Tugon sa pakontest ni JKulisap.
Habang nagmumuni-muni ang aking kamalayang malaya sa lawak ng langit, ako’y napadpad sa nayon ng mga kulisap, nabasa ko dito ang isang panawagan para sa isang patimpalak, na inilathala ng isang magaling na manunulat na si JKulisap, isang Adhika na siyang pumukaw sa aking pansin at bumuhay sa aking nangangalumata nang mukha, nang mabasa ko’y agad akong namangha, malalim ang bawat hugot ng aking hininga sapagkat bawat salita na ginamit ay sadyang malatinhaga, payak lang ang mga alintutunin bagamat mapapansin na sa bawat salitang ginamit maaaninag na ito’y pinag-isipang mabuti kung papano mapagtatagpi-tagpi, katulad ng kuyukot na nakalagay sa ating likuran.
Napasandal ako at napa-isip, papaano ako lalahok sa kanyang patimpalak, kung ang kanilang istilo ay malayo sa aking nakasanayan, parang isang manananggal ang aking isip na lumabas sa loob ng isang banal na yungib, Ang pagsusulat ay parang isang pagsigaw ng malakas upang marinig ang bawat alingawngaw na dulot nito, ang manunulat naman ay parang isang bubuyog na lumilikha hindi lamang ng isang pulot-pukyutan kundi isang halinghing na kung papaano ang pagtangap mo at pagkakaintindi ay ganun din ang ganda at saysay nito.
Ang mga maharlika ng bayang sinilangan ay nagdiriwang sa sapagkat ito ay isang patimpalak na para lang sa mga katulad nilang magagaling at maraming alam, uti-unti kong nararamdaman ang isang di kanais-nais na damdamin, pawang hinagpis at panibugho ang nasa puso, hangad ko rin po sanang makilala sa larangan ng pagsusulat at pagiging makata, ngunit sadyang mailap sa akin ang katalinuhan na aking kailangan at muli naisip ko ako nga pala ay isang halimbawa ng lugami na pinipilit hanapan ang sarili ng puwang.
Ngunit ako’y nagpasya, ano nga ba ang mahalaga, ang magtagumpay at mapatuyan na ako’y may alam din, o ang makisalamuha sa mga taong higit na pinagpala at magbakasakaling may makapansin din sa akin, di ko man masyadong kilala ang may-akda ng Jkulisap kailangan kong lumahok upang ang peklat na dulot ng dikya ng takot ay mapalitan na ng luwalhati at kasiyahan.
Maraming salamat po sa inyong pagbabasa.
ayun oh nakiapid ka din?!! ahahah! ayos dami na tayo!! go for gold! pero maganda ha astigin ang tema pawang nagpapaliwanag lamang kung paano sasali sa patimpalak!
ReplyDeletegood luck al, kakaiba din itong sau..:) may the best man or woman win.. hehehe
ReplyDeleteisa pang mahusay na akda gamit ang mga balakid na salita. astig!
ReplyDeletePwede. kaya nga tinawag na kamalayang malaya.
ReplyDeleteyan ang talento.
kaya mo yan chong.. magaling ka din naman eh...
ReplyDeleteMaraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.
ReplyDeleteIto po ay Kalahok Bilang 36
36 KM2: AKDA
Al Diwallay Kingdom of Saudi Arabia
walang makakapagsabi kung saan ang hangganan ng kayang ihayag ng mga salita hanggat lahat ng katagang binibitiwan ay dalisay... kahit pa nga may agam-agam ang damdamin mo para ito ihayag.
ReplyDeletemagandang simula ang hamon ni jkulisap. ang tugon pa lang sa hamon ay isa nang karangalan para sa lumahok.
tuloy lang po sa pagsulat!
Sir magandang araw po.
ReplyDeleteReminder lamang na hanggang sa June 20 po ang pagpapasa ng inyong score sa KM2.
Maraming salamat po
Ang patimpalak ni Kulisap ay isang piging na lahat ay inanyayahan na dumalo. Naniniwala akong mahusay kang manunulat, bagamat ngayong lamang ako napadako sa iyong pook-sapot. Isang masigabong pagpugay ang aking hatid sa iyo. Payak ang iyong lahok ngunit ganuon pa man, hindi naman nasusukat kung gaano kalalim/katalinghaga ang sanaysay o isang akda para makabilang sa mga tinitingala nating manunulat. Kadalasan, ang mas simpleng katha ay mas may lamin. Siempre, depende pa rin yan sa mambabasa. Anu't-ano pa man hindi lang ito para sa kanila na magagaling at maraming alam, para rin sa atin ito. Magandang araw sa iyo. :)
ReplyDelete