Showing posts with label Emo. Show all posts
Showing posts with label Emo. Show all posts

Friday, May 4, 2012

Payong Toksyet



Paksyet siya… talagang walang hiya siya… siya na ang nagmamay-ari ng lahat ng pagmumura mo sa buong mundo… tang-ina niya… gago siya…. PUTANG-INA niya…. Wala siyang kwenta e no… iniwan ka niya… sinaktan ka niya.. niloko ka niya… hindi ba niya alam na mahal na mahal mo siya… hindi ba niya inisip na kaya mong makipagpatayan para sa kanya… hindi niya ba naisip na ikaw ang karapatdapat para sa kanya… pakyu siya e… pakyu talaga siya… hindi ka niya binigyan ng halaga…. Hindi niya iniisip ang nakaraan niyong dalawa… wala talaga siyang kwentang tao…

Pero kung paksyet siya… toksyet ka naman… ano pa ba ang hinihintay mo… himala??? Walang himala no… nasa tao ang himala… hindi ka na niya babalikan… hindi na magiging kayo ulit… nawala na ang salitang “Kayo”, “Walang iwanan”, “Tayo forever” tapos na ang lahat sa inyo.. kaya huwag ka na magmukmuk dyan… tama na ang kakaiyak… makakaya mo yan… well.. alam kong mahirap… pero makakaya mo yan… balang araw mawawala rin ang sakit… wala nga lang makakapagsabi kung kailan… pwedeng bukas, pwede rin sa makalawa, pwede rin sa isang linggo… o di kaya’y sa isang buwan, sa isang taon… ewan… walang nakakaalam… pwede rin naman na akala mo nasasaktan ka pa… akala mo nariyan parin ang sakit… pero wala na pala… matagal ka na pala nakamove on… marahil… nasanay na lang ang puso mo sa ganoong pakiramdam… kaya hanggang ngayon e nararamdaman mo parin ang sakit.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagmove-on, basta kusa na lang nawala ang sakit… nakalimutan ko na rin na mahal ko siya at minahal ko pala siya noon, kusang natuyo ang luha… ang mga ala-ala namin noon? Ngayon parang isang kahapon na lang… wala ng halaga… minsan naikukwento ko pa rin siya… lalo na dito sa aking blog, pero minsan sinasadya ko na lang paglaruan ang aking damdamin, para makapagsulat ng mga bagay-bagay tungkol sa ka-emohan… di naman ako katulad ni Iyah na magaling sa ganitong bagay… kahit na masaya e kayang magpakalungkot… hindi rin ako si Meiz Ster na forever emo, kaya kailangan kong balikan ang mga masakit na ala-ala namin upang makapagsulat ng mga masasakit na karanasan, pero alam niyo bang hanggang ngayon hindi ko parin lubus maisip kung papaano ako nakasurvived sa sinapit ko sa kanya… basta kusa na lang nawala… basta isang araw… narealized ko apat na taon na pala akong masaya nang wala siya, kusang tinanggap ng puso ko ang pagpanaw niya e este pagtalikod niya sa akin, basta kusa na lang siyang naglahong mag-isa sa aking puso’t diwa.

Pero paano nga ba magmoved-on? Well sa akin… marami akong ginawang mga kaek-ekan para makalimutan ko siya… andyan na ang tumbling ako habang nakanganga.. tumuwad ako habang nakalabas ang dila, nadyan din na nagdrugs ako… tumungga ng na alak… nambabae… nanlalaki… nangbakla… nagaudition sa PBB, sa Survivor Philippines… LOL… ehehhehe… basta marami akong ginawang mga kaechusan… pero ewan ko kung nakatulong ba iyon sa akin… ang pinaka-malaking hakbang na ginawa ko e yung umalis ako sa aking bansang sinilangan… nag-abroad at nagpakalayo-layo… minsan kasi.. kailangan mo ring magpakalayo-layo upang makapag-isip ng tama… kailangan mong mapag-isa upang mahanap mo ang iyong sarili… marahil kung hindi ako umalis noon papuntang abroad… marahil nalulong na ako sa alak.. sa babae…. Isang malaking hakbang ang pag-alis ko noon upang makalimutan ko siya… at hindi ko iniisip na magagawa kong tanggalin siya sa aking ala-ala.

