Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Tuesday, December 13, 2011

Over and Over!


Hindi naman ako katalinuhang nilalang… pero definitely hindi ako bobo, tulad mo marami akong kayang gawin na hindi nila kayang gawin, at tulad nila marami rin silang kayang gawin na hindi ko kayang gawin, kaya patas lang, pero hindi nangangahulugan na ako ay isang ng bobo, marunong ako sa Mahika, sa katunayan, nakapagtanghal na kami sa entablado noon, nakakapagsulat rin ako ng mga kwento at sa loobin kahit papaano, may alam rin ako sa pag-guhit at pagpinta ng larawan, mga simple at hindi masyadong kumplikadong larawan lang naman, higit sa lahat marunong akong magprito ng isda at magsaing ng bigas, kaya hindi mo masasabi na wala akong talento.

Sa paaralan naman, hindi ako bumabagsak sa mga subjects ko, maayos naman akong nakapagtapos ng System Programming sa AMA, nakakaintindi ng mga basic source code ng mga simpleng programming language at script, kaya kong gumawa ng simpleng website at simpleng programming system, may alam ako sa mga graphics design kahit papaano, nakapagdesign na rin ako ng sarili kong bahay sa AutoCAD, oh asan ka pa, bobo na ba ako sa ganon?

May common sense din ako, yung tipong hindi mo na ako dapat sabihan sa mga basic flow ng isang bagay, yung mga common thing na ginagamit natin o ginagawa araw-araw, halimbawa na lang dito sa office, halos dalawang taon na akong nagtatrabaho dito, kaya for sure naman kahit papaano eh alam ko na ang mga dapat kong gawin di ba? Hindi mo na ako kailangan tanungi at pagsabihan, kasi syempre trabaho ko ito, kaya alam ko ang dapat kung gawin, total kung hindi ko naman kaya, eh nakikita naman nilang ako mismo ang nagkukusang nagtatanong sa kanila.

Itago na lang natin siya sa pangalang Eng. Bandar, isang Arabong Ihinyero, mabait naman siya kung sa mabait, makulit at higit sa lahat, very approachable, pero may isa siyang ugali na sadyang kinaiinisan ko, ito ay ang pagiging makakalimutin, sobra akong naiinis sa kanya, sa tuwing tatawag siya sa akin sa telepono, ang parating sinasabi niya, “Hello ya Adelfo” toinks,…. Adelfo hah!!! Hindi naman Adelfo ang pangalan ko, Al Diwallay, ang layo no? pero hanggang ngayon ang tawag parin niya sa akin ay Adelfo, Adelfo kasi ang pangalan ng dating nilang Admin Assistant dito eh, pero wala na yun dito, ako na ang pumalit sa pwesto niya, pero hanggang ngayon di parin maka get over ang lolo niyo sa pagkawala ni Adelfo.

Ikalawa sa tuwing uutusan ako, halimbawa pumunta ng Traveling Depertment, General Service o kaya sa Cad Office, mga ibang departamento dito sa aming office, eh tatanungin niya ako kung alam ko ba daw kung saan ang mga office na ito, “Ya Adelfo, you know Abdullah AlSkait?”, “Yes Sir! I know him”, “He is GS (General Service)”, “Yes Sir, I know him, and his Office is in Admin Building”, “ GS! You know who is our GS?”, “Yes Sir, Abdullah AlSkait”…. Parang hindi siya makapaniwala, na alam ko ang GS namin, at alam ko ang opisina niya, sa tuwing uutusan ako, tatanungin ako kung kilala ko ba daw si “AlSkait from GS”.. at kung sasabihin ko na “Uu alam ko”, parang nagdududa.

