Saturday, February 4, 2012

Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story: Review


Respect yan ang tamang salita…. 

Sa wakas napanood ko rin ang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” at masasabi ko na sa pelikulang ito, nakamit na ni Gov. E.R. Ejercito a.k.a George Estregan Jr. ang tagumpay, paghanga at respeto na maigagawad nating mga manonood para sa isang artista, sa pelikulang ito pinatunayan niya ang kanyang husay at galing, pinakita niya na isa siya sa mga taong may tunay na dugo ng isang artista, pinakita niya na siya’y isang tunay na Ejercito.

Hindi ko na mawari kung kelan ang huling tagpo ng ako’y nakapanood ng Pinoy Aksyon Movie, sa pagkakatanda ko, ang huling pelikulang napanood ko ay ang pelikula ni DaBoy na “Hula mo Huli ko” na di ko pa natapos panoorin, tulad ng Manila Kingpin kasali rin ito sa MMFF (kung di ako nagkakamali), mula sa taong 2001 hanggang sa mga sandaling ito, unti-unti ng namamatay ang industriya ng pelikulang Pilipino, pakonti na ng pakonti ang mga ginagawang pelikula, at kung gumawa naman sila’y malimit e mga comedy romance na lang parati, di ko naman sinasabing hindi magaganda ang kanilang ginagawa, pero masasabi ko na pakorni na ng pakorni ang mga ito, isang beteranong aktor na may katandaan na pero nananatili parin ang kagandahang lalake sa kanyang mukha ang ipapareha sa isang starlet na ngayon pa lang umuusbong ang career, at malimit ang kwento ay ni-recycle na lang at binigyan lang ng ibang pangalan ang mga karakter dito, parang hindi ko na masikmura ang mga ganitong palabas, pero syempre dahil sa walang mapanood e pinagtyatyagaan ko na rin.











Siguro hindi lang ako ang nakapansin nito, siguro halos lahat tayo na mahilig manood ng pelikula, at isa na nga siguro dito si Gov. E.R. Ejercito, isa na siguro siya sa mga nakapansin sa pagtamlay ng industriya ng pelikulang Pilipino, kaya siguro mula sa pagiging inbisibol niya sa pinilakang tabi e bigla siyang sumulpot na parang isang propesiya na babago sa nakasanayan ng mukha ng MMFF (Metro Manila Film Fest), muli niya itong kinumpleto at muli nating napanood ang isang ASTIG na aksyon movie sa MMFF, mula sa Horror, Drama, Comedy, Fantasy ngayon naman Aksyon, JOB WELL DONE GOV. E.R. EJERCITO SALAMAT NG MARAMI.

Sa trailer pa lang, talagang napanganga na ako sa aking napanood, ooppps wait a minute, kapeng mainit, teka muna teka lang, totoo ba itong nakikita ko????? Pinikit-pikit ko ang aking mga mata ng ilang beses, pinunas-punasan ko ito’t baka may muta, AM I REALLY SEEING THIS???? IS THIS A REAL LIFE or IS THIS JUST FANTACY??? AKSYON??? AKSYON??? AKSYON???... totoo ba ito, at huwat… si GEORGE ESTREGAN JR. ang bibida??? Hindi ko naman sinsabing wala siyang karapatan para bumida sa sarili niyang pelikula, pero parang hindi lang ako sanay, kasi naman nakilala natin siya bilang isang napakalupet na villain, goons, gangster, kontrabida, kinaiinisan sa isang pelikula tapos ngayon bibida ang ating kontrabida, parang hindi ako makapaniwala, pero base sa aking napanood na trailer, masasabi ko na ito na…. narating na niya ang pwesto ng tagumpay na maaring makamit ng isang pursigidong artista, maihahanay na natin siya sa mga magagaling at talaga namang maipagmamalaki nating artista.

Sobrang simple ng kwento ng Manila Kingpin, isang siga na may puso para sa mga kababayaan niya at mga nasasakupan ang binansagang Hari ng Tondo, isang may prinsipyo na nakipagbakbakan, nakipagsuntukan, nakipagbarilan sa mga kaaway niya maprotektahan lang niya ang kanyang mga kanayon, isang simpleng tao na may simpleng pamumuhay ang tiningala at nirespeto ng lahat dahil sa kanyang mga nagawa sa kanyang kapwa, simpleng kwento, sa sobrang kasimplehan ng kwento ng pelikulang ito, masasabi ko na kaya itong ikwento ng isang mos-mos na bata, pero watch ka, ang pagkakagawa naman ng pelikulang ito ay hindi simple, hindi ordinary, ito ang isang halimbawa ng sinsabi nating “Simple pero Rock”, ito’y pinaghalong Desperado ni Antonio Banderas at ng The God Father nina Andy Garcia, Robert De Niro at Al Pacino, isang classic na pelikula na ginawa sa moderno panahon, Ang lupet ng dating, panlalakeng pelikula talaga, masasabi ko na isa ito sa mga pelikula na kapag-napanood mo e gusto mong ulit-ulitin, masasabi ko rin na isa ito sa mga pelikula na hinding-hindi mo makakalimutan kapag napanood mo.

