Saturday, February 25, 2012

Isang taon na


Ako:  Tao ba to?
Oo!
Ako: Bagay?
Hindi!
Ako: Hayop!
Hindi!
Ako: So tao nga?
Oo sabi?
Ako: Ibang tao?
Pwede!
Ako: Kamaganak ko?
Pwede!
Ako: Kaibigan ko?
Pwede!
Ako: Related sa akin?
Pwede!
Ako: Ako?
Oo at Pwede rin!
Ako: Pangyayari ba ito sa akin?
Pwede!
Ako: Ginagawa ko?
Oo!
Ako: Hobby ko ba ito?
Oo! Oo! Oo!
Ako: MAGIC?
Hindi!
Ako: Ginagawa ko araw-araw?
Oo!, Pwede!
Ako: Games?
Hindi! Isa pa!
Ako: Matulog hanggang tanghaling tapat?
Tanga Hindi yung isa mong hobby!
Ako: Isa kong hobby? Ano yun?

TOKSYET

Sagot: “BLOGGER!”

Hay naku AL…. naubus lang ang oras mo… di mo nasagot… kala ko ba blogger ka?

 

Nganga, laglag ang panga, hindi ako nakapagsalita, bigla ko kasing naisip na hindi pa pala ako blogger, o kaya mastamang sabihing hindi ko pa pala maituturing na ako ay isa ng blogger, matapos ang isang taong seryosohang pagboblog, pagsusulat ng mga kung anong kaek-ekan at anik-anik, hindi ko pa pala lubusang nararamdamang na isa na akong ganap na blogger. Agusto 2009 ng ginawa ko ang account kong ito, pero noong nakaraang taon ko lang seneryoso ang pagboblog, February 6,2011 to be exact, at ngayon lumipas na ang petsang iyon ng hindi ko halos namalayan, isang taon na pala akong nakikibaka at nakikipagsabayan sa inyo.

“Hindi ko pa kasi kinukunsidira ang sarili ko na isang blogger, kumpara sa pagiging majikero”, “Charot” sagot ng aking mga kasama, hindi sila makapaniwala na hindi ko nahulaan iyon, halos nabanggit ko na kasi lahat ng aking mga nakaugaliang gawin, kahit ako man mismo sa sarili ko ay hindi ko naisip ang salitang “Blogger”, ni hindi nga sumagi ang unang letra niya sa isipan ko, marahil hindi pa nga talaga ako blogger.

Bagamat madalas akong magsulat ng mga salaysayin ukol sa aking mga saloobin at mga hinaing, bagamat madalas akong magbasa ng mga akda ng iba, bagamat madalas akong magbahagi ng mga meron at walang kabuluhang bagay, hindi ko pa pala maituturing na isa na akong ganap na manunulat ng blog, masbinibigyan ko ng pansin ang aking unang hilig “ANG MAHIKA”, masmasasabi ko na isa akong ganap na majikero kumpara sa isang mananalaysay gamit ang mga katinig at patinig, masnabibigyan ko ng buhay ang pagpapasaya sa tao gamit ang aking munting kaalaman sa baraha kumpara sa aking natutunan sa pagboblog.

Kaya naman, bago ako umuwi sa bahay naming galing sa birthday ng kaibigan ko, nag-iwan talaga malalim na katanungan ang nangyari sa akin kanina, kelan ko kaya mararamdaman na isa na akong blogger, bakit hindi ko iyon naisip ng maglaro kami ng Pinoy Henyo noong kaarawan ng kaibigan ko (February 8, 2012) kelan ko kaya masasabing isa na akong ganap na blogger, may batayan kaya dito para matawag ka o mapabilang kana sa mga certified blogger? Kung meron ano kaya ito?

Sumalang ulit ako sa hot seat.

Ako:  Tao ba to?
Hindi!
Ako: Bagay?
Oo!
Ako: Hayop!
Hindi!
Ako: So bagay nga?
Uu sabi?
Ako: Ginagamit ng tao?
Oo!

May nagsalita, “Diyos ko, mamatay na lang si AL, hindi niya yan masasagot, Blogger nga lang hindi niya nasagot, yan pa kaya”

Sumagot ang isa, “Mukahang ayaw mo ata pahulaan e no, kahit ako ngayon ko lang yan narinig ang salitang iyan”

Ako: Bakit ano ba yun?
Naku kahit bigyan kita ng clue, di mu yan masasagot!

Ako: Ok game, bigyan mo ako?
Bigyan kita ng sampung oras, sagutin mo yan, ito ang clue, kilala mo si Jose Rizal?
Ako: Oo?
Eh ang Mi Ultimo Adios?
Ako: Oo?
Ginamit niya yan ng isulat niya iyon!

Ako: Hah! Papel?
Hindi!
Ako: English ba ito?
Hindi!
Ako: Tagalog?
Tagolog ba iyan o Spanyol?
Ang lalim kasi eh, kahit ako ngayon ko lang din yan narinig?
Ako: Lapis?
Oo!, Pwede!
Ako: Lapis? (Inulit ko)
Oo nga! Pwede!

Oh ayan na… hulaan mo na.. panulat yan… pero ano ang tamang tawag dyan?
Ako: Ay tae ano ba ito?

Kinuha ko na ang papel na nakadikit sa noo ko.

PAKSYET

Sagot: “PLUMA!”




Salamat sa pagbabasa.



Shukran…..



8 comments:

  1. KAPE KA BA?heheehehhe.....AUS TALAGA>>PANALO!!

    ReplyDelete
  2. ang hirap naman kasi ng pluma.lapis or pen madali lang.

    ReplyDelete
  3. happy anniversary po sa blog mo kuya al.

    ReplyDelete
  4. Mahigit isang taon na po kayong nag iinspire ng maraming Pilipino dito sa Pinas. Kaya isa na kayong awesome blogger kung maituturing. God Bless you po.

    ReplyDelete
  5. heheh anniv mo rin.. happy anniv din :)

    ReplyDelete
  6. awww... anniv mo di ka nag-announce ng maayos. oi blogger ka na.. mahirap kang din talaga hulaan. Ako man pag yan ang huhulaan, parang matatagalan ako at baka di ko pa masagot. At ang pluma, kaloka, henyo word yun. hehe..

    ReplyDelete
  7. Napa-Google tuloy ako kung may batayan ba talaga para matawag kang isang blogger. Alam mo kasi Al hindi ko rin ramdam. Feeling ko ang haba pa ng lalakbayin ko para matawag akong blogger, feeling ko nakikigulo lang ako.

    Pero tama na ang senti, Happy birthday sa blog mo. Sulat pa ng sulat kasi magbabasa ako ng magbabasa.

    ReplyDelete
  8. Happy Anniv! :) almost 1 year na pala tayong magkakilala.. namiss ko magbasa..

    pero eto na ko! babalik na ko! :))

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...