Tuesday, November 1, 2011

Walang Third Eye


Hapon, gamit ang aking laptop seryosong naglalaro ang Ate ko sa sala ng bahay namin sa Zamboanga City, hindi niya initindi ang aking kuya na nanonood naman ng TV malapit sa kanya, habang ang isang anak naman niya ay naglalaro ng kanyang manika malapit sa kuya ko, nakatuon lang ang kanyang pansin sa Puzzle Bubble na ininstall ko kamakailan lang, ang Yaya naman ng pamangkin ko na si Silbeth ay nasa kwarto ng Ate ko at nagliligpit ng mga gamit, pangkaraniwang araw lang ito, hindi masyadong mainit para pagpawisan ka pero hindi naman malamig para ginawin ka, katamtaman ang sikat ng araw na pumapasok sa binta upang magbigay ng malamlam na liwanag sa loob bahay.

Kwento ng Ate ko, habang libang na libang siyang naglalaro ng Puzzle Bubble sa aking laptop, ay dumaan naman sa harap ng pinto namin ang aking pinsan na babae, diretso ito sa aking kwarto at duon nagtago, madalas din naman kasing ganito ang pinsan kong iyon, palibhasa ay spoiled samin kaya kahit di magpaalam eh basta basta na lang ito papasok sa aking kwarto para makapag pahinga, galing daw ito sa kanilang labas at pumasok sa aming bakod tapos diretso itong pumasok sa aking kwarto, dumaan lang daw ito sa pinto ng aming sala, saglit na tiningnan siya at dumeretso na ito sa aking kwarto, nagbiro pa ang aking ate ng “eow!” dahil ito ang expression ng aking pinsan, hindi sumagot  ang aking pinsan bagkos deretso lang ito sa aking kwarto,  hindi man niya ito napagmasdang mabuti alam niyang pinsan ko iyon.


Nasa labas kasi ng Sala ang kwarto ko, kaya madalas lahat ng mga pinsan ko ay doon tumatambay, lalo na kapag may okasyon sa amin, doon silang lahat tumatambay, kaya madalas magulo ang loob ng kwarto ko, kaya naman hinayaan na lang ng Ate ko ang aking pinsang babae na pumasok doon, kasi sanay na kaming lahat, pero teka, may naalala siya, wala nga pala ako sa bahay ng mga sandaling iyon at nakakandado nga pala ang aking kwarto, kaya bahagyang tumayo ang Ate ko upang masilip kung sino ang tumawid sa harap ng pintuan patungo sa aking kwarto, pero wala siyang nakita, at masasabi niyang imposibleng nasa loob ang pinsan ko upang magtago dahil nakakandado ang pinto ng kwarto ko mula sa labas ng pinto, liban sa isang paso na may halaman na nakalagay malapit sa kwarto ko, wala na siyang pwedeng pagtaguan, pero hinayaan na lang ng ate ko ang nangyari at naisip niya na baka guni-guni lang niya ang lahat.

Bumalik na lang siya sa paglalaro sa laptop ko at di na pinansin ang insidente, makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Silbeth sa kwarto ng Ate ko at naupo sa tabi niya saka nanood sa paglalaro ng Ate ko, ilang saglit pa ang nakakaraan buhat ng lumapit si Silbeth sa Ate ko ay may nakita na itong dumaan sa harap ng pintuan ng sala namin, tumawid ito papalabas, pero sa pagkakataong ito, nakita na mismo ng Yaya ng pamangkin ko kung sino ang tumawid, isang babaeng mahaba ang buhok, naka puti, pero hindi klaro ang mukha, tanging mata lang nito ang masasabi niyang malinaw sa mukha nito, saglit na tumitig sa kanya ang babaeng nakaputi bago ito tuluyang lumisan, alam ni Silbeth na hindi ordinaryong nilalang ang kanyang nakita, kaya naman kumapit agad ito ng mahigpit sa kamay ng Ate ko, at doon na napagtanto ng Ate ko na hindi lang pala siya ang nakapansin sa babaeng dumaan, “Wiedz!!!” kabadong sambit ni Silbeth sa Ate ko, “Wiedz, nakita mo siya”  tanong ulit ni Silbeth sa Ate ko.