Kaya nga masasabi ko na kapag sa tingin mo e hindi mo siya kayang kalimutan… aba e mag-isip isip ka… ano’t ano pa man ang dahilan ng inyong paghihiwalay… kailangan mo pa ring mag-move on… Oo.. masakit at mahirap.. walang nagsabi na madali.. pero kailangan mong kayanin.. dahil kailangan mong mabuhay… hindi lang para sa sarili mo… kundi para na rin sa ibang taong nagmamahal sa iyo... kung nakaya ka niyang iwanan… makakaya mo rin siyang talikuran… basta parati mong isipin kung talagang mahal ka niya… kahit meron pa siyang isang libong dahilan para kamuhian ka.. hahanap at hahanap yan ng isang dahilan para mahalin ka… maiksi lang ang buhay… ganyan lang kaiksi… o kita mo… Oo ganyan lang siya kaiksi … kaya huwag mong hayaang maging malungkot ka dahil sa isang bangungot… paksyet ang buhay kung gusto mo itong maging paksyet.. toksyet ang bukas kung gusto mo itong maging toksyet… “Life is what we made”… kaya tama na yang kaemohan na yan… ayusin mo na ang buhay mo… huwag mong hayaang masayang lang ito… minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito… make the most out of it… tama ba ako??? Huwag mong hayaang pagtawanan ka niya… at huwag mong hintaying kaawaan ka niya.. hindi ka na niya kailangan… kaya bumangon ka na dyan sa pagkakadapa mo… mabuhay ka na muli… kaya mo yan… makakaya mo yan… at kailangan mong kayanin…

Hala siya… hanggang dito na lang muna ako… at di ko alam kung sino ang pinagsasabihan ko sa post kong ito… ehehehe… joke… basta isang kaibigan… na may pinagdadaanan lang… kaya ko naisulat ito… para sa kanya…



Salamat…



Wednesday, June 8, 2011

Aux Zero


Meron bang Auxiliary Buttons ang buhay ng tao? Pwede bang pindutin? Kung meron man ilang buttons meron? Noong nasa Call Center pa ako, kapag meron akong tawag o kausap sa telepono, agad kung pinipindot ang Aux Zero sa aking Avaya, para kung sakaling biglang maputol ang conversation namin ng customer ko eh walang walang makakapasok agad na panibagong call sa akin, kaya may option ako na kung tatangap na ba ako 
ng bagong caller o tawagan ulit ang kausap ko na nawala sa linya.

Sana ganito rin sa buhay natin, yun bang may option tayo kung tatangap na tayo ng panibagong hamon sa buhay o babalikan natin ang dating problema para maayos natin ito, sa buhay natin, napansin ko lang na hindi pala natatapos ang problema natin, maaayos mo ang isa, may darating na isa, habang inaayos mo ang isa darating na naman ang isa, kahit na ayaw mo mangyari nangyayari, at ang gusto mong mangyari hindi nangyayari, hayst, hindi ako makapag-isp ng tama sa ngayon.

Blanko ang isipan ko, at natatakpan ng isang palaisipan na gumugulo sa utak ko, kagabi eh ni hindi ko alam kung ano ang lulutuin ko? Manok ba, isda ba o delata na lang? kung manok? Anong klaseng luto? Fried chicken? Adobo? Sinabawan? Kung isda naman, ganun din, anong klaseng luto siya? Tinola? Prito? Paksyu? Kung delata naman, maslalo na? anong flavor ang lulutuin mo? Anong klaseng dilate? Sardinas ba? Tuna? Corn Beef? Hayst dami mong pagpipilian? At dami mong dapat isipin? In the end kailangan mo paring pumili.

