Sunday, February 14, 2010

Probinsyano in a BIG CITY (Ang kwento ni Manila Boy) Kabanata II

Probinsyano in a BIG CITY (Ang kwento ni Manila Boy) Kabanata II

--------------------------

Enero ng 2006, eto ang ikatlong beses kong makapumunta ng Manila, at sa pagkakataong ito, ako na lang mag isa, hindi ko na kasama ang tatay ko, plano ko noon mag apply papuntang abroad. Lulan ng barko, tumulak ako papunta sa noo’y akala ko’y bansa, ang Manila, Magkahalong sabik at tuwa ang nararamdaman ko, may konting takot din, kasi ito ang unang beses kong makapunta ng Manila na walang kasama. Habang nasa biyahe, naglalakbay na ang aking diwa sa mga kwentong aking narinig noong bata pa ako, kaya naman hindi rin maalis sa akin ang kabahan dahil alam ko rin kahit paano, magulo rin dito at nakakatakot, implowensya ito ng mga napapanod kong balita sa telebisyon. Isang gabi at dalawang araw ang tinagal ng aming paglalakbay, at talagang nainip ako sa taas ng barko, kung pwede ko nga lang liparin, tulad ng mga superhirong napapanod ko sa telebisyon, talagang ginawa ko na, kaso wala akong magawa kundi ang magtiis, gusto ko sana mag eroplano, ang kaso naman mahal masyado ang plane ticket sa mga panahong iyon at barko lang ang kaya ko, at total kako hindi naman ako nagmamadali, kaya naman nag pasya na akong mag barko.

Makalipas ang dalawang araw, narinig ko na ang kanina ko pang hinihintay na marinig.

Front Desk: Mga minamahal po naming panauhin, naka daong na po tayo sa Puerto ng Manila… maraming salamat po sa inyong lahat, maaari na po kayong bumaba.

At nang marinig ko yun, abot na hanggang tenga ang aking ngiti, agad kong kinuha ang aking bagahe na kanina pa nakaayos, at nakipila na ako sa mga taong bumababa ng barko, palibhasa high pride, hindi ako nagpahalata na ako’y walang alam sa Manila kunwari sanay na sanay na ako magtungo rito, at kunwari hindi na ako nasasakbik na makapunta rito, hindi ko makalimut-limutan ang mga sandaling eto, dahil may tatlong prbinsyana pa ang natanong sa akin.

Probinsyana: Kuya ano po ba ang sasakyan namin papuntang Cavite, mula dito?

Al: ah, maglakad lang kayo palabas, marami na kayong masasakyan papuntang Baclaran, mula sa Baclaran pwede na kayong sumakay papuntang Cavite… pero miss… hindi ako sigurado ahhh…yun lang ang pagkakaloam ko…

Nagpasalamat sila sa akin at tumuluy na, hindi nila alam na narinig ko lang yun sa kaninang katabi kong akomudasyon sa barko, Sumama na ako sa kanila palabas ng Puerto, at malayo pa, nakita ko na ang aking kaibigan na kanina pa naghihintay sa aking pagdating.

Pareho kaming sabik makita ang isat-isa, at hindi pa man kami inabot ng limang minutong magkasama, ay agad na itong nagkwento pa tungkol sa mga kalokohan at mga masasayang nangyari sa kanya dito sa Manila, wala akong ibang nasabi kundi “patay, at sa tingin ko, walang mangyayaring mabuti sa atin dito” at ang kanyang sinagot ay ang walang kamatayang “AL! it’s now or never, tomorrow never dies” isang expression na mag mula pa noong college ay parati na naming sinasabi sa isat-isa, kapag may plano kaming gumimmick at magwala, pag ka ganon na ang sagot naming sa anu mang tanog, ibig lang sabihin ay dapat hindi na pag isipan ang ano mang planong gagawin naming dalawa, “it’s now or never, tomorrow never dies” yan ang aming prinsipyo, mula sa pier ay naglakad kami papalabas, nakita ko agad ang noo’y naririnig ko lang na pangalan ng isang Hotel, ang Manila Hotel, mula sa labas ng pier ay sumakay kami ng jeep papuntang taft avenue, at nag kape at arroz caldo sa isang bukas na carenderia dito, habang hinihigop namin ang mainit na kape at nilalamasak ang masarap na arroz caldo, ay nagsisimula na si Khalid mag kwento sa mga naging karanasan niya sa pag hahanap ng trabaho, lalo na sa Call Center, “Call Center” naririnig ko lang ang pangalan na Call Center, pero wala akong idea kung ano ito, kung anong klasing trabaho ito, basta mataas daw ang sweldo at pang-gabi ang shift mo, at syempre na inganyo naman ang probinsyano, sabik na mag apply dito, pero si Khalid, hindi parin nakalusot ang pagiging Playboy nito, dahil habang nagkukwento ay hindi parin na kaligtaan ang bangitin ang mga chicks na kanyang nakilala dito, yan ang aking kaibigan, playboy daw, gigolo ang tawag ko sa kanya.

