Mukhang naging malumanay
ang pagdalaw ko sa aking blog at sa blog ng may blog ng ibang blogger, ngunit hindi po iyon nangangahulugang
tumigil na tayo sa pagsusulat at pagbabasa, sa katunayan, pansamantala kong
iniwan ang pagsusulat at pagbabsa sa blog upang mabigyan ng mahaba-habang
pagkakataon ang pagsusulat at pagbabasa, hmmm… gulo no?
May mga ibang bagay kasi
akong inaaral ngayopn tungkol sa pagsusulat, alam niyo naman po, hindi po tayo
magaling salarangang ito, kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ginagawa kong pagses-self
studies dito, sa katunayan isa sa mga inaaral ko ngayon ay ang pagsulat ng
script o screenplay.
Wala lang… makasulat lang at
masabihang magaling…
Isa po ito sa mga naisulat
ko noon na ginawan ko nang script, alam ko pong maraming mali sa ginawa ko, pero
pilit ko paring pinoste sa aking blog para may pang update lang ako, kasi kahit
papaano ayaw ko itong mabulok at anayin.
Meron po akong free software na nadownload sa internet na ginagamit sa pagsulat ng pinoy script o screen play, ang kaso nga lang kapag nililipat ko na dito sa blog ko e nasisira na ang format nito. ehehehehe.
Sana po e maintindihan niyo
na hindi po ako propesyonal at walang pormal na na ensayo at pagsasanay sa larangang ito, wala din akong
maalalang araw nagkaroon kami ng ganitong subject noong nag-aaral pa ako, kung meron
man marahil absent ako.
Nga pala naalala ko gumawa nga pala ako ng Term Paper tungkol sa Drama noong 4th years High school ako.
Kayo na po sana ang bahalang
umintindi sa kwento ng ginawa ko, medyo magulo pero kung pagtyatyagaan niyong basahin, e maiitindihan namanniyo siguro, sana huwag niyo rin po akong husgahan bagkos e turuan na
lang.
Yahoo….
-----------------------------------------
Script Start Here -----------------------------------------
Glamorosa
By
Al Diwallay
Based on blog "Diana ang Glamorosa"
This screenplay may
not be
used or reproduced
without the
express written
permission of
the author.
Copyright©2012
Email: musingan@gmail.com
FADE IN.
INT. MANSION. ARAW.
Sa loob ng isang
magarang na tahanan ng isang ekslusibong Subdivision, mauupo sa sofa si Diana
(19), maganda, maputi, halatang may breeding, daig pa ang isang prinsesa sa pagiging
glamorosa.
Bubuksan niya ang tv,
di niya magugustuhan ang palabas,makalipas ang sampung sigundo, ililipat niya
ang channel ng flat screen TV sa harap niya.
Maiinis dahil wala
namang magandang palabas, kukuha ng isang stick ng isang kilalang blue seal
cigarette na nakapatong sa lamesitang yari sa steel brush na nasa harap niya.
Hahanapin niya ang
lighter, lilinga-linga siya, iisipin kung saan niya huling
nailagay ang lighter, haharap ulit siya sa TV, makikita niyang
nakapatong ang lighter sa TV Stand,tatayo siya para kunin ito, sisindihan niya
ang sigarilyo saka niya ipapatong ulit ang lighter sa ibabaw ng TV Stand.
Maglalakad papunta sa
pintuan ng terrace ng bahay, pagmamasdan niya ang paligid gamit ang isang
napakatalim na tingin, gugumuhit sa kanyang pisngi ang isang mapangutyang ngiti,
maaalala niya ang mga panahong nagdaan.
DIANA (V.O.)
Hindi ko na hahayaang babuyin
niyo
ulit ang aking pagkatao.
Hihithitin niya ang
sigarilyong hawak, saka ibubuga ang usok sa napakasakastikong
pamamaraan, babalik siya sa sofa, mauupo, ipapatong sa ash tray ang sigarilyo
na kanyang hawak, kukunin niya ang remote control ng tv na nasa tabi ng ash
tray, ililipat ulit ang channel.
Sasandal sa sofa,
ididikwatro ang paa, ililipat ulit ang channel, maiinis, bubuntong hininga saka
iiling sabay pikit ng mata, pagkadilat
ipapatong ang remote control sa ibabaw ng lamesitang nasa harap.
Tatayo at tutungo sa
kusina.
CUT TO.
INT.KETCHEN.CONT
Kukuha siya ng pitcher
sa fridge na may lamang orange juice, kukuha ng isang baso
saka magsalin, ilalapag ang pitcher malapit sa lababo.
Dala ang isang baso ng
orange juice, babalik ulit siya sa living-room.
CUT TO.
INT.LIVING ROOM.CONT
Hihigop muna siya ng
orange juice saka niya ipapatong ang baso sa lamesitang nasa harap saka siya
mauupo ulit sa sofa, Manonood ng palabas.
Ilang sandali pa,
tutunog ang kanyang cellphone.
Dadamputin niya ang
kanyang cellphone na nakapatong sa lamesitang nasa harap niya saka niya ito
sasagutin.
DIANA.
(Sarkastiko)
Yes?
ANGELINA (O.S.)
(Excited)
Diana! Ikaw ba yan?
DIANA.
Yes! Speaking?
ANGELINA (O.S.)
Si Angelina ito, kamusta
kana.
DIANA.
Angelina? who’s that?
ANGELINA (O.S.)
Angelina Perez, yung kababata
mo,
ano ka ba, hindi mo na ako maaalala?
Matitigilan siya,
hindi siya agad makakasagot.
ANGELINA (O.S.)
