Showing posts with label Story of my Life. Show all posts
Showing posts with label Story of my Life. Show all posts

Monday, April 23, 2012

Ligpit





Hi everyone… I’m back… but not yet for good.. I am still busy… I am preparing my things… kasi by Thursday… finally babalik na ako ng Dammam City… I will be leaving Riyadh… I don’t know if this is for good… but as of now I think it is… babalik na ako sa main office ng aming contractor… hoping that they will release my as soon as I get there…. But I doubt, kasi sa June 21 pa ma- end ang aking kontrata sa kanila… so hawak pa nila ako sa aking betlog hanggang sa petsang iyon… pwede pa nila akong isupply sa kahit na anong kumpanyang gustong kumuha ng aking serbisyo…

Ahhh… marahil nagtataka kayo kung ano ang ibig kong sabihin no… ganito kasi yun… hindi ako derektang nagtatrabaho sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon… bale may isang ahensya na humahawak sa amin… katulad ng mga sekyurity gward natin dyan… may isang ahensya rin na humahawak sa kanila… so ganun… ang sweldo namin ay nanggagaling sa ahensya at hindi sa kumpanya.. kaya kapag hindi pa natapos ang aming kontrata sa ahensya… pwede pa nila akong ibugaw sa mga Arabong makukulit. Paksyet lang di ba...

Kaya ito pauwi na ako ng Dammam, sa Dammam kasi ang opisina ng ahensyang humahawak sa aking betlog e, kaya kailangan ko ng bumalik doon, kasi narelease na ako sa kumpanyang pinapasukan ko dito sa Riyadh… malungkot dahil napamahal na sa akin ang Riyadh… malungkot dahil di ko ito inaasahan na magiging ganito ang pagtatapos ng aking karir sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon, ang inaasahan ko e sa June pa ako matatanggal dahil sa June naman talaga ako magreresign dito e… pero minalas tayo… well ayaw ko na pagusapan ang punot dulo ng pagkatanggal ko doon…  basta last day ko na sa opis noong April 14…. so ayun…

Well… siguro… masaya na rin ako… dahil sa pagbalik ko sa Dammam… makikipag usap sa akin ang pinaka may-ari ng ahensya namin… so maaari ko siyang sabihan na gusto kong magpasupply bilang Graphics Designer o di kaya AutoCad Operator, pwede na rin sigurong Web Developer no… pero di pa ako pwede sa web development… kasi kulang pa at hilaw na hilaw pa ang pagkakaluto sa akin… need more practice pa… need more and more… di ko pa masyadong kabisado ang .PHP at .CSS ahahahah… onti pa… onti pang insayo matututunan ko rin yan… nakaya ko ngang mag self-study dyan… ano pa kaya kung kumuha na ako ng short course sa informatics di ba… paksyet… baka makagawa na ako ng sarili kong Facebook o kaya Twitter… tatawagin ko itong Twitface+… isang app na pinagsama ang mga matitinding social networking site sa mundo sa henerasyon natin ngayon… ah yeah… ako na di ba… chos…

Kahit papaano eksyated din akong bumalik sa Dammam… kasi balita ko… isusupply daw nila ako sa Jubail City… isang industrial city ng Saudi… naroon ang mga malalaking planta ng Saudi tulad ng ARAMCO (pinaka malaking Oil Company sa mundo), SABIC (Pinakamalaking Petro Chemical sa mundo), marami pang iba… di ko na kabisado kung ano-ano pa ang mga kumpanya doon… basta malalaki lahat… yun bang tinatawag na Multi-Million Dollar Company… na parang tanging si Bill Gate lang ang may kakayahang magpatayo nun… sa SABIC nga lang (sa SABIC nga pala ako nagtatrabaho bago ako natanggal….) mahigit 450 Billion ang income nila sa taong 2011… saan ka pa… kaya nga ang mga charity at mga sponsorship na binibigay ng SABIC sa mga proyekto ng mga ilang ahensya ng Arabo e kaliwat-kanan e… kasi nga dahil sa laki ng kanilang kinikita kada taon… take note… bilibitornat… sabi nila limang million daw ang income ng SABIC sa kada limang minutong lumilipas… toksyet lang di ba… pero di ako sure doon…

Kaya nga kahit papaano… e nanghihinayang ako… dahil tatalikuran ko na ang isang kumpanyang tanging sa panaginip mo lang maiisip na makakapagtrabaho ka… isang kumpanya na nakatayo na ng mahigit tatlong dekada… isang kumpanyang kakaiingitan ng lahat ng kumpanya… pero ok lang… may kagandahan naman ang naidulot sa akin ngayon… dahil alam niyo bang para akong isang artistang nanalo ng best actor sa FAMAS Award o di kaya ng ACADEMY Award ng Hollywood… dahil ngayon kahit saang kumpanya pa ako mag-apply… e tanggap na agad ako… kaliwat-kanan ang alok sa akin na magTV Guesting… dahil astig na daw ako… dahil nakagawa ako ng Pelikula sa SABIC sa loob ng dalawang taon… ano pang hinihintay niuo… sakay na…. Hindi ko lang matanggap-tanggap ang mga project na binibigay ng mga producer sa akin at ng mga derektor sa akin… dahil nga hawak pa ng ahensya ang aking betlog… pero ok lang dalawang buwan na rin lang kasi ang hihintayin ko… at tuwalala…  uwian na… uwian na… yahoooo

So pano ba yan mga pards… hanggang dito na lang muna ako… mwahhahahaha… magliligpit na ako muli ng aking mga gamit…. Yahoooo….. papaano ko kaya ililigpit ang cabinet ko at kama ko… hmmmm….



Ok siya…. Paalam na mo na sa ngayon… baboos….



Wednesday, March 14, 2012

Ang SAP


Eeeeeyehheyyyy… I’m back… matagal din akong nanahimik no… marahil mga tatlong linggo rin… at sa loob ng tatlong linggong ito… isang beses lang ako nakapag update ng blog ko… drama pa… nyehehehehe… anyways… the only reason behind was… I have no permanent desk in our office…. And I don’t have permanent computers right now…. Kung kanikano lang ako nakikigamit e no… tapos kung kanikanino lang ako nakikitawag din… nyeheheheh…. Wala na kasi ako sa dati kong pwesto e… tinanggal na nila ako doon, kaya naman lumipat na ako sa ibang departamento… ehehehhe… so ayun… temporary lang ako dito sa bagong depertamentong pinapasukan ko, may nagbakasyon lang kasing isang empleyado kaya kailangan nila ng tagapangasiwa habang wala ang nakatoka doon, so kinailangan ko ng dalawang linggong training para matutunan ko ang dapat kong matutunan, ganun kabilis, dapat mong maabsorb lahat ng trabaho niya sa loob ng dalawang linggo, nyehehehehe… pero oks lang… dahil hindi naman nalalayo ang trabaho ko sa trabaho niya… kaya madali kong natutunan ang mga iportanteng bagay na dapat kong matutunan at gawin habang wala siya.