Almost every day lang naman ako, pumupunta sa mga taong ito para maghatid ng mga dokumento sa kanila, sa CAD Office si Nino ang focal namin doon, sa GS si Abdullah AlSkait, sa Travelling Agency eh isang Sudanese Guy naman ang contact namin, sa IT marami kaming tao doon na pwedeng malapitan, andyan si Bin Baz isang arabo, Najeeb isang indiano, Abdullah isa ring indiano, pero kung kailangan mo ng mga approval si Mr. Zami ang dapat mong kausapin, sa loob ng halos dalawang taong pananatili ko sa kumpanyang ito, eh natural kilala ko na siguro ang kung sino ang tamang tao na dapat kong kausapin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa opisina namin no? hindi mo na ako kailangan pang pagdudahan, pero si Eng. Bandar, over and over again, eh tinatanong ako kung kilala ko ba daw si tapulano at si tapulana….

Kung sa araw-araw na ginawa ng dyos sa opisina eh tinatanong ka kung alam mo bang gawin ang mga bagay-bagay na araw-araw mo naman ginagawa, ano ang mararamdaman mo, kanina hindi na ako nakapagpigil pa, nang tanungin niya ako muli kung kilala ko ba daw si Abdillah AlSkait na yan, kasi meron daw siyang ipapabigay na mga dokumento, eh pinagsabihan ko na siya, “Sir! I hope you won’t get mad at me, but I think we have to clear out some things here, you don’t have to ask me, if I know these persons, and if I say yes you seems to be shocked, I have been working here in this company now for quite sometimes, and I’ve been to theses persons for many times now, for sure I already know their office and the kind of Jobs they’ve got” na shock ang lolo niyo sa sinabi ko sa kanya, hindi siguro ito makapaniwala na marunong akong magsalita ng English, tapos pagsasabihan ko pa siya, “and also Sir, please bear in mind (naks bear in mind talaga), I am Al Diwallay and not Adelfo, the next time you will call me Adelfo, even it is a matter of life and death I will not answer your needs” at nagulat na naman siya ulit.

Nagpaliwanag siya sa akin, kasi nga raw gusto daw niyang makasigurado na mapupunta ang dokumento sa tamang tao, ayaw daw niyang mawala ito at baka maging hindrance pa ito sa aking performance dito sa office, pero sinabihan ko siya na “Do you think Sir I don’t know my job? The way you treat me is like I am a dumb, a brainless and useless person, I am not like that.” At nagsorry naman siya, at syempre ako naman ay mababaw lang ang kaligayahan, kaya sinabihan ko na lang siyang “I’ts ok”, tumalikod na ako at hinatid ng personal ang dokumento na gusto niyang ipabigay.


Hayst.


Salamat,.



D”N


Monday, June 6, 2011

Always and Forever

Ang sarap pagtatalakan ng mga Supervisors ko, kakainis at kakairita ang mga ugali, every month kasi meron silang monthly meeting, every month talaga yan hah, at every month din nagpapadala ako sa kanila ng mga emails para ipaalam sa kanila kung kelan ang kanilang monthly meeting, ako kasi ang taga gawa ng schedule nun eh, at least 5 days prior to the meeting ang paginform ko sa kanila, pero ang mga ugali nila, always and forever na ata eh mahilig sila sa “Rush Hour”, last week ko pa pinadala sa kanila ang schedule ng meeting nila throught outlook, kaso hanggang ngayon eh wala pang pakialam ang mga mokong na ito.

Tuwing monthly meeting nila kasi, meron silang monthly report, kung saan lahat ng supervisors eh magrereport sa manager ng monthly progress ng kanilang section, lahat ng monthly report nila eh dapat isubmit nila muna sa akin para para mamerge ko into one presentation file, ang kaso, tulad nga ng sinabi ko, always and forever na atang ganito ang mga ugali nila, last five days ago ko pa pinaalam sa kanila ang meeting pero hanggang ngayo eh wala nga talaga silang pakialam.