Tiningnan lang ng Ate ko si Silbeth sa mata at saka ito ngumiti, pinabulaanan niya ang kanilang nakita, sinabi niya rito na “Bakit ano ba ang nakita mo”, nagpaliwanag agad ng walang pagaatubili si Silbeth sa ate ko tungkol sa kanyang nakita, at ayaw nitong maniwala na hindi ito nakita ng Ate ko, pero hindi ito inamin ng Ate ko, at bagkos ay pinagtawanan niya si Silbeth, malakas daw ang imahinasyon ni Silbeth “nakadroga ka ba?” biro ng Ate ko sa kanya, pero lingid sa kaalaman ni Silbeth, kinagabihan, napagkwentuhan naming magkakapatid ang insidenteng nangyari kaninang hapon, sinadya na lang daw ng Ate ko na magsinunagling kay Silbeth upang hindi ito matakot, pero sa totoo lang, napansin daw niya ito at tila narinig pa niya ito na parang may binubulong, pero hindi naman niya ito maintidihan, dahil nga sa nabigla rin siya sa nangyari, karaniwan na lang ang ganito sa Ate ko, sa aming magkakapatid, madalas siya ang may nakitang, mga di pangkaraniwan nilalang, minsan nga ay inutusan ng Ate ko ang isa naming kasambahay na bumili sa tindahan, nasa labas sila ng Sala namin naguusap, nakaharap sa isat-isa, facing the gate ang ate ko at yung kasambahay naman namin ay facing sa kwarto ko, kaya magkaharap talaga sila, madaming pinapabili ang Ate ko na mga basic needs sa kusina, dahil siya ang magluluto kaya dapat kumpleto, matapos sabihan ng Ate ko ang kasambahay namin ay tumalikod na ito at akma ng tutungo sa gate namin ng may mapansin siyang nakatayong lalaki na hindi niya maaninag ang mukha sa harap ng kotse namin, “Wiedz” sambit niya sa Ate ko, agad na pinanghinaan ng loob ang kasambahay namin, “Wiedz nakikita mo ba” alam niyang hindi yun ordinaryong nilalang, hinawakan na lang siya ng Ate ko sa kanyang braso at sinabihang huwag na lang siyang lumabas, alam na ng kasambahay namin ang ibig sabihin ng Ate ko.

Sa hindi namin maipaliwanag, madalas Ate ko ang nakakakita ng mga hindi pangkaraniwang bagay, parang meron siyang Third Eye na tinatawag, meron ding pagkakataon na bumisita siya sa bahay ng kamag-anak namin ay meron din siyang nakita, habang masayang nagkukwentuhan ay may napansin siyang sumilip na isang batang babae sa loob ng isa sa mga kwarto ng kamaganak namin, alam niyang hindi iyon kabilang sa kanilang bahay, at alam niyang hindi yun pangkaraniwang tao, kaya naman nagtanong siya na kung meron ba daw nagpaparamdam doon sa kanila, at sagot naman ng mga kamag-anak namin, wala naman daw, ng sabihin ito ng Ate ko na may nakita siyang batang babae na sumilip sa kwarto, pinabulaanan nila ito, pero nang magkausap ang Nanay ko at may Tita ko na may-ari ng bahay, sinabi niya ang totoo na may nagpaparamdam nga daw na batang babae sa kanila.

Hindi ko alam kung gift nga ba itong maituturing sa Ate ko, pero ang masasabi ko lang sa kanya, ang Weird niya ah…. Pero ganun pa man, kahit na medyo naniniwala kami na may Third Eye ang Ate ko eh madalas ay pinapabulaanan lang niya na may nakikita siyang kakaiba.



Happy Halloween...



D”N 

2 comments:

  1. Ang best friend at ate ko bukas din ang third eye nila. Sabi kasi lahat daw tayo meron kaso sarado lang sa iba kaya hindi sila nakakakita ng multo, pero kung gusto mong ipabukas pwede daw yun.

    Sabi pa nila kapag daw may nakita ang bukas ang third eye tapos hawak ka niya, makikita mo din. Kaya dati kapag gala mode kami hindi ako nagpapahawak sa bestfriend ko lalo na kapag nagsimula na siyang kumanta, kasi indication yon na may nakikita siya.

    ReplyDelete
  2. awww, natakot naman ako. lalo na sa part na tinitigan pa si Silbeth. nakakaloka.

    Ganun din sabi sa akin kagaya kay Sey, lahat daw may third eye yung iba nga lang nakasara. May mga experience na din ako na parang may nagparamdam sa akin. pero hinahanapan ko lang lagi ng logic, di ko ine-entertain kasi matatakot lang ako and di naman ako sure kung paramdam nga yun or baka guni-guni ko lang. Pero may isang incident na I'm so sure kakaiba kasi dalawang magkaibang tao ang kasama kong nakaramdam. kaloka.

    I'm sure kaya hindi masyado inaamin ng Ate mo, kasi ayaw nya na matakot ang mga kasama nya sa nakikita nya.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...