Response to 30 Days Picture Challenge.
Para po sa Day 29 and 30, medyo pumalya po tayo... di po ako nakapag update ng aking blog, nagkaron po tayo ng isang maliit na problema na kailangan harapin. Kaya dahil dito, eh hindi tayo nakapag post ng blog natin.
Anyway ito na po siya.
Day 29- A picture of your favorite restaurant.
Medyo redundant na po siya, makailang beses ko na po ito sinabi, mababaw lang po akong tao, at makamasa po ako, ang pinaka paborito kong restaurant eh Jollibee, nasabi ko na poi to dito at dito, favorite ko talaga ang burger steak nila, at paborito ko rin ang Chicken Joy nila, noong umalis ako, naging paborito ko rin ang Chicken Bar-B-Q nila.
Day 30- A picture of your countries flag and/or troops
Syempre, meron pa bang hihigit sa watawat ng Pilipinas, para sa akin, napakakulay ng ating bandila, kasing kulang na taglay nito, Pula, Puti at Bighaw, may Tatlong bituwin na sumisimbulo sa Mindanao, Luzon at Visayas, isang Araw na may walong bantayog sumisimbulo sa walong pangunahing lalawigan ng pinas, yun ay ang mga sumusunod Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
Kulang ang isang pahina kapag isasalaysay natin ang kwento sa likod ng watawat ng Pilipinas, kulang ang isang aklat upang mailarawan ang kahalagahan nito, hindi ako makabayan, inaamin ko yan, pero lagi kong pinapahalagahan ang kasaysayan ng aking lahi, lagi kong ipinagmamalaki ang aking kultura, ang kulturang Pilipino, Sa isip, sa salita at sa gawa.
Maraming salamat pos a pagbabasa.
D"N
Mabuhay ka sa DAY30.
ReplyDeleteAt magkaterno kayo ni jollibee.
parang sinasabi ni jolibee...kiss me Al kiss me! lels
ReplyDelete