Saturday, August 6, 2011

Nose Bleed


Saktong isang lingo na mula ng magkanose bleed ako, ALHAMDULLILLAH at mukhang  ok  na ako ngayon, sana tuloy-tuloy na ito, severe nose bleeding kasi ang nangyari sa akin, may kasamang blood clots ang dugo na lumalabas sa ilong ko, sobra ako natakot, kasi first time ko naranasan yun.

Kaya dahil dito, nag-simula akong magsaliksik kung ano nga ba ang dahilan ng pagdudugo ng ilong, at nalaman ko mula sa aking pag-aaral, kaya pala dumudugo ang ilong ng isang tao ay dahil sa sobrang paggamit niya ng wikang English… hindi nga bat pinatuyan na ito sa isa sa mga Pelikula ni Ruffa Mae Quinto? Joke.

May dalawang uri ng nose bleeding o Epistaxis.

Ito ay ang Anterior nosebleeds at Posterior nosebleeds, ang una ay ang pagdudgo ng ilong na nanggagaling sa mismong loob ng ilong natin, ito ay dahil sa ang mga blood vessel ng ilong natin ay nasusugatan kaya naman nagdudulot ito ng pagdugo ng ilong, madalas na dahilan ng pagdudugo nito o pagkasira nito ay ang pangungulangot, malakas na pagsinga ng sipon, dry climates (ayan English na naman), super cold climates (isa pa), kapag sobrang mainit o malamig ang paligid, natutuyo ang loob ng ilong natin at nagdudulot ito para mabreak out ang walls sa loob ng ilong natin, kung saan thin skin lang ang tumatakip sa mga blood vessel duon sa loob, kaya ito nagdudulot ng pagdurugo.

Ang ikalawa naman ay ang pagdurugo mula mismo sa pinakaloob-looban ng ilong natin o kaya sa likod mismo ng ilong natin, ito ang pinaka mahirap na bigyan ng lunas, at minsan kailangan pa nating mamahinga ng ilang araw sa ospital para mamonitor ang ating kalagayan, although hindi naman daw ito life threatening pero mas mainam narin ang mabantayn tayo ng doctor.

Isa rin sa mga nagdudulot ng pagdurugo ng ilong ay ang hyper tension, kapag mataas ang blood pressure natin, lumalakas din ang takbo nito, at karaniwan daw eh nagdudulot ito ng pagduro ng ilong.

Last time, nag magpacheck up ako, mataas daw talaga ako BP ko, kaya ako nagkahyper tension, kaya natakot naman ako ng husto, pero sabi ng doctor eh dapat daw ipag pasalamat ko pa ang nangyari dahil sa lumabas ang dugo at hindi nagtuloy-tuloy sa brain ko, kung hindi daw, baka ano pa daw ang masamang mangyari sa akin.

Below are just some showcases you can do when your nose is bleeding.

What Is the Treatment for A Common Nosebleed?

Most people who develop nose bleeding can handle the problem without the need of a physician if they follow the first aid recommendations below:

1.      Pinch all the soft parts of the nose together between your thumb and index finger.
2.      Press firmly toward the face - compressing the pinched parts of the nose against the bones of the face. 
3.      Lean forward slightly with the head tilted forward. Leaning back or tilting the head back allows the blood to run back into your sinuses and throat and can cause gagging or inhaling the blood. 
4.      Hold the nose for at least five minutes. Repeat as necessary until the nose has stopped bleeding.

Lagi po nating tatandaang pangalagaan ang ating sarili, at kapag nagkanose bleed man po kayo, huwag po kayo magpanic, umayos lang po kayo at sundin ang mga sumusunod na paunang lunas.


Salamat sa pagbabasa.


D”N






2 comments:

  1. ayon kaya pala. tahimik ang paligid.Magpagaling ka kapatid at hinay hinay sa pag english.

    ReplyDelete
  2. ang galing^_^ nakatulong sa agamagam ko kc po yung 2yr8mons na baby ko napapansin ko monthly my nose bleeding sinunodko lng yung procedure ng common treatment pero medyo worrie ako until nabasa ko to ....need ko pa ba i cosult sa doctor yung baby ko ?para malaman ko whats the reason ng nosebleeding nya? help po and thank you po

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...