Ngayong araw ngang ito ang unang sabak ko sa trabaho na wala siya sa aking tabi, yahoooo… magkahalong kaba at tuwa ang aking nararamdaman dahil matagal ng nangangati ang kamay ko para magsulat ng blog, neyeyeyeye…. Sa bahay kasi… pagkauwi ko… lately parang masgusto ko na lang matulog kesa sa ang magsulat at magbasa e no… sinusulit ko na kasi ngayon ang pagpapahinga ko sa bahay, hindi na ako nagpupuyat masyado, kasi kailangan ko ng magbeauty rest kasi para naman hindi ako magmukhang haggard pag uwi ko ng Pinas… nga pala… Uu… malapit na pala akong umuwi… yahoooo…. sa ngayon wala pa akong matibay na plano,…. Pero ang tumatakbo sa isipan ko ngayon ay ang pagreresign sa kumpanyang ito at maghanap ng bagong malilipatan na may mataas na pasahod, parang gusto ko rin ang magtayo ng negosyo pag uwi ko ng Pinas…. Pero ano pa man ang maging disisyon ko e sana ito ay nagmula kay GOD ALLAH.

So hayun na nga… kanina pumunta lang dito ang empleyadong papalitan ko sa pwesto, nagbigay ng mga ilang instructions sa akin… sinigurado rin niyang wala na siyang nakalimutang mga gamit sa office, nagpaalaman kaming dalawa, nagpaalam na siya sa aming amo at ibang mga kasama sa departamentong ito, sinigurado niya sa akin na maayos na ang lahat… isang buwan siyang mawawala, so isang buwan akong mangangasiwa dito… konting ukrayan at echos-echosan, konting ek-ek, tapos taasan ng kilay, mga eow-eow at iilang jejemon words, samapalan at sabunutan… tapos nun nagpalaam na siya, pero… PERO HAH!!!! PERO… bago siya umalis.. sinabi niya sa akin, “uyyy!!! AL!!! pagbutihin mo dito hah!!! Huwag kang gagawa ng hindi maganda!!!”, sagot ko naman ay “Opo Master”, MASTER!!! Yup Master nga.. kasi siya ang pinaka master naming lahat…. Bukod sa may Master’s Degree siya at PHD e siya rin ang isa sa pinakamatagal ng Pinoy na nagtatrabaho dito sa aming kumpanya, at marami na siyang naging karanasan sa lahat ng mga gawain at transaksyon dito e no, kaya Master ang tawag naming lahat sa kanya, kaya naman kailangan kong pagbutihin talaga ang aking trabaho dahil ayaw kong mapahiya siya sa pagrekumenda sa akin sa amo namin.

Lumabas na siya ng opisina, kumaway pa sa akin, sabay sabi na “Uyyy yung SAP… close mo… gagamitin ni Joven sa baba, hindi siya makalog-in kapag naka log-in ka dyan”, “Opo Master”, isa-isa kong mini-minimized ang windows apps na naka-cascade sa aking desktop para makita ko ang SAP System, ilang sandali pa, nakita ko na siya, akmang hahawakan ko na ang mouse ng PC na gamit ko upang isara ang SAP, at ayun… may error akong nakita… pak!!! Booom!!!!… meron akong accidentally na napindot… HUWAAAAAAA…. May nadelete akong isang function ng SAP… ang FANAR: Production… na siyang isa sa pinaka importante sa lahat at siyang pinaka ginagamit namin ni Master, urggghhhh… namutla agad ako… waaaa… “Bakit ka” tanong ni Master sa akin, “ahhh… wala.. ehehhehe” pretending na lang akong ok ang lahat, kahit na ang totoo hindi… ehehehe…. Anak ng … kapag minamalas ka nga naman… alam ko namang maaayos ng IT ang issue na ito, kaso hindi pa man nakaka alis si Master eh nakagawa na agad ako ng pagkakamali… saan ka pa… ke ALDO na… ehehhehe… sensya naman, tao lang….

Pagkaalis na pagkaalis ni Master, gumawa agad akong ng system request para ipaayos sa IT namin ang problemang napasukan ko, yahoo… ilang minuto pa e tumawag na agad ang IT sa akin, sinabi ko kung ano ang nangyari, at naintindihan naman nila ang problema ko, inayos na nila ito…. Ayun balik na ulit sa system ang nabura ko kanina…. Napangiti ako ng maayos ng IT ang problema ko’t nasambit sa sarili “Tuloy ang ligaya”, unti-unting lumabas ang buntot ko at sungay, pasimpleng nagbukas ng Chrome, type Blogger url, hit enter, at nagblog na.

10:55 am na dito, araw ng Miyerkules, taong 2012. Sa Office ni Master sa SABIC, Riyadh City, Saudi Arabia.


Bleh….



Saturday, January 28, 2012

Lakad Dito, Lakad Doon


KANINA naglakad ako papunta sa isa sa mga Pinoy Restaurant dito sa Riyadh, wala lang, trip ko lang kumain mag-isa, nagluto naman ang kasama ko ng masarap na pagkain, pero parang mastrip kong kumain na lang sa labas, magwaldas ng pera, gumastos ng 11 Saudi Riyal para sa dalawang ulam, isang rice at isang tubig mineral, weeeee, mura lang naman eh, di naman kasi yun isang class na restaurant, wala lang lang trip ko lang talaga.

Habang naglalakad ako papuntang Pinoy Restaurant, nakikinig naman ako ng musika sa aking lumang mp3, Rap Song from “Skully Klann” ang pinapakingan ko, “In Darkness” ang pamagat, isa silang underground Hip-Hop Artist at isa rin sa mga pinaka-unang grupong nabuo sa Zamboanga City, isa rin sa mga members nila ay isa sa mga mahigpit kong tropa, since high school pa kaming magkaibigan, siya ang kumanta ng last part ng kantang “In Darkness”, try niyo hanapin sa YouTube ang kanta na yan, basta huwag niyong kalimutan na itipa ang “In Darkness by Skully Klann”.

