Friday, March 9, 2012

Buti na lang nauso ang BLOG


Sa dami na ng bagay na pinagdaanan ko, dumarating parin ang pagkakataon na sadyang wala kang maikukuwento, hindi ito nangangahulugang wala kang gana kundi ito ay dahil hindi mo makuha ang totoong kahulugan kung bakit mo ito ikinukwento, kung mahilig kang magsulat, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit mo ito ginagawa, natanong mo na ba sa sarili mo kung may natutuwa ba sa mga ibinabahagi mo? Hanggang kailan ka magsasalaysay ng iyong mga karanasan? Hanggang kailan mo ito gagawin?

Isang taon na rin akong nagsusulat at ngayon masasabi ko na marami-rami na rin akong natutunan sa pagsusulat, masnaging mapagmatyag na ako at masditalyado na, naging dahan-dahan na rin ako sa aking mga pananalita at mga ginagawa, masnaging maayos at masnaging deretsahan na, ang pagsusulat para sa akin ay isa nang libangan, isang libangan na sadyang kay sakit sa ulo, basagan ng utak, sunugan ng kilay at higit sa lahat pagaaksaya ng panahon.

Teka mukhang mali, dahil kahit kailan hindi nasayang ang aking panahon sa pagsusulat, dito sa mundo kong ito, nakatagpo ako ng mga kaibigan, mga kakulitan, mga kaasaran, hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan, basta alam na nila kung sino sila, basta alam na nila kung sino ang mga tinutukoy ko, kahit na itago ko sila sa mga pangalan tulad ng “Ang babaeng mahilig magbisikleta sa ika-labing apat na kalye na siyang alipores naman ng prinsesa ng Mayan na katipan ni pareng jed na kaibigan ng higanteng may ari ng diamante na mahilig magbasa sa mga slumbook na nakalagay sa isang Pot” hayst dami nila no.

Maaring hindi mo makukuha ang siping iyan pero para sa kanila alam na nila na sila ang tinutukoy ko, kaya naman kahit na minsan ay talagang wala nang lumalabas sa utak ko na kahit isang katiting na idea ay sige pa rin ako sa pagpiga ng utak ko, dahil alam kong may pananagutan na ako sa kanila, at dahil ayaw ko ring magpahuli sa laban nila, at gusto kong makisabay sa kanila sa pagpapaunlad ng Pilipinas e este pagpapaunlad ng kanilang sariling kakayahan, sa buhay natin, kailangan rin nating lumaban kahit na alam nating matatalo rin lang tayo, dahil masmahalaga ang lumaban ka kesa sa matalo ka, di nga ba’t masmainam ang “matalo ka na lumalaban kesa sa matalo ka na wala kang ginagawa”?

Dumadating ang panahon na sadyang kay hirap na para sa iyo ang umpisahan ang isang kwento pero sige ka lang ng sige na parang walang iniitindi, sa pagsusulat naibubuhus ko lahat ng sama ng loob ko sa mundo at sa mga nangyari sa akin, sa pagsusulat naibabahagi ko ang mga bagay na hindi ko kayang ikwento, sa pagsusulat unti-unti kong naiintindihan ang aking sarili, unti-unti kong naitatama ang mga bagay na sa tingin ko ay mali, unti-unti kong nakikita ang kaibahan ng pagkatao ko noon at pagkatao ko ngayon.

Buti na lang nauso na ang blog, dahil kung hindi, hindi ko rin alam kung ano ang magiging libangan ko sa tuwing nalulungkot ako, nagpapasalamat ako at may taong nakaimbento nito, laki ng utang na loob natin sa kanila, dahil may nagagamit tayo para maipagsigawan natin ang ating damdamin sa buong mundo, salamat sa kanila, kahit papaano may nagagawa tayo sa sadaling wala na tayong magawang iba.


Salamat sa pagbabasa.



D"N



5 comments:

  1. Oh my Al Diwalay! Magaling, ang pagkakasulat mo nito ramdam na ramdam kita.Ilang araw na ng madalas nasa takbuhan ako.I run for a reason almost everyday kasama na diyan ang rason na may ilang tao sa blogging world na naging mga kaibigan ko na at ang mga panulat nila ang pinagkakabalahan ko maging anuman ito.ang biglang pananahimik nila ay may epekto sa akin.Ganon pala yon.

    comment section pala ito. natuwa lang ako at nagparamdan ka na.

    ReplyDelete
  2. :) i feel you bro :)

    ReplyDelete
  3. Naiiyak ako kasi hindi mo ako binanggit. jowks. Anu ba yan. Na-touch naman ako sa post mo Ninju Musingan. hindi ko alam na may nagpapahalaga pala sa amin ng ganito.

    Ako din libangan ko na to. Kahit pa minsa pinipigilan ko magbasa, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para akong blog na nagkatawang tao. Alam mo yun. Saka yung sabi ni Diamond na pag walang post ang mga close mo affected ka, hay naku nakakarelate ako. pag nasa Pinas, todo text todo, DM todo email kung nasan na ba sila nag-aalala kung meron ba silang mabigat na dinadala. Sa tingin isa na tayong buong pamilya dito.

    Alam mo Al tanda ko pa yung unang comment mo sa blog ko, tapos meron pang "care to follow back" hahaha. mag vlog ka na lang ulit ng shampoo, hehehe.

    May utang pa akong post sayo. Yung mga questions mo. Nasa draft ko na kulang na lang ng mga 3 sagot sa 3 tanong.

    Anu ba yan drama :)

    ReplyDelete
  4. mdalas ko ma experience yun ganito.

    ReplyDelete
  5. ramdam kita kuya. sa bawat pinagdadaanan ko takbuhan ko ang blog. kahit mawalan siguro ako ng reader's di ko to iiwanan. =D

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...