Eeeeeyehheyyyy… I’m back… matagal din akong nanahimik no… marahil mga tatlong linggo rin… at sa loob ng tatlong linggong ito… isang beses lang ako nakapag update ng blog ko… drama pa… nyehehehehe… anyways… the only reason behind was… I have no permanent desk in our office…. And I don’t have permanent computers right now…. Kung kanikano lang ako nakikigamit e no… tapos kung kanikanino lang ako nakikitawag din… nyeheheheh…. Wala na kasi ako sa dati kong pwesto e… tinanggal na nila ako doon, kaya naman lumipat na ako sa ibang departamento… ehehehhe… so ayun… temporary lang ako dito sa bagong depertamentong pinapasukan ko, may nagbakasyon lang kasing isang empleyado kaya kailangan nila ng tagapangasiwa habang wala ang nakatoka doon, so kinailangan ko ng dalawang linggong training para matutunan ko ang dapat kong matutunan, ganun kabilis, dapat mong maabsorb lahat ng trabaho niya sa loob ng dalawang linggo, nyehehehehe… pero oks lang… dahil hindi naman nalalayo ang trabaho ko sa trabaho niya… kaya madali kong natutunan ang mga iportanteng bagay na dapat kong matutunan at gawin habang wala siya.
Ngayong araw ngang ito ang unang sabak ko sa trabaho na wala siya sa aking tabi, yahoooo… magkahalong kaba at tuwa ang aking nararamdaman dahil matagal ng nangangati ang kamay ko para magsulat ng blog, neyeyeyeye…. Sa bahay kasi… pagkauwi ko… lately parang masgusto ko na lang matulog kesa sa ang magsulat at magbasa e no… sinusulit ko na kasi ngayon ang pagpapahinga ko sa bahay, hindi na ako nagpupuyat masyado, kasi kailangan ko ng magbeauty rest kasi para naman hindi ako magmukhang haggard pag uwi ko ng Pinas… nga pala… Uu… malapit na pala akong umuwi… yahoooo…. sa ngayon wala pa akong matibay na plano,…. Pero ang tumatakbo sa isipan ko ngayon ay ang pagreresign sa kumpanyang ito at maghanap ng bagong malilipatan na may mataas na pasahod, parang gusto ko rin ang magtayo ng negosyo pag uwi ko ng Pinas…. Pero ano pa man ang maging disisyon ko e sana ito ay nagmula kay GOD ALLAH.
So hayun na nga… kanina pumunta lang dito ang empleyadong papalitan ko sa pwesto, nagbigay ng mga ilang instructions sa akin… sinigurado rin niyang wala na siyang nakalimutang mga gamit sa office, nagpaalaman kaming dalawa, nagpaalam na siya sa aming amo at ibang mga kasama sa departamentong ito, sinigurado niya sa akin na maayos na ang lahat… isang buwan siyang mawawala, so isang buwan akong mangangasiwa dito… konting ukrayan at echos-echosan, konting ek-ek, tapos taasan ng kilay, mga eow-eow at iilang jejemon words, samapalan at sabunutan… tapos nun nagpalaam na siya, pero… PERO HAH!!!! PERO… bago siya umalis.. sinabi niya sa akin, “uyyy!!! AL!!! pagbutihin mo dito hah!!! Huwag kang gagawa ng hindi maganda!!!”, sagot ko naman ay “Opo Master”, MASTER!!! Yup Master nga.. kasi siya ang pinaka master naming lahat…. Bukod sa may Master’s Degree siya at PHD e siya rin ang isa sa pinakamatagal ng Pinoy na nagtatrabaho dito sa aming kumpanya, at marami na siyang naging karanasan sa lahat ng mga gawain at transaksyon dito e no, kaya Master ang tawag naming lahat sa kanya, kaya naman kailangan kong pagbutihin talaga ang aking trabaho dahil ayaw kong mapahiya siya sa pagrekumenda sa akin sa amo namin.
Lumabas na siya ng opisina, kumaway pa sa akin, sabay sabi na “Uyyy yung SAP… close mo… gagamitin ni Joven sa baba, hindi siya makalog-in kapag naka log-in ka dyan”, “Opo Master”, isa-isa kong mini-minimized ang windows apps na naka-cascade sa aking desktop para makita ko ang SAP System, ilang sandali pa, nakita ko na siya, akmang hahawakan ko na ang mouse ng PC na gamit ko upang isara ang SAP, at ayun… may error akong nakita… pak!!! Booom!!!!… meron akong accidentally na napindot… HUWAAAAAAA…. May nadelete akong isang function ng SAP… ang FANAR: Production… na siyang isa sa pinaka importante sa lahat at siyang pinaka ginagamit namin ni Master, urggghhhh… namutla agad ako… waaaa… “Bakit ka” tanong ni Master sa akin, “ahhh… wala.. ehehhehe” pretending na lang akong ok ang lahat, kahit na ang totoo hindi… ehehehe…. Anak ng … kapag minamalas ka nga naman… alam ko namang maaayos ng IT ang issue na ito, kaso hindi pa man nakaka alis si Master eh nakagawa na agad ako ng pagkakamali… saan ka pa… ke ALDO na… ehehhehe… sensya naman, tao lang….
Pagkaalis na pagkaalis ni Master, gumawa agad akong ng system request para ipaayos sa IT namin ang problemang napasukan ko, yahoo… ilang minuto pa e tumawag na agad ang IT sa akin, sinabi ko kung ano ang nangyari, at naintindihan naman nila ang problema ko, inayos na nila ito…. Ayun balik na ulit sa system ang nabura ko kanina…. Napangiti ako ng maayos ng IT ang problema ko’t nasambit sa sarili “Tuloy ang ligaya”, unti-unting lumabas ang buntot ko at sungay, pasimpleng nagbukas ng Chrome, type Blogger url, hit enter, at nagblog na.
10:55 am na dito, araw ng Miyerkules, taong 2012. Sa Office ni Master sa SABIC, Riyadh City, Saudi Arabia.
Bleh….
Sumbong kita kay Master
ReplyDeleteahahhaa... natawa ako... sa comment mo.. parang bata... nyeheheheh.... naayos na...
ReplyDeletesi master andito sa tabi ko Al lagot ka.
ReplyDeletewahaha pasalubong ah kuya paguwi mo?hehe anyway..ganyan naman ata talaga sa umpisa medyo nakakakaba na ewan pero naloka ko dun sa nangyari kapag ako baka naloka na ko kapag ganun =D
ReplyDeleteTuloy ang Ligaya!! pasalubong kuya Al!
ReplyDeletegudlak sa mga plano sa buhay! :)
Ma-text nga yan si master. hehe.. I'm so excited para sa mga future plans mo Al. Naalala ko tuloy ang discussion natin sa business mo. hehe..
ReplyDeleteButi nga nakaka-blog. ako eto read mode muna.. may pc naman kahit saan ako mapunta pero walang maisulat. hehe.. Good Luck Talbus.. See you soon.. dapat magkita tayo nila twin sis ah? hmmppp...
ahaha sablay ka dun men! muntik ka na machugi! lol. galingan mo jan ha, igiling mo pa! echos!
ReplyDelete