Anyway, tulad nga ng sinabi ko, naglakad ako papuntang Pinoy Restaurant, masaya akong naglalakad habang sinasabayan ko ang kanta mula sa Skully Klann, habang kinakanta ko yan, naisip ko ang mga panahong nagdaan, dati, ang tanging pinoproblema ko ay kung papaano ako magkakaroon ng 30 pesos para makapag internet na sa kanto, iniisip ko kung papaano ko titipirin ang perang baon ko para sa weekends ay 1 to sawa akong maglalaro ng Quake o Half-Life, first year collage na ako ng maadik ako sa Internet, around 1996-1997 ata, si Rod ang nagturo sa akin kung papaano gamitin ito, siya rin ang tinutukoy kong tropa ko na naging myembro ng Skully Klann, dati naaalala ko noong mga panahong iyon, napaka-simple lang ng buhay ko, tanging problema ko lang ay ang Prof ko sa Chem. 120 namin, pero ngayon iba na ang lahat.

Habang naglalakad ako naisip ko, na mahigit sampung taon na pala akong namumuhay mag-isa, nagdedesisyon mag-isa, kumakayod mag-isa, pero sa loob ng sampung taon na yun, ano na nga ba ang napatunayan ko sa sarili ko, ano na ba ang naipundar ko, sino-sino naman kaya ang nakasalamuha ko, sa dami na ng pinagdaanan ko, ano-ano na kaya ang natutunan ko, dati ang kahabaan ang ng kalsada mula sa RACCS Internet Café papuntang sakayan ng Jeep pauwi sa amin ang nilalakad ko, ngayon ang kahabaan na ng kalsada sa Batha dito sa Riyadh ang tinatahak ko, sabi nga ni Dello “malayo na ang narating dapat na bang lumingon”, isang makahulugang linya sa kanyang kanta na sadyang parati kong naiisip, sa layo na ng aking narating, sa dami na ng aking nagawa, kelan kaya tayo dapat tumigil para lumingon sa pinangalingan natin, madalas natin yan marinig pero kelan nga ba ang takdang panahon ng paglingon, kung sakaling lilingon na tayo, sino ang dapat nating lingunin at sino ang dapat na iwasan?

Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong mga grupo ng kabataan, marahil mga edad labin-walo pababa, grupo ng mga kabataang Arabo, magkakasama sila, nagkukwentuhan sa isang sulok ng kalsada sa labas ng isang coffee shop, nagtatawanan, mukhang nagkakaigihan sa kantyawan sa isat-isa, naisip ko lang, habang pinagmamasdan sila, ano kaya ang kanilang pinag-uusapan, katulad ko rin kaya sila na tanging prof lang sa isang subject ang pinoproblema? Katulad ko rin kaya sila na naghahanap noon ng paraan kung papaano ako makakahingi ng isang-daang piso sa aking mga magulang para makapag 1 to sawa na ako sa paglalaro sa Internet Café, marahil hindi, pero ok lang, ang talagang nagpangiti sa akin ay nang maisip ko na kelan kaya sila aabot sa punto na masasabi na nila sa kanilang sarili na kailangan na nilang pagbutihin ang lahat ng kanilang gagawin, dahil isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito, kaya kailangan nating pagbutihin ang lahat.

Habang naglalakad ako, nilingon ko ang paparating na sasakyan mula sa aking likuran, Indiano ang nagmamaneho, ngumiti siya ng matapat sa akin ang kotse niya, dahan-dahan lang naman ang pagpapatakbo niya e, ngumiti rin ako, naisip ko lang, gusto ko magkakakotse ako bago ako umabot sa edad na 35, gusto kong matulad sa kanya, mukhang bata pa kasi ang nagmamaneho e, ang kaibhan lang namin, ako gusto ko, sarili kong kotse ang gagamitin ko, hindi tulad niya, isang taksi.

Habang naglalakad ako, naisip ko lang na araw-araw pala ay binibigyan ako ni GOD ALLAH ng pagkakataon para itama ko ang mga maling nagawa ko kahapon, tulad ngayon, nasa Saudi ako, nasa akin lahat ng pagkakataon para makaipon at para umasenso ang buhay, nasa akin ang lahat ng pagkakataon para mapabuti ko ang aking sarili, kung nadapa man ako ng ilang ulit noon, tinitiyak kong pagbubutihin ko na sa susunod na hamon.

Amen…

Wasak….


Sunday, January 1, 2012

Unang Putak



Una sa lahat nais ko kayong batiin ng Pukpukpukputaaaakkk… Pukpukpukputaaaakkk… Pukpukpukputaaaakkk… Maligayang Bagong Taon… 2012 na…. at ito ang unang putak ko sa blogworld para sa taong ito…  maraming pagbabagong magaganap sa aking sarili ngayon… mas magiging abala tayo sa mga TV Guesting at Photoshoot, magkakaroon rin ako ng marami pang commercial endorsement at signing of contract, paksyet, nakalimutan ko.. meron pa pala akong mga modeling na sasalihan, kaya pagpasensyahan niyo na kung magiging busy ako sa taong ito, marami rin akong magiging TV Appearances at Hosting, di ko na isasali ang unang Solo Art Exhibit ko na gaganapin sa Folf Art Theater sa Taong ito, ang mga concert ko at bagong pelikula na gagawin, magbubukas din ako ng maraming store para sa aking pinakabagong Persanal Clothing Line na nakapangalan sa Pangalan ko, ang mga imbitsyon sa akin ay kaliwat-kanan na, kaya inaasahan ko na masmagiging busy na ako sa taong ito.

Ang sarap isipin ng Unang Putak ko no? sana totoo, ang kaso lahat niyan ay hanggang pangarap na lamang, pero ok lang, lahat naman ay nagsisimula lang sa pangarap, walang matagumpay na nilalang ang hindi nagumpisa sa isang simpleng pangarap, natapos na ang 2011 ano na nga ba ang narrating dapat na bang lumingon o baka dapat maspagpursigihan pa ang pagsulong, kung aking babalikan, sino nga ba ako noon kung ikukumpara ko sa sarili ko ngayon, halos abot-kamay ko na ang tagumpay ngayon, kung noon ay nakatanga ako na hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan ang mga pangarap na gusto kong abutin, ngayon naman nakatanga ako dahil di ko alam kung ano ang aking sisimulan.

Para sa taong ito, marami akong gustong gawin, maraming plano at maraming pagbabago, una na dyan ang pag uwi sa Pinas, dalawang taon ko nang di nakikita ang aking pinakamamahal na inah, pinaplano ko ng umalis sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon dito sa Saudi, alam kong hindi pa gaanong sapat ang salaping naipon ko para matawag na mayaman, pero masasabi ko naman tamang-tama na ito para sa maliit na negosyong itatayo ko, sa Manila ko gustong itayo iyon, sa Manila ko gustong makilala ng sambayanan, alam kong magagawa ko ito, simula kasi ng masaktan ako sa isang babae, masnaging positibo na ako sa lahat ng bagay, kaya naman matapang akong uuwi ngayong Hunyo 2012, para maumpisahan na ang aking pangarap.