Ang malupit pa dito eh, ngayong araw na ito ang meeting nila, mamayang 10:00am maguumpisa pero hangang ngayon wala pa akong natatangap na monthly report galing sa kanila, 8:10am na dito sa amin ngayon, ang dami ko pang dapat asikasuhin. Nakailang remind na ako sa kanila pero yes lang ng yes, at tatawa lang at sasabihan ka lang ng “Kamsa Dagiga” o “Five Minutes” kung sa wikang English.

Naman… always and forever na ata ito… kakainis, tapos syempre dahil lack of time na ako, hindi ko maiiwasan ang hindi magkamali sa pagaayos ng kanilang report, tapos isisisi nila sa akin ngayon kung magtatanong ang manager namin ng “Eish Hada” o “Why Like This?” during the meeting nila, sasabihin nilang secretary’s mistake, huwaaaaa… ako nga ba talaga ang nagkamali o sila lang talaga ang nagkamali, kasi sa pagkakaalam ko ay wala akong ginagawa sa report nila kundi “Cut and Paste” lang, kaya papano mo masasabi na ako ang nagkamili? Kung may nadelete man ako duon eh malamang .01% percent lang ang chances na mangyayari yun.


Hayst buhay… tatanda ako ng wala sa oras nito…



Hmmmp!!! Makapag kape na lang nga muna…



Hanggang dito na lang muna ako…


Thanks sa pagbabasa…



Friday, May 13, 2011

Productive daw

Kahit papano, nakabuti sa amin ang mawalan ng Internet, dahil sa loob ng dalawang araw na pagpapahinga eh marami kaming nagawa, maaga kaming nagising lahat sa kwarto namin, dahil napagpasyhan naming maglilinis ng kwarto, lahat ng gamit nilabas namin at pinadaanan ng tubig ang buong kwarto, nilampaso at pinunasan ng trapo, nawala ang lahat ng dumi at naging maaliwalas ang mga gamit, ang sarap pala sa mata ng ganon.

Pagkatapos naglaba ako, lahat ng maruruming gamit ko, nilabhan ko, pati na ang boxer at medyas ko na nilalagas ko lang sa isang supot pagkatapos ko gamitin, eh nilabhan ko na rin, yung kumot ko at kurtina sa kama ko, halot buong araw rin ako naglaba, at buti na lang ay meron na kaming Washing Machine ngayon, kaya wala na masyadong hastle sa paglalaba.

Noong hapon naman eh nagyaya naman silang mag-grocery sa Batha, isang sikat na pinoy market, sumama ako upang maili rin ng mga ilang sangkap at mga pagkain, kasi paubus na ang stocks ko ng mga grocery, bumili ako ng isang kilong baka at isang kilong isda, mga noodles, can goods at ilang biscuit, hindi na ako bumili ng kape, kasi nagdadala naman ako galing opis namin, hinihingi ko lang sa amin Tea boy ang lahat ng kailangan ko para makapag timpla ng kame o tea, kaya walang problema dyan.

Pag uwi namin sa bahay, eh minarinate ko ang bakang binili ko, nilagyan ng white viginagar at konting sangkap, saka tinago sa fridge namin, at yung isda namang binili ko ay nilinisan ko at biniyak sa gitna upang madaing ko bukas, mahilig din kasi akong kumain ng daing eh, kaya naman noong bumalik na ang tag-init dito eh bumibili na kami ng isda at dinadaing namin, masarap kasing kumain ng tuyo kapag sama-sama kayong magkakaibigan di ba?

isang araw ko lang yan sinalang sa araw... ayun.. natuyo agad siya...
tapos masarap pa.. kasi juicy talaga siya pagkaluto ko... 

kinagabihan.. yan na ang ulam namin...

nagluto rin kami ng itlog... kaya eto.. hmmm... sarap....


So ayun, marami akong nagawa sa buhay ko sa bahay namin noong nakaraan na weekends dito sa amin, at nag higit na pinagpapasalamat ko ay sobrang gumaan ang utak ko, nakapagpahinga ng husto, maganda pala ang pinapahinga mo rin pala ang sarili mo sa nakaugalian mo na.