Noong araw kapag gumagawa sina Nora Aunor, Vilma Santos, FPJ, Eddie Garcia at marami pang beteranong aktor at aktres ng mga pelikula masasabi mo na talagang dekalidad, at pinapatunayan ito ng paulit-ulit sa pamamagitan ng pagbanggit sa kanilang mga Pelikula, sino ba sa atin ang makakalimot sa linyang ito “Walang Himala!!! Nasa tao ang himala, tayo ang gumagawa ng himala”, hah! Bata pa ako naririnig ko na yan, minsan ginagawang katatawanan, minsan ginagawa nila ito bilang pagrespeto sa Super Star, e ito “Putang ina mo, anong karapatan mo para sabihan yan, dyos ka ba, hah?” oh well ekskyus niyo na lang kung medyo mali ang linya ko dyan, pero somehow similar to that, nakatatak na yan sa isipan ng marami, wala nang tatalo pa sa eksena na yan, at kung sakaling gagawin yan ng ibang artista, magmumukha lang silang tanga, dahil di nila mapapantayan ang ginawa ni Ms. V. sa pelikula na yan na pinamagatang “Dahil Mahal Kita”, e yung “Si Val, Si Val, Si Val, puro na lang si Val”….O di ba astig…, di rin makakalimutan ng tao ang eksenang ito, nasa labas ng pinto so Christine, nasa loob naman ang kanyang ina na si Toyang, umiiyak si Christine “Inay patawarin mo ako”, nagmamatigas naman si Toyang ang kanyang ina na sinabihan ang kanyang anak ng “Magdusa ka”, ilan lamang yan sa mga dekalidad na pelikula na mahirap malimutan ng mga manonood, ang isang pelikula, kahit gaano pa ito kasimple, kapag pinagbutihan mo ang paggawa nito, kahit na ang isang artistang nakatatak na bilang isang kontrabida sa pelikula ang pagbibidahin mo dito, siguradong magiging maayos at maganda ito, masasabi ko na naipakita na ni Gov. E.R. Ejercito ang kanyang talento, at ang pelikula niyang ito ay masasabi kong magiging isa ito sa mga classic na pelikula ng pelikulang pinoy na patuloy na ikukwento natin sa mga magiging anak natin at mga apo natin.

“Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”

