Monday, April 23, 2012

Ligpit





Hi everyone… I’m back… but not yet for good.. I am still busy… I am preparing my things… kasi by Thursday… finally babalik na ako ng Dammam City… I will be leaving Riyadh… I don’t know if this is for good… but as of now I think it is… babalik na ako sa main office ng aming contractor… hoping that they will release my as soon as I get there…. But I doubt, kasi sa June 21 pa ma- end ang aking kontrata sa kanila… so hawak pa nila ako sa aking betlog hanggang sa petsang iyon… pwede pa nila akong isupply sa kahit na anong kumpanyang gustong kumuha ng aking serbisyo…

Ahhh… marahil nagtataka kayo kung ano ang ibig kong sabihin no… ganito kasi yun… hindi ako derektang nagtatrabaho sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon… bale may isang ahensya na humahawak sa amin… katulad ng mga sekyurity gward natin dyan… may isang ahensya rin na humahawak sa kanila… so ganun… ang sweldo namin ay nanggagaling sa ahensya at hindi sa kumpanya.. kaya kapag hindi pa natapos ang aming kontrata sa ahensya… pwede pa nila akong ibugaw sa mga Arabong makukulit. Paksyet lang di ba...

Kaya ito pauwi na ako ng Dammam, sa Dammam kasi ang opisina ng ahensyang humahawak sa aking betlog e, kaya kailangan ko ng bumalik doon, kasi narelease na ako sa kumpanyang pinapasukan ko dito sa Riyadh… malungkot dahil napamahal na sa akin ang Riyadh… malungkot dahil di ko ito inaasahan na magiging ganito ang pagtatapos ng aking karir sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon, ang inaasahan ko e sa June pa ako matatanggal dahil sa June naman talaga ako magreresign dito e… pero minalas tayo… well ayaw ko na pagusapan ang punot dulo ng pagkatanggal ko doon…  basta last day ko na sa opis noong April 14…. so ayun…

Well… siguro… masaya na rin ako… dahil sa pagbalik ko sa Dammam… makikipag usap sa akin ang pinaka may-ari ng ahensya namin… so maaari ko siyang sabihan na gusto kong magpasupply bilang Graphics Designer o di kaya AutoCad Operator, pwede na rin sigurong Web Developer no… pero di pa ako pwede sa web development… kasi kulang pa at hilaw na hilaw pa ang pagkakaluto sa akin… need more practice pa… need more and more… di ko pa masyadong kabisado ang .PHP at .CSS ahahahah… onti pa… onti pang insayo matututunan ko rin yan… nakaya ko ngang mag self-study dyan… ano pa kaya kung kumuha na ako ng short course sa informatics di ba… paksyet… baka makagawa na ako ng sarili kong Facebook o kaya Twitter… tatawagin ko itong Twitface+… isang app na pinagsama ang mga matitinding social networking site sa mundo sa henerasyon natin ngayon… ah yeah… ako na di ba… chos…

Kahit papaano eksyated din akong bumalik sa Dammam… kasi balita ko… isusupply daw nila ako sa Jubail City… isang industrial city ng Saudi… naroon ang mga malalaking planta ng Saudi tulad ng ARAMCO (pinaka malaking Oil Company sa mundo), SABIC (Pinakamalaking Petro Chemical sa mundo), marami pang iba… di ko na kabisado kung ano-ano pa ang mga kumpanya doon… basta malalaki lahat… yun bang tinatawag na Multi-Million Dollar Company… na parang tanging si Bill Gate lang ang may kakayahang magpatayo nun… sa SABIC nga lang (sa SABIC nga pala ako nagtatrabaho bago ako natanggal….) mahigit 450 Billion ang income nila sa taong 2011… saan ka pa… kaya nga ang mga charity at mga sponsorship na binibigay ng SABIC sa mga proyekto ng mga ilang ahensya ng Arabo e kaliwat-kanan e… kasi nga dahil sa laki ng kanilang kinikita kada taon… take note… bilibitornat… sabi nila limang million daw ang income ng SABIC sa kada limang minutong lumilipas… toksyet lang di ba… pero di ako sure doon…

Kaya nga kahit papaano… e nanghihinayang ako… dahil tatalikuran ko na ang isang kumpanyang tanging sa panaginip mo lang maiisip na makakapagtrabaho ka… isang kumpanya na nakatayo na ng mahigit tatlong dekada… isang kumpanyang kakaiingitan ng lahat ng kumpanya… pero ok lang… may kagandahan naman ang naidulot sa akin ngayon… dahil alam niyo bang para akong isang artistang nanalo ng best actor sa FAMAS Award o di kaya ng ACADEMY Award ng Hollywood… dahil ngayon kahit saang kumpanya pa ako mag-apply… e tanggap na agad ako… kaliwat-kanan ang alok sa akin na magTV Guesting… dahil astig na daw ako… dahil nakagawa ako ng Pelikula sa SABIC sa loob ng dalawang taon… ano pang hinihintay niuo… sakay na…. Hindi ko lang matanggap-tanggap ang mga project na binibigay ng mga producer sa akin at ng mga derektor sa akin… dahil nga hawak pa ng ahensya ang aking betlog… pero ok lang dalawang buwan na rin lang kasi ang hihintayin ko… at tuwalala…  uwian na… uwian na… yahoooo

So pano ba yan mga pards… hanggang dito na lang muna ako… mwahhahahaha… magliligpit na ako muli ng aking mga gamit…. Yahoooo….. papaano ko kaya ililigpit ang cabinet ko at kama ko… hmmmm….



Ok siya…. Paalam na mo na sa ngayon… baboos….



6 comments:

  1. Well, good luck Al. I wish you nothing but love. charoot!! Ingat pre.

    ReplyDelete
  2. goodlick sir. ang ganda pala ng work mo. :) wow naman :)

    pero sabi nga darating din tayo sa dulo ng pisi. pero saan bat may karugtong pa din naman ito :)

    ingat po kayo sir AL..

    magandang araw sa yo :)

    ReplyDelete
  3. Moving on. sa isang mas maaliwalas na bukas.Kainaman..wag lang kalilimutan sa pagliligpit baka maiwan ang bitlog.

    ReplyDelete
  4. keri na yan talbus. Uwi ka muna at manlibre tapos isip ng next move. Siguro may ma maganda pang naghihintay syo.

    Sige ikaw na! ikaw na ang sikat. etchosero.. haha..

    Good luck sa lahat Al. Alalahananin mo may magagandang naghihintay sa libre mo. ehem-ehem. Mayen and Sey? hehe..

    Seriously, wth your talent malayo ang mararating mo. :)

    ReplyDelete
  5. big time!libre libre. haha ganyan din ang drama ng papa ko dati at swerte ka doon sa pinanggalingan mo kasi si paps nagkanta badtrip badtrip dun sa sub contractor nila. tsss

    ReplyDelete
  6. kagaya ng sabi ng iba ay good luck sa iyo....ok kung matuloy ang twitface na balak mo...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...