Tuesday, August 2, 2011

Another 30 days Challenge.


Natapos ko na nga po ang 30 Days Picture Challenge, marami akong natutunang bagay sa challenge na ito, marami akong nadiskubre, nalaman ko na sa kabila ng lahat ng mapait na pinagdaanan ko sa buhay napakarami ko palang magagandang ala-ala na dapat ipag-pasalamat, mga masasayang ala-ala na napakasarap balikan, mahirap na madali ang challenge, mahirap kasi dapat araw-araw kang mag-update ng iyong blog para sa challenge, at saka kapag andun kana, hindi mo na alam kung ano ang ilalagay mong larawan, dahil napakarami pala nating nakatagong mga panaginip na gusto nating ulit-ulitin, tulad ng Day 2, gusto kong maranasan ulit yung takot sa panonood ng sine na walang kasamang guardian, gusto kong maranasan ulit manood ng Super wan tu tri na kasama ang tita ko at hawak hawak niya ang aking kamay.

Madali dahil napakasarap hugutin ng lahat ng pinagdaanan mo upang isalaysay, kahit na alam mong isa o dalawang tao lang ang nagbabasa ng blog mo o kaya kahit na hindi ka sigurado kung binabasa nga ba talaga ang mga sinusulat mo o hindi.

Pero lumipas na ang nakalipas, wala na tayong pwede balikan, tanging baon na lang natin ay mga masasayang ala-ala, huwag po sana nating kalimutan ang lumingon sa ating pinanggalingan upang hindi tayop madapa sa ating paroroonan.



Sa pagtatapos po ng 30 Days Challenge eh panibagong hamon naman ang nagbukas, isang hamon na kailangang tanggapin at harapin, isang hamon na obligasyon ng bawat Muslim, at dahil napapabilang ako sa mga kategorya ng hamon, kinakailangan kong harapin ito ng bukal sa puso, nag-umpisa po ito ngayong araw na ito, ito po ang Ramadan ang ika siyam na buwan sa kalendaryo ng Islam na tinatawag naming Hijra Calendar, kailangan po sa buwang ito ay taos puso kang mag-aayuno sa loob ng isang buwan sa ngalan ni Allah, at dahil sa ako’y meron pang malakas na pangangatawan at nasa tamang pagiisip pa, kailangan kong tugunan ang panawagan ni Allah, dahil wala akong magandang dahilan para hindi isagawa ang kayang kagustuhan.



Maraming salamat pos a pagbabasa.





D”N

5 comments:

  1. Kuya Musingan, question po.. ibig ba sabihin nun na di ka mag blog ng isang buwan habang nag aayuno? Yung mama ko po isang teacher sa isang Muslim school sa Davao.. wala lang po na share ko lang kasi dati tumatambay ako sa school nila o di kaya kinukuha akong judge sa school nila kapag may contest.

    ReplyDelete
  2. Ramadan AL-kareem Al.:))

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...