Simpleng Pelikula pero Sobrang Rock, ito ay isang remake na pelikula, napaka-Classic ng dating pero moderno ang ginawang filming…. napaka-aksyon pero emosyonal…. napakabilis ng pagsasadula pero halatang marahang isinagawa ang bawat eksena…. nakatulong ang pagkakaroon nila ng Black and White effect maslalong nagkaroon ng kulay ang bawat detalye ng pelikula…. habang pinapanood mo e maglalakbay naman ang diwa mo sa nakaraan…. masasabi mo sa sarili mo “How is it like to be like him”…. ang linyang ito sa pelikula nato ay tiyak isa sa mga tatatak sa utak ng tao, “Ni hindi tumatayo ang mga balahibo ko sa iyo Golem, kung matapang ka, iputok mo yan, iputok mo”…. maalala ng lahat ng taong nakapanood nito ang eksenang papalabas na ng simbahan si Asiong Salonga, nakaputing amerikana ito at puting sombrero, kasama niyang naglalakad palabas ang kanyang mga kaibigan na nasa likuran niya, kasabay naman niya si Totoy Golem…. napakaganda rin ng eksena ni Asiong Salonga at ni Pepeng Hapon sa ulan, lupet talaga, sa mga Hollywood ko lang napapanood ang mga ganito eksena, naka-itim naman siya dito, dinaig pa nila ang Pistoleros, isipin mo, face to face silang dalawa ni Pepeng Hapon, para bagang draw ang nangyayari, slow motion, makikita mo ang bawat patak ng ulan, nagbabarilan ang dalawang magkatunggali, liliyad si Asiong Salonga, tatamaan ng bala si Pepeng Hapon sa tuhod niya, tapos sa dibdib, patay si Pepeng Hapon… malupet din ang bakbakan sa warehouse, ooppss!!! hindi ako sigurado kung warehouse nga ba iyon o bodega lang ng mga paso, basta malupet ang barilan doon, bagong technique ang mapapanood mo dito, Hollywood lang ang gumagawa nito, hindi ito ordinaryong bakbakan at barilan lang, trust me, when I say it, it must be good, isipin mo ulit, sinusundan ng camera lense ang bawat galaw ni Asiong Salonga, hindi ito yung tipo na isang putok, isang tutok ng camera sa kalaban, babagsak na ito…. napaka imosyonal naman ng eksena sa sementeryo, halos mapaiyak ako, hindi ko kayang panoorin ng deretso at tuloy-tuloy ang eksena na yun, ang sigang si Asiong, lumohod, umiyak at humalik sa puntod ng kanyang namayapang ina…. sa ending naman tayo, sobrang classic ng pelikulang ito, classic din ang dating ng pagkamatay ni Asiong Salonga, masasabi ko na talagang pinag-isipan ng mabuti ng gumawa ng pelikula ang eksenang ito, hindi siya basta-basta pinatay lang sa pelikula, kundi binuhay nila muli si Asiong Salonga sa eksenang ito, dito nila binigyang diin ang kanyang alamat, ang eksenang ito ang magpapatunay na “Don’t trust anybody”, dahil ang sarili niyang kaibigan ang kumitil ng kanyang hininga, hindi ko masyadong nasundan ang huling sinabi ni Asiong bago siya barilin ng kanyang kaibigang si Erning Toothpick, parang sinabi niyang “Ituloy muna para matapos na ito”  Bang! Slow Motion ang lahat, nabasag pa ang basong hawak ni Asiong dahil sa tagos ng bala, everybody freezes except Asiong Salonga, Slow Motion ang pagbagsag ng kanyang ulo sa lamesa, ngayon alam mo na ang kwento ni Asiong Salonga.



Personal Opinion:

Sana itong pelikulang ito ang siyang magiging umpisa ng sunod-sunod na aksyon movies, para sa akin, nakakasawa na rin ang mga tipikal kilig moments at feel good movies ng pinoy films, iba naman, bigyan niyo naman kami ng bagong putahe, tulad ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na nakakuha ng maraming awards sa nakaraang MMFF Award, 11 arwads to be exact, Best Picture, Best Derector, Best Supporting Actor and eight technical awards which included Best Cinematography and Best in Production Design, sobrang salamat sa lahat ng bumuo ng pelikulang ito, sa wakas, may napaanood din po tayong dekalidad na palikula, sana gagawa pa si Gov. E.R. Ejercito ng marami pang aksyon movie tulad nito, siguradong sa susunod na hataw niyo po Gov. E.R. Ejercito, tiyak nasa palad niyo po muli ang tagumapay.

Hindi ko na kailangang gawan ng review ang “Enteng ng Ina mo”, dahil siguradong luluha ka sa kakatawa sa pelikulang ito, ikaw ba naman Ai-Ai Delas Alas at Vic Sotto ang pinagsama, saan ka pa.

Hindi ko rin kailangang gawan ng Review ang “Ang Panday 2”, naku ba naman, kelan ba naman tayo binigo ni Sen. Bong Revilla, hindi pa ata.

Ginagawan ko ng Review ang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”, para maiparating sa lahat ng tao na ang Pinoy Aksyon Movie e di na tulad ng dati, astig na ngayon, sobrang astig na.


“Masmasarap mamatay sa kamay ng kaaway, ngunit masakit mamatay sa kamay ng kaibigan” - Asiong Salonga




Maraming maraming salamat po sa iyo Gov. E.R. Ejercito sa isang magandang pelikula.






3 comments:

  1. madami nga akong nakukuhang good reviews bout this madownload nga sa torrent. =D

    ReplyDelete
  2. “Masmasarap mamatay sa kamay ng kaaway, ngunit masakit mamatay sa kamay ng kaibigan” - Asiong Salonga - TAMA!

    11 awards kaya ang inuwi nito kulang na lang best actor para kumpleto. Sabi nila maganda daw pero nmi isa wala pa akong napanood, busy kasi. Kakaiba nga to sa lahat kasi action movie. Matagal na rin na hindi gumagawa ng action movie sa Pinas.

    ReplyDelete
  3. watch pinoy tv show replays here CLICK HERE

    or download our android application here Philipine TV Replays android app

    or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

    HOW TO INSTALL PHILIPPINES TV ON IPHONE AND IPOD TOUCH? CLICK HERE

    or visit Android and Apple APPS

    LIKE US : Facebook

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...