Saturday, October 6, 2012

Ako si Musingan, Laking Zamboanga City



Magulo, nakakatakot, madaming rebelde, madalas may barilan, kidnapan at kung ano-ano pang mga kaguluhan, marahil iyan ang maiisip mo kapag narinig mo ang salitang Zamboanga City, pero mali, walang katotohanan ang mga bagay na yan, hindi po ganun ang aking lalawigan, hindi po ganun ang pagkakakilala ko sa kanya, para sa akin, ito na po ang isa sa pinamagandang lugar na maipapakilala ko sa iyo, masaya at masarap mamuhay dito, binubuo ng isang makalumang kalinangan sa modernong panahon, napapalibutan ng ibat-ibang kultura at pananaw sa buhay, bilang tao at mamamayan nito, isa ako sa libo-libong Muslim na ipinanganak at lumaki sa bayang ito, dito hinubog ng aking mga magulang ang aking pagkatao,  inaruga at sinuportahan sa lahat ng aking pangangailangan, ipinakilala sa akin ang katotohanan at ipanakita sa akin ang kaibahan namin sa karamihan, masasabi ko na ako’y lumaki sa isang kulturang punong-puno ng kasaysayan at nabigyan ng isang prinsipyong kailan ma’y hinding-hindi matatawaran, ito ang aking kultura, ang kultura ng isang Tausug.


Sa totoo lang, galing ang mga magulang ko sa Jolo Sulu, pero mula pa noong 1970’s pinili na nilang manirahan sa Zamboanga City, dito na sila namalagi, dito na kaming lahat ipinganak at nakapagtapos ng pag-aaral, sa katuyan, nakapag-aral ako sa isang Jehovah School, kaya sanay akong makisalamuha sa mga hindi Muslim, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan ay isang Katoliko, at isa sa mga naging karelasyon ko ay isa ring deboto, tumagal kami ng halos siyam na taon, bago namin napagpasyahang maghiwalay na, masasabi kong masmarami akong kaibigan na hindi Muslim kaysa sa mga Muslim, ganyan kami sa Zamboanga, iisa ang ligw ng mga bituka namin, nagmamahalan kami, at nagtutulungan.

Simple lang ang aking lalawigan, simple lang ang Zambonga City, sentro ito ng lahat ng kalakalan mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o maskilala sa tawag na BASULTA, tinatawag din itong International Backdoor Entry, dahil meron kaming International Airport dito para sa mga eroplano at International Port Area naman para sa mga barko, meron din kaming Economic and Free Port Zone, para naman ito sa mga negosyante na gustong magnegosyo sa aming lalawigan, kilala rin ang Zamboanga sa makukulay nitong Vinta, ito yung mga bangkang may makukulay na layag, tinatawag din itong Sakayan sa salita naming mga tausug, bukod dito marami rin kaming mga pasyalan, tulad ng Abong-Abong (nasa paanan yun ng bundok), Pasonanca Park (parang little Baguio namin sa Zamboanga City), at syempre... higit sa lahat, marami kaming paliguan dito, mula sa  Swimming Pool at Beach Resort, kami rin ang may pinakamalaki at maraming pagawaan ng Sardinas, ilan sa kanila ay ang Family Brand Sardines, Mega Sardines, Ligo Sardines at Hakone Sardines, dito rin galing si Mayor Cesar Climaco, naging pelikula pa nga ito na ginampanan ni Eddie Garcia.

Marami rin kaming mga pinagmamalaking mga pagkain, tulad ng Tausug Satti (Satey), Jah (Lukot-Lukot), Tiyula Itom (Tinolang baka ito na itim ang sabaw at maanghang), Piyanggang Manok (Tulad ng Tiyula Itum, maitim din ito, pero walang sabaw), mura ang mga bilihin dito, lalo na kapag galing sa Malaysia, mura ang mga Prutas at Isda, masasabi kong napaka swerte ko dahil wala akong naging problema pagdating sa kainan, dahil, halos ordinaryo na lang para sa amin ang mga pagkaing tulad ng Lapu-Lapu, Blue Marlin, Alimango, Pusit, Hipon at kung ano-ano pang mga pagkain na galing sa dagat na karaniwan sa mamahaling restawran mo lang ito makakain dito sa Manila, pagdating naman sa Prutas, tulad ng nasabi ko, napaka mura ng mga ito at meron kang mabibiling prutas sa halos lahat ng sulok ng kanto.

Banana-Q – iba ang Banana-Q sa amin, ito yung matigas na saging na iihawin at papahiran mo ng margarine pagkatapos isasawsaw sa asukal, hmmm, sarap, yung Banana-Q naman na tinatawag sa Manila ang tawag namin doon ay REBOSAW, hindi ko alam kung bakit, basta yan ang tawag namin dyan, o hah.. saan ka pa.

