Febrero 15, 2006, ito ang unang beses kong lumakad ng hindi ko kasama si Khalid, naaalala ko yun, dahil Valentines day yun kahapon, maaga akong umalis ng bahay, dahil may job interview ako sa isang kumpanya sa may Ortigas, alas dos ng hapon ang ibinigay sa akin na schedule at alas dyes pa lang ng umaga umalis na ako ng bahay, sa Taguig lang naman ako nakatira, sa Maharlika Village, pero dahil sa takot akong ma-late maaga akong umalis ng bahay, hindi ko pa kase kabisado ang takbo ng traffic at hindi ko pa kayang e-manage ang oras ko, dahil alam kong baka matraffic kase Schooldays noon, kaya maaga ako umalis ng bahay, at ito rin ang unang beses kong pupunta ng Ortigas ng hindi kasama si Khalid, at talagang ako lang mag isa, kaya naman kailangan kong agahan ang pag alis ko, para hindi ako malate, kase kailangan ko pang hanapanin ang opisinang aapplayan ko.
Mula sa titinirahan ko, sumasakay ako ng tricycle papuntang FTI at mula sa FTI sumasakay naman ako ng Bus papuntang Ortigas, ganoon ang routine ko sa pagcommute.
At hindi nga ako nagkamali, matraffic ng noong araw na iyon, nasa may Magallanes na ako, ng maisipan kong e-review ang kahapong isinulat kong mga sagot sa mga posibleng itatanong sa akin ng interviewer, kaya naman kinuha ko ang aking maliit na notebook at binasa ang mga ito.. tahimik at taimtim akong nababasa at kinakabisado ang bawat linya ng mga sagot na isinulat ko ng may bigla akong narinig na nagsisgaw sa loob ng Bus, isang lalake, matangkad, naka-kalo eto at naka polong pula at puti naman ang t-shirt niya sa loob, naka maong at may dalang papel, galit itong nagsisigaw sa loob ng Bus, akala mo may kaaway, hindi ko na matandaan ang mga pinagsasabi ni manong, basta ang natatandaan ko nalang eh yung naramdaman kong takot sa mga sandaling iyon, para akong isang batang takot na takot sa tahol ng isang aso, o kaya isang daga na humarurot sa takbo dahil sa takot sa pusa, muntik pa akong mapaihi sa pantaloon ng biglang lumapit sa akin ang mama at magtanong na kung ano na ba daw ang napatunayan ko sa sarili ko, hindi ako makasagot at hindi makaimik, gusto kong sabihing “wala akong alam dyan, hindi ako ang pumatay kay RIZAL, maawa ka lubayan mo ako” ganon ang takot na naramdaman ko sa sarili ko, ano ba eto? Bigla kong naalala ang mga napapanood kong mga balita sa telibisyon, nababasang mga balita sa pahayagan.
“isang Bus sa kahabaan ng EDSA, sumabog, dalawamput-tatlo ang nasawi sa nasabing insedente.”
“Oh!! Katapusan ko na”. eto ang mga pumasok sa isipan ko, agad akong nagdasal at humingi ng tawad sa sa mga kasalanang nagawa ko, ng mapansin kong mukhang ako lang ang natakot ng ganon sa lalake, at lahat ng mga nakasabay ko sa Bus noon ay walang imik at tahimik lang sa loob ng bus, napansin ko pa ang dalawang magsyota na naglalambingan sa likod ko at tila walang pakialam sa mundo, habang sa kabilang upuan ay abala naman ang isang lalake na kinakausap ang kanyang kausap sa kabilang linya ng kanyang hawak na cellphone at maging ang kundoktor ay abala sa pagbibigay ng ticket sa mga pasahero at walang pakialam sa nagsisigaw na lalake, at wala rin pakialam ang Bus driver at patuluy lang eto sa pagmamaneho na tila bang may sariling mundo, “ano ba ito” tanong ko sa saril ko, pinagtuunan ko ng pansin ang lalakeng galit na nagsasalita sa gitna ng bus at sa wakas sa unang pagkakataon ay naintindihan ko ang kanyang sinasabi.
Manong: Tama na, sobra na, Palitan na, walang nangyari sa mga ipinangako nila sa atin, reforma sa lupa, pagtaas ng sahod ng mga manggagawang Pilipino, maraming trabaho sa mga kababayan natin, magandang edukasyon.
kung ano ano pang kanyang pinagsasabi, napansin ko rin ang nakasulat sa kayang t-shirt na “union ng mga Pilipinong Manggagawa ng kung ano man yun ay hindi ko na matandaan”.