Nais ko rin gawin ang matagal ko nang pinaplanong gawin, ang pagpe-Paintings, noong nasa Elementarya pa kasi ako at High School eh madalas ko na itong gawin, gamit ang simple Oil Base nakakalikha ako ng mga simpleng nature scene ang  kaso hininto ko, pero ngayon parang gusto ko siyang subukan muli, dahil narin ito sa paguudyuk ng isang kaibigang babae na magaling din magpaint… pag uwi ko daw… pwede daw niya akong pahiramin ng mga brushes niya at stan, meron din daw siyang mga graph paper na pwede kong pagpraktisan, kapag handa na daw ako, pwede na daw ako sa Canvas na mismo magpinta, hindi ko naman pinapangarap na maging sikat na Artist, gusto ko lang makilala kahit papaano.

Nais ko ring balikan ang tinalikuran ko nang hobby ang “Photography”, marahil mga edad sampu ako noong mapabalitang nagaaral ng Photography si GOMA.. nagtanong ako sa ate ko kung ano yun? Sabi niya tagakuha ng larawan, at doon marahil nagsimula ang pagkahilig ko dito, naging sideline ko rin ito sa Zamboanga, naging assistant ako ng isang kaibigang Photographer, kaya naman talagang namiss ko rin ito, pinaplano ko ng bumili ng sarili kong DSLR Cam, pero tsakana, kapag malapit na akong umuwi.

Sa mahika naman tayo, nais kong dagdagan pa ang mga magic videos na nagawa ko, nais ko ring pag-aralan ang ibang bagay na ginagamit sa mahika, tulad ng Cups and Balls, Rope Magic at Linking Ring, nais ko ring mapagigihan pa ang pagaaral ng mahika sa baraha at higit sa lahat ang maghanap ng mga resources para maging mahusay sa larangan ng Mentalismo, nais ko ring subukan ang entablado, minsan ko na ito nagawa noon, at talaga namang nakakataba ng puso kapag napeperform kana sa taas at ang mga manood ay nagsisimula ng ebully ka at batuhin ka ng kamatis.

Bukod dito, nais ko ring magkaroon ng panibagong hobby, pinagiisipan ko ngayon kung kukuha ba ako ng Taekwondo lesson, Yaw-Yan o Boxing lesson, gusto ko kasing maging sport minded eh, pero syempre bago ko umpisahan yan, nais ko munang magGym, naka schedule na yan ngayong January pagdating ng sweldo ko, medyo bumibigat na kasi ang katawan ko kaya kailangan ng magpapayat at magpaganda ng katawan, kasi nagiging mukhang matanda na ako dahil sa katabaan ko, ayaw ko kasing magmukhang losyang kaya dapat ng alagaan ang sarili.

Alam kong magagawa ko ang lahat ng ito, sa tulong at sa awa ng Diyos Allah, at dahil na rin sa malaki ang tiwala ko na makakaya kong abutin ang aking pangarap… may nabasa akong blog ng isang kaibigan kong magikero, sabi niya sa kanyang blog, sinabihan daw siya ng kaibigan niya na maswerte siya dahil napapalibutan daw siya ng mga pambihirang tao na may pambihirang kakayahan kaya dapat daw ay pagbutihin na daw niya at huwag aksayahin, dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, tama siya, tulad ko, halos lahat ng gusto kong gawin ay abot kamay ko na, nasa akin na lang kung papaano ko pipitasin ang mansanas ni Eva.

Nais ko ring pag-aralan ang Script Writing, sa ngayon nagseself study muna ako, dahil sa wala pa akong magawa, nakatali pa ako sa dalawang taong kontrata, pero kapag natapos ko na ito ngayon hunyo, asahan niyo na talagang pagpupursigihan ko yan abutin, makikita niyong lahat.


“See me rise and see me fall, see my ambitions takes control”



Maraming salamat po.




Tuesday, December 20, 2011

Tahimik na Mundo



Tatlong araw ng tahimik ang mundo namin sa Villa, wala na kasi ang mga dating kasama namin, dahil lumipat na sila, mga dalawang buwan na sa ngayon ng sabihan kaming maghanap na ng malilipatan, hindi namin alam ang totoong dahilan ng may ari ng kumpanyang pinapasukan namin, basta bigla na lang kami pinaabisuhan sa Indianong care taker ng villa na dapat na daw kaming maghanap ng bahay na malilipatan dahil leave-out na daw kami, bibigyan kami ng accomudation at transportation allowance, wala daw magiging problema, aayusin lang daw nila kung magkano ang magiging budget doon para ibibigay na sa amin ang pera, at nitong lingo ngang ito ay ibinigay na sa amin ang nasabing allowance, kaya naman, naging abala ang lolo niyo sa paghahanap ng malilipatan, madaling nakahanap ang mga kasama ko, marami rin kasi silang mga kakilala na narito sa kingdom upang magtrabaho, ako naman wala ring problema, marami ring gustong umampon sa akin, ang kaso nga lang, sa dami nila, hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko.

Noong sabado ng gabi, lumipat na ng bahay ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho, tatlong kwarto ang mga pinoy sa aming Villa, at yung dalawang kwarto ay lumipat agad, pero sa kwarto namin ay hindi pa nakakalipat, hinihintay ko rin kasi ang dalawa kong kasama ko saan sila lilipat para naman hindi nila masabi na wala akong pakialam sa kanila, syempre kakwarto ko yun, kaya naman kahit paaano, dadamayan ko sila, pero anytime na this week ang alis namin.

Anyway, ng umalis ang mga kasamahan namin, doon ko naramdaman ang kalungkutan, for the fisrt time in my life here in Saudi, nakaramdam ako ng lungkot, kasi magkakalayo na kami ng mga kasamahan ko, kahit papaano naman kasi, halos dalwang taon ko rin silang nakasama at nakakulitan, wala akong problema sa kanila, kung nagkaroon man kami ng konting alitan at di pagkakaunawaan madali ko naman yun kinalimutan, ewan ko na lang yung sila, kung nagtatanim ba sila ng galit o hindi, pero hindi naman lahat ay nakasamaan ko ng loob, may mga mangilan-ngilan lang, at nito ngang umalis sila, may konting lungkot din akong naramdaman.

