Sunday, June 19, 2011

Father's Day Blog.





“By the time a man realizes that maybe his father was right, he usually has a son who thinks he's wrong”

Nakita ko ito sa Facebook Wall ng aking kapatid na si AL Diwallay a.k.a Edz, noong nakaraang taon… na isa ring tatay ngayon,. Siya po ang tatay ni Baby Rehan.

Tumatak ito sa aking puso at isipan.. aaminin ko… hindi ko pa ito lubus na naiintindihan, pero para sa aking kapatid na si Edz, masasabi ko na marahil unti-unti na niyang nauunawaan ang lahat, unti-unti na niyang nakikita ang hirap ng buhay, ang totoong buhay, ang totoong kahulugan ng tinatawag na pamilya.

Alam kong hindi ito madali, alam kong hindi ito isang laro,pero napapaisip parin ako, ang hirap siguro maging tatay?

Isipin mo nasa kanya ang lakas ng isang pamilya, sabihin na natin na napakabusilak ang pagmamahal ng isang Ina at walang makakapantay nito? Pero hindi parin yun nangangahulugan na walang mahalagang papel na ginagampanan ang isang Ama, nasa kanya ang lakas ng pamila, siya ang haligi nito, ang kanyang pangalan ang umaalaga sa isang pamilya, nakasilong tayo sa ating mga apilyido, ang dangal at bango ng ating pangalan ay nangaling sa ating Ama.

Sila ang naghahanap buhay, sila ang kumakayod, sila ang nagbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan, sabi pa nga ni Mommy Razz, si weshart daw niya ay good provider, ganyan ang tatay, dinadaan tayo sa suhol, ehehhehe, joke lang, pero alam niyo ba, nang dahil sa mga pasuhol-suhol na yan, eh nagkakaroon tayo ng magandang buhay? Maswerte si Akoni na napakabait ng kanyang tatay at magaling pang magluto.

Wala akong masabi sa aking tatay, mabait po siya at super relax ang isipan, soft spoken at tipid din kung magsalita, hindi ko rin siya nakitang nakipag away kay mudra, super smooth lang kung magbigay ng payo, good provider din siya at galante pa. nirespeto at hinangaan kami ng karamihan ng dahil sa bango kanyang pangalan, weow!!! wala na akong masabi. Siya na ang the best.

Happy Father’s day po sa iyo Amah.


Sa aking kapatid naman na si Edz.

Pinaghalo ang saya at tuwa sa kanyang dibdib, dahil ang napangasawa niya ay ang babaeng pinaka mamahal niya, at nabiyayaan sila ng napaka gwapong anak na si Rehan Nizar na mukhang Anghel, sana ay maging mabuti ang kanilang kinabukasan, biyayaan sana sila ni Allah ng karangyaan, at pangwalang hangganang kasiyahan at tuwa sa dibdib.

Happy Father ’s Day sa iyo Edz.

Pero ano nga ba talaga ang kahulugan nito?

Ano nga ba talaga ang kahulugan ng isang pagiging tatay?

Sa ngayon hindi ko pa yan kayang sagutin, dahil hindi ko pa nararanasan ang maging isang tatay, pero ang tanging alam ko lang sa ngayon ay kung ano ang kahulugan ng isang pagiging Anak?

Sa mga magulang, lagi po sana nating isipin na ang pinaka magandang bagay na maibibigay natin sa ating anak ay ang haayan natin silang maging masaya sa simpleng paraan na gusto nila, para naman po sa mga anak lagi po sana nating isipin na ang pinaka magandang bagay na maibibigay natin sa ating mga magulang ay ang pagiging marangal at mapagmahal na anak.


Happy Father Day po sa aking Ama at sa aking Kapatid na si Edz.


Happy Father’s Day pos a lahat ng tatay diyan at ika nga ni Moks eh pati na rin sa mga nagtatatay-tatayan dyan…. Ehehehhehe.



“Every father should remember that one day his son will follow his example instead of his advice”



Salamat sa pagbabasa.




D”N


4 comments:

  1. tnx for mentioning me.. suhol ka jan haha! un ba ang pangalawang tawag don? oo no cge na.. hehe!

    Happy Father's ulit sa tatay mo at sa tatay ni Rehan happy father's day.

    ReplyDelete
  2. Hindi ko pa alam kung ano ang pakiramdam ng isang tatay, kung mahirap ba ito, abangan natin..hehe...Isang makahulogan na akda!

    ReplyDelete
  3. masayang maging ama. masarap ang feeling. happy father's day sa lahat ng tatay

    ReplyDelete
  4. i love the last quote.. kalmado pala si itay mo pareho sila ni itay ko.. minsan pingarap ko ding maging ama - jowk!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...