Someday – is an English word which literally expresses about future in an indefinite time; oh ha.. English yan…. “Someday” sa tagalog “Balang araw”… nagamit mo na ba ang salitang iyan, isa yan sa may pinakamahalagang ginampanan sa buhay natin, isa sa pinakamakahulugang salita, lalo na kapag “Someday” o “Balang araw” lang ang sinabi ng isang tao.
“Mga patay gutom, mga walang hiya… mga baluga.. alipin.. magsilayas kayo.. mga walang utang na loob…” galit na sambit ni Don Pacundo sa kanyang driver at pamilya nito.
Daling nagligpit ang mag-anak ni Mang Temyong… pero bago umalis.. lumingon ang isang anak ni Mang temyong na si Anita kay Don Pacundo at tinitigan ito ng malalim at sinabing “Someday”…. Naks!!!
Kitams… sabi ko sa inyo makahulugan ang salitang iyan.. hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ni Anita sa kanyang sinabi, tanging siya lang ang nakakaalam sa kanyang gustong ipahiwatig.
“Someday….” “Someday….” “Someday….” At isa pang “Someday….” …. naisip mo na ba kung kailan nga ba talaga darating ang “Someday….” Na yan? …. Minsan ko na yan nagamit sa buhay ko, minsan nasabi ko na “Someday makakatapos din ako ng pag-aaral”….“Someday… makakapag abroad din ako”…. “Someday….” “Someday….” “Someday….” At isa pang “Someday….” Ulit… At heto na nga ako ngayon,. Almost 20 years after ko sinabi ang mga bagay na iyon, narito na nga ako at kapiling ko na ang “Someday”…. Na yan… nakatapos na ako ng pag-aaral ko at masayang namamasukan bilang katulong eh este Admin Assistant dito sa desyerto ng Saudi Arabia… mula noong sinambit ko ang salitang “Someday….” Na yan, wala na akong ginawa kundi hintayin ang kanyang pagdating, at alam mo ba… bago ko pa man namalayan, dumating na pala siya, at yung ibang “Someday….” ko eh nilampasan na pala ako ng tuluyan at isa na lang ala-ala…
Ngayon panibagong “Someday….” Na naman ang aking hinihintay, panibagong pag-asa at panibagong pagsubok, sana kung dumating man ang bagong “Someday….” Na yan sa buhay ko, eh sana lahat ay maayos na…. konting tiis lang naman.. alam ko balang araw darating din ang “Someday”…. na yan…
Salamat sa pagbabasa.
Sana bumalik pa kayo dito “Someday….”
D”N
ang daming someday...
ReplyDeleteSomeday. Pareho lang din yan ng Tomorrow. Hindi nauubos. LOL.. Someday, all your dreams will come true. hehe..
ReplyDeletebalang araw titingalain mo rin ang hampas lupang tinatawag mo. o ano pwedi na ba yan.
ReplyDelete