Porque (Tagalog Version) – Maldita Song Lyrics
Narinig mo na ba ang kantang iyan? Maganda ba? Malungkot ba o Masaya?
Masarap bang pakinggan o nakakainis?
Panalo ba o talo?
Para sa akin… maganda ang kantang iyan.. meaningful, matagal na yan, kung hindi ako nagkakamali eh 2009 pa yan, isang pure Chavacano song po iyan, opo tama po ang pagkakabasa niyo, hindi po yan Españiol, isa po yang Chavacano song, na sinulat ng grupong Maldita na taga Zamboanga City, paano ko nalaman? Syempre, taga Zamboanga City po ako..
2008, pak, noon inis akong naririnig ang kantang iyan, dahil iyan ang taon kung saan kami’y naghiwalay pati ni (ehem )“She who must not be named” (siya na naman?) opo.. siya na naman… tinatamaan po kasi ako sa kanta nila… noon po ay pure Chavacano pa po yan at wala pang tagalong version, pero naiintindihan ko naman po dahil “Sabe tamen yo kombersa Chavacano (marunong din po ako magsalita ng Chavacano)” , kaya bawat salitang ginamit nila sa kanta nila, paksyet, ako’y tinatamaan, tagos hanggang buto.
“Bein macarisas gayot, no kere gad yo huwi de ila kansyon (Nakakainis talaga, ayaw ko talagang marinig ang kanta nila)”, words per words, packing tape, nagdurugo ang aking damdamin, sa tuwing naririnig ko ang kanta nila, naiinis ako, hindi lang dahil sa nalulungkot ako sa paghihiwalay namin ni “Mokong or si She who must not be named” eh dahil narin sa nagagandahan ako sa kanta kaso eh hindi pa ako maka-appreciate sa mga ganyang kanta, dahil nasa emo stage pa ako noon kumbaga.
…… … .. .
Kanina, 6:10am, habang naliligo ako, bigla kong naisip si Moks, ayayay, ang bastos talaga niya no? kung kelan ako naliligo ng hubot-hubad sa loob ng toilet, saka naman pumasok sa isip ko si Moks, hmmmp, nakita ko tuloy na tumingila sa akin si Pag-Asa (makapag ano nga muna!!! Joke), naisip ko lang ang blog niya na “Music in My Head” isa rin kasi yun sa mga inaabang-abangan kong blog eh.
Pagkatapos kong maligo eh sinilip ko muna ang aking Facebook, at ang Dashboard ng aking Blog, at ayun nakita ko naman ang Blog ni Damuhan, nako ang lalago na pala ng mga damo sa bahay niya, kailangan ng alisin, pero may napansin ako, may blog siya na patungkol sa kanta, “Your Song Present: All at Once” yan ang pamagat, tapos nasilip ko rin ang blog ni Iya_Khin, patungkol rin sa kanta, “Kissing You” naman ang pamagat, weow!!! Napapalibutan na ako ng kantang patungkol sa blog.
Kaya, kanina (ulit), habang nasa sasakyan kami papuntang office, habang nakikinig ako ng music sa aking mp3, narinig ko ulit ang isang kanta, na madalas kapag naririnig ko iyon eh may naaalala ako, at duon ko naisip na gawing regular topic ang ganito, ang magsulat ng anything about sa kanta na talaga namang tumatak sa puso at isipan ko, kaya (ulit), pagdating ko dito sa office eh agad akong nagbukas ng mga Music and Lyrics at naghanap ng mga kantang magiging subject ko, dapat bongga di ba, kasi parang Pilot Episode ko na ito, naks naman.
Weow!!! Samot saring kanta ang tumatakbo sa isipan ko, buti hindi sila napapagod no? wala akong mapili at wala akong magustuhan, kasi lahat parang gusto ko na agad ilabas at isulat? Ngayon ko lang kasi narealized na napakarami palang kanta ang talagang tumatak sa puso’t isipan ko, sa aking buhay, wow, nice… hindi man ako Music Lover eh masasabi ko na hindi rin pala ako mauubusan ng mga paboritong kanta.
Hanggang sa mapadpad ako sa kantang ito, Porque (Tagalog Version) by Maldita, napangiti ako, at biglang naalala ang mga panahong nagdaan, may konting kirot kirot syempre, normal lang naman siguro yun, kasi kahit papaano, naging bahagi na siya ng buhay ko, pero oks lang, masaya na ako, kaya naman, bigla kong pinakinggan ang kantang ito, wow, napapangiti ako ngayon, kasi parang naninibago ako sa kanta, kasi nga tagalong version na siya, ang sarap pakinggan, ang layo na pala ng narating ng kantang ito, hmmm, I wonder papano ko kaya ito madodownload sa aking music player.
Kaya heto na, ang tagalong lyrics niya.
Pasenysa na at wala ako ng Chavacano Lyrics niya.
Thanks sa lahat…
Porque (Tagalog Version) – Maldita
Tulala lang sa’king kwarto
At nagmu-muni-muni
Ang tanong sa’king sarili
Sa’n ako nagkamali
At nagmu-muni-muni
Ang tanong sa’king sarili
Sa’n ako nagkamali
Bakit sa’yo pa nagkagusto
Parang bula ika’y naglaho
Parang bula ika’y naglaho
Chorus:
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo
Ang lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising-sisi
Sobra sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa
Ngayon ay sising-sisi
Sobra sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa
Wag nang lumapit
At tumawag pa at baka masampal lang kita
Di babalikan
Magsisi ka man
Ako ay lisanin
At tumawag pa at baka masampal lang kita
Di babalikan
Magsisi ka man
Ako ay lisanin
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko
Congratulation Maldita for the job well done.
You might also wanna see the Original MTV and Pure Chavacano Version nito,
Porque (Original Chavacano Version) – Maldita
Salamat po.
D"N
ang sipag. ang haba.
ReplyDeletenapansin ko din ito lately daming mga kantang post
first time kong narinig ang song na yan.. 'she who must not be named' AGAIN.. hahaha
ReplyDeletenatawa ako don sa bakit si moks ang pumasok sayong isipan habang ikaw ay naliligo hahaha! :P
wow alam mo super gusto ko talaga ang chavacano, feeling ko pinaka sosyal na dialect sa atin. no offense sa iba ah? ang sarap sarap lang talaga pakinggan ng salit nyo. the song is nice too. :)
ReplyDeletehehehe nice nga ng song parang ang sabi di na siya pwedeng mamili kahit ang sakit na...
ReplyDeletealam ko yan! favorite yan kantahin sa tropa! hehe
ReplyDelete