Myembro pala siya ng isang Union ng mga mangagawa na humihingi ng konti tulong sa mga nakasakay sa Bus. Halos himatayin ako sa takot kanina at ngayon naman halos himatayin ako sa tawa sa katangahan ko, kung katangahan man yun na maituturing, hindi ko pa kasi na engkwetro ang ganito sa Zamboanga City, at eto ang unang beses kong ma-engkwetro ang ganitong eksena, mas-nakahinga ako ng malalim ng ibigay sa akin ang isang sobre at sabihin sa akin
Manong: konting tulong lang po sa mga kapatid nating nakikibaka para sa ating kapakanan.
Napangiti ako, agad akong kumuha ng pera sa bulsa at naglagay sa sobre at isinauli ko agad ang sobre sa kanya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa sarili ko, matatawa o maaawa, dahil sa nangyari, ganito pala dito sa manila, iba iba ang gimmick ng tao.
Nang makauwi ako ng bahay, naghihitay na si Khalid sa akin, kase ginabi ako, nagaalala na ang lahat, kase baka naligaw na daw ako, pero na kumatok na ako sa bahay, napa hinga na nga malalim ang lahat, at nag umpisa nang magtanong kung anong nangyari sa lakad ko, at syempre, sa awa ng Diyos hindi parin ako natangap sa inapplayan kong Call Center sa Ortigas, tigas kase ng mukha ko, alam ko namang hindi ako fluent mag English pero apply parin ako ng apply sa Call Center, at nang ikwento ko ang nangyari sa Bus lahat sila tawanan, at dito na nag umpisang nag kwento sila isa-isa sa mga nagging experience nila sa bus. Hindi lang pala ako ang nagiisa ang nagbiktima sa ganitong pangyayari, marami pala kami.
Hindi lang isang beses ko na engkwetro ang ganitong eksena sa Bus, maraming beses narin, at sa tuwing nakakaingkwentro ko ang ganitong eksena, hindi ko maiwasang hindi matawa sa naging reaksyon ko sa unang beses ko na kainkwentro ang ganito, napapailing ako at napapangiti mag isa, ang sarap kase balikan ang pangyayaring iyon, ang sarap ikwento.
Maraming kumpanya pa ng callcenter ang inapplayan ko sa Makati at Ortigas, pero talagang hind ako natatangap, dahil siguro sa hindi ako fluent mag English at talagang may punto parin ako kung magsalita, puto, accent kung baga, kaya naman parating hindi ako na tatangap sa mga Callcenter na inaapplayan ko, kaya nag pasya akong lumihis ng landas, habang hinihintay parin ang pagakaroon ng slot na panlalakeng trabaho sa agency ng kaibigan ang aunty ni Khalid, nag umpisa akong mag hanap ng ibang trabaho, yung hindi callcenter, bumili ako ng dyaryo at sa classified adds ako nag hanap-hanad, at sa wakas may natipuhan akong Job opening dito, isang Sales Representative ng isang encyclopedia book, ang St. Scholastic, tamang tama, dahil may karanasan ako sa ganitong uri ng trabaho, minsan na akong nagtrabaho sa Kuala Lumpur bilang Sales representatives ng isang kilalang children learning program, ang Magic English ng Walt Desney, pero dahil sa wala akong working visa, hindi rin ako nagtagal, at makalipas ng isang buwan, kinailangan ko nang umuwi ng Pilipinas, dahil kung hindi madedeport ako pag nagkataong nahuli ako ng Pulis na walang Visa. Social visit lang kase ang visa ko noon, at hindi working visa. Kaya nagpasya na akong umuwi ng Pilipinas.
Nang mabasa ko ang Job Openning sa dyaryo, hindi na ako nagdalawang isip, at nag bihis agad ako, dahil alam kong malaki ang tyansa kong matagap dito, dala ang aking resume, suot ang aking polo at slack, pumunta na ako ng Makati, nasa may Pasay raod na ako ng inabutan ako ng ulan, kaya nag hintay muna ako sa loob ng Glorieta Mall na tumina ang parang nananadyang ulan, pero magdadalawang oras na ay hindi pa tumitigil ang ulan, at para bang pinipigilan ang aking pag aapply, nang makita kong parang humina na ang buhos ng ulan, nagmadali na akong pumunta ng Pacipic Star Building. Medyo mamawis mawis ako sa kakalakad at hinihingal, dahil malayo rin ang nilakad ko, pag dating ko ng lobby, agad na sumalubong sa akin ang magandang babaeng naka tayo sa front desk.
AL: Miss! Pwede mag anong, anong floor ang St. Schlastic?
Receptionist: 22nd floor po! Bakit po yun?
AL: mag aapply sana ako eh!Receptionist: ahh sir sarado po sila ngayon?AL: ahh, sarado? Bakit kaya?
Receptionist: kase po sabado ngayon at half day lang po sila, kung gusto niyo bumalik na lang kayo sa lunes!
