Kanya-kaya ang trip ng tao, kanya-kanyang ugali, kanya-kanyang gusto, sabihin na nating pareho tayong mahilig sa pula, pero pakatandaan mo na maraming klase ng pula, may pulang matingkad, may pulang maputla, may pulang katamtaman lang, alin sa tatlo ang gusto mo? May mga tao na kakaiba ang ugali at mahilig sa mga di pangkaraniwang gawain, mula sa pananamit, mananalita at higit sa lahat kilos o gawa, ito ang tinawag nating mannerisms, hindi na ako magbigay pa ng mga karagdagang impormasyon ukul dyan, pero kung gusto niyong malaman kung ano ang ibig sabihin niyan, kayo na ang bahalang maghanap ng iyong mga kasagutan.
Tulad nga ng sinabi ko, kanya-kanya ang ugali ng tao, ako aaminin ko may mga kakaiba akong ugali na talaga namang sa akin niyo lang ata makikita at mapapansin, kung bago lang tayo nagkakilala, masasabi niyo talagang weirdong tao talaga ako, ok lang, kasi ganun naman talaga ang ugali ko, ako man din naweweirduhan din sa sarili ko.
Kaya ko lang naisulat ito dahil kagabi may nakita akong isang lalakeng may kakaibang ugali, every weekends kasi, madala sa Pinoy Restaurant ako kumakain ng dinner ko, pero kagabi, napagtripan kong kumain sa Jollibee-Riyadh, hmmm.. sarap, namiss ko rin kasi ang Chicken Joy nila at Burger Steak, kaya naman, doon na ako nagpasyang magdinner, pagkapasok ko sa loob, wapak… daming tao, punuan ang silya, wala ng bakante, pero ok lang, sa haba ba naman ng pila sa counter, tiyak may mababakante mamaya.
Tama nga ang hinala ko, sa haba ng pila, may nabakanteng upuan nga sa sulok, pero may nakaupo, siya lang mag-isa, kaya nilapitan ko na, tumayo ako sa harap niya na hawak ang tray ng pagkaing inorder ko, tinitigan ko siya, napansin niyang nakatayo ako sa harap niya, tumingala siya ng bahagyan para mapagmasdan niya ako ng mabuti, at sa kauna-unahang pagkakataon, nasabi ko sa sarili ko, “paksyet ang POGE-POGE niya… napaka macho pa”, nahulog agad ang damdamin ko sa kanya, “YES! Can I help you?” sambit niya, “Toksyet, ang lamig ng boses niya”, bulong ko sa sarili ko, “ahhh!!! Ehhh!!! Pwedeng makishare?”, naks, parang pelikula lang ahhh, ehehehe… joke lang po… pero peksman, nakishare nalang ako sa kanya since walang ibang bakanteng upuan, pumayag naman ang mokong.
Habang kumakain, may napansin akong kakaiba sa ugali niya, nang simulan na niyang papakin ang kanyang desserts na sundae ice cream, pak, nakita kong hinahaluan niya ng KETCHUP, huwaaaaa…. Ice cream na may ketchup, ano naman daw kaya ang lasa nun, although may napanood na akong ganito sa telebisyon noon, pero never in my life na may nakita akong ganitong tao… ehehehehe… oks lang naman, tulad nga ng sinabi ko, kanya-kanya ang trip ng tao.
Marami pa akong kilalang mga taong may kaweirduhan sa paguugali, tulad ng ATE KO, hindi yun mapakali kapag hindi niya malagyan ng baby oil ang talampakan niya, kahit na bigyan mo yan ng lotions, pagpapawisan daw ang paa niya kapag hindi baby oil ang gagamitin niya, kaya naman, kaming magkakapatid, todo tago na ng mga tsenelas namin, dahil kapag ginamit niyan, siguradong mapupuno yan ng baby oil.