Pag katapos naming lamakin ang masarap na aroz caldo ni manang, ay sinabi na niya sa akin ang aming magiging tirahan, totoluy kami sa bahay ng kanyang Aunty na recruieter pa papuntang Saudi, sinabi na niya sa akin na dapat marunong akong makisama, at magtiis, wala namang magiging problema sa akin, dahil strike anywhere ako, ito ang natutunan ko sa Tawi-Tawi, dapat marunong kang makibagay, dapat marunong kang makisama. Sa Taguig daw kami titira, sa Maharlikha Village, isa yan sa mga sikat na pangalan na karaniwan ko lang naririnig, at ngayon mapupuntahan ko na rin, at makikita ko na ang tinatawag na Maharlika Village.

Akala ko malapit lang ito, akala ko isang sakay lang kami, nag kamali pala ako, dahil mula Taft, ay sumakay kami ng isang pampasaherong jeep papuntang Edsa, at mula Edsa naman ay sumakay ulit kami ng Jeep papuntang FTI, at mula FTI sumakay naman kami ng Tricycle papuntang Maharlika Village, marahil napansin ni Khalid na parang napagod ako sa kakasakay at kakababa at kakalipat-lipat namin ng sasakyan, kaya sinabi niya sa akin na dapat daw akong masanay, dahil karaniwan na sa Manila ang mga dalawa o tatlong sakay sa bawat lugar na gusto mong puntahan, minsan daw ay sobra pa sa tatlong sakay. Alam ko naman na ganito dito sa Manila, pero hindi ko inaasahan na ganito pala at nakakapagod, pero alam kong masasanay din ako, kahit nga noong nasa Tawi-Tawi pa ako, palipat lipat din kami ng sasakyan, sa bawat pag punta namin sa isang lugar, pero hindi pang kalsada, kundi pandagat na sasakyan, dahil mga isla ang pinupuntahan namin.

Makalipas ang halos dalawang oras, nakarating na kami ng Maharlika Village, mga alas siete na ng umaga kami dumating, agad kaming pinakain ng kanyang aunty na kanina pa ring naghihintay sa aming pagdating, naabisuhan na kasi niya na may makikitira sa kanila, at pumayag naman ito, dalawang magasawa na parehong may mabuting kalooaban, si kuya at si ate ang tawag nila sa mga ito, may mga ilang babae rin nakatira sa kanya na pareho nilang magasawa kinakargo ang lahat ng gastusin sa bahay, ito ang mga DH na nagpapahanap ng trabaho sa kanila papuntang abroad, ganito daw sa bahay nila, samot-sari ang nakatira, lahat, mga naghahanap ng trabaho papuntang abroad, karamihan ay mga DH at waiter, at isa na ako doon.

Pag katapos naming kumain, kinausap ako ni ate, kung anong trabaho daw ang gusto kong applayan, sabi ko naman kahit na ano, basta makaalis ako pa puntang Saudi, binigyan niya ako ng papel, listahan ng mga requirements na aking kakalanganin, para makaalis ako papuntang abroad at sa Lunes daw ay isasama niya ako sa Mabini, para makilala ako ng arabong nagmamayari ng Employment Agency. Pero ngayon magpahinga na muna daw ako at namumula na daw ang aking mata, marahil sa antok, dahil hindi ako nakatulog nang maayos sa barko, Agad naman akong na-excite sa sinabi niya.

