Showing posts with label Father's Day. Show all posts
Showing posts with label Father's Day. Show all posts

Sunday, June 19, 2011

Father's Day Blog.





“By the time a man realizes that maybe his father was right, he usually has a son who thinks he's wrong”

Nakita ko ito sa Facebook Wall ng aking kapatid na si AL Diwallay a.k.a Edz, noong nakaraang taon… na isa ring tatay ngayon,. Siya po ang tatay ni Baby Rehan.

Tumatak ito sa aking puso at isipan.. aaminin ko… hindi ko pa ito lubus na naiintindihan, pero para sa aking kapatid na si Edz, masasabi ko na marahil unti-unti na niyang nauunawaan ang lahat, unti-unti na niyang nakikita ang hirap ng buhay, ang totoong buhay, ang totoong kahulugan ng tinatawag na pamilya.

Alam kong hindi ito madali, alam kong hindi ito isang laro,pero napapaisip parin ako, ang hirap siguro maging tatay?

Isipin mo nasa kanya ang lakas ng isang pamilya, sabihin na natin na napakabusilak ang pagmamahal ng isang Ina at walang makakapantay nito? Pero hindi parin yun nangangahulugan na walang mahalagang papel na ginagampanan ang isang Ama, nasa kanya ang lakas ng pamila, siya ang haligi nito, ang kanyang pangalan ang umaalaga sa isang pamilya, nakasilong tayo sa ating mga apilyido, ang dangal at bango ng ating pangalan ay nangaling sa ating Ama.

Sila ang naghahanap buhay, sila ang kumakayod, sila ang nagbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan, sabi pa nga ni Mommy Razz, si weshart daw niya ay good provider, ganyan ang tatay, dinadaan tayo sa suhol, ehehhehe, joke lang, pero alam niyo ba, nang dahil sa mga pasuhol-suhol na yan, eh nagkakaroon tayo ng magandang buhay? Maswerte si Akoni na napakabait ng kanyang tatay at magaling pang magluto.

Wala akong masabi sa aking tatay, mabait po siya at super relax ang isipan, soft spoken at tipid din kung magsalita, hindi ko rin siya nakitang nakipag away kay mudra, super smooth lang kung magbigay ng payo, good provider din siya at galante pa. nirespeto at hinangaan kami ng karamihan ng dahil sa bango kanyang pangalan, weow!!! wala na akong masabi. Siya na ang the best.

Happy Father’s day po sa iyo Amah.


Sa aking kapatid naman na si Edz.

Pinaghalo ang saya at tuwa sa kanyang dibdib, dahil ang napangasawa niya ay ang babaeng pinaka mamahal niya, at nabiyayaan sila ng napaka gwapong anak na si Rehan Nizar na mukhang Anghel, sana ay maging mabuti ang kanilang kinabukasan, biyayaan sana sila ni Allah ng karangyaan, at pangwalang hangganang kasiyahan at tuwa sa dibdib.

Happy Father ’s Day sa iyo Edz.

Pero ano nga ba talaga ang kahulugan nito?

Ano nga ba talaga ang kahulugan ng isang pagiging tatay?

Sa ngayon hindi ko pa yan kayang sagutin, dahil hindi ko pa nararanasan ang maging isang tatay, pero ang tanging alam ko lang sa ngayon ay kung ano ang kahulugan ng isang pagiging Anak?

Sa mga magulang, lagi po sana nating isipin na ang pinaka magandang bagay na maibibigay natin sa ating anak ay ang haayan natin silang maging masaya sa simpleng paraan na gusto nila, para naman po sa mga anak lagi po sana nating isipin na ang pinaka magandang bagay na maibibigay natin sa ating mga magulang ay ang pagiging marangal at mapagmahal na anak.


Happy Father Day po sa aking Ama at sa aking Kapatid na si Edz.


Happy Father’s Day pos a lahat ng tatay diyan at ika nga ni Moks eh pati na rin sa mga nagtatatay-tatayan dyan…. Ehehehhehe.



“Every father should remember that one day his son will follow his example instead of his advice”



Salamat sa pagbabasa.




D”N


Saturday, June 18, 2011

Bayani ang aking Ama

Sorry sa lahat ng aking pagkakamali, sorry at hindi ako naging magaling na styudante sa paaralan noon, sorry at madalas mali ang mga desisyon ko sa buhay, sorry at madalas mabigyan ko kayo ni Mother ng sakit ng ulo, sorry sa mga pasaway kong ugali, sorry at hindi ko kayo nabigyan ng pagkakataon na maipagmalaki ako, sorry at parating matigas ang ulo ko, sorry sa lahat lahat.
Kaya kong magsorry sa aking mga magulang at kaya ko ring sabihing hindi ko na uulitin ang mga ginawa ko, pero ang hindi ko kayang gawin ay ang panindigan ang mga sinabi ko, dahil dito, nagpapasalAmat ako ng lubusan sa aking dalawang magulang sa pag-iintindi nila sa akin, wala na siguro tayong mahigpit na kakampi kundi ang ating mga magulang.
Alam niyo ba, kung gaano kabusilak ang pagmamahal ng Ina ay siya ring kadakila ng pagmamahal ng ating Ama, siya ang naghahanap buahy para sa atin, maaga palang nakikipagsapalaran na siya upang maghanap buhay para sa pagsapit ng gabi, meron na tayong masarap na hapunan.
Nakapag-aral kami sa magandang skwelahan dahil sa aming Ama, nakapagtapos at naging maayos ang pamumuhay dahil sa aming Ama, masasabi ko na higit pa sa tatlong beses kami kung kumain sa isang buwan eh este isang araw pala dahil sa aming Ama, nirespeto at iginalang ng karamihan dahil sa aming Ama, nagkaroon ng masayang kahapon dahil rin sa aming Ama.
Dahil sa kanya, nawawala ang takot kong harapin ang mga taong kinagalitan ko at nakaaway ko, dahil alam kong meron akong kakampi, kaya kong harapin ang kahit na sino man dahil sa kanya, kapagnakikita ko siya kakaibang tapang ang nasa dibdib ko, higit pa kay Jose Rizal ang pagiging bayani niya sa akin, higit pa kay superman ang pagiging superhero niya sa amin.
Salamat sa suporta at mga pangaral, salamat sa malasakit at pagmamahal, salamat sa pag-aaruga at pagpapahalaga, alam kong ilang beses na kitang binigo pero nandyan ka parin at pilit akong ipinaglalaban at iniintindi, dahil dyan naging masmatatag ako at diterminado, sana ay humaba pa ang buhay niyo ni Mother at bigyan pa ng lakas, upang makabawi naman kaming mga anak niyo sa inyo, sana maging maayos na ang buhay namin upang kami naman ang mag-aalaga sa inyo, sana maraming taon pa ang pagsasaluhan natin.
Hindi man ako naging isang mabuti at perpektong anak, pero alam ng Diyos Allah na sinusubukan ko talagang magpakabait at gawin ang lahat upang maipagmalaki niyo kami.


SALAMAT SA LAHAT SA AKING AMA…


ADVANCE HAPPY FATHER’S DAY PO SA ATING LAHAT!!!







D"N







videokeman mp3
Perfect – This song is Dedicated to my Father
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...