Wednesday, February 22, 2012

Car Addict


Parang pinaglalaruan ako ng tadhana, kanina habang papauwi kami, hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nakasalubong naming mga magagarang sasakyan, actually normal na pala ito dito sa Riyadh, lupet talaga, yun isa e nakahalera pa namin sa stop light, cool talaga ang dating ng driver nito, isang binatang Arabo, simple lang siya, bagamat di tumingin sa amin, mapapansin mo na siya’y may mababang kalooban.

Habang pinagmamasadan ko ang kanyang sasakyan na isang Dodge Charger SRT8, paksyet.. di ko maiwasang hindi mag-isip, “Kelan kaya ako makakabili ng mga ganitong sasakyan?”, sana kung dumating man araw na iyon, sana yung medyo bata-bata pa tayo… nyehehehe… yun bang pupwede pa akong mapagkamalang illegible bachelor, yun babagay pa sa akin ang magmaneho ng mga ganong klaseng sasakyan.

Napakasarap sigurong sumakay sa mga ganong kagarang kotse no, although hindi naman ako uhaw sa mga sasakyan, dahil mula pagkabata ko e meron na talaga kaming kotse saka meron rin kaming motor circle na Honda Wave, tatlo kaming lalake, tatlong motor din kami meron, pero kamakailan lang binenta na yung motor ko kasi wala naman daw ako doon e… pero ganun pa man talagang uhaw ako sa mga magagarang sasakyan, bago lang ako naging uhaw at matakam sa mga ganito, noong nakapunta lang ako ng Saudi, paano naman kasi, ang mga sasakyan na sa larawan at pelikula lang natin nakikita, dito sa Saudi halos ginagawang laruan lang ng mga Batang Arabo, ginagawang pang drifting, pang drag racing, pinapatakbu sa mga mabubuhanging desyerto para makagawa ng dust, walang pakialam kahit marumihan at magasgasan, masmarumi masmalupet.

Simple lang talaga ang mga Arabo kung may magagarang sasakyan, sobrang simple nila, sobrang nagpapaka-humble sila sa iyo kung nagpakita ka na ina-appreciate mo ang kanilang sasakyan, kung pinapakita mong nagagandahan ka at pinupuri mo ang kanilang sasakyan asahan mong magpapasalamat talaga ang mga iyan, hindi katulad ng mga ilang kababayan natin na nakapagdrive lang ng kotseng hindi pa naman kanila e kala mo kung sino nang pumorma, taas na ang noo at mukhang ayaw nang sumayad sa lupa ang tingin, napakayabang ng tingin, KSP at talagang SHOWIE… tulad na lang ng isang nakilala ko dito, nakabili siya ng isang Old Model na Honda VTec, bumaba na siya ng kanyang sasakyan, press-remote, auto lock, “klok-klok”, tumalikod siya at tumawid sa daanan, boom nakita niya akong paparating, hindi ako nagpahalatang nakatingin ako sa kanya, bigla ba naman siyang tumigil, lumingun sa kanyang kotse, kinuha ang remote ng autolock niya, at pinindot ito, “klok-klok” at pinindot ulit “klok-klok” at pinindot-pindot pa “klok-klok”, para makagawa lang ng ingay, na umanoy chinicheck niya kung naka lock na ba talaga ito o hindi pa? hanu naman daw yun, ng mapansin niyang hindi ko siya pinapansin, saka lang siya tumingil sa kanyang ginagawa.

Hindi Showie ang mga Arabo, talagang ganun lang talaga ang mga pag-uugali nila, akala mo mayabang pero hindi sila nagpapapansin, talagang pinagkakatuwaan lang nila ang kanila mga sasakyan, pinankakarera, ginagawang laruan, walang silang pakialam sa kakalabasan ng kanilang sasakyan, basta makapag enjoy lang sila.

Kung magkakaroon ka ng isang Chavey Camaro? Mangangahas ka kayang ipaparada yan sa isang public parking lot?, yun bang walang security, walang ticket-ticket, mga ganong bagay? marahil hindi? Dito sa Saudi, walang pakialam ang mga Saudi’s sa parking lot, kahit private pa ito o public, sige lang, kasi nga safe dito, di tulad sa atin, HONDA CRV lang… nakuh… tiyak… pinagpepestahan na yan ng mga bukas kotse… ehehehhe..

