Showing posts with label Birthdays. Show all posts
Showing posts with label Birthdays. Show all posts

Thursday, September 29, 2011

Happy Birthday Iya


Naks… Birthday ng isang kablog ko ngayon na kaibigan na ring matatawag… malaki ang respeto ko sa babaeng ito, kaya naman hindi ko hahayaang lumipas ang kaarawan niya na hindi ko siya nagagawan ng isang picture greeting, ang Blog niyang “Ako si Yulie” (kelan ba ang kasunod nun?) ang isa sa mga hinangaan kong sinulat niya, kakaiba naman talaga ang istilo ng babaeng ito sa pagboblog, ang Blog naman niyang Gaya ng Dati ang kauna-unahan at tanging Blog na nagpaiyak sa akin, napaluha ako dahil kahit papaano nararamdaman ko ang bawat katanggang ginamit niya duon, gaya ng dati, meron din akong gustong makapiling muli. Madalas, kung magblog ang babaeng ito eh puno ng kaemuhan ang mababasa mo, pero sa totoo lang, masayahing tao naman ito at puno ng kakulitan, sa katunayan, ginawa niya na akong Ginie-Magician sa isa niyang cartoon series kung cartoon series man yun na matatawag, o kaya masmagandang sabihin na lang nating Sine-Sinehan, tapos ako rin ang unang biktima sa Suspense Blog Series niya na ang pamagat ay Masid, kaya masasabi ko na sobrang galing niya.. dahil habang binabasa ko ang Blog niyang iyon eh hindi ko namalayan ako na pala ang binabantayan ng Salarin, di ko namalayan sinalakay na pala ako ng halimaw, ni hindi ko nga nakita kung halimaw ba ang pumatay sa akin o tao, Opo namatay po ako sa Blog niyang iyon. Hayst.


Nagtatrabaho siya sa Dubai, may isang anak at asawa na kasalukuyang nasa Pinas, may Black Berry at mahilig din gumawa ng mga anik-anik sa net, magaling magsulat, mabait, madaling kausapin at pakiusapan, mapagmahal na anak, asawa at ina, isang magiting na OFW at higit sa lahat Maganda at Sexy.


Note: Joke ko lang po yung huling dalawang sinabi ko.


Anyway.. Happy Birthday Iya_Khin.


Salamat sa pag babasa



D”N

Monday, June 13, 2011

Invitation

This picture needs no further elaboration, the picture explained  itself 
you are all invited in his Birthday party.


Did I not say that Rhemhard really loves to post?

well here it is... one of his most precious picture... 

it was taken in his room here in our camp.

he is also the one who edit the invitation.


Tha'ts all from me..




Yeah



D'N


Tuesday, May 24, 2011

Klinics at Kinuts ni Mokong ang Cake.


Yahoo... bumibirthday na....

first and foremost I would like to say thanks you to Acre for spreading the news that our two great blogger has a birthday this month... nyehehehhehe.... so I was supposed to make a follow-up blog entry about spidey and his crew but I decided to leave it for awhile a greeted the person that always makes me smile... and for this.. I am giving the both of you the prestigious Award that Mayen has given me, The Makes me Smile Award... but opppssss.. this is not an award hah!!! this is just a gift... becuase I dont want you to give it to anybody out there.. 

Click the image top be directed to their site


To Mayen: Thanks for all the wisdom and thoughts you have shared to us... as what I've said before.. I really admire your work.. that is something that not all people can appriciate and do.. but wow... you are awesome and kind to help the helpless.. you are more than a woman to me.. naks... superman.. batmat... spiderman... hahahah... tinalo mo silang lahat day. so here is my greetings... HAPPY BIRTHDAY TO YOU....