So ayun alang, gusto ko lang gumawa ng follow-up entry sa blog ko last Saturday.

Maraming salamat pos a pagbabasa.



D”N.


Monday, February 14, 2011

Clint Eastwood





Kahapon, habang papauwi kami sakay ng pick-up na siyang sundo namin, muntik na kaming maaksidente, thanks to GOD ALLAH nothing bad happened to us, it was about 4:15 in the afternoon, we are on our way home, I was listening to music through my MP3 and Dexter one of my colleague is resting beside me while his eyes were closed, I was about to close my eyes and relax to the music of Gorillas “Clint Eastwood” when our Nepalese driver loses the control of the service. (Packing Tape talaga nosebleed ako doon, English kasi, wrong grammar pa) ehehehe, toksyet kasi ang driver namin hindi pinapacheck ang sasakyan, ayun nawalan kami ng preno muntik na tuloy kaming maaksidente badtrip nasira ang poise ko doon.

Mabilis talaga ang pangyayari at sa sobrang bilis di ko kayang iilaborate (Joke), Mabilis ang pagpapatakbo ng mokong naming driver, dumaan kami sa pinaka paborito naming dinadaanan, ang route 66 a.k.a roller coaster ride , kasi parang alon ang daanan kaya namin tinawag na roller coaster ride, taas, baba, paikot-ikot pa (joke, wala nang paikot-ikot, taas, baba lang), minsan nageenjoy kaming dumaan dito, ang kaso kahapon, nawalan siya ng preno, as in totally nawalan talaga ng preno ang sasakyan, pero ALHAMDULLILLAH buti nalang, bago pa may masaktan may narinig na kaming sumigaw ng "CUT, Direct!! Take 2, di kasi nakasigaw si AL" (Toinks, ano to Pelikula?). 

Naagapan agad ng  driver namin ang insidente, nakabig niya ang manibela ng sasakyan at naitabi bago pa man may mabangga camel eh este tao pala, mabilis niyang napull-up ang hand break nito, pero kahit ganon, dumulas parin ang sasakyan, matagal ng ganyan ang sasakyan na yan, yun bang hindi masyadong kumakapit ang preno, paksyet kasi itong kumpanyang ito, ang laki-laki naman ng kita nila sa amin, pero di man lang mapaayos ng mabuti ang sasakyan namin, hayst, kainis, naiirita ako.

Isang establishment kasi ang napasukan kong kumpanya, yun bang parang manpower agency kung tawagin sa atin sa pinas, parang katulad sa mga sekyu natin dyan, ganun ang kumpanyang napasukan ko, hindi ako direct hired sa pinapasukan ko ngayon, hawak kami ng isang manpower agency dito, kakainis talaga, lagot sa akin ang rekruter na yun P.I. siya, hindi niya pinaliwanag ng maayos na ganito pala ang mapapasukan kong kumpanya dito sa Saudi. basta ang pinakita niya sa akin at pinabasa ay ang company profile ng SABIC hindi ng manpower agency. kaya naman biglang abroad ang inyong bida. yan tuloy. hmmp.

Kaya sa mga naghahangad na magabroad dyan, payo ko sa inyo, alamin niyong mabuti kung anong kumpanya ang papasukan niyo, magsaliksik kayo, kung may kamaganak kayo na nandito masmainam kung ipapacheck niyo ng mabuti ang kumpanya, para hindi kayo matulad sa akin o sa amin ng mga kasama ko, yun lang.

Kunwari nagpapayo, pero ang totoong punto ko, gusto kong ipaalam na may bago akong MP3, ehehehhe. (MP3 lang? eow... di na uso yan ngayon noy... iPhone na ngayon... ehehehhe)


I pray to GOD ALLAH na sana hindi na maulit yun.


------------------------







Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...