Nagyaya akong matulog kay Khalid, dahil sa tutuo lang talagang inaantok ako sa mga oras na iyon, at pagod na pagod, mga dalawang gabi na rin akong hindi maayos ang pag tulog, pero nang makapag pahinga kami, balisa parin ang aking katawan, hindi parin ako makatulog, marahil ay naninibago ako, mga alis dose, nagyaya na si Khalid lumakad, at hinhintay daw kami ng isa pa naming katropa noon sa Zamboanga, si Nur, isang Airforce official na siya ngayon, at naka destino sa Villamor Air-base, isa si Nur sa tropa ko noon sa college, pero ngayon isang responsable Airforce na at may awasa na siya at anak, at muli nagpalipat lipat na naman kami ng sakay hanggang makarating kami ng Villamor, nahilo ako at hindi ko na matandaan kung ano ano pa ang sinakyan namin, at kung papano kami nakarating sa Villamor.

Pagdating namin doon, nakita ko agad ang tropa ko, Masaya kaming nagkamayan at nagkamustahan, at agad na nagyayang mananghalian, dahil hindi pa daw siya kumakain, dahil hinihintay daw niya kami. Pagkatapos namin kumain, bumalik kami sa opisina niya at doon masayang binalikan ang mga ala-ala na minsan naming pinagsaluhang magtropa noong nasa Zamboanga pa kaming pareho, ang mga kalokohan at gimmickan noong nasa kolehiyo pa kami, alas singko, nagyaya na siyang umuwi, at nagpalipat lipat na naman kami ng sakay, nakakahilo at nakakapagod, hindi pa nga ako nakakabawi sa antok ko, ito at pagod na ako, at inaantok, nang makarating kami ng Taft avenue station, doon na kami nag hiwalay, pero bago noon, ay pinakain muna kami ni Nur sa Jollibee, bago ito tuluyang magpaalam, yun ang huli naming pagkikta ni Nur at hanggang ngayon hindi na kami nag kita pang muli, nawalan na kami ng komunikasyon sa isat-isa at hindi na rin ako nakadalaw sa kanyang mga magulang noong nasa Zamboanga ako noong 2007, pero alam kong ok na ok parin siya.

Nang makaalis na si Nur, nagyaya naman si Khalid na puntahan ang isa niyang kaibigan, si Munib, isang Law Student sa Baste, na nakakabatang kapatid naman ng katropa namin sa high school na kababata ko naman mula pa noong grade one, si Munir, sa Sampaloc ito nakatira, kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na babae na nag aaral din dito, bata pa man ako, pangarap ko na ang makapag aral ng Kolehiyo sa Manila, pero hindi ako napag bigyan, pero ganon pa man, naging Masaya rin naman ang aking pag-aaral sa Zamboanga City, at nakatapos din ako.

Mabait si Munib, at magaling makisama, mature kong magisip, pero may kakulitan din, ibang klase, astig kung tawagin namin siya, durug kung sa tausug, mga alas siete na kami ng gabi dumating ng sampaloc, agad akong pinakilala ni Khalid kay munib, at agad naman akong nagkwento na matagal ko na siyang kilala, dahil nasa elementarya palang siya sa Zamboanga ay kilala ko na siya, grade six kami ng kuya niyang si Munir ay nasa Grade four naman siya, at adviser niya ang nooy English Teacher naming, na si Mrs. Sinsuan (kamusta na kaya yun?) nagulat ito at natawa, dahil nagkwento pa ako sa kanya tungkol sa kakulitan niya noon sa elementarya, at tulad ng sinabi ng pinsan ko noong makapunta ako ng Kuala Lumpur at tumira sa kanya, sabi niya sa akin, “Al! hindi ko akalain na makakasama kita dito sa Malaysia balang araw,” at ganon din ang sinabi ko sa kanya, “hindi ko akalain Munib na makakasama kita dito sa Manila balang araw” natawa lang siya at sinabing, “ako rin tong” tong? Yan ang tawagan namin sa isat-isa nina Khalid at Munib, nanood kami ng telebisyon habang nagkkwentuhan sa kanilang salas, at hindi namin namalayan na alas dos na pala ng madaling araw, napasarap ang aming kwentuhan, pero ako, hindi ko na makaya pa, at tuluyan na akong nakatulog, at ayun sa nalasap kong balita, naghihilik daw ako ng malakas, at pinipilit daw akong gisingin ni Khalid, para makipag wentuhan, pero si Munib na daw ang nagsabing hayaan na daw akong makatulog dahil mukhang haggard na haggard na daw ang mukha ko.