Click the image top be directed to their site



To Moks: Thanks for giving us all the story you've got, your Morning Rush Post equipped with numbers and hash signs as well as the ever White Banner with a guy sitting on it under hood.. you are so great, your Music in my Head Post, Your Video Collections, your Movie Review, wow man, do you still have time for you self?, maybe you've thought I am not reading all of that... and most specially thanks for introducing to us Sasa, the cutest dog I ever met... nyehehehe.. atleast I can enjoy my self watching the photo of Sasa.. eheheheh... so here is my greetings to you.. HAPPY BIRTHDAY TO YOU.. I am happy and smiling here while making this blog.. "PAGKAT DALAGA KANA!!!!" nyeheheheh...


Click the image top be directed to their site




Here is a cake for the too of you eh este two pala.. ehehehhe


and again.. happy birthday ulit kay SEY... ehehhehe





So thats it from me.. from the bottom of my blog.. Happy Birthday da inyong lahat....



Thank you for reading...


bye...




D"N....

Saturday, May 7, 2011

Belated Happy Birthday

“The secret to staying young is to live honestly, eat slowly, and lie about your age.”

At kaarawan pala niya last Thrusday May 05,2011, at dahil sa nahuli ako sa balita at paggreet, eh napag pasyahan ko na lang na gumawa ng special post para sa kanya.

Hmmm… ano ba ang alam ko tungkol sa babaeng ito? Actually wala, eheheheh… isa lang siya sa mga pinapalo ko, at parating inaabangan ang mga post niya, kasi alam ko na kapag naglabas na yan, eh mapapanganga ka dahil talagang may sense talaga ang mga mababasa mo, at hindi yung walang kakwenta kwenta lang.

Hmmm…

Sana sa kaarawan niya at sa mga susunod pang araw eh maging maligaya siya, at matagpuan na ang tunay na kaligayahan. Naks…

Belated Happy Birthnday Sey, sana napangiti ka namin.


Ito po ang picture niya… na ninakaw ko sa Judy Site niya ng wala siyang kamalay-malay.


She came, She Saw, She Conquered.



Pagpasensyahan niyo na po ang kakulitan ko… sinabi ko naman na hahabol ako eh…




Salamat sa pagbati at pagbasa..



D"N


Tuesday, February 8, 2011

Nagmumurang Kamatis (Ni. AL-Diwallay)

Nagmumurang Kamatis (Ni. AL-Diwallay)