Pero hindi ko na yun masyadong pinansin, dahil alam ko naman na may hantungan ang lahat, mag-isa akong pumunta dito sa Saudi, magisa rin akong uuwi ng Pinas, at alam ko rin na kahit gaano pa kalalim ang samahan namin o hidwaan alam ko sa puso ko na darataing at darating ang sandali na magkakahiwa-hiwalay rin kami ng landas, dahil ayoko rin na masyadong magtagal dito sa Saudi, ayaw ko na hindi ko masubaybayan ang paglaki ng mga pamangkin ko, at unti-unting pagtanda ng mga magulang ko at kapatid, ayaw ko na mawalay sa kanila ng masyadong matagal, kaya talagang todo sa pag-iipon ang ginagawa ko ngayon.

Medyo natagalan lang ako sa pagdedesisyon kung saan ako lilipat ng bahay, marami rin kasi akong opsyon at mga kakilala na gusto umampon sa akin, pero ganon pala talaga, ang hirap magdesisyon kung andyan na, ito ay  ang “pagitan ng pagtitipd at mga maluhong bagay”, may nahanap akong flat na kung saan ay mala-hotel ang dating ng kwarto nila, ang kaso naman ang mahal, bagama’t hindi ako kakapusin sa gastos pero hidni naman ako makakaipon, wala akong maitatabing pera galing sa accomudation at housing allowance ko, samantalang kapag tumira ako sa bahay kaibigan ko alam ko na malaki ang maitatabi kong pera, halos hindi na nga kasi niya ako pagastusin kung sa kanya ako titira, kasi pareho lang naman daw ang gastos niya, at mukha naman daw akong hidni malakas kumain, kaya siya ang pinili ko, kasi naman alam ko na talagang may maitatabi akong pera kapag sa kanya ako titira, pero syempre, kapag andon na ako, gagastos din ako at magbibigay ng konting pandagdag sa bahay niya di ba, pansamantala lang kasi ako sa kanya, dahil anim na buwan na lang ako mamamalagi dito sa Saudi at uuwi na ako ng Pinas, di rin ako sigurado kung babalik pa ba ako dito o hindi na.

Kaya naman, kahit paano nakakalungkot isipin na wala na ang dating samahan namin ng mga katrabaho ko sa opisina, at alam ko na kahit anong mangyari ay hindi na iyon madurugtungan pa, nagkanya kanya na kami ng landas sa buhay, iisang kumpanya parin pero magka-iba na ng ruta ng pag uwi, magka-iba na ng bahay, alam ko balang araw magkakatagpo ang aming landas sa lansangan, pero alam ko na hindi parin yun mapupunuan ang lungkot ng aming paghihiwalay.


Paalam sa mga kasamahan ko na minsan kong itinuring na kaibigan.


Salamat sa mga ala-ala.


Hanggang sa muling pagkikita.

Saturday, December 17, 2011

Liham



Alam mo ba ang pakiramdam ng akala mo “WALA NA” akala “OK NA ANG LAHAT” yun tipong “KAYA MO NG TUMALIKOD” at “PAGTUUNAN NG PANSIN ANG IBA” yun bang “MASASABI MO NANG WALA KA NG PAKIALAM” pero “BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT” ng makita mo ang kanyang “LUMANG LARAWAN” na kahit alam mong “TINAPON MO NA LAHAT” eh “MERON PA” palang “NAIWAN” sa mga gamit mo at “NABASA MO RIN” ang isang “LUMANG LIHAM” niya sa iyo, na sadya namang sa mga “ORAS” na iyon, hindi mo talaga “INAASAHAN”.

Meron lang akong hinahanap sa mga gamit ko, isang lumang pasaporte, nais ko sanang ma-scan lahat ng mga nakatatak doon na departures at arrivals stamp, para naman sa muling pag-aapply ko eh meron akong maipakita, wala lang, naisipan ko lang yun gawin, mukha kasing plus point yun kapag nakita ng employer na marami na akong bansang napuntahan, sa aking paghahanap, di ko inaasahan na matagpuan ang isang lumang liham ni “She Who Must not be named” sa akin, naisauli ko na kasi lahat ng mga liham niya sa akin, at ang mga larawan naman niya ay wala na rin akong naitago kahit isa, pero nagkamali pala ako, dahil meron pa palang nakatago sa aking lumang pasaporte.

Naalala ko pa ito, tinago ko ito sa aking lumang pasaporte at parati ko itong binabasa sa tuwing nangungulila ako sa kanya noong mga panahong nasa Malaysia ako, kalakip ng liham na ito ay ang isang larawan niya na kusa niyang ibinigay sa akin, nasa loob ito ng aking organizer kaya hindi ko ito naisama ng isauli ko sa bahay nila ang mga liham niya sa akin.

Napangiti ako kahit papano ng matagpuan ko ang kanyang liham, dahil hindi ko talaga inaasahan na meron pa palang natira sa mga ibinigay niya sa akin noon, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko, makakita lang ako ng sunset ay nag-uumapaw na ang tuwa sa dibdib ko, ano pa kaya ang malaman mo na meron ka pa palang natirang memorabilia mula sa mapait na kahapon di ba?

Agad ko itong binuksan upang basahin muli, habang pinapadaanan ko ng basa ang bawat letrang kanyang isinulat, binabaybay naman ng aking diwa ang aming nakaraan, naghihintay ako sa kanya sa labas ng aming campus noon, dahil kakatapos lang ng aming klase, nasa labas ako ng campus nakatayo mismo sa tabi ng tarangkahan habang kausap ang guwardya na nagbabantay sa harap ng aming paaralan, nakita ko naman bumaba mula sa trycicle ang aking ate at pumasok sa tindahang malapit sa aming paaralan, kaya naman pinuntahan ko ito at inusisa kung ano ang ginagawa niya doon, may bibilhin lang daw siya sa tindahan na iyon kaya siya bumaba, agad niya rin akong binati sa aking kaarawan at tinanong kung ano ang binigay sa akin ni “She Who must not be named” sabi ko isang sulat ng pagbati, napangiti siya at nagtanong kung pwede ba daw niyang mabasa ito, dahil sa hindi ako naglilihim sa mga magulang at kapatid ko, pinabasa ko naman sa kanya ang sulat, napapangiti si ate habang binabasa niya ang sulat ni “She who must not be named”.

