(Sinulat ito ng isang espesyal na kaibigan....
si Tol... isang babaeng nakilala ko sa isang
liblib na lugar sa Robinson Equiptable Tower
ng Ortigas noong January 2006....
Tol ang tawagan namin.)
"Para kay Tol"
Mahimbing ang tulog sa malamig na gabi;
Nang biglang may tumunog sa akong tabi;
"Umaga na ba? ang aking nasabi
Kinapa ang cellphone na may pag aatubili.
Kinuha ko ang cellphone at ito ay tinitigan;
Habang tumutogtog ito'y pinakikinggan;
Hanggang sa maisipin na ito'y sagutin na lamang.
Magkahalong asar at antok ang aking naramdaman.
"Ba't napatawag anon gang dahilan?
Tanong ko sa tumatawag na aking kaibigan,
Ala daw magawa at nangaasar lang
Si Tol, Abnormal, Aldisher ang pangalan.
Alam kong may problema kahit di nya sabihin
Kahit tumatawa sya at nagbibiro sa akin
Makalipas ang ilang minuto, sinabi nya rin
Tungkol sa pamilya, sa kanya at mga saloobin.
Naalala ko noong una ko syang Makita
Nakaputing polo at may lalaking kasama
Sa tingin ko ay kaibigan namalapit sa kanya
Ngunit ang sabi ko, "Jowa mo ba sya?
Hangang sa kami ay tawagin
Para sa interview namin
Natawa ako ng kanyang baybayin
Sa harap ng interviewer ang napakahaba nyang salaysayin.
Sya pala si aldisher na isang muslim
Makulit, pandak at mejo maitim,
Mejo mayabang din sa unang tingin
Pero sa pangalawa at pangatlong tingin,-- mayabang pa rin.
Mabilis lumipas ang ilang buwan
Hanggang sya ay maging malapit kong kaibigan
At bigyan sya ng pagsubok na mahirap lampas an
At saksi ako sa bawat oras ng kanyang kalungkutan.
Nakasanayan na atang tumawag kapag may problema
At naksanayan ko na rin ang makinig sa kanya
Damayan pag sya ay may probleama,
At samahan tuwing nag-iisa
Madalas sa starmall kami magkita
Para magpaturo ng pagmamagic sa baraha
Minsan sa megamall, foodcourt, sa may greenich pa talaga,
Doon tumatambay, nagmamagic sa barya.
Minsan gumawa ako ng pasalubong sa kanya
Makunat at napaka tigas na yema,
Kapag daw kumapit sa ngipin nya
Dalawang araw ng nakalipas, nakakapit pa.
Maraming mga araw na kami ay Masaya
Lalo na tuwing kami ay magkasama
Kung may pasalubong sya, malimit ay yema;
At hati sa ulam kapag walang pera.
Magpaalam man at lumikas
Pagkakaibigan naming ay walang wakas
Magkahiwalay man kami ng landas,
Alam naming magkikita pa rin kami,
kundi man ngayon sa darating na bukas...
sarap naman basahin ng blog mo!~
ReplyDeletedto nga ako tambay pag wa magawa!~
~michu