Showing posts with label Anne Curtis. Show all posts
Showing posts with label Anne Curtis. Show all posts

Saturday, December 10, 2011

NO OTHER CONCERT (World Tour)



NO OTHER CONCERT (World Tour)



ANNEBISYOSA made it again…



Tulad ng sinabi ko (dito sa link na ito).. hindi malayong magkaroon si Anne Curtis ng sarili niyang Concert Event… ah yeah… ikaw na nga Miss Anne Curtis…. Wala ng tatalo pa sa iyo… From being the most followed Filipina Celebrity in Twitter, having her own album entitled “Annebisyosa”, and being a Box Office Queen.

And now having her own concert? Tulala ka no…, what else could you ask. Si ANNE CURTIS yan, at least di ako matatalo sa pusta ko... I am happy for her.. kasi dream come true yun para sa kanya...

Iba kasi ang karisma niya, iba ang dating niya sa manonood, maraming maganda at masmaganda pa sa kanya, pero nag-iisa lang talaga ang totoong Dyosa at siya yun, hindi ko lang alam kong anong magiging reaksyon ng manonood kung ibang babae ang pinakanta mo ng “Alone”, baka binato na iyon ng kamatis, pero iba si Anne Curtis, siya ang MAARTE na nakakatuwa, siya ang TRYING HARD na nakakainspired, siya ang SELF CENTERED na talagang kikiligin ka sa kakulitan niya.

Para sa akin, natural ang kanyang pinapakitang kakulitan sa harap ng telebisyon, wala na akong pakialam sa mga nabasa kong nega sa kanya, tulad ng pagyoyosi at paglalaklak ng alak, eh ano ngayon, may “K” naman siya, ikaw na talaga ANNE CURTIS… sayang nga lang, nagkaroon ka ng sarili mong Concert eh nasa Saudi ako, sinabi ko na nga sana huwag muna… not after June 2012… yan hindi tuloy kita mapapanood.


VIVA Concerts Presents
ANNEBISYOSA
ANNE CURTIS


People Asia's National Sweetheart. Princess of All Media. Fil/Aussie. Actress/Host/Product Endorser & CERTIFIED Recording Artist.

NO OTHER CONCERT (World Tour)

January 28,2012
Smart Araneta Coliseum

Tickets Prices
Patron A = 3000
Patron B = 3000
Lower Box = 2500
Upper Box A = 1500
Upper Box B = 700

Tickets are available in all Ticketnet Outlets located at the SM Department Store Customer Service Area and at the Araneta Coliseum Booths.

For Inquiries and reservations, please call 911-5555.


Congratulations in advance.. alam ko megasuccessful yan sa dami ng manonood sa pagbirit mo…


Follow her on her Twitter @annecurtissmith.


D"N


Thursday, October 20, 2011

Annebisyosa (Anne Curtis)



Anne Curtis 2nd Anniversary Performance in Showtime (October 19,2011) was very funny and hilarious, this is why she is one of the most loved by Pinoy Televiewers, she is just so so so so so so funny and indeed a great entertainer, always on the go and game for any dare, she is not just beautiful but also a mirror of true confident.

In her performance, you can see and hear that everybody in the studio is cheering for her, everybody is laughing, maybe they’re only looking at the performance but they didn’t see how hard the performance was, pero kinaya niya, just for the sake of Entertainment...




In this performance, she really showed us that she is really one of the best entertainer ever, just imagine from pole dancing to air dancing, singing while upside down then jump to an aquarium (I don’t know how do you call it), wow, she is really the True UNKABOGABLE! Truly Annebisyosa.

Lastly I’d like to say it in TAGALOG, “SUPER ASTIG NIYA”.... talagang pinapatuyan niya kung bakit siya ang may pinakamataas na numebro ng followers sa Twitter, at talagang pinapatunayan niya kung bakit siya sikat, hindi dahil sa maganda siya, hindi dahil sa magaling siyang umarte, hindi dahil sa may album na siya, hindi dahil sa sexy siya, simple because siya si ANN CURTIS, at magagawa niya ang hindi mo iniisip na magagawa niya, super walang pake sa kung ano ang sasabihin ng iba... makapagpasaya lang ng tao.


 Thanks you for reading


D”N






Wednesday, October 5, 2011

Anne Curtis: The Singer-Actress


This is why I love her… super… siya na nga ang SINGER… ahahahah… Go Anne… Go.. I’ll buy your Album once I arrive to Philippines… ehehehehe.