Alas dose na ng tanghali kami nagising, masakit ang aking ulo, marahil sa sobrang puyat at sobrang tulog ko, nagluluto na si Munib noon ng pananghalian, habang si Khalid ay nasa labas naman at naninigarilyo habang katext ang nakilala niyang chicks noong makaraang umaga ng sunduin niya ako sa pier, “kamusta ang tulog” sabi sa akin ni Munib, “masakit ang ulo ko” sagot ko naman sa kanya, nagyaya siyang kumain at sinabihang maligo na daw kami dahil, punta daw kami ng Makati, kasi makikipag kita daw siya sa kanyang kasintahan, “Makati” agad naman akong nasabik, dahil ito na ang ikatlo kong punta ng Manila, pero hindi pa ako nakakapunta ng Makati, ang tanging napuntahan ko noon ay ang Palacio del Gibernador na opisina ng comelec sa Intramurous. Kaya naman ako na ang unang naligo sa kanilang dalawa, dahil sabik akong makita ang mukha ng Makati, ang tanging alam ko, ito ang sentro nang kapitalismo sa bansa, maraming naglalakihan at naggagandahang gusali dito.

Pagkatapos naming maligo at magbihis, naglakad kami pa puntang Lacson Ave. nadaanan namin ang Dangwa, itinuro ni Munib at sinabi niya na tuwing araw ng mga Puso at Patay, maraming binebentang bulaklak dito, at sa loob loob ko, hindi pa nga araw ng mga puso, ay marami ng binebentang bulaklak dito. Mula sa Lacson Ave. sumakay kami ng pampasaherong Jeep papuntang tayuman, at bumama kami sa LRT station, at sumakay ng LRT papuntang Gil Puyat, na kinulit pa ako ni Khalid, inobserbahan niya kung marunong ako, gumamit ng ticket ng LRT, pero nagkamali siya, dahil nasanay na akong sumakay ng LRT sa Malaysia, nasa underground pa ang LRT dito, subway train kung tawagin nila doon, at hi-tech pa ang pag bili ng ticket dito, katulad ng napapanod ko sa Holliwood na parang ATM yung pag kuha ng ticket dito, meron din tayo nito sa MRT, pero hindi lahat ng station ay mayroon nito.

Pagdating namin ng Gil Puyat, bumaba kami at sumakay na naman ng isa pang Jeep, at bumaba kami sa Palanan, ganyan at karaniwan na tatlong sakay ang sinasakyan namin bago kami makarating sa lugar na gusto naming puntahan, nakakapagod at nakakahilo. Pag dating namin sa bahay ng kanyang kasintahan ay pinakilala agad ako ni Munib dito, mabait at maganda ito, maasikaso at malambing kay Munib, agad din kaming umalis at namasyal kasama ng kanyang kasintahan, sumakay kami ng bus, papasok ng Makati, at sa wakas sa kaunaunahang pagkakataon, nakita ko ang ganda ang Makati, ang unang gusaling tumambal sa akin ay ang RCBC Plaza, pero ang talagang umagaw sa atensyon ko ay ang gusaling may nakasulat na People Support at Covergies, “wow” sa loob loob ko, “ito na siguro ang opisna ng isa sa mga Callcenter na binabangit sa akin ni Khalid kahapon ng umaga ng sabado ng snduin niya ako sa pier” maganda ang Makati, at marami ngang magagandang gusali dito, noong unang beses kong makarating dito, naalala ko agad ang naging buhay ko sa Kuala Lumpur, naalala ko ang Petronas Twin Tower, ang pinaka matayog na gusali sa buong mundo. Bumaba kami ng bus at pumasok sa isang mall, agad kong nakita at nabasa ang pangalan nito, GLORIETA – I, astig, at kinilig akong makapasok dito, madalas kasing may dalang pasalubong na mga damit, pantalon, perfumes at kung ano ano pa ang tatay ko sa tuwing nakakauwi siya galing Manila, at ang ibang supot nito ay may pangalang glorieta, kaya naman sabik akong makapasok dito at makapamasyal, nag-ikot ikot kami, nag window shopping at nagpalipat lipat ng store dito, teka, hindi ko na matandaan ang una at huli naming pinasukang store dito, basta namasyal kami dito, tapos lumipat kami ng gusali at nakita ko ang pangalan, Landmark, ah isa na namang kilalang department store, tapos noon pumunta kami sa isa na namang gusali, at nabasa ko ang pangalang Greenbelt, “wow” at excited na naman inyong bida, at natatawa lang sa akin si Munib at si Khalid, ganyan daw talaga ang mga unang salta, talagang naeexcite sa lahat nang nakikita, tawanan lang kaming tatlo ng tawanan, at halos lahat ng makitang kong babae ay nagagandahan ako at nasesexyhan, mas natawa si Munib sa akin noon, nasa may Alaya Station na kami at kumain kami sa Food stand doon, sa Balot Eggspress, at habang kumakain, sinabi ko kay Munib na napanood ko sa telebisyon ang documentary tungkol sa Balot Eggspress at sinabi kong nakaka inspire ang kwento, nagulat pa si Munib noon at nasabing “wow” at nanonood ka pala ng mga documentary sa telebisyon.

