Kanina, habang nagtitimpla ako ng kape, bigla ko lang naalala ang isang SMS na natangap ko noong mga panahong nakikipag hiwalay na sa akin si “She who must not be named”, isang matinding confrontations ang namagitan sa amin pati ng kanyang nakababatang kapatid, inuusig nila ako dahil sa ginawa kong gulo noong nagdaang araw sa kanilang bahay, ano daw ang dahilan ko at bakit ko raw yun ginawa, lubhang naging masamang tao ako sa paningin nila, hindi nila ako maintindihan at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, wala akong magandang dahilan na maibibigay sa kanila at sa inyo, dahil alam kong kahit ano pa ang aking dahilan, ako pa rin naman ang mali, inis at galit ang nangingibabaw sa kanilang puso at gayun din naman ako, kaya nasabihan ako ng kanyang kapati na “Fix yourself AL, nakakaawa ka”, naawa ako sa aking sarili ng mareceive ko ang SMS na iyon, “Ganun na ba ako kameserable para sabihan nila ng ganun?”.
Alam ko mali ang guluhin mo ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan, pero iyon lang ang alam kong pupwede kong magawa upang hindi ako lubos na masaktan, dahil habang tumatagal ang araw na sila ay magkasama at nagsumpaan na magmamahalan, para akong bulaklak na unti-unting nalalanta, kaya kailangan ko silang pigilan upang hindi ako lalong masaktan at baka sakaling magkaroon pa ng pag-asang kami’y magkabalikan, alam kong mali, pero ano ang mali at tama sa mga panahong iyon? Ano ang pwede kong magawa?
Nitong huli isang babae rin na naging mahalaga rin sa aking buhay ang nagsabi sa akin niyan, “Ayusin mo na ang buhay mo, para hindi ka na nakakaawa dyan”, itago na lang natin siya sa pangalang “Tweetart”, isang babae rin na gusto nang kumawala sa relasyon na hindi naman daw siya naging masaya at masagana, maslalo lang daw naging kawawa ang buhay niya sa akin? Muli kong naisip kanina habang nagtitimpla ng kape kung ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kulang sa akin, kung magmahal naman ako ay sagad hanggang buto, hindi ako nagtitira sa aking sarili, lahat puro sa kanila.
Meserable ba ang buhay ko?
Nakakaawa ba?
Mula noong taong 2000 hanggang ngayon ay hindi na ako umaasa sa aking mga magulang, semi-independent na ako, lahat ng mga bagay na gusto kong gawin ay hindi ko na kailangang ihingi sa kanila ng permiso sa aking mga magulang, nagsasabi lang ako sa kanila pero hindi yun paghingi ng kanilang basbas, mula taong 2000 ay kumikita na ako ng pera para sa sarili ko, hindi naman ako kagalingan sa Visual Foxpro at html, pero kaya kong gumawa ng website o simpleng program na pang Oral Defends lang ng mga student, kaya nag-aaral pa lang ako kumikita na ako kahit papano, noong graduation ko noong 2001 sa college, pera ko ang pinambili ko ng mga gamit na susuutin ko, binilhan ko rin ang sarili ko ng cellphone, Nokia 3310, astig yun may vibrator, kaya kahit naka silent mode ako, alam kong may nagtext sa akin or tumatawag, sa mga panahong iyon nasa mga 10k pa ang halaga niya.
Maaga rin akong nakapangimbansa, sa murang edad, 22 years old, naka pagtravel na ako papuntang Kuala Lumpur, Thailand, Brunei, Singapore at Hong-Kong, on my own, in my own cost (English po yun), tuwing nagkakapera kasi ako noon, eh nagtatravel agad ako, dahil mula pa pagkabata gusto ko na maging Jet Setter, nagkaroon na rin ako ng isang maliit na negosyo noon, ang “Halo-Haloan sa kanto” ok lang ang kita, enough na para sa isang binatang pasaway na katulad ko, walang hustle walang pressure.