Hay buhay.


Hanggang dito na lang nga muna…


Salamat.

Saturday, June 4, 2011

Fix yourself


Kanina, habang nagtitimpla ako ng kape, bigla ko lang naalala ang isang SMS na natangap ko noong mga panahong nakikipag hiwalay na sa akin si “She who must not be named”, isang matinding confrontations ang namagitan sa amin pati ng kanyang nakababatang kapatid, inuusig nila ako dahil sa ginawa kong gulo noong nagdaang araw sa kanilang bahay, ano daw ang dahilan ko at bakit ko raw yun ginawa, lubhang naging masamang tao ako sa paningin nila, hindi nila ako maintindihan at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, wala akong magandang dahilan na maibibigay sa kanila at sa inyo, dahil alam kong kahit ano pa ang aking dahilan, ako pa rin naman ang mali, inis at galit ang nangingibabaw sa kanilang puso at gayun din naman ako, kaya nasabihan ako ng kanyang kapati na “Fix yourself AL, nakakaawa ka”, naawa ako sa aking sarili ng mareceive ko ang SMS na iyon, “Ganun na ba ako kameserable para sabihan nila ng ganun?”.

Alam ko mali ang guluhin mo ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan, pero iyon lang ang alam kong pupwede kong magawa upang hindi ako lubos na masaktan, dahil habang tumatagal ang araw na sila ay magkasama at nagsumpaan na magmamahalan, para akong bulaklak na unti-unting nalalanta, kaya kailangan ko silang pigilan upang hindi ako lalong masaktan at baka sakaling magkaroon pa ng pag-asang kami’y magkabalikan, alam kong mali, pero ano ang mali at tama sa mga panahong iyon? Ano ang pwede kong magawa?

Nitong huli isang babae rin na naging mahalaga rin sa aking buhay ang nagsabi sa akin niyan, “Ayusin mo na ang buhay mo, para hindi ka na nakakaawa dyan”, itago na lang natin siya sa pangalang “Tweetart”, isang babae rin na gusto nang kumawala sa relasyon na hindi naman daw siya naging masaya at masagana, maslalo lang daw naging kawawa ang buhay niya sa akin? Muli kong naisip kanina habang nagtitimpla ng kape kung ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kulang sa akin, kung magmahal naman ako ay sagad hanggang buto, hindi ako nagtitira sa aking sarili, lahat puro sa kanila.


Meserable ba ang buhay ko?


Nakakaawa ba?



Mula noong taong 2000 hanggang ngayon  ay hindi na ako umaasa sa aking mga magulang, semi-independent na ako, lahat ng mga bagay na gusto kong gawin ay hindi ko na kailangang ihingi sa kanila ng permiso sa aking mga magulang, nagsasabi lang ako sa kanila pero hindi yun paghingi ng kanilang basbas, mula taong 2000 ay kumikita na ako ng pera para sa sarili ko, hindi naman ako kagalingan sa Visual Foxpro at html, pero kaya kong gumawa ng website o simpleng program na pang Oral Defends lang ng mga student, kaya nag-aaral pa lang ako kumikita na ako kahit papano, noong graduation ko noong 2001 sa college, pera ko ang pinambili ko ng mga gamit na susuutin ko, binilhan ko rin ang sarili ko ng cellphone, Nokia 3310, astig yun may vibrator, kaya kahit naka silent mode ako, alam kong may nagtext sa akin or tumatawag, sa mga panahong iyon nasa mga 10k pa ang halaga niya.

Maaga rin akong nakapangimbansa, sa murang edad, 22 years old, naka pagtravel na ako papuntang Kuala Lumpur, Thailand, Brunei, Singapore at Hong-Kong, on my own, in my own cost (English po yun), tuwing nagkakapera kasi ako noon, eh nagtatravel agad ako, dahil mula pa pagkabata gusto ko na maging Jet Setter,  nagkaroon na rin ako ng isang maliit na negosyo noon, ang “Halo-Haloan sa kanto” ok lang ang kita, enough na para sa isang binatang pasaway na katulad ko, walang hustle walang pressure.