Habang namamasyal, hindi ko naisawang sabihing, “ang daming tao dito, nakakahilo” at katulad ng sagot ni Munib kay Khalid ng minsang sabihin din ni Khalid ang linyang sinabi ko, sinabi naman ni Khalid na “at dumagdag ka pa,” tawanan agad silang dalawa, at ipinaliwanag naman ni Munib na minsan daw, si Khalid ang nag sabing maraming tao daw dito sa Manila at siya naman daw ang nagsabing dumagdag pa daw si Khalid, at ngayon ako na man daw ang nagsabi at si Khalid naman daw ang sumagot sa akin ng ganoon, at darating daw ang araw na ako naman daw ang sasagot ng ganon sa sinuman ang makakasama ko na probinsyano rin daw katulad naming tatlo, at napangiti lang ako at napaisip, marahil tama nga siya.

Lunes na kami nakauwi ng taguig ni Khalid, pero bago pa man kami umuwi, dumaan muna kami ng Escolta, kasi nagyayayang mag apply si Khalid sa isang local manpower doon, at habang nasa loob kami ng opisina, may tumawag naman sa akin sa cellphone, isang Call center representatives at inaayayahan akong pumunta ng office nila sa Ortigas kinabukasan, pagkatapos naming mag usap ng babae sa kabilang linya, Masaya naman akong nagkwento kay Khalid na tumawag na ang isa sa mga callnecter Company na inapplayan namin sa Internet kagabi bago kami matulog.

Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Khalid ng bahay, at pumunta ng Ortigas, para puntahan ang kahapong tumawag sa akin na Call Center Company, sa totoo lang, kinakabahan ako sa mga sandaling iyon, dahil hindi ko alam kong ano ang trabaho ng isang Call Center, wala akong idea, basta ang alam ko lang kailangang fluent ka sa English, at yun ang wala sa akin, nakakaintindi at nakakapag salita ako ng English, pero hindi ako fluent, kaya ako kinakabahan, at ito rin ang unang beses kong mag apply ng trabaho sa Manila.

Equiptable Tower, 23rd Floor, Convergies, ito ang unang company na tumawag sa akin at nag-imbita para sa isang initial interview, alas dos ng hapon ang schedule na ibinigay sa akin, at ala una pa, nasa Robinson’s Mall na kami, at nagpapalamig ni Khalid, pareho naming hindi kabisado ang ortigas, at pareho naming hinanap ang Robinson Equitable Tower at sa awa naman ng Diyos makalipas ang halos dalawang oras ay natagpuan namin ang hinahanap naming gusali, mula sa One San Miguel avenue na yun lang ang tanging alam ni Khalid na puntahan at babaan, ay natungo namin ang gusaling kanina pa naghihintay sa aming pag dating.