Isa lamang ito sa mga sandali ng aking buhay na mahirap kalimutan, kahit papaano sa kabila ng sakit na dinanas ko sa pakikipaghiwalay niya sa akin naging masaya rin ako sa piling niya, at wala pa akong natatagpuang magpapaligaya sa akin tulad ng giwana niya noong kami pang dalawa, pagkatapos kong basahin ang sulat at pagmasdan ang kanyang larawan, nasabi ko sa sarili ko na wala na pala ang sakit sa puso ko, isa na lamang pala itong mapait na nakaraan na ayaw kong kalimutan dahil alam kong marami pa akong matututunan mula rito, nasabi ko sa sarili ko na matagal na pala akong naka moved on, tinupi ko ang sulat at pinasok sa loob ng maliit na sobre kasabay ng larawan niya, hinawakan ko ito at nag-isip kung ano ang gagawin ko sa sulat, gusto ko sanang itapon dahil alam kong wala na itong silbi, pero nagpasya akong itago na lang ito muli kung saan siya nakalagay, dahil alam ko na balang araw ay magkikita pa rin kami, dahil kailangan niyang malaman na hindi na ako galit sa kanya at gusto kong mapanatag na ang kanyang kalooban, at bilang patunay, gusto kong ibigay sa kanya ang sulat na iyon para malaman niyang kahit papaano’y pinapahalagahan ko parin ang aming nakaraan.


Salamat sa pag babasa



D”N



Tuesday, December 13, 2011

Over and Over!


Hindi naman ako katalinuhang nilalang… pero definitely hindi ako bobo, tulad mo marami akong kayang gawin na hindi nila kayang gawin, at tulad nila marami rin silang kayang gawin na hindi ko kayang gawin, kaya patas lang, pero hindi nangangahulugan na ako ay isang ng bobo, marunong ako sa Mahika, sa katunayan, nakapagtanghal na kami sa entablado noon, nakakapagsulat rin ako ng mga kwento at sa loobin kahit papaano, may alam rin ako sa pag-guhit at pagpinta ng larawan, mga simple at hindi masyadong kumplikadong larawan lang naman, higit sa lahat marunong akong magprito ng isda at magsaing ng bigas, kaya hindi mo masasabi na wala akong talento.

Sa paaralan naman, hindi ako bumabagsak sa mga subjects ko, maayos naman akong nakapagtapos ng System Programming sa AMA, nakakaintindi ng mga basic source code ng mga simpleng programming language at script, kaya kong gumawa ng simpleng website at simpleng programming system, may alam ako sa mga graphics design kahit papaano, nakapagdesign na rin ako ng sarili kong bahay sa AutoCAD, oh asan ka pa, bobo na ba ako sa ganon?

May common sense din ako, yung tipong hindi mo na ako dapat sabihan sa mga basic flow ng isang bagay, yung mga common thing na ginagamit natin o ginagawa araw-araw, halimbawa na lang dito sa office, halos dalawang taon na akong nagtatrabaho dito, kaya for sure naman kahit papaano eh alam ko na ang mga dapat kong gawin di ba? Hindi mo na ako kailangan tanungi at pagsabihan, kasi syempre trabaho ko ito, kaya alam ko ang dapat kung gawin, total kung hindi ko naman kaya, eh nakikita naman nilang ako mismo ang nagkukusang nagtatanong sa kanila.

Itago na lang natin siya sa pangalang Eng. Bandar, isang Arabong Ihinyero, mabait naman siya kung sa mabait, makulit at higit sa lahat, very approachable, pero may isa siyang ugali na sadyang kinaiinisan ko, ito ay ang pagiging makakalimutin, sobra akong naiinis sa kanya, sa tuwing tatawag siya sa akin sa telepono, ang parating sinasabi niya, “Hello ya Adelfo” toinks,…. Adelfo hah!!! Hindi naman Adelfo ang pangalan ko, Al Diwallay, ang layo no? pero hanggang ngayon ang tawag parin niya sa akin ay Adelfo, Adelfo kasi ang pangalan ng dating nilang Admin Assistant dito eh, pero wala na yun dito, ako na ang pumalit sa pwesto niya, pero hanggang ngayon di parin maka get over ang lolo niyo sa pagkawala ni Adelfo.

Ikalawa sa tuwing uutusan ako, halimbawa pumunta ng Traveling Depertment, General Service o kaya sa Cad Office, mga ibang departamento dito sa aming office, eh tatanungin niya ako kung alam ko ba daw kung saan ang mga office na ito, “Ya Adelfo, you know Abdullah AlSkait?”, “Yes Sir! I know him”, “He is GS (General Service)”, “Yes Sir, I know him, and his Office is in Admin Building”, “ GS! You know who is our GS?”, “Yes Sir, Abdullah AlSkait”…. Parang hindi siya makapaniwala, na alam ko ang GS namin, at alam ko ang opisina niya, sa tuwing uutusan ako, tatanungin ako kung kilala ko ba daw si “AlSkait from GS”.. at kung sasabihin ko na “Uu alam ko”, parang nagdududa.

Almost every day lang naman ako, pumupunta sa mga taong ito para maghatid ng mga dokumento sa kanila, sa CAD Office si Nino ang focal namin doon, sa GS si Abdullah AlSkait, sa Travelling Agency eh isang Sudanese Guy naman ang contact namin, sa IT marami kaming tao doon na pwedeng malapitan, andyan si Bin Baz isang arabo, Najeeb isang indiano, Abdullah isa ring indiano, pero kung kailangan mo ng mga approval si Mr. Zami ang dapat mong kausapin, sa loob ng halos dalawang taong pananatili ko sa kumpanyang ito, eh natural kilala ko na siguro ang kung sino ang tamang tao na dapat kong kausapin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa opisina namin no? hindi mo na ako kailangan pang pagdudahan, pero si Eng. Bandar, over and over again, eh tinatanong ako kung kilala ko ba daw si tapulano at si tapulana….

Kung sa araw-araw na ginawa ng dyos sa opisina eh tinatanong ka kung alam mo bang gawin ang mga bagay-bagay na araw-araw mo naman ginagawa, ano ang mararamdaman mo, kanina hindi na ako nakapagpigil pa, nang tanungin niya ako muli kung kilala ko ba daw si Abdillah AlSkait na yan, kasi meron daw siyang ipapabigay na mga dokumento, eh pinagsabihan ko na siya, “Sir! I hope you won’t get mad at me, but I think we have to clear out some things here, you don’t have to ask me, if I know these persons, and if I say yes you seems to be shocked, I have been working here in this company now for quite sometimes, and I’ve been to theses persons for many times now, for sure I already know their office and the kind of Jobs they’ve got” na shock ang lolo niyo sa sinabi ko sa kanya, hindi siguro ito makapaniwala na marunong akong magsalita ng English, tapos pagsasabihan ko pa siya, “and also Sir, please bear in mind (naks bear in mind talaga), I am Al Diwallay and not Adelfo, the next time you will call me Adelfo, even it is a matter of life and death I will not answer your needs” at nagulat na naman siya ulit.