2004, naman nakapag trabaho ako sa Tawi-Tawi, isang isolated province man siyang maituturing, pero masasabi ko na sobrang naging masaya ako sa pagtatrabaho duon, wala akong pinagsisihan, at kung sakaling matapos o magsawa na ako dito sa abroad at mabigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho muli sa Office of the Governor, hindi ako magdadalawang isip na tangapin yun, lalo na kung ang Governor na yun ay si Governor Sahali parin.

2006 naman nagpasya akong umalis na duon sa Tawi-Tawi at lumipat ng Manila, sa dahilang naiingit lang ako sa mga katropa ko na lahat nasa manila na, nakapag trabaho ako sa Foreign Exchange Corporation, at sa call Center, 2010 naman ako nag abroad papuntang Saudi, walang taon na hindi ako nagtrabaho, at masasabi ko na sobra naman akong naging kontento sa aking buhay, may mga magulang ako na supportive, may Negosyo ang aking Ina at nasa Comelec naman ang aking Ama, may sariling negosyo rin ang aking Ate at pulis naman ang kanyang Asawa, ang kuya ko naman ay may sarili ring Negosyo, liban sa aming bunso na nagaaral parin hangang ngayon eh walang problema sa amin ang aming mga magulang, maaga nila kaming tinuruan kung papano ang kumayod ang maghanap buhay, kaya naman kanina habang nagtitimpla ako ng kape at maisip ko iyong sinabi nila sa akin eh natawa na lang ako.

Ano ba ang aayusin ko sa buhay ko, para sa kapatid ni “She who must not be named”, ano ang aayusin ko sa sarili ko, hindi naman ako katulad nila na kapag hindi nakapamasada ng tricycle ang Papa nila eh wala silang uulamin, kapag hindi nakapag tinda ng mani ang kanilang Inah ay wala silang isasaing, kapag hindi pumasok sa trabaho ang kanilang Ate na si “She who must not be named” eh wala silang pambayad matrikula, ano kaya ang sinasabi niyang “Fix yourself Al, nakakaawa ka”, naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam ang mali sa pagkatao ko.

Para naman kay “Tweetart”…. Weeee ayoko magsalita ng ano man tungkol sa kanya. Pero ito lang masasabi ko, hindi ko kasalanan kung nagkahiwalay man kami at lalong lalong hindi rin niya kasalanan.
Ngayon nasa Saudi na ako, nakapag HAJJ na ako at nagkaroon ng pagkakataon na masmapabuti ang buhay at sarili, nakaipon narin kahit papano, ano kaya ang masasabi nilang dalawa?



Naging miserable ba talaga ang buhay ko?




Salamat sa pagbabasa?



D"N

Sunday, May 22, 2011

The things aren’t over…

 



In the deepest soul of my heart,
is a burden I long to confess,
I was so immature to blamed the circumstances
and blinded to realized that through the years
nothing has seems to change with me.

I am still and always will
in denial and proclaiming myself
as a happy man,
but the truth is I am still a prisoner of the past
So scared to move on and terrified to go along,

I have been like this for quite some times,
forcing myself to believe that I am already a freeman,
free from sorrows and hatreds,
but somehow I was wrong.

I was claiming that the glory is mined
and that the victory must be celebrated,
I was boastful and arrogant to speak out loud
that I am indeed a happy man already and at last.

but then I found myself again
sitting in the corner longing for her kisses and love,
her warmed smell and eyes,
her looks, her presence and sense of humors,
she’s just irresistible and hard to forget.

Many times I have tried to fought this feeling,
but yet I am still weak,
weak as a newly born child,
there is nothing I can do but to give up,
let her win is all that I see and knew,
and again she would laugh,
she’ll walks away and never come back,
damn I am crying again.


