulad ko, eh este, di pala ako matalino, siya lang pala, isa siya sa mga Deans List Student noong nagaaral pa siya, super fluent kung magEnglish, huuuwaaaahhhtttt!! Bakit ka pa ba nagcallcenter training eh ang galing mo na pala, mabait, game sa lahat ng bagay at higit sa lahat, tulad ko siya ay “TAKEN NARIN”, yun lang ang naging problema naming dalawa.

Minsan nalate siya ng dating sa aming klase, sabi ng mga kasama ko, halata daw sa akin na may hinihintay, at hindi mapakali, AMINADO AKO DOON, dahil sa totoong lang, inaabangan ko ang kanyang pagdating at umaasa na sana hindi siya umabsent, ahhh!!! Bakit ba ganito, ayaw ko nito, ayoko, “HINAHANAP-HANAP KO NA SIYA”, what the….. pero makalipas ang halos dalawang oras, nakita ko nang kumakatok na siya sa pinto at bumabati sa amin  ng "Hello" sabay nagsorry at nahuli daw siya ng dating, kasi may importanteng inasikaso, simpleng ngiti lang ang sinukli ko sa kanya, pero sa loob loob ko’y akin na ang mundo. Hahahahaha!!!!

Minsan naman ako ang nahuli ng dating, may kinailangan akong puntahan, mga halos dalawang oras lang din, ng dumating ako sa aming Training Room, siya agad ang hinanap ko, ayun nasilayan ko sa kanya ang pananabik, naupo ako sa tabi niya at binate siya ng “Good Afternoon”, ngumiti siya sabay tapik sa aking balikat at sinabing “You know what, If I don’t get to see you in a day, just for a minute, It seems like I’m already missing you” Oh!!! Haaa!!! Memorized ko pa yang sinabi niya, magkahalong saya at galak, yahoo!!! Alam kong In-love din siya sa akin.

Kung ano-anong kwentuhan ang pinaguusapan namin, mga walang kwentang bagay, pero ewan ko ba kung bakit ang saya namin, simpleng tawa at halakhak, simpleng ngiti na tunay namang nagbibigay ligaya sa amin, kahit sa gitna ng klasse namin, nagpapalitan kami ng sulat, notebook niya ang gamit namin, naguusap kami duon, halos mapuno ang note book niya, magsisimula akong magsulat ng simpleng “I Miss you” at sasagot naman siya ng “I Miss you too” at hahaba na ng hahaba ang usapan namin, bago matapos ang klasee, naka walong pahina na kami ng kanyang notebook.

Masasabi kong isang tunay na ligaya ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa, walang kapantay, walang katulad, bawat sandali na magkasama kami, lahat ay masaya, pero sa gitna ng kasiyahan na aming nararamdaman, may isang babae na siyang naghihintay ng aking tawag, isang babae na siya kong naging best friend, katropa, kakampi at higit sa lahat, isang babaeng minahal ko ng higit pa kanino man.

Dumating kami sa punto na alam naming mahal na namin ang isat-isa, pero kailangan naming gawin ang tama, kailangan naming isuko ang isat-isa, wala mang “ILOVEYOU” na lumabas sa aming bibig, yun naman ang ipinapakita ng aming mga kilos at gawa, walang makakapagsabing hindi namin minahal ang isat-isa, sa loob ng tatlong lingong nakasama ko siya sa training, nasabi kong MAHAL KO NA SIYA.

Dalawang linggo matapos ang aming training, hindi parin ako mapakali, kailangang makita ko siya, kailangang makausap, kailangan kong malaman ang totoo, yun man lang, masaya na ako, naglakas loob akong puntahan siya sa kanila, kinausap, “PARA ANO PA AL?” sagot niya sa akin ng tanungin ko siyang “MAHAL MO BA AKO, KAILANGAN KONG MALAMAN”, ayaw niyang sagutin, nagmamakaawa siya, “Huwag na natin saktan ang mga sarili natin”, pero bago ako umalis hinalikan ko siya, In Her Lips YO!, saka ko siya binulungan nang “ILOVEYOU”, niyakap niya ako ng napakahigpit at sinagot ng “MAHAL DIN KITA, PERO KAILANGAN NATING LUMAYO SA ISA’T-ISA, PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT”.

Masakit ang paghihiwalay naming yun, Saksi ang buwan at mga bituwin dyan, pero wala kaming pinagsisisihan, dahil alam namin ginawa namin ang tama, tanging mga kaibigan lang namin ang naging saksi sa aming pagmamahalan, at hindi na namin ipinaalam sa iba, dahil alam namin na wala ring makakaintindi.

Muli naming hinarap ang aming sarili, at muling binalikan ang tunay na nagmamahal sa amin, sa tuwing naaalala ko siya, napapangiti parin ako, walang pagsisisi akong naramdaman, walang guilt sa puso, walang galit, at higit sa lahat, walang panghihinayang, dahil alam namin ginawa namin ang tama.


Ngayon kasal na sila ng kanyang napakabait na syota, may isang anak, at nakatira sa isang masayan at maayos na tahanan, masaya ako para sa kanya, para sa kanilang dalawa. MASAYANG MASAYA. At alam ko, alam niya yun.


Salamat sa pagbabasa.



Itutuloy…




Wednesday, October 14, 2009

The Lady and I

The Lady and I
By: Ditz

They say that true love comes only once
Maybe it’s true because I felt that love before

In my life I truly fell in love only once
But our religion makes it complicated
I have truly learned to accept her and so as she
But the people around us kept us apart
And I don’t know why

I am a Muslim and she’s a Christian
I met her long time ago in the university where I studied
She’s a brainy beautiful girl both inside and out
Friendly yet snub to anybody who fooled her around
She’s funny and has a good sense of humor
You will truly like her attitude
Specially when she looks at you and says
“I’m sorry I didn’t mean it”
She’s a supportive and a good sister to her siblings
And a loving daughter to her parents

She can always make me smile
In her own simple way
She always cheer me up
When I feel blue
She’s always there for me
When time is gray
She can turn everything white
When everything is dark
She’s the most loving person I’ve ever met
Caring, thoughtful, understanding and charming
A real beauty of an angel

Again our religion makes it complicated
And the people around us kept us apart
And I don’t know why
Though we both truly love each other
And accepted our difference
Still everything is not easy for us
Because the people around us kept as apart
They don’t understand or they don’t want to understand
People are to judgmental, they don’t care about our feelings
No matter how we tried to explained
Still they say we are wrong
We’re not meant for each other


They don’t know that she’s the one who
Carries me every time I fell down
She helps me to become the person I am
She’s my angel; she’s the love of my life
And again our religion makes it complicated
And the people around us kept us apart
And we don’t know why

She’s nothing but every mans dream
She is my happiness, she’s my life
Everything about her is my interest
She is my hobby
Her looks could captivate your heart
Her lips could seduce your soul
I am nothing but a prisoner of love
Every time I held her in my arms
I fall in love again

Then one rainy Saturday afternoon
She hugs me tight, she hand me a letter
And kiss me good bye
She turns around and walks away
Full of tears in her eyes
Then I read her letter
This is what she has to say
“For 6 long years I have truly love you
Accepted you for what you are
Understand your inner thought
Thank you for loving me too much
Thank you for becoming my man
Thank you for everything
I love you very much
But our religion makes it complicated
And the people around us kept us apart
And I don’t know why”

Now I have lost that relationship
But still I am dreaming and hoping that
Someday it would be us again
Because I have truly love her and accepted her
And so as she, I know that someday we will meet again and
I wish everything would be all right then


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...