3rd floor, Phase I, room 309, III Mercury ng Zamboanga City West High, tanda ko pa, nasa pasilyo ako, nakadungaw pababa, kitang kita ko sila, paksyet, magkasama na naman sila, kung nakakamatay lang ang pagmumura, siguradong kalansay na ang lalakeng yun ngayon, dahil sa tuwing nakikita kong magksama sila, di ko siya tinitigilan hanggat di siya natatadtad ng mga mura ko.
II Graphite, 2nd year high school ako ng maging syota ko “Si“, maganda, matalino, at kamukha ni Joyce Jemenez, one length ang buhok, kaliwete at higit sa lahat morena, malakas ang kanyang sex appeal, sa love letter ko siya unang nilagawan sa love letter din niya ako sinagot at sa love letter din niya ako binasted, yahoo, ako na ang hari ng love letter, kasi bukod sa pagbasted niya sa akin sa love letter, sa kanya ko rin kinukuha ang mga stationeries na ginagamit ko sa pinapadala kong mga sulat sa kanya, ako na di ba?
Nakalimutan ko na kung ano ang pinag-awayan namin, basta ang naaalala ko, kinabukasan may pinaabot siyang sulat sa akin, masaya naman akong nagbasa, kasi akala ko makikipagbati na siya sa akin, yun pala, nakikipag hiwalay na ang lola mo, tae, putakte, umiyak ang ilong ko ng mabasa ko ang sulat niya, packing tape, for the first time in my life, nakatikim ako ng pambabasted ng isang bakla e este babae pala, siya aking unang nakarelasyon, bagamat matatawag na puppy love e naging masaya naman kaming dalawa, naging maharot at marupok ang aming pagsasama, siya rin ang unang nambasted sa akin, huhuhuhu….
Nang dumating ang summer, sobra ko siyang hinanap-hanap, namiss ko ang mga kulitan namin, namiss ko ang paghaharutan namin, namiss ko ang habulan namin, namiss ko ang kanyang nguso habang kumakain ng puding sa canteen na sinasabayan pa niya ng pamaya-mayang pagsinghot sa tumutulo niyang sipon, yahoo, gandang-ganda ako sa kanya, tapos ngingisi-ngisi siya sa akin at sasabihin niyang pakagat naman ng banana-Q mo, ako naman bilang isang nagbibinatilyo, masaya na ako sa ganoong sestema, ibibigay ko naman sa kanya ang banana-Q ko at pakakagatin siya.
Unang araw ng pasukan ng 3rd year, masayang-masaya akong pumasok sa eskwelahan namin, bagamat alam kong magkaiba na ang sekyon namin, ok na rin sa akin, kasi alam kong makikita ko rin naman siya pagsapit ng uwian, pwede ko siyang sabayan sa paguwi, pwede ko siyang pasakayin ng jeep, pwede ko na siyang ilibre ulit ng puding, pero nagkamali pala ako, dahil ito nga, toksyet, magkasama na naman ang dalawa, saan ba sila nagkakilala, paano sila naging magnobyo’t nobya, tae talaga, napaka sakla nito, sa loob ng isang taon, noong 3rd year high school ako, di ko masasabing lubusan ang kasiyahan ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama, napapailing na lang ako at napapatanaw sa dalampasigan na nasa harap lang ng aming paaralan, nag-iisip, nagtatanong, saan ba ako nagkamali, Katapusan na ng mundo ko, LORD BAKIT AKO PA???? ANO ANG NAGAWA KONG KASALANAN, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, but I can’t cry hard enough. NAKSSSSS….
Kinailangan ko magtransfer ng paaralan noong 4th year high school na ako, para makalimutan ko lang siya, kinailangan kong iwanan ang aking mga naging katropa sa West-High, para mahanap ko ang aking katahimikan, syet-toksyet, kinailangan ko pang gawin ito, para matagpuan ko ang aking sarili. Yahoo ako na….
Can’t cry hard enough, It was 1992, halos kasabayan ng kantang ito ang kantang Heaven Knows ni Rick Price, isa rin ito sa mga paborito kong kanta, paksyet, na hanggang ngayon e talaga namang napakasarap paring pakinggan, ito ay kantang nagmula sa William Brothers, Can’t cry hard enough, sa tuwing naririnig ko ang kantang iyan, ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko ay ang mga unang karanasan ko noong High School pa lang ako, I-Bravo sa MEIN College High School, at sa West High noong 2nd and 3rd year ako tapos balik sa MEIN College ng mag 4th year na ako, mula noon, hanggang ngayon naging paborito ko na ang kantang iyan, paboritong kantahin sa tuwing nalulungkot ako, sa tuwing masaya ako, sa tuwing nagiisa ako, at higit sa lahat sa tuwing nasa loob ako ng aming kubeta. Masarap din yan kantahin lalo na kapag sintonado kang katulad ko, nyehehehe.
Anyway here is the song, like what I’ve said it is originally from William brother’s but I can’t find the original in Videokeman.com so I will just give you Jed Madela’s version of Can’t cry hard enough.
Can’t cry hard enough.
Jed Madela
I’m gonna live my life
Like everyday’s the last
Without a simple goodbye
It all goes by so fast
And now that you’re gone
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now
Can I open my eyes
And see for the first time
I’ve let go of you like
A child letting go of his kite
There it goes
Up in the sky
There it goes
Beyond the clouds
For no reason why
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now
Can I look back in vain
And see you standing there
With all that remains
Its just an empty chair
And now that you’re gone
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now
There it goes
Up in the sky
There it goes
Beyond the clouds
For no reason why
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now
here is a video of song from William Brothers
Can't cry hard enough
here is a video of song from William Brothers
Can't cry hard enough
enjoy
Shukran
emo to the max. Sa ganda ba naman ng kantang ito.
ReplyDeleteNg dahil sa stationeries kaya benasted ka.next time bumili ka ng sarili mo ok?
emo na sa tweet, emo na sa email, emo pa din sa blog.. hay talbus.. pabayaan na ang nakaraan.. kumanta ka na lang.. hehe.. Thanks sa support sa fairy dust ko. bagong kabaliwan.. see you soon.. LIBRE LIBRE LIBRE... haha...
ReplyDeleteyown oh! ikaw na ang ang madrama at magwawagi ng "drama king award" hahaha. boys dont cry sabi nga nila...
ReplyDeleteemo mode ka talaga ngayon ah kuya haha anyway..itigil mo na yang drama mo malas sa business yan hehe =D
ReplyDeletei know how to play this sa guitar noong high school ako haha
drama.. ok lang yan...
ReplyDeleteEchos... super drama ka...sabunutan kita...
ReplyDeletengayon lang ulit ako napadalaw dito, bago na pala ang header mo, at sigurado akong ikaw ang gumawa nito dahil artistic ka, parang magka-batch tayo, alam ko rin kasi tong kantang to, okay lang mabasted pero mukhang matindi ang epekto ng pagkakabasted para lumipat ka ng school, pero sana okay ka na ngayon sir!
ReplyDelete