Kahapon…
Wala akong magawa… sinubukan ko na namang hanapin sa Google o kaya sa Yahoo ang sarili ko, madalas ko itong gawin, natutuwa kasi ako na pwede mo nang mahanap sa Net ang sarili mo eh, pwede ka nang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa pagkatao mo, kaya naman halos every other month eh ginagawa kong libangan ang hanapin sa Google ang iyong sarili.
At ito ang aking natunghayan.
Sa aking paghahanap, nagulat ako dahil merong bagong inihanda para sa akin si Mr. Google, isang URL na pamilyar na pamilyar sa akin, nang mabasa ko ang URL ADD eh talagang natuwa ako, ito na ang URL add ng aking Lumang Home Page, probably masluma pa sa mga blog niyong lahat. Mas luma pa sa Friendster at Facebook.
HOME PAGE: ano nga ba ito, ito ang personal website kung tawagin, early 90’s ng maging publicly and commercially available ang Internet, at sa mga panahong ito ay may katigasan na ang ulo ko, kaya naman laman ako parati ng Internet Café, nakikipag chat sa mga chatters ng Dalnet sa mIRC.
Una akong natutunong gumawa ng Website noong 1998, walang nagturo sa akin, self exploration lang talaga ang ginwa ko at ang unang nagawa ko eh itong Home Page na ngang ito, mga pinagtagpitagping source code na nanenok ko pa sa ibang home page ng may home page, dati kasi, hindi pa uso ang Friendster na iyan, Facebook, twitter at kung ano ano pang mga social Media website, kaya ang paggawa ng Home Page ang kinakahiligan ng maraming bata noon, at isa na ako sa mga nakigulo sa world wide web. Napaka astig mo na kung may sarili kang homepage, allo na kung ikaw mismo ang gumawa, pwede ka nang magtayo ng sarili mong kulto at ikaw ang parokyano ng mga taga sunod mo.
Marami akong Home Page na nagawa, pero lahat hindi ko natapos, dahil narin sa kakulangan ng kaalaman, kaya hindi ko natatapos ang mga ito, dahil na rin sa kabisihan ko sa paglalaro noon ng Quake at Half-Life, kaya di ko natatapos ang mga ito. At hangang ngayon, wala pa akong natatapos sa mga ginawa ko noon.
Pero masaya ako na muli kong masilayan ang homepage na ito, ang pinaka unang homepage na nagawa ko. Early months of 1998 ko po yan ginawa.
Feel free po sa pag bisita sa aking walang kwentang home page. At mag sign up na rin po kayo sa aking guess book.
Sayang nakalimutan ko na ang log in name ko dyan at password, hindi ko na siya maaayos, ngayon pa na napaka rami ko nang alam sa pag gawa ng home page at napakarami ko ng pwedeng ilagay, at saka naka block rin ang FortuneCity.com sa Saudi kaya di ko rin siya mabubuksan kapag di ako gumamit ng Tunnel, ito ang mahirap sa bansang ito, napakaraming site ang nakablock.
Ito pa po ang pinaka latest sa ginawa ko. January 2011.
Salamat sa pagbabasa
D"N
1998? kakagraduate ko lang ng HS nun ah!! hehehe astig nga dati pag may sarili kang homepage
ReplyDeletelol. wala ka siguro magawa, nabobore kaya nagawa to. Masubukan nga pag wala din ako magawa.
ReplyDelete1998?? hmmmmmmmm bata pa ako niyan..#lol that time Super Mario brothers ang alam kong gawin sa computers, kasi wala pa atang net dto.. hehe!
ReplyDelete1998 kinder pa lang ako nun ah? hehe.. mahanap nga rin ang sarili ko sa google. oi b at di ka na ng video blog? ala lang na miss ko lang. haha..
ReplyDeleteng mga panahong yan ang magtanim lang yata ng talbos ng kamote ang ginagawa ko. ang tagal mo na palang lagalag sa world wide web. 2009 ko lang nalaman ang blogging.
ReplyDelete