Anyway.. pagdating namin sa parking area, tyempo namang natapat kami sa “Huwaaaaaa” isa sa mga gusto kong KOTSE, ang CHAVEY CAMARO, yun pinaka gusto ko pa talagang kulay, ITIM, gusto ko ang itim kasi parang siya ang dark side ni BumbleBee ng Transformers... isa kasing kulay dilaw Camaro si  BumbleBee e no... kaya naman ng makita ko ang kotseng iyan na katapat lang namin sa parking area bigla akong napabulong... “paksyet” sabi ko kay Kuya Amir, “pipicturan ko talaga”, at buti na lang talagang mabait si Kuya Amir, siya na mismo ang nagvolunteer na kuhaan niya ako ng picture sa tabi ng kotseng inaasam-asam.






Ito naman ang kotse ko... e este.. kotse pala ni Kuya Amir, Toyota Echo ehehehe

Sa loob ng kotse ni Kuya Amir.. eheheheh... feeling pogi lang...

Last January 17 naman.. may nagpark sa baba ng flat namin ng kotseng ito (Ford Mustang).




Nakapagblog na pala ako noon ng tungkol sa kotse, ito ang link...



Wakas.



Shukran.









6 comments:

  1. Alam ko maganda si Bumble Bee, astig at pangporma talaga pero ayoko ng maliliit na sasakyan especially kotse kasi feeling ko prone sa accident pag kasabay mo mga 10 wheeler truck at buses. Palagi ko kasing nakikita yun sa SLEX at NLEX. Kaya ang gusto kong sasakyan kung papalarin someday, yung mga pangbundok tulad ng hammer (hahaha-ambisyosa) o kaya fortuner. Pwede na rin ang Honda CRV.

    Mabibili mo din yan Al, diba magiging milyonaryo ka. Buti nagpa-practice ka na sa mga sasakyan jan FnaF.

    ReplyDelete
  2. ako mini cooper o honda jazz masaya na ako. nakakadepress kasi yung mga ganyang sasakyan eh. hahaha =D

    sobrang porma nung chavey. tsk

    ReplyDelete
  3. Naku si jed may collection ng picture din ng mga magagarang kotse. Kung makaka-kote ako dito sa pilipinas mag second hand lang muna ako. Ayoko ma stress sa car-napping and baklas side mirror hehe..

    Alam mo i think, kaya mukang humble ang mga arabo sa magagara nilang sasakyan kasi sobrang usual na yun sa kanila. ordinaryo lang di na nila kailangan ipagyabang kasi almost all arabo nakaka-afford naman ganun. Tayo lang naman ang naglalaway sa sasakyan nila kasi di tayo sa sanay makakita nun.

    At sa pinoy, malamang kagaya ng kakilala mo, pag nagka kotse magara and hindi priced possession yun. Pinaghirapan kaya big deal. Hindi ko sinasabing di pinaghirapan ng mga arabo. I"m sure they worked hard for it. Kaya lang dahil sa common na sa kanila they value their car less.

    Tayo kasi pagpapawisan ka muna ng dugo bago ka makabili nyan dito. Intindihin mo na lang ang friend mo, overwhelmed lang sya. hehe.. Pero mali parin ang ipagyabang ang mga magaganda mong gamit. Mas maganda pa din atayin na purihin ka ng tao for job well done.

    Go get your expensive ka na at wag ka din aangas-angas. gagasgasan ko yan. haha.. Pasakay na lang kami ni twin sis if ever. :)

    ReplyDelete
  4. hindi ba chevy camaro yun??? hehe high-end ng chevrolet. hehehehe

    eto na naman tayo sa usapang kotse. Nung isang araw nakakita ako ng pick-up na urc ikaw naisip ko, yung knwento mo. Siguro pagnakakita din ako ng Nissan GTR magpapapicture din talaga ako. hehehe. Tama ka yung iba dito kahit box type old model ang sasakyan ang yayabang kung magpatakbo kala mo naka ferrari, antatataas ng spoiler, kala mo naman talaga sports car. lol. Inis kasi ako sa mga ganun e. Kaya natuwa ako sa sinabi mo about sa mga arabo. Pero madami pa din namang pilipinong humble, mas papansin lang talaga yung mayayabang. hehe galit???

    Pero gustong gusto ko talaga yung mga vintage cars - astig!

    ReplyDelete
  5. Wala yatang aaming ayaw niya ng kotse.Tama.ang mga arabo walang yabang sa katawan kasi di na nila kailangan.Umaapaw ang kung ano ang meron silang wala ang iba. at totoo mababait sila yong pag kinausap mo matutuwa sila sayo. Nagkalat din dito ang mga ganyan laruan lang talag nila.kaya problema kung saan itatapon ang mga inaayawan nila.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...