Uy! Diana andyan ka pa ba?
DIANA.
Wala akong kilalang Angelina.
(matigas niyang sagot sa kausap)
Huwag ka nang tumawag ulit.
ANGELINA (O.S.)
Ahh!!! Diana ano ka ba? si
Angelina
ito, yung kababata mo.
Ibababa niya ang
kanyang cellphone, hindi na hihintayin ang susunod pang sasabihin ng kanyang
kausap.
Ipapatong niya ang
kanyang cellphone sa lamesitang nasa harap saka niya kukunin ang kanyang
sigarilyo, tatayo siya saka tutungo sa Terrace.
CUT TO.
EXT.TERRACE.CONT.
Mauupo siya sa upuan
na nakalagay sa labas ng terrace,ipapatong niya sa ibabaw ng lamesitang nasa
harap niya ang kanyang mga paa, isasandal ng bahagyan ang ulo, saka hihithitin
ang sigarilyo.
DIANA (V.O.)
(Kalmado)
Papaano kaya niya nalaman ang
cellphone number ko? Ano ang
kailangan niya? bakit siya
tumawag?
Hihithit ulit ng sigarilyo.
DIANA (V.O.)
Ah! basta, hindi na
importante
yon, basta ang alam ko,
kailangan
kong maging matigas,
kailangan kong
maging pusong bato, dahil isa
akong
glamorosa.
Hihithit ulit ng
sigarilyo saka niya ito papatayin sa ash tray na nakalagay sa
ibabaw ng lamesitang nasa kanyang harapan.
Tatayo, pupunta sa
dulo ng terrace, pagmasdan ang paligid.
DIANA (V.O.)
Hinding-hindi ko na hahayaang
hamakin niyo ulit ang
pagkatao ko,
hinding-hindi ko na ulit
hahayaang
tratuhin niyo ako na parang
aso.
(Matalim ang mga tingin)
DIANA (V.O.)
(Titingin sa kanan bahagi
ng hardin)
Inalipusta niyo kaming magkakapatid,
pinandirihan.
DIANA (V.O.)
(Pipikit saka bubuntung hininga,
bubuksan ang mga mata sabay haharap)
Tinuring na parang hayop,pinagtawanan,
inalipusta, ngayon hinding-hindi ko na
kayo hahayaang gawin yun ulit sa akin, sa amin,lalabanan
ko na kayo, dahil isa na akong glamorosa.
Lilingon, babalik ulit
siya sa loob ng living room.
INT.LIVING ROOM.CONT
Maupo siya sa sofa
saka manonood ulit ng palabas, pero halatang hindi nakatuon sa ppinapanood ang
kanyang isipan.
DIANA (V.O.)
Alam kong darating ang araw na
titingalain niyo ako, at heto,
unti-unti ng nangyayari.
DIANA (V.O.)
(Ngingiti)
Unti-unti na akong umaangat,nakatira
na ako sa bahay na bato,hindi tulad
niyong, hindi parin nakakaalis sa putikan.
(Bubuntong hininga)
Dahil wala rin namang
mapanood na maganda, isasara na niya ang telebisyon gamit ang remote control
nito, uubusin and orange juice, tatayo at tutungo sa bathroom.
CUT TO.
INT.BATHROOM.CONT
Pagmamasdan niya ng
mabuti ang loob bathroom.
DIANA (V.O.)
Napakaganda.
DIANA
Alam kaya nilang ganito ang
banyong
ginagamit ko dito.
DIANA (V.O.)
Marahil Hindi
(Sarkastikong ngiti)
Alam kong hindi.
Matutukso siyang
maligo.
Isasara niya ang
pinto, magtanggal ng damit, bubuksan ang
faucet ng shower.
lulusub sa tubig saka maliligo.
Habang mag-isang
nagpapakasasa sa marangya buhay sa loob ng
bathroom, biglang may
kakatok sa pinto ng banyo.
MRS. CHUA (O.S.)
Diana, naliligo ka na naman
ba,
sino ang tumawag kanina?
parang
narinig kong tumunog ang
cellphone?
DIANA
(Magugulat)
Ho! Mrs. Chua ay este Ma’am!!
Ahh... ahh... wala pu ma’am,
di ko
po kilala ma’am.
MRS. CHUA (O.S.)
Ah! ano daw kailangan?
DIANA
(Magpupunas at halatang nagmamadali
para makalabas na ng banyo)
Wala po ma’am, nagkamali lang
ng tawag.
MRS. CHUA (O.S.)
Ganun ba, tapos kana ba maglaba,
mukhang tumigil na ang ingay ng
washing machine sa likod ng kusina.
DIANA
(Magsasalita in a bisaya accent
and bisaya
dialect)
Ayyy Oo, nakalimtan naku ang
atung
washing machine.
DIANA
(tatawa)
Sige ma’am, humanun na naku
ang
akong gilabhan.
MRS. CHUA (O.S.)
Hay naku, ikaw talaga, kung ano-ano
na namang kalokohan ang ginagawa mo
dyan, bilisan mo na, maglaba ka na,
ambisyosa.
DIANA
Dili ku ambisyosa ma’am,
Glamurusa lang ku.
MRS. CHUA (O.S.)
Ay ambot.
DIANA
(Titingin sa camera)
Epic Fail.
(Ngingisi)
FADE OUT.
-----------------------------------------
Script Ends Here -----------------------------------------
Naks pume-fade out na…
Hayst hirap palang magself-study para gumawa ng Pinoy Script... anyway alam ko pong marami pa akong kakaining damo para matutunan ang tamang pagsusulat ng script.
salamat sa pagbabasa
0 According to them:
Post a Comment