BANKO – sinasabi nila, matatawag mo raw na maunlad ang isang bayan kapag marami ito banko, sa Zamboanga City, hindi lang isa o dalawang banko ang meron dito, kundi halos lahat ng banko sa Pilipinas meron na sa Zamboanga, isa itong patunay na maraming tao ang nagdedeposito ng kanilang mga pera, marami ring pwedeng itayong negosyo rito, isa na rito ang tinatawag naming Barter Trade, isa ito sa pinaka epektibong paraan ng paghahanap buhay, kahit sino pwede itong pasukin, basta umayos ka lang at huwag kang mandaya ng kapwa mo.

Isa sa mga ipinagmamalaki namin sa Zamboanga City ay ang tinatawag naming Pueblo, ito ang pinaka sentro ng Zamboanga City, nandito ang mga Mall, Department Store, mga restawran, sinehan, pelengke, mga opisina at iba pang mga establisyemento, kaya kadalas halos isang sakay lang lahat ng lakad dito, tatlo ang unibersidad namin, ito ay ang Ateneo De Zamboanga University, Western Mindanao State University at Unibersidad De Zamboanga, meron din kaming AMA Computer College at STI Collage, pagdating naman sa Hospital, hindi rin magpapahuli ang Ciudad Medical na kung saan e halos kumpleto sila sa lahat ng kagamitan, lima ang malalaking Hospital dito sa amin, meron rin kaming museyo, ito ay ang Fort Pilar Museum, isa rin ito sa mga makasaysayang lugar sa bansa natin, katabi naman nito ang Paseo del Mar, parang mini Baywalk namin sa Zamboanga, sa mga Hotel naman, tiyak mapapagod ka sa kakapili kung anong Hotel ang papasukin mo, dahil marami kami niyan.

At syempre ang pinaka importante sa lahat, ang WIKANG aming ginagamit, ito ang CHAVACANO, isang wika na kung pakikinggan mo e parang Espanyol ang dating, kapag nasa Pueblo ka tapos ipinikit mo ang mga mata mo tapos taimtim mong pakikinggan ang mga taong nag-uusap, malamang maiisip mo na “nasa mexico kana”, dahil kung pakikinggan mong mabuti, ang bawat salitang ginagamit sa Chavacano e parabagang salita na hinango sa Maxico, Broken Spanish ang tawag namin dito, katunayan tinagurian ang Zamboanga na “The only Asia’s Latin City”, dahil sa kakaibang wika na ginagamit namin, hindi lang chavacano ang maririnig mong salitang ginagamit dito, dahil kung nasa Pueblo ka, malamang may makakasalubong ka ring dalawang tao na nag-uusap gamit ang wikang tausug, bisaya, iyakan, paminsan-minsan maranao, at iba pang wika tulad ng mga wika na ginagamit ng Chinese, Taiwanese at iba pang lipi, ibat-ibang lahi ang naninirahan dito at iba-iba ang relihiyon namin, pero iisa lang ang tawag namin sa isat-isa “Bagay” ibig sabihin nun “Kaibigan” kung napanood niyo ang pelikulang "Bagong Buwan" ni Cesar Montano, ginamit nila ang salitang ito.

Huwag po sana nating paniwalaan ang isang balita na napapanood lang natin sa telebisyon o nababasa sa dyaryo, kadalasan, nadadagdagan po ang mga pangyayaring kanilang binabalita, wala pong gulo sa Zamboanga City at maayos po kaming namumuhay dito, sampung beses ko pong pipiliing manirahan rito kumpara sa ibang lugar.


Ako po si Musingan, at ito po ang aking lugar na kinalakihan.


Maraming salamat po sa pagbabasa.


Opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 2012.


Salamat sa mga sponsors



























6 comments:

  1. Uy Bagay, hindi ko pa napapasyalan ang Zamboanga pero may kaklase ako na taga-diyan sa inyo.

    Hello Janet, nananawagan ako..umuwi ka na. Lol

    Marami akong natutunan sa mga isinaad mo. Tama nga naman, para mapatunayan dapat puntahan. Bisitahin.

    Good luck ha. :)

    ReplyDelete
  2. ibang-iba nga ang naging pagpapakilala sa Zamboanga City sa poste na ito. hindi ko maiwasang mamangha. balang araw sana makarating ako sa Zamboanga at makapamasyal sa pueblo at marinig ang kakaibang dilang tunog na sa Zamboanga ko lang maririnig.

    Good Luck!

    ReplyDelete
  3. ay bonga chavacano pala ang dialect nyo dyan. nice. rich in natural resorces ang mindanao madami pa ngang magagandang sceneries eh

    ReplyDelete
  4. Hi musingan! I too grew up from Jolo and I can attest how wonderful Zamboanga City is...I lived there sometimes and attended some parties. I missed your place by the way,,, I am also so very fascinated with your language.. I really wish to learn how to speak of it...:)


    xx!

    ReplyDelete
  5. binasa ko ang script mong glamorosa na pipicture sa pelikula ang mga eksena at naaliw ako bagamat diana ang pangalaln niya inday na inday ang dating. wala akong ideya kung papaano ginagawa ng script pero galing mo al.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...