Habang nasa lobby ng Convergies, ay nakilala ko ang isang makulit na babae, isang maganda, mabait at sexing babae, ayun sa kanya (itago na lang natin siya sa pangalang TOL) mabit daw siya, maganda at sexy, ewan ko lang sa kanya, basta yun ang tingin niya sa sarili niya, pero ang tawag ko sa kanya ay isang halamang ligaw, kung may damong ligaw, siya naman ang halamang ligaw, si TOL, nakasabayan ko siya sa interview sa Convergies, at pareho kaming hindi nakapasa, walang problema sa akin, dahil ito naman ang unang beses kong nag apply at hindi naman talaga ito ang priority ko, kundi ang pag aapply papuntang abroad, sinubukan ko lang naman, no heart feelings kumbaga, hiningi ko ang number ni TOL, bago kami naghiwalay, at mula noon naging matalik ko nang kaibigan ang bakulaw na iyun, Oo, bakulaw nga siya, “a bak” ang pangalang naka save sa phone book ko noon para sa number niya, pag kalabas namin ng equiptable tower, pumunta na kami ni Khalid ng Mega Mall, at nag ikot-ikot dito, at katulad sa Glorieta, para akong isang batang paslit na sabik na sabik sa lahat ng nakikita ko sa loob ng Mall, at talagang lumalabas ang aking pag ka probinsyano, at natatawa lang sa akin si Khalid, at kahit ayaw niya, paminsan minsan, lumalabas din ang kanyang pag ka probinsyano, na eexcite din siya, well talagang ganyan ang buhay.

Habang naghihintay ng slot na panlalake na maaapplayan papuntang abroad, marami pang Callcenter ang inapplayan naming, at makalipas ang halos dalawang lingo, nakuha kaming pare sa inapplayan naming local telemarketing sa Makati, siguro naawa na sa amin ang Human Resource, pano naman kasi, mula Pasay Raod, bumaba kami ni Khalid, at nag-umpisa nang mag lakad at hanapin ang isang gusaling nag-ngangalang Begunde Tower, at sa di ko malamang dahilan, lahat ng napagtanungan namin, ay hindi alam kong saang lupalop ng Makati nakatirik ang nasabing gusali, meron nga bang gusaling nagngangalang Begundi Excutive tower, yan ang tanong ko sa sarili ko, kasi naman kanina pa kaming alas dose naghahanap at nagpapaikot ikot ni Khalid sa Makati, at nagtatanong tanong, pero hindi naming matagpuan ang nagtatagong pag-ibig este gusali, marahil giniba na ito pag katapos ng Martial law. Pero hindi pala, nasa Washington street lang pala ito ng Makati, at mag-isang nakatayo malapit ng West land center, at kanina pa pala ito naghihintay na makarating kami. At narito lang pala siya at tahimik na nagmamasid sa aming pagdating.