Until.


“AL!!!! Ala Sais na… gising kana…malate kana… alarm clock mo, tumitilaok na naman.”


Then I realized….


F**k I am dreaming again.


I could write a hundred of this or perhaps thousands,
for once in a while I am still dreaming about her,
promise I have moved on
and have forgiven myself for loving her too much,
but still I am drowning in her love
every time I met her in my dreams,


I just wanna be free,


Totally free.




“I REMEMBER THE GIRL
 (BUT I DON'T REMEMBER THE FEELING ANYMORE)”



That’s all for me now. Thanks you..




D"N


Thursday, February 24, 2011

Eskwater

 

Bakit ba ayaw mo pang umalis, pinapalayas na kita ah!, nakakairita kana, kahit anong gawin ko patuloy ka paring namamahay sa puso ko, namamasyal sa isipan ko, ano pa bang gusto mo, pinalaya na kita tulad ng gusto mo, lumayo na ako sa iyo, as in malayo, as in super layo, to the point I almost give up my life, but still you linger around (bongga English talaga).


Pause muna tayo… ..


Commercial… ..



Kanina pagkagising ko, masakit ang ulo ko, may hang-over, birthday kasi ng kasama ko kagabi, nagpakain siya, Pancit at Chicken Asado,amin na lang daw ang kanin,  tapos nagpakalasing kami sa Apple Juice na tinimpla namin, wala naman kasi kaming mabiling alak dito sa SAUDI. Kaya kwentuhan to the MAX na lang.


Stop… ..


Hinga ng malalim… ..


Iling sandali… ..


Balik tayo sa kwentype ko… ..


Puwede bang magmura? (Mamamatay karin, kaso matagal pa, packing tape ka)… ..


Matagal na rin akong ganito, parang may kausap at nakikipagtalo sa isipan, nabubuhay sa bangungot ng nakaraan, muli’t muling binabalikan ang sakit ng kahapon, (excel sheet ka.)


Rewind… ..



2008… .. .



Isang umaga, nakadungaw ako sa bintana ng eroplano, tahimik at nagiisip, nagdadarasal, “sana maayos ko pa ang lahat”, maganda ang standing ko sa Call Center na pinapasukan ko sa Libis noon, nai-forward na ng supervisor ko ang promotion ko, isang buwan na lang L2  na ako, kaso kailangan kong umuwi ng Zamboanga para suyuin ulit ang babaeng matagal ko ng MAHAL (uu ganyan talaga, caps lock) MAHAL ko eh.

Naglanding ang eroplano masaya ang lahat, liban sa akin, kinakabahan, alam kong Malabo ko nang mabawi pa ang dati’y akin, natatakot ako baka tuluyan na kaming magkahiwalay.

Hapon, Finally, nagkita kami, nagkausap, pumunta ako sa bahay nila, halata sa mukha niyang takot din siya, kinakabahan, ayaw lumapit sa akin, baka raw saktan ko siya, hindi ako ganon, for 9 years na naging kami kailan man di ko siya nasampal (tinadyakan lang), ako na lang ang lumapit sa kanya, pero dumating ang tatay niya, nagkasalubong ang mata namin (eye to eye kung baga, naks), lumapit ako sa tatay niya, nakipagbeso-beso sabay  bulong “Dad I like your eye lashes” joke… “tulungan niyo po ako SIR, mahal na mahal ko po ang anak niyo” sumagot ang tatay niya “SO!” nakatirik pa ang mata sabay kurot sa hita ko, sabay sabi sa akin “kaw talaga maldita ka” tuluyan na akong naiyak.

Uu, alam ko, inapakan ko pagkalalake ko, kinalimutan ko ang pagkatao ko, keber ko, eh sa MAHAL ko talaga siya, MAHAL NA MAHAL, halos tatlong taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin ang sugat, wala paring nagbago, mahal ko parin siya.



Ganyan ang banat… ehehhehe



The End…


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...