Sunday, November 13, 2011

Kilalanin si Super Hero (Pahina 3)


Kilalanin si Super Hero (Ni AL Diwallay) Kabatana - II





Umaga – Pawisan na si Emong kahit katatapos lang niya maligo’t magbihis tagatak na ang pawis sa kanyang mukha, ang kaninang malinis na puting panyo, ito marumi na sa kakapunas niya sa kanyang mukha, naka upo siya sa unahan ng FX habang nagmumura ng pabulong, “Anak ng… Traffic na nga, sira pa ang Air-Con ni manong!” papasok siya ng opesina pero halos isang oras na kaunti lang ang ginalaw ng takbo ng mga sasakyan, lahat ng ng pasahero ay nagmamadali, estudyante, empleyado, mamimili at kung sinu-sinu pa pero mabagal talaga ang daloy ng trapiko, inip na inip na si Emong sa loob ng sasakyan habang ang isang ale na kasabay niyang nakasakay sa likod ng FX  ay maasim na ang mukha dahil sa malansang amoy ng kili-kili ng mamang katabi niya, ni walang pakialam at parang may sariling mundo, ang driver naman ay abala sa pagmamaneho at pakikipagpaligsahan sa ibang driver sa kung sino ang may pinaka malakas na bosina ng sasakyan, ang isang binata naman ay kanina pa nagpapacute sa kasabay nilang estudyante na abala naman sa pakikipagtext sa nobyo.

“Pare! Mukhang malalate ako, haba ng traffic eh!”.

Tumawag na siya sa kasama, dahil alam niyang mukhang mali-late na nga siya at para maabisuhan na rin ang bisor niyang masungit at mukhang araw-araw ay may regla, sa SM City lang naman siya ngtatrabaho bilang salesman at sa may España naman siya nakatira, pero dahil sa bagal ng daloy ng trapiko sa araw na ito, mukhang mahuhuli ata siya sa pagpasok ng trabaho.

Abala ang lahat sa kani-kanilang buhay, hindi pansin ang oras, hindi pansin ang isat-isa nang biglang may marinig silang sigawan ng mga tao,  galing sa kanto ng España at Padre Campa, ilang metro ang layo sa kanila, inilabas ng driver ng FX ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan para masilip ng mabuti ang kaguluhan pero walang epekto, hindi parin niya Makita, maya-maya dumaan ang isang lalake, nagmamadali, mukhang umiiwas o may pupuntahan.

“Boss! ano po ang nangyari?” tanong ng driver “Ah si Ceeeeesaaaaar Mhon taaannaoo maahaaayy  siiieaooyyuuu aiiinnggg.” Sagot ng hinihingal na lalake saka umalis.

“Ano raw?” tanong ng aleng  kasabay ni Emong na nakaupo sa likod ng FX  at maasim parin ang mukha dahil sa malansang amoy ng kili-kili ng mamang katabi parin niya at wala paring pakialam pero ngayon ay mukhang naala-alang hindi lang siya ang tao sa mundo at nang-usisa narin .

“Kuya ano po ang nangyari?” tanong niya sa driver.

“Ewan, di ko naintindihan, si Cesar Montano daw may shooting.” sagot ng driver sa nang-uusisang lalake na nakaupo sa likod ng sasakyan.

Pagkalipas ng ilang sandali, nakita na rin nila ang kaguluhan sa kanto ng España at Padre Campa, isang lalake ang nagwawala, may hawak na baril at mukhang may hang-over pa mula sa magdamagang pakikipag inuman kay kumpare niyang mabait lang kapag may pera siya.

“Pare akala ko ba may shooting?” tanong ni Emong sa lalakeng vendor ng nilagang mais na nakatayo malapit sa kanilang sasakyan.

“Ahhh anong shooting?” patanong na sagot naman ng lalakeng vendor ng nilagang mais.

“Eh kasi sabi kanina may shooting daw si Cesar Montano!”
“Ay naku mali, kapangalan lang yan ni Cesar, nagwawala na naman,  iniwan kasi ng asawa kagabi”

Si Cesar pala, nagwawala dahil sa niliyasan ng asawa kagabi “Mga hayop kayo, ilabas niyo ang asawa ko, kung hindi magkakamatayan tayo” sigaw ni Cesar na parang asong ulol habang hawak ang isang .38 revolver na baril na mukhang ginamit pa ng kanyang lolo sa pagtugis sa mga hapon noong 1942 kasama ang mga Amerikanong sundalo.

“Ilabas niyo ang asawa ko.” Sabay sipa sa mga kariton ng mga vendor ng mais, dyaryo, manga, fishball at kung ano ano pa,
“Ilabas niyo ang asawa ko.”

Bang! Bang! Bang!.... tatlong putok ang narinig nila mula sa hawak ni Cesar na baril pero walang tinamaan dahil pataas naman ang kanyang pagpapaputok at parang nagbibigay lang ng warning shot o nananakot.


Itutuloy… .. .




D"N



0 According to them:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...