Alas tres na ng hapon ng aming matagpuan ang gusaling kanina pa kaming hinihintay, pag dating ng lobby ng opisinang aming sadya, naupo kami, habang inuusisa ng guardyang naka bantay sa mga papasok at papalabas ng opisina, gulat ito at halatang naiintriga sa aming itsura, pawisan ako sa aking pulong itim, habang si Khalid naman ay halos makatulog sa pagod sa pag ikot-ikot sa paghahanap sa nasabing gusali, nagtanong siya kung bakit ganoon ang aming itsura, nang sabihin namin na nilakad at hinanap pa naming ang Bergundi tower mula Pasay raod kanina pang alas Dose, halos himatayin siya sa gulat, at sinabing Cut Off na kami sa mga applikante, bumalik na lang kayo bukas, pero marahil na awa siya, kaya naman pinuntahan niya ang HR at sinabing may dalawa pang humabol sa Cut Off at kinwento na halos himatayin kami sa kakahanap namin sa Burgundi Tower, agad namang pumunta sa amin ang HR na si Mrs. Mayumi, at kinausap kami, magpahinga muna daw kami, at bibigyan niya kami ng initial interview pag kalipas ng biente minuto, sa totoo lang habang pinapatay namin ang oras, nakatulog kami sa lobby, at natawa naman ang guard nang pukawin kami ni Mrs, Mayumi para mag conduct ng initial interview, pareho kaming nakapasa ni Khalid at nakapasok bilang telemarketer sa isa sa mga opisina sa Burgandi Tower, yun din ang unang trabahong napasukan ko sa Manila, isang lingong training ang ibinigay sa amin ni Mrs. Mayumi, at pagkatapos noon ay binigyan kami ng exam, 150 items at nakakuha ako ng mataas na puntos, 75 yun passing, si Khalid ay nakakuha lang ng 65 na puntos, bumagsak siya, pero sabi ni Mrs. Mayumi ay bibigyan daw siya ng isa pang pagkakataon, para makapasa, may dalawang araw pa siya para mag review sa exam, at tinuruan ko siya, kasi sa Lunes pa naman ang Exam niya ulit, kaya naman todo aral si Khalid, at pagdating nag examination days, talagang malaki ang tiwala ko sa kanya na makakapasa siya, wala kaya siyang ginawa kundi ang magreview ng mga lessons namin last week at ang ipapalabas lang din sa exam ay pareho lang din ng ibinigay sa amin noong biyernes, kaya naman, kumpiyansang kumpiyansa talaga ako sa kanya at ganoon din si Khalid, chicken nalang talaga sa kanya ang exam. Pag dating namin sa office, nagkaroon pa kami ng 30 minutes orientation saka kami pinakilala sa aming magiging supervisor, at makalipas ang dalawang oras binigyan na ng exam si Khalid, isang oras na examination, siya lang mag isa sa loob ng isang maliit na silid sa malapit sa kinauupuan ko. Nakikita ko pang nakangiti lang ang aking kaibigan, kaya naman kampante na ako na makakapasa na siya sa ikalawang pagkakataon, at ng matapos na ang exam, pinahintay siya ng 30 minutes saka binigay sa kanya ang kanyang test paper, at “twala” 65 ulit ang nakuha ni Khalid na puntos at ang lahat ng nakuha niyang tama at mali yun din ang nakuha niyang tama at mali sa huli niyang exam. Walang nagbago sa kanyang puntos, walang nagbago sa kanyang sagot, yun parin ang sagot niya at yun parin ang mga naging mali niya.

At tulad ng inaasahan, kapag hindi pumasa si Khalid sa ibinigay sa kanyang chance, ay tuluyan na siyang hindi tatangapin sa telemarketing, at yun nga ang nangyari, natangal lang din siya, at ako naman si tanga, nang hindi na siya matangap, hindi na rin ako pumasok, bagkos ay dumeretso kami sa taas at nag apply sa ibang telemarketing doon, at pareho kaming tangap sa opisinang iyon. Mga isang lingo rin ang tinagal namin doon at hindi na kami ulit pumasok, wala lang, hindi lang namin nagustuhan ang supervisor namin, At doon din namin nakilala ang isa sa mga naging kasintahan ni Kahlid, si Lesley, isa sa mga natawagan naming at inoffer ng credit card at kumuha naman, naging magkatext ang dalawa at naging mag syota, hindi na ako magkokwento nang marami tungkol sa kanilang dalawa, basta yun na, naging magkasintahan sila.

Pareho na naman kaming walang trabaho ni Khalid, at parehong naghahanap at nagpapalaboy laboy sa Makati, nagbabakasakaling maka chamba ulit sa isa sa mga kumpanya rito, pero napansin ko lang na nahati na ang atensyon ni Khalid sa kanyang kasintahan at sa paghahanap namin ng trabaho, kaya naman nagpasya na akong, lumakad mag-isa, dapat kasi matutu na akong lumakad mag isa, yung wala si Khalid sa tabi ko at hindi ko siya kasama, halos isang buwan at kalahati na ako sa Manila, pero takot parin akong lumakad mag-isa, dapat matuto na talaga ako, kasi hindi ako makakahanap ng trabaho kapag kasama ko si Khalid, dahil may ibang priority si Khalid, at hindi rin sya makakahanap ng trabaho kapag kasama niya ako, kasi nahahati ang atensyon niya sa akin, kaya naman nagpasya na akong lumakad mag isa, at yun na nga ang ginawa ko.

0 According to them:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...