Tuesday, November 22, 2011

Simple pero masaya



Alas-Dyes na ng umaga dito sa Saudi ngayon, kung nasa Zamboanga lang ako, sigurado kakagising ko pa lang, may sarili kaming kwarto, pero marahil ang una kong gagawin, dederetso ako sa kwarto ng parents ko para mahiga muli, pero di matutulog, kundi manonood ng TV habang nagiisip kung ano ang kakainin, maya-maya papasok na ang kasambahay namin sa kwarto ng parents ko, magtatanong kung ano ang gusto kong kainin, sa dami ng napagpilian ko kanina, eh sa pancit canton lang ako babagsak o kaya sardinas, mula pa kasi pagkabata, yun na ang ulam namin tuwing tanghalian, kung hindi man sardinas o pancit canton eh siguradong maggi mari yan o kaya piniritong itlog, ok lang naman sa amin yung ganun, sanay na kami, minsan naman, may mga natitirang ulam mula kagabi at yun na ang pagsasaluhan namin, minsan kasambahay namin ang nagluluto ng pancit canton o kung ano man ang gusto namin, pero madalas kami lang magkakapatid ang nagluluto ng kakainin namin, madali lang naman kasing ihanda ang mga instant food di ba?, yun nga ang pinakagusto sa amin ng kasambahay namin eh, parang taga bili lang talaga ang responsibilidad nila sa amin, dahil kami din ang nagluluto ng ulam na gusto naming kainin, wala sila masyadong problema sa amin.

Alas-Onse y medya maliligo na ako, para makapagsalah(pray), pagkatapos magbibihis, manonood ulit ng TV, sa kwarto parin ng parents ko, kapag natapos na ang Eat Bulaga saka ako lalakad, susunod ako sa tindahan namin sa bayan, ako ang magbabantay habang tulog si ermats, ako ang pinaka gusto ng mga tindera namin na nagbabantay, dahil pagdating ko sa hapon, may dala na akong isang supot ng tinapay na may palaman na mongo o kaya coconut, minsan cheese bread, pero minsan lang talaga, dahil minsan lang din kasi ako kumain nito, nagpapabili ako agad ng isang litrong coke, kaya naman si ermats eh masaya dahil di na naman siya gagastos ng pangmerienda ng tatlo naming makukulit at magagandang tindera.

Mga alas-kwatro, gigising na si ermats sa kanyang higaan sa likod ng maliit na divider ng tindahan, pawisan dahil hindi siya gaanong tinatamaan ng ceiling fan, pero ok lang, at least nakapagpahinga siya, magtitimpla siya ng kanyang tea sa kanyang tasa, alam niyo ba na mula pagkabata ko, ay hindi ko pa nakikita si mother na uminom ng kape? Dahil mula pagkabata ko, talagang tea lang ang iniinom ni mother, At mula pagkabata ko rin ay halos mabibilang mo lang kung ilang beses lang si mother ko na uminom ng tubig o tea na gamit ang baso? Dahil mula noon hanggang ngayon, eh sa stainless tasa siya umiinom ng tubig, tea o juice, talagang sa tasa lang siya umiinom, kung makakainom man siya ng isa man dyan na gamit ang baso eh sigurado akong napipilitan lang yan, halimbawa kapag may pinuntahan siyang handaan, yun lang ang mga panahong nakakagamit si mother ng baso, nakasanayan na daw talaga niya uminom na gamit ang tasa, weird no?

Alas-Sinco naman ng hapon namamalengke na ang mother ko, habang nagsasara naman ako ng tindahan, sa mga ganitong oras naman dumarating ang kapatid ko, hahabol sa merienda kasama ng asawa niya, galing silang school, nag-aaral kasi ang asawa niya ng nursing, pero noon yun, dahil ngayon nakatapos na, last year lang at kasalukuyang naghahanda sa kanyang board exam, kapag maaga-aga ang kapatid ko na dumating may maaabutan pa silang merienda sa carenderia, pero madalas naman eh wala na, kaya coke na lang ang iinumin nila, habang nagmemerienda sila ako naman ay aalis na, sila na ang bahala sa pagsasara ng tindhan, habang ako naman ay pupunta na sa isang internet café na kung saan eh parati akong tumatambay, dito ako nagiinternet, libre naman eh, kapag isang oras lang ako gagamit, walang problema sa may ari, dahil parang ate ko lang yun, pero syempre, kapalit naman nun eh ang kusang pagtulong ko sa kanyang café, lalo na kapag may problema ang PC niya.

Alas-Sais y medya naman, aalis na ako sa café, dederetso ako sa isang mall sa Zamboanga, maghahanap ng makakasama, kapag wala akong nakita dederetso na ako sa Paseo Del Mar, isang park sa Zamboanga na malapit sa dagat, parang Baywalk na may resto bar at entertainment, pero may malaking park sa harap nito na katabi ng Zamboanga Museum, maraming tao dito gabi-gabi, isang pasyalan para sa lahat ng uri ng tao, masaya dito at siguradong hindi ka mawawalan ng kakilala, lalo na sa katulad kong mahilig sa majika, dahil maraming majikero dito, at halos lahat ng mga nagmamagik doon ay kilala ko, minsan naman bago ako pumunta doon eh dadaan ako sa bahay ng isang kaibigan ko na malapit lang doon, susunduin ko siya para sabay na kaming pumunta park, halos gabi-gabi doon kami tumatambay, basta may pambili na ako ng gas ng motor ko at pambayad sa parking na 5 pesos, ok na ako doon, pero mas mainam kung may pangkain din kahit na tinapay lang at ice tubig, solve na kami nun, magkukwentuhan, magpapasiklaban ng galing sa majika at higit sa lahat, magpakwela sa mga nanonood.

Alas Dyes o kaya alas onse na ng gabi ako uuwi, manonood ng TV ulit habang nagchecheck ng facebook account sa kwarto ko, ang desktop ko ang init-init na, siguradong kaninang umaga pa ito nakabukas, pero ok lang, total makakapagpahinga naman siya kapag natulog na ako ng alas dos ng umaga.


Simpleng buhay lang meron ako. 



Salamat sa pagbabasa.





3 comments:

  1. Aba sosyal si mother. hehe.. sa tasa lang umiinom at mahilig sa tea parang donya. hehe.. Sabagay healthy naman ang tea eh. :)

    I'm sure miss mo na ang simpleng buhay mo. :)

    ReplyDelete
  2. Ingit naman ako sa simpleng buhay mo. enjoy to the max.

    you are the boss.
    Na imagine ko ang mama mo sa picture na na e post mo dati donya talaga.Pero healthy ang ginagawa niya.

    ReplyDelete
  3. akala ko ba naka comment ako dto, hnd pla naposted.. homesick ka noh? :(

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...