Birthday ng kasama ko sa Villa ngayon (February 8,2011). Parehong kumpanya ang pinapasukan namin ngunit magkaiba naman kami ng departamento, nasa Headquarters siya, ako naman ay nasa Research and Technology. Parang north to south ang layo ng kinalalagyan ng gusali ng pinapasukan namin,  nasurpresa nga eh.. kasi hindi naman sinabi ni Jejerome na birthday niya sa araw na ito, basta biglang tumawag nalang sa akin si Dexter at sinabing elilibre daw niya ako mamayang lunch sa cafeteria at pag-uwi namin ay bibigyan siya ng Birthday boy ng pera, parang ere-reimburse sa kanya ang ginastos namin (o ha! Meron kayo niyan?) kasi magkaiba nga kami ng building.
Hmmm, since ito ang unang beses kong gumawa ng blog tungkol sa kaarawan ng isang kaibigan, dapat maging bongga ito! Ano kaya ang pwede kong sabihin dito.
Hahahhahah!
Tawa na nga muna ako, kasi walang pumapasok sa isipan ko kundi pagmumura, kasi kinakailangan ko magmura dito sa blog na ito, para may masabi akong maganda sa kanya, kasi yun ang parang naging ugali ko sa kanila, yun ang pagkakakilala nila sa akin, yun bang parang hihingi lang ako ng tubig kinakailangan ko pang magmura upang masabi nilang normal ako at hindi ako galit at nasa mood akong makipagbiruan, “Tangina, pahingi nga ng tubig, naubusan ako eh” o kaya naman makikikopya ako ng bagong pelikula kinakailangan ko pang pakialaman ang loptop nila para lang pakopyahin nila ako.
AL: “Tae pare, pakopya nga ng pinapanood mo kagabi?”
Mike: “Alin yung si Enteng at si Agimat?”
AL: “Tado! Hindi! yung kay Maria Ozawa”.  (bweheheheh!!! Porn star po yun kung di niyo siya kilala)
Pero alam ko, magmura man ako ng magmura, alam kong hindi magagalit ang mga ito, kasi alam nila na kapag nagmumura na ako, naglalabing lang ako, saka ok lang naman ahhh, sila rin nga nagmumura din.
Ryan: “Tangina ALDO pahingi nga ng kamatis”. O di ba! patas lang, siya nga pala, ALDO ang tawag nila sa akin, salamat kay Mario, siya ang nagbansag sa akin ng pangalan na yan.
Naalala ko tuloy ng minsang naging panata ko  sa sarili na aagahan ko na ang pagtulog sa gabi upang hindi hustle sa pag-gising sa umaga, unang gabi ng nasabing panata lahat ay normal, natawa pa nga sila dahil maaga raw ako natulog (alas otso ng gabi), ikalawang gabi ganun parin, ikatlong gabi, marahil hindi na natiis ni Ryan at nasabi na niya sa akin na “Tangina pare! naninibago ako sa iyo, may problema ka ba?”.
Anak ng, sinasabi ko na nga ba sa inyo, kailangan kong murahin ang bawat isa sa kanila araw-araw upang makundisyon ang mga yun at hindi ako paghinalaang may problema! Hmmmp!
Anyway, back to my story!! Kakatuwa namang isipin na kahit pala ganung unpredictable ang ugali ng kasama kong si Jejerome ay may puso rin pala ang hinayupak na birthday boy na yun, labindalawa kaming pinoy na nagtatrabaho sa iisang kumpanya at lahat kami nilibre niya sa cafeteria. Pero alam mo ba kung ano ang talagang nagpasaya sa akin ngayon at nagtulak sa akin upang sumulat ng isang simpleng blog tungkol sa kaarawan niya?

Ano?

Sagot?

Tae!

Ehehehe.

Kasi kaya ko nasabing masaya ako ngayon kasi nalaman ko, si Jejerome pala ay mabait na kaibigan, alam mo bang nagkasagutan sila ni Kim, isa sa mga kasamahan namin dito, at ilang araw ring hindi na nagpapansinan, pero kanina sinabi ko kay Jejerome sa email na “Magbati na kayo, now is the best time to make yourself happy, kaw na ang magpakumbaba”, at nalaman ko na bago pa pala yun, tinawagan na niya si Kim at sasabihan sana niyang ililibre niya ito sa cafeteria, pero hindi nakasagot si Kim, may pinuntahan siguro kaya nagpadala na lang siya ng email dito, (sweet naman)… at itong si Famous Kim naman ay isang tunay na lalaki, maginoo pero medyo bakla eh este bastos eh este wala pala, ok din ang naging ugali, kasi kahit papano, ayaw niya siguro magtampo pa ang isang kaibigan na lalo na’t birthday pa niya ngayon, kaya bumaba siya upang pagbigyan ang kahilingan ng kaibigang may kaarawan ngayon at sumama salo-salo sa cafeteria kaninang lunch time.
Para sa akin, hindi mahalaga ang nilibre ka ng kasama mo, hindi mahalaga ang bigyan ka ng greetings crad na gawa sa Adobe Photoshop, hindi mahalaga ang binati ka niya ng Happy Birthday…. Ang mahalaga ay ang taus puso mong bigyan ng importansya ang kaarawan ng isang kaibigan, kaya dahil dito, isang TAAS NOONG PAGSALUDO ANG IGINAGAWAD KO SA INYONG DALAWA (KIM & JEJEROME)…
Sana po ay marami pa tayong kaarawan na pagsasaluhan.

Maraming salamat po.






















Ako po si AL-Diwallay at ito po ang aking kwento.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...