Kung hindi yan si Anne Curtis, siguradong binato na yan ng kamatis, hindi naman siya kumakanta, kundi sumisigaw, pero ewan ko ba, dahil sa ganda ni Anne Curtis at sa galing niyang magEntertain ng tao, eh napagtatakpan niya ang hindi naman gaanong kagandahang boses niya, at dahil na rin sa lakas ng loob niyang kumanta at bumirit eh nadadala na niya ang kanta, parang nagkakaroon na siya ng sarili niyang version, isa lang ako sa mga taga hanga niya na maslalong humanga sa kanya dahil sa Album na gianawa niya, isa na siguro si Anne Curtis sa halimbawa ng sinasabi nating “Follow your Dreams no matter what”, pupusta ako, di malayong magkaroon siya ng sarili niyang concert, si Vice Ganda nga na walang ginawa kundi ang magpatawa eh nagkaroon ng concert si Anne Curtis pa kaya na merong 1,703,822 followers sa Twitter ang hindi magkakaroon di ba?

Maganda, makulit, magaling na artista, isa sa pinaka sikat at kilalang personalidad sa Philippines Showbiz at ngayon, ehem, isa na siyang singer, dami kong tawa sa ginawa niya sa Gandang Gabi Vice, kung saan pinakanta sa kanya ni Vice Ganda ang kanyang paboritong kanta ang walang kamatayang “ALONE” na kung saan eh isa rin sa mga single na mapapakinggan sa kanyang album, tinanong ni Vice kung kaya ba daw ni Anne na kantahin ang Alone sa Rock Version? At ginawa naman niya na buhus-na-buhus ang lahat ng sama ng loob niya sa mundo, kinanta rin niya sa RNB at Opera, yahoo ka talaga Anne, the best entertainer ever, doon ko nasabing mahirap maging artista, kahit naman gaano ka kaganda eh kung hindi ka naman game sa mga ganung bagay eh wala ring mangyayari sa iyo, alam ko na alam ni Anne na habang kumakanta siya eh hindi niya maiiwasan na siya’y pagtawanan, pero ok lang, gora parin ang beauty niya, at ito ang isa sa mga mahirap matagpuan sa isang Artista ang tinatawag na fighting spirit.

Imagine with the people that watching you, with all the people na humahanga sa iyo eh bibirit ka ng todo todo na alam mo naman na … ay ewan.. basta kahit ano pa yan… I still love her… nyeheheheheh….


Follow her in her Twiiter @Annecurtissmith


Salamat sa pagbabasa.


D"N




Wednesday, July 6, 2011

Anne Curtis: Look Magazine Cover Shoot


Malayo na nga ang narating ng Internet.

Dati ang mga beta version ng mga website limitado pa lang ang kanilang naihahandog sa publiko,  ngayon saklaw na nila pati Showbizniz, dati ang hirap maghanap ng mga devices na maguugnay sa dalawang taong parehong nasa malayong lugar at magkaiba ang mundong ginagalawan eh ngayon parang monitor lang ang pagitan ng dalawa.

Kahapon, bago pumutok ang balitang nasa MRT si Anne Curtis eh nalaman ko na agad dahil sa kanyang tweet sa twitter na nagpapahiwatig kung magMRT ba siya o hindi para lang makahabol sa Concert ni Kalie Minogue.

Kaninang umaga naman eh nagtweet naman siya na nasa isang lugar sila at may pictorials kasama ng kanyang kapatid na si Jasmine Curtis at ang maganda dito eh pwede mong mapanood ang pictorials nila sa live streaming sa Website ng Vidanes kaya naman, lundag agad ang lolo niyo sa website na ito at totoo nga mapapanood mo nga doon ang pictorials ng dalawang anghel sa Philippine Showbiz na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis. Habang nanood ako ng kanilang pictorials eh natutuwa akong isipin na kahit papaano eh parang  nandoon lang din ako nakaupo at pinapanood sila mismo sa lugar na iyon.

Maya-maya lumalapit sila sa Webcam at nakikipag chat sa mga online sa website na iyon upang sagutin ang mga tanong sa kanila, natatawa ako sa mga nakikita kong kakwelahan ng dalawa sa webcam.

Ito po ang mga screenshot ko sa web cam.



when she tweet her activities.

Jasmine Curtis saying Hi to the webcam.

Pictorial Break

  


Pictorials Session


Anne Curtis Saying Good bye to the webcam.




Sana po ay nagustuhan niyo ang aking munting handon.


Salamat sa pagbabasa.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...