Auntie ko naman na kapatid ng tatay ko na isang Malaysian, sa tuwing kakain siya, ang pinakaunang subo niya ng pagkain ay ngunguyain niya lang ng mabuti, saka niya ilalagay sa kaliwang bahagi ng kanyang bibig, yun bang sa pagitan ng ngipin niya at ng kanyang pisngi, kaya naman lumolobo ang mukha niya tuwing kumakain siya, at lulunukin niya lang yun kapag natapos na siyang kumain.
Mama ko naman, hindi umiinom ng tubig, juice, tea kapag hindi sa tasa nakalagay, naging ugali na niya ang ganun, nakikita ko lang siyang gumagamit ng baso kapag nasa isang handaan siya o sa ibang bahay.
Ang mga sumusunod naman ay mga kakaibang ugali na taglay ko, hindi ko hinihingi ang inyong panghuhusga, ang tanging hiling ko lang ay sana maunawaan niyo.
Ok.. simulan na natin…
Mahilig ako sa maaanghang, sa sobrang hilig ko, pati mga junk food tulad ng V-Cut at Lays nilalagyan ko yan ng chilli powder, kung pwede nga pati chocolate lagyan ko na rin.
Gamit ang aking middle finger, madalas kong pinapalo-palo ang pusod ko, upang makagawa ako ng sound mula dito, parang bubble sound na pumuputok (ugali rin ito ni SHE WHO MUST NOT BE NAMED).
Mababa ang toleration ko kapag kinikiliti ako, maaring pagmulan ito ng away natin, baka nga mapatay kita e (may ganito ugali rin sin AKONI).
Di ako mapakali sa pagtulog kapag may sapin ang kama ko, dapat wala, kapag may katabi ako, dapat kalahati lang ang sapin, yung area lang kung saan siya nakahiga.
Kung milo ang ipapainom mo sa akin, dapat dalawang sachet at walang asukal.
Kapag instant coffee naman, dapat dalawang sachet rin, kapag hindi siya instant coffee, 4 tbps ng coffee, 4 tbps ng coffeemate at 1 tbps ng asukal lang, in short dapat matapang na kape ang ipapaimom mo sa akin, kung hindi baka hindi ko yan ubusin.
Hindi ako naninigarilyo, pero madalas hindi ako nawawalan ng lighter o kaya posporo.
Mabilis akong matuto, lalo na kapag gustong-guto ko siya pag-aralan, pero kapag alam ko na, mabilis rin akong mawalan ng gana.
French Fries hmmm… sinasawsaw ko sa ice cream… sarap niyan…
Iilan lang yan sa mga kakaibang ugali ko… kung iisa-isahin ko ang mga kaweirduhan ko sa buhay, baka mapuno ko ang sampung pahina, di pa ako natatapos, ewan ko ba, basta naging ugali ko ng gawin ang mga bagay na yan, may mga ilang bagay rin ako na sadyang napalitan ko na, pero may mga bagay parin akong patuloy ko pa ring nagiging mannerisms.
Salamat sa pagbabasa.
pls.fallow niyo po:http://aegyodaydream.blogspot.com/
ReplyDeletedi ko maimagine ang pagpalo mo ng pusod at sound na nagagawa nito.Diba napakasensitive ng pusod.Papano pag nasa hotel ka matutulog tangal lahat ng kubre kama Weird nga ang mga ito.
ReplyDeleteMond.. Uu,, as in tinatanggal ko talaga... dapat yun matira lang ay yung pinaka cover lang ng foam... eheheh... di talaga ako makatulog... eheheh... weird no...
ReplyDeletemahina lang ang pagpalo ko.. yung daliri lang talaga ang ginagamit ko... kapag naka upo lang ako o nakahiga ako,.. nawalang ginagawa...
Pinaka-Weird yung sa Auntie mo kapag kumakain, napa-ew ako...hahaha
ReplyDeleteako man napaEWW din sa auntie mo kuya hehe masarap naman talaga ang fries na sinawsaw sa ice cream =D
ReplyDeletehahaha... weird nga.. hahaha
ReplyDelete