Nagpaliwanag siya sa akin, kasi nga raw gusto daw niyang makasigurado na mapupunta ang dokumento sa tamang tao, ayaw daw niyang mawala ito at baka maging hindrance pa ito sa aking performance dito sa office, pero sinabihan ko siya na “Do you think Sir I don’t know my job? The way you treat me is like I am a dumb, a brainless and useless person, I am not like that.” At nagsorry naman siya, at syempre ako naman ay mababaw lang ang kaligayahan, kaya sinabihan ko na lang siyang “I’ts ok”, tumalikod na ako at hinatid ng personal ang dokumento na gusto niyang ipabigay.


Hayst.


Salamat,.



D”N


Tuesday, November 22, 2011

Simple pero masaya



Alas-Dyes na ng umaga dito sa Saudi ngayon, kung nasa Zamboanga lang ako, sigurado kakagising ko pa lang, may sarili kaming kwarto, pero marahil ang una kong gagawin, dederetso ako sa kwarto ng parents ko para mahiga muli, pero di matutulog, kundi manonood ng TV habang nagiisip kung ano ang kakainin, maya-maya papasok na ang kasambahay namin sa kwarto ng parents ko, magtatanong kung ano ang gusto kong kainin, sa dami ng napagpilian ko kanina, eh sa pancit canton lang ako babagsak o kaya sardinas, mula pa kasi pagkabata, yun na ang ulam namin tuwing tanghalian, kung hindi man sardinas o pancit canton eh siguradong maggi mari yan o kaya piniritong itlog, ok lang naman sa amin yung ganun, sanay na kami, minsan naman, may mga natitirang ulam mula kagabi at yun na ang pagsasaluhan namin, minsan kasambahay namin ang nagluluto ng pancit canton o kung ano man ang gusto namin, pero madalas kami lang magkakapatid ang nagluluto ng kakainin namin, madali lang naman kasing ihanda ang mga instant food di ba?, yun nga ang pinakagusto sa amin ng kasambahay namin eh, parang taga bili lang talaga ang responsibilidad nila sa amin, dahil kami din ang nagluluto ng ulam na gusto naming kainin, wala sila masyadong problema sa amin.

Alas-Onse y medya maliligo na ako, para makapagsalah(pray), pagkatapos magbibihis, manonood ulit ng TV, sa kwarto parin ng parents ko, kapag natapos na ang Eat Bulaga saka ako lalakad, susunod ako sa tindahan namin sa bayan, ako ang magbabantay habang tulog si ermats, ako ang pinaka gusto ng mga tindera namin na nagbabantay, dahil pagdating ko sa hapon, may dala na akong isang supot ng tinapay na may palaman na mongo o kaya coconut, minsan cheese bread, pero minsan lang talaga, dahil minsan lang din kasi ako kumain nito, nagpapabili ako agad ng isang litrong coke, kaya naman si ermats eh masaya dahil di na naman siya gagastos ng pangmerienda ng tatlo naming makukulit at magagandang tindera.

Mga alas-kwatro, gigising na si ermats sa kanyang higaan sa likod ng maliit na divider ng tindahan, pawisan dahil hindi siya gaanong tinatamaan ng ceiling fan, pero ok lang, at least nakapagpahinga siya, magtitimpla siya ng kanyang tea sa kanyang tasa, alam niyo ba na mula pagkabata ko, ay hindi ko pa nakikita si mother na uminom ng kape? Dahil mula pagkabata ko, talagang tea lang ang iniinom ni mother, At mula pagkabata ko rin ay halos mabibilang mo lang kung ilang beses lang si mother ko na uminom ng tubig o tea na gamit ang baso? Dahil mula noon hanggang ngayon, eh sa stainless tasa siya umiinom ng tubig, tea o juice, talagang sa tasa lang siya umiinom, kung makakainom man siya ng isa man dyan na gamit ang baso eh sigurado akong napipilitan lang yan, halimbawa kapag may pinuntahan siyang handaan, yun lang ang mga panahong nakakagamit si mother ng baso, nakasanayan na daw talaga niya uminom na gamit ang tasa, weird no?

Alas-Sinco naman ng hapon namamalengke na ang mother ko, habang nagsasara naman ako ng tindahan, sa mga ganitong oras naman dumarating ang kapatid ko, hahabol sa merienda kasama ng asawa niya, galing silang school, nag-aaral kasi ang asawa niya ng nursing, pero noon yun, dahil ngayon nakatapos na, last year lang at kasalukuyang naghahanda sa kanyang board exam, kapag maaga-aga ang kapatid ko na dumating may maaabutan pa silang merienda sa carenderia, pero madalas naman eh wala na, kaya coke na lang ang iinumin nila, habang nagmemerienda sila ako naman ay aalis na, sila na ang bahala sa pagsasara ng tindhan, habang ako naman ay pupunta na sa isang internet café na kung saan eh parati akong tumatambay, dito ako nagiinternet, libre naman eh, kapag isang oras lang ako gagamit, walang problema sa may ari, dahil parang ate ko lang yun, pero syempre, kapalit naman nun eh ang kusang pagtulong ko sa kanyang café, lalo na kapag may problema ang PC niya.

Alas-Sais y medya naman, aalis na ako sa café, dederetso ako sa isang mall sa Zamboanga, maghahanap ng makakasama, kapag wala akong nakita dederetso na ako sa Paseo Del Mar, isang park sa Zamboanga na malapit sa dagat, parang Baywalk na may resto bar at entertainment, pero may malaking park sa harap nito na katabi ng Zamboanga Museum, maraming tao dito gabi-gabi, isang pasyalan para sa lahat ng uri ng tao, masaya dito at siguradong hindi ka mawawalan ng kakilala, lalo na sa katulad kong mahilig sa majika, dahil maraming majikero dito, at halos lahat ng mga nagmamagik doon ay kilala ko, minsan naman bago ako pumunta doon eh dadaan ako sa bahay ng isang kaibigan ko na malapit lang doon, susunduin ko siya para sabay na kaming pumunta park, halos gabi-gabi doon kami tumatambay, basta may pambili na ako ng gas ng motor ko at pambayad sa parking na 5 pesos, ok na ako doon, pero mas mainam kung may pangkain din kahit na tinapay lang at ice tubig, solve na kami nun, magkukwentuhan, magpapasiklaban ng galing sa majika at higit sa lahat, magpakwela sa mga nanonood.

Alas Dyes o kaya alas onse na ng gabi ako uuwi, manonood ng TV ulit habang nagchecheck ng facebook account sa kwarto ko, ang desktop ko ang init-init na, siguradong kaninang umaga pa ito nakabukas, pero ok lang, total makakapagpahinga naman siya kapag natulog na ako ng alas dos ng umaga.


Simpleng buhay lang meron ako. 



Salamat sa pagbabasa.





