Hi everyone… I’m back…
but not yet for good.. I am still busy… I am preparing my things… kasi by Thursday…
finally babalik na ako ng Dammam City… I will be leaving Riyadh… I don’t know
if this is for good… but as of now I think it is… babalik na ako sa main office
ng aming contractor… hoping that they will release my as soon as I get there….
But I doubt, kasi sa June 21 pa ma- end ang aking kontrata sa kanila… so hawak
pa nila ako sa aking betlog hanggang sa petsang iyon… pwede pa nila akong
isupply sa kahit na anong kumpanyang gustong kumuha ng aking serbisyo…
Ahhh… marahil
nagtataka kayo kung ano ang ibig kong sabihin no… ganito kasi yun… hindi ako
derektang nagtatrabaho sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon… bale may isang
ahensya na humahawak sa amin… katulad ng mga sekyurity gward natin dyan… may
isang ahensya rin na humahawak sa kanila… so ganun… ang sweldo namin ay
nanggagaling sa ahensya at hindi sa kumpanya.. kaya kapag hindi pa natapos ang
aming kontrata sa ahensya… pwede pa nila akong ibugaw sa mga Arabong makukulit.
Paksyet lang di ba...
Kaya ito pauwi na ako
ng Dammam, sa Dammam kasi ang opisina ng ahensyang humahawak sa aking betlog e,
kaya kailangan ko ng bumalik doon, kasi narelease na ako sa kumpanyang pinapasukan
ko dito sa Riyadh… malungkot dahil napamahal na sa akin ang Riyadh… malungkot
dahil di ko ito inaasahan na magiging ganito ang pagtatapos ng aking karir sa
kumpanyang pinapasukan ko ngayon, ang inaasahan ko e sa June pa ako matatanggal
dahil sa June naman talaga ako magreresign dito e… pero minalas tayo… well ayaw
ko na pagusapan ang punot dulo ng pagkatanggal ko doon… basta last day ko na sa opis noong April 14…. so
ayun…
Well… siguro… masaya
na rin ako… dahil sa pagbalik ko sa Dammam… makikipag usap sa akin ang pinaka
may-ari ng ahensya namin… so maaari ko siyang sabihan na gusto kong magpasupply
bilang Graphics Designer o di kaya AutoCad Operator, pwede na rin sigurong Web
Developer no… pero di pa ako pwede sa web development… kasi kulang pa at hilaw
na hilaw pa ang pagkakaluto sa akin… need more practice pa… need more and more…
di ko pa masyadong kabisado ang .PHP at .CSS ahahahah… onti pa… onti pang
insayo matututunan ko rin yan… nakaya ko ngang mag self-study dyan… ano pa kaya
kung kumuha na ako ng short course sa informatics di ba… paksyet… baka makagawa
na ako ng sarili kong Facebook o kaya Twitter… tatawagin ko itong Twitface+… isang
app na pinagsama ang mga matitinding social networking site sa mundo sa
henerasyon natin ngayon… ah yeah… ako na di ba… chos…
Kahit papaano
eksyated din akong bumalik sa Dammam… kasi balita ko… isusupply daw nila ako sa
Jubail City… isang industrial city ng Saudi… naroon ang mga malalaking planta
ng Saudi tulad ng ARAMCO (pinaka malaking Oil Company sa mundo), SABIC
(Pinakamalaking Petro Chemical sa mundo), marami pang iba… di ko na kabisado
kung ano-ano pa ang mga kumpanya doon… basta malalaki lahat… yun bang tinatawag
na Multi-Million Dollar Company… na parang tanging si Bill Gate lang ang may
kakayahang magpatayo nun… sa SABIC nga lang (sa SABIC nga pala ako nagtatrabaho
bago ako natanggal….) mahigit 450 Billion ang income nila sa taong 2011… saan
ka pa… kaya nga ang mga charity at mga sponsorship na binibigay ng SABIC sa mga
proyekto ng mga ilang ahensya ng Arabo e kaliwat-kanan e… kasi nga dahil sa
laki ng kanilang kinikita kada taon… take note… bilibitornat… sabi nila limang
million daw ang income ng SABIC sa kada limang minutong lumilipas… toksyet lang
di ba… pero di ako sure doon…
Kaya nga kahit
papaano… e nanghihinayang ako… dahil tatalikuran ko na ang isang kumpanyang
tanging sa panaginip mo lang maiisip na makakapagtrabaho ka… isang kumpanya na
nakatayo na ng mahigit tatlong dekada… isang kumpanyang kakaiingitan ng lahat
ng kumpanya… pero ok lang… may kagandahan naman ang naidulot sa akin ngayon…
dahil alam niyo bang para akong isang artistang nanalo ng best actor sa FAMAS
Award o di kaya ng ACADEMY Award ng Hollywood… dahil ngayon kahit saang kumpanya
pa ako mag-apply… e tanggap na agad ako… kaliwat-kanan ang alok sa akin na magTV
Guesting… dahil astig na daw ako… dahil nakagawa ako ng Pelikula sa SABIC sa
loob ng dalawang taon… ano pang hinihintay niuo… sakay na…. Hindi ko lang
matanggap-tanggap ang mga project na binibigay ng mga producer sa akin at ng
mga derektor sa akin… dahil nga hawak pa ng ahensya ang aking betlog… pero ok
lang dalawang buwan na rin lang kasi ang hihintayin ko… at tuwalala… uwian na… uwian na… yahoooo
So pano ba yan mga
pards… hanggang dito na lang muna ako… mwahhahahaha… magliligpit na ako muli ng
aking mga gamit…. Yahoooo….. papaano ko kaya ililigpit ang cabinet ko at kama
ko… hmmmm….
Ok siya…. Paalam na
mo na sa ngayon… baboos….