Caricature + Cartoonized + logo = good and pleasant banner, nganga, saan ka pa, isa sa matagal ko nang gusto magkaroon ay ang sarili kong logo na matatawag, sariling banner, sariling identity, gusto ko kasing maging unique at may originality ang blog ko, ang unang banner na kinainggitan ko noon ay ang unang banner ng blog ni Sey na 14th Street, gandang-ganda ako sa kanya at sa blog banner niya, lalo na ng makita ko ang isa pa niyang blog na Ride with Judy, gusto ko rin ang trade mark niya na babaeng nagbibesekleta, kaya naman, dahil sa kagustuhan kong makagawa ng sarili kong banner at logo, e talagang naghanap ako ng resources ko para makagawa ng sarili kong banner.
Una nagtanong muna ako sa kanya kung saan niya kinukuha ang banner niya, sabi naman ni Sey kaibigan daw niyang Graphic Designer ang gumawa nun, kaya naman naghanap ako ng mga materyales na ginagamit ng mga Graphic Artist, Adobe Photoshop daw o di kaya’y Adobe Illustrator, tae, putakte, matagal ko ng alam ang mga ito pero hindi ako nangangahas na pag-aralan ito.
Kaya naman, gamit ang kaunting alam sa pagtatampisaw sa net, e naghanap ako ng mga tutorials tungkol dito, buti na lang andyan si Diamond, siya ang unang nagbigay sa akin ng reading materials para matutunan ang Adobe na yan, yahoo at yehey, may reference na ako, pero teka, wala pa pala akong Adobe, so download naman ako ngayon… salamat kay pareng torrents dahil makalipas ang ilang araw, tuwalalala.. DOWNLOAD COMPLETE, yahoo ka day…. Patay kang bata ka sa akin.
Binasa ko ang ibinigay sa akin ni Diamond na reading materials, at nanood ng mga video tutorials dito at ginamit sa tunay na buhay ang mga natutunang mga self defends, eiiiiyyyyaaaa!!!! tusmok lahat ng mga kalaban ko, parang Hotshot lang.. ang papalag giba, walang pwedeng umistorbo sa akin kapag nagsasanay ako, walang dapat makialam, babasagin ko ang betlog kapag may nanggulo sa akin habang taimtim akong nagbabasa at nagsasanay na maging graphic designer.
At tuwala… makalipas ang mahabang panahon, nakarating na ang tao sa buwan ng maraming ulit, napatunayan na ng scientist na hindi atom ang pinakamaliit na particles sa mundo, inalisan na ng karapatang maging planeta si pluto, namatay na si Superman at si Captain Amerika, habang ako naman ay abala parin sa pag-iinsayo… at matapos nga ng pagkahaba-habang paglalakbay, ito na siya.. ang aking bagong Banner… yessss… may banner na po tayo… hindi ko talaga tinigilan hanggat hindi ako nagkakaroon… weow!!!! buti na lang may kaibigan akong graphic designer.. kung hindi hanggang ngayon siguro nag-aaral parin ako ng Adobe…
Opo… kaibigan ko po… kaibigan ko pong si Frederick Garcia ang gumawa niyan… ehehehhe… habang nag-aaral kasi ako kung paano maging graphic designer eh nalaman ko na magaling pala siya at isa pala ito sa kanyang mga expertise, kaya na man nagpagawa na agad ako sa kanya, tinakot ko siya na chuchupain ko siya kapag hindi niya ako ginawan ng banner, ayun natakot naman ang lolo niyo, kasi sa totoo lang talagang nahihirapan akong mag practice mag-isa.. ehehehhe… so ayun… to make the story short, ginawan ako ni Frederick Garcia… ehehehe.. take note… isang araw lang niya ginawa yan.. mga halos isa at kalahating araw lang… joke… dalawang oras lang pala… eheheh… artist talaga ang taong ito, bukod sa magaling na siyang Graphic Designer… magaling din siyang Magikero… try niyo basahin ang blog ko about sa kanya dito.
So yun lang…
Ito ang bago kong banner ngayon.
Ito naman ang logo ko.
Salamat.. salamat… bOOm… Boom… BooM...
Cool, ayan may sarili na po kayong identity pagdating sa blog. Congratulations po sa bagong banner.
ReplyDeleteAHA kaya pala nagtanong ka. hehehe! Alam mo ba Al ang tagal ko ding nagpalit palit ng banner bago namin natapos yung talagang gusto ko. Ibabalik ko na din yung dati kong blog banner pinapaliitan ko lang ng konti. hehehe.
ReplyDeleteAt may sarili ka pang version ah. So ayan pag nakita ko ang logo mo alam kong ikaw na yun. Buti ka nga marunong mag photoshop ako hindi talaga. HIndi pa keri ng powers ko.
Wait ibig sabihin sa ride with judy mo nakuha yung picture ko na nilagay mo dito nung birthday ko? Alam mo bang ikaw ang nag-expose ng aking pagmumukha sa blogspot. hehehe.
eeeh inggit ako gusto ko rin gumawa ng sarili kong banner kaso waley eh wala akong talent sa ganyan at wala akong kilalang graphic artist malas ko lang talaga.
ReplyDeletePanalo ang banner mo AL hanep sa galing.Naingit naman ako.Alam mo bang gustong gusto ko rin yong banner ni SEy na "Ride with Judy" dahil doon sa naka bike.
ReplyDeleteGusto ko rin maging kaibigan si Fredirick Garcia.
wow.. ang ganda ng banner.. at ino bang hindi na inlove sa banner ni twin sis. anyway, nasa proseo din ako ng pagpapalit ng banner. meron na actually pero di pa tapos. kapatid ko naman angkinukulit ko dahi wala na akong tyagang pag-aralan pa ang adobe blah blah.. hehe..
ReplyDeletegaling galing.. love the new banner.. ikaw na.. napangaga na lang ako. hehe... i miss you talbus!