Monday, July 4, 2011

Bleh Bukol





Sino ang may bukol sa ulo?


Alas dos ng hapon Kanina...

Kriiiinnnggggg!!!! Kriiiinnnggggg!!!! Kriiiinnnggggg!!!!....

Hello!!!

“Yah Ali.. can you please come to my office”, wika ng kausap kong Arabo na acting supervisor namin sa planta.

“Aiwa Sir!!!”, sagot ko naman sa kanya.

“Thank you very much”, pasalamat niya sa akin.

Pag dating ko sa office niya, simpleng tanong lang naman ang tinatanong niya, paano daw niya ma-update ang Shift Schedule ng mga operator, since hindi naman talaga siya ang supervisor namin at siya lang ay isang hamak acting so hindi daw niya alam.

“Sir! It’s just like this; you go here, click here, change here then save”. Pagtuturo ko sa kanya.

“Ahhh!!! Aiwa.. Shukran Yah Ali”, pagpapasalamat ng mabait kong supervisor.

Bago umalis, kinuha ko muna sa kanyang table ang mga documents na kailangan kong maifile saka ako lumabas, di naanan ko ang Control Room at tiningnan ang mga kasama kong arabo na operator at nakipag biruan sandali, saka ako lumabas ng masigurado ko na wala silang kailangan sa akin, nasa kabila kasi ang Office ko katabi ng Office ng Manager namin, hinanap ko muna ang Janitor namin at may pinahatid akong documents sa kabilang building, ganito kasi ako minsan, kapag tinatamad ako, eh inuutusan ko na lang ang Janitor namin o kaya tinatawagan ko ang UPS namin, opo… may opisina po ang UPS sa building namin, kahit nasa tapat lang namin ang padadalhan ng sulat o kaya dokyumento eh tinatawagan pa namin ang UPS upang sila ang maghatid nito, pero kapag sinisipag, kahit pa malayo yan ako na ang naghahatid.

Pero kanina, since nakita ko ang Janitor namin eh siya na lang ang inutusan ko, nakipag biruan pa sa akin ang Bangaling Janitor namin saka niya kinuha ang Documents at hinatid sa kabilang laboratory, ako naman ay kumuha ng tubig at uminom saka lumabas ng Tea Room.

Naglalakad na ako papalabas at akmang bubuksan ang pinto ng BAG@$%~%@!!@... Maraming star ang nakita ko, at mga ibon na nagliliparan sa aking ulo… huwaaaaa.. sumalpok ang nu’o ko sa pintuan ng control room, sanay na kasi ako na  kapag lumalabas ako sa pintong ito eh tinutulak ko lang ng pa’a ko  ng marahan mabubuksan na siya agad o kaya minsan tinutulak ko ng tuhod ko,pero kanina, since alam kong konting tulak ko lang eh mabubuksan na ito agad eh malakas ang pag bangga ko dito… opo.. bangga.. binangga ko po ang pintuan.. total alam ko namang mabubuksan agad ito, pero pagka bangga ko ko eh BAG$#%@*^#$%$! Nakakita ako ng mga ibon, parang nahilo ako at di makapagsalita at medyo nawalan ng panandali sa katinuan dahil sumalpok ang ulo ko sa pinto at ayaw itong mag bukas.

Lentek.. sino ba ang nag ayos ng pintong ito.. bakit walang nagsabi sa akin na inayos na pala ito… kaya ayun.. may bukol po ako sa nu’o ko ngayon… ehehhehehe!!!

Pasalamat na lang ako at alang nakakita sa pangyayari. Kundi naku… nakakahiya…


Bago umuwi.. nakasalubong ko ang isang operator.


“Yah Ali.. Going home?” tanong niya sa akin.

“Yeah!!! Going home”, sagot ko naman sa kanya.

“So how’s your head? What happened to you in the door way awhile ago?” Tanong ng niya sa akin.

Paksyet!!!... kala ko lusot na at walang nakakita.


Hmmmp… makapag luto na nga…


Yun lang…. may may post lang ako….





D”N




Tuesday, June 28, 2011

Codename: musingan


A code name a.k.a cryptonym is a word or name used clandestinely to refer to another name or word. Code names are often used for military purposes, or in espionage. They may also be used in industry to protect secret projects and the like from business rivals.

Yesterday…. One of my colleagues in magic named HIGH PRIESTESS posted the question “Bakit yan ang FORUM name mo?” in our TSC Magic Forum! And then she started by answering her own question, it was a big hit and earned numerous readers and gained overloaded answers from our fellow magicians.

And of course as part of the group I also joined the conversation yesterday and this was my answers.




musingan is the name... oh yeah!!!

First!!! Let's define "Musingan" it is a Tausug word means madungis.. yung batang ngusngusin o mga batanga yaggit... maraming sipon sa ilong na puno na ng dumi ang mukha.. tulo sipon.. sabay singhot ulit.. pahid sa manggas ng damit.. yung tipong ganun.. that's the exact definition for musingan.

I always used this ever since I was High School... the first person who used this adjective as a codename was someone from Zamboanga City, SHE (take note "SHE") used the Call Sign Musingan in "iCOM" yung tapong radio,, Go ahead.. go go.. yung mga ginagamit ng pulis... roger! roger!.. go ahead over.. copy! copy! yung tipong ganun.. are you familiar with that,... mga rubber ducky yung ganon.. so she used the Call Sign "Musingan" then all the guys are starting to tease her.. one day.. during the EB of their group.. lahat ng kalalakihan tulala.. kasi the girl behind the name "Musingan" was so pretty and gorgeous... kabaliktaran sa pangalan niya...

The second one who used this name was my sister..... but it was just for fun... because her real call sign was "Wisky Lady"...

When Internet became popular in 1995, I used musingan as my nickname in mIRC chat room... "musingan" and up until now.. I still used this nickname...
I never write it in capital letter.. gusto ko kasi all small letter.. wala lang.. trip ko lang... bakit ba..

2007.. nauso ang tinatawag na clan clan sa cellphone... my younger brother used this codename.. "musingan" I got no choice but to change my name to "sumping" again a tausug word means bulaklak...

Below is the codename I always used.

musingan = mIRC until now
spacemonkey = mIRC
too_much = mIRC
cutebutt = mIRC (i got this from the movie "there is something about mary" yung tinawag na siya ng friend niya " Lady bug.. get your cute butt down here")
sumping = "cell phone clan"
rehsidla naman sa YM or rehsidla_diwa


Yahoo… tambling muna ako dito tapos duon… yahoo…. Kayo… bakit yan ang blog name niyo or shall we say CODENAME niyo?


Ayun oh.. mema… yahoo.. memakwento lang….




Salamat…



D”N


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...