AL: Ah! Sabi ko nga, dumaan lang kase ako para malaman ko kung anong flor sila, para kung mga apply ako sa lunes ay hindi na ako mahirapan, nasa may Guadalupe lang kase ako, sa bahay ng kaibigan ko, kaya na isipan ko daanan na lang, para malaman ko kung anong floor sila. Sige salamat hah!
Hindi ko alam kong matutuwa ako o maiiyak, bakit ba kase hindi ko naisip na Sabado pala ngayon, correct naman ang date sa cellphone ko, teka correct nga ba?
Kinagabihan, tumawag ang tatay ko, at nagpapasundo sa Airpor, darating daw siya, at kinbahan ako, kase halos dalawang buwan an ako sa Manila, ay wala paring linaw kung makakaalis ba ako papuntang Saudi, at wala rin akong trabaho, samot-saring sago tang dumapo sa isipan ko kapag nagtanong na siya kung kamusta na ang aking kalagayan dito, at kung anon a ang nangyari sa inapplayan kong trabaho sa Saudi.
Kinabukasan, alas sais pa lang ng umaga umalis sinundo ko na si paps sa airport, alas dyes pa naman ang dating niya, pero maaga parin akong umalis ng bahay, alas otso nasa airport na ako, naghihitay, naka-upo ako sa waiting area at tahimik na naglalaro ng snake sa aking cellphone, alas dyes dumating nga ang eroplanong kanina ko pa hinihintay, at makalipas pa ang ilang minuto, nakita ko na ang aking ama, nagmano ako at tahimik na kinuha ang kanyang bagahe, kmusta boy, tanong niya sa akin, hindi ko alam kong ano ang isasagot ko, kaya tinanong ko nalang siya, kung saan kami tutuloy, sa YMCA daw, sa likod ng SM Manila, ito kase ang madalas niyang pasuking hotel, kumuha na ako ng taxi, at sumakay na kami. Habang nasa taxi, wala akong imik, natatakot kase ako nab aka magtanong si paps, tungkol sa nangyaring pagaapply ko papuntang abroad, siya a naman ang ayaw na tumuloy ako ng Manila, dahil alam niyang wala ring mangyayari sa akin, kase hula niya na hindi ko rin ito seseryosohin, kaya naman, kinakabahan na ako.
Pagdating naming ng hotel, tahimik akong pumasok sa room na kinuha niya, ito ang ikalawang beses kong makapasok dito, ang una ay noong 2005 nang makasama ako sa kanya sa pag hatid ng mga na-retreave na ballot boxespara gagamitin sa recounting ng Election Return na pinoprotestahan ng natalong Congressman ng Tawi-Tawi, agad akong nahiga at nagpsawalang kibo, wala namang tanong si paps, at nagyaya pa itong kumain sa SM Manila, kaya nman napanatag na ang kalooban ko, hanggang sa kinagabihan, doon na rin kase ako natulog sa kanya, akala ko kase makakalusot na ako, pero nagtanong parin siya sa akin, at wala akong nagawa kundi ang sabihin ang totoo, after all, dib a sabi nga nila, the truth shall set you free, naunawaan naman ako ni paps, at sinabing, hayaan mo at darating din ang para sa iyo, pero basta huwag mong pabayaan ang sarili mo, at maghanap ka lang ng trabaho. Sa pagkakataong iyon, ay nabuhayan na naman ako ng loob at lumakas din ang apog ko na humingi ng extra budget sa kanya, kase ang naiipon kong pera, ay paubus na, at binigyan naman niya ako, tatlong araw lang si paps sa Manila, at umuwi na siya ng Zamboanga, may inasekaso lang kase siya.
Masaya akong umuwi ng Taguig, dala ang pasalobong na Maggi Kari sa akin ni paps, isang uri ito ng Maggi na gawang Malaysia, at ang flavor niya ay kari, manamis-namis na maanghang ito, masarap at kakaiba ang lasa, sa lahat ng Maggi ito ang paborio ko, marami kang mabibili nito sa Quiapo ang kaso naman ay mahal, halos triple ang ibabayad mo para sa isang Maggi. Pagdating ko ng Taguig, agad nagtanong si Khalid tungkol sa nagging tanong ni sa akin ni paps, at ikinwento ko ang nangyari. At pag kadinig ni Khalid, isa lang ang nasabi niya, “wow, it’s now or never na naman, tomorrow never dies” tawanan na kaming dalawa.
ABANGAN......
Hello po. Saan po makakabili ng Maggi Kari sa Quiapo? Pls. po reply kayo... wala po kasi kaming mabilhan dito sa Manila, sa Zamboaga lang po kami kumukuha dati :) thanks po
ReplyDelete