2004, naman nakapag trabaho ako sa Tawi-Tawi, isang isolated province man siyang maituturing, pero masasabi ko na sobrang naging masaya ako sa pagtatrabaho duon, wala akong pinagsisihan, at kung sakaling matapos o magsawa na ako dito sa abroad at mabigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho muli sa Office of the Governor, hindi ako magdadalawang isip na tangapin yun, lalo na kung ang Governor na yun ay si Governor Sahali parin.
2006 naman nagpasya akong umalis na duon sa Tawi-Tawi at lumipat ng Manila, sa dahilang naiingit lang ako sa mga katropa ko na lahat nasa manila na, nakapag trabaho ako sa Foreign Exchange Corporation, at sa call Center, 2010 naman ako nag abroad papuntang Saudi, walang taon na hindi ako nagtrabaho, at masasabi ko na sobra naman akong naging kontento sa aking buhay, may mga magulang ako na supportive, may Negosyo ang aking Ina at nasa Comelec naman ang aking Ama, may sariling negosyo rin ang aking Ate at pulis naman ang kanyang Asawa, ang kuya ko naman ay may sarili ring Negosyo, liban sa aming bunso na nagaaral parin hangang ngayon eh walang problema sa amin ang aming mga magulang, maaga nila kaming tinuruan kung papano ang kumayod ang maghanap buhay, kaya naman kanina habang nagtitimpla ako ng kape at maisip ko iyong sinabi nila sa akin eh natawa na lang ako.
Ano ba ang aayusin ko sa buhay ko, para sa kapatid ni “She who must not be named”, ano ang aayusin ko sa sarili ko, hindi naman ako katulad nila na kapag hindi nakapamasada ng tricycle ang Papa nila eh wala silang uulamin, kapag hindi nakapag tinda ng mani ang kanilang Inah ay wala silang isasaing, kapag hindi pumasok sa trabaho ang kanilang Ate na si “She who must not be named” eh wala silang pambayad matrikula, ano kaya ang sinasabi niyang “Fix yourself Al, nakakaawa ka”, naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam ang mali sa pagkatao ko.
Para naman kay “Tweetart”…. Weeee ayoko magsalita ng ano man tungkol sa kanya. Pero ito lang masasabi ko, hindi ko kasalanan kung nagkahiwalay man kami at lalong lalong hindi rin niya kasalanan.
Ngayon nasa Saudi na ako, nakapag HAJJ na ako at nagkaroon ng pagkakataon na masmapabuti ang buhay at sarili, nakaipon narin kahit papano, ano kaya ang masasabi nilang dalawa?
Naging miserable ba talaga ang buhay ko?
Salamat sa pagbabasa?
D"N
hindi miserable ang buhay mo... ang dami mo ngang nagawa eh.... malakas ang loob mong gawin ang mga nabanggit mo. imagine, at the age of 22, nakapag travel ka na, pero ung iba (ako) kahit out of town sa pinas hindi ko magawa.. hehe)... matapang ka at nagawa mong mamuhay ng mag-isa...
ReplyDeletepero on the other hand, siguro, may mga tao lang talaga na mejo di maswerte sa ibang aspects of life nila... like in aspect of love.... may mga taong super successful sa buhay nila, pero ZERO lovelife... may mga taong ganun dba?... hindi ko naman sinasabi na dika successful sa lovelife moh or kung ano pa man... hindi naman kasi mawawala sa buhay ng tao eh.... ang mahalaga, may mgma napatunayan ka na at dika miserable. un lng yun.
napapa-smile ako pag nababasa ko 'She who must not be named' ingat na ingat ka ah, hay naku.. hehe
ReplyDeletedi naman kasi mabuti ung pagsugod mo sa bahay nila pero dahil nagawa mo na yon, wag mo ng ulitin..
hnd naging miserable ang buhay mo, normal lang yan, may kanya kanyang past tau na hnd mabuti.. gandang araw sau jan AL.
Ay wow.... salamat pareng Rap... sa napakagandang Comment.. natouch naman ako... ayan oh.. naiiyak ako... ehehhehe...
ReplyDelete@Mommy_Razz: opo mommy_Razz... thanks po sa magandang mensahe... kanina pa ako namumukmok dito at walang magawa... tapos dinagdagan pa niyang isipin na yan.. eheheh.. ayan.. at na-emo ulit ako...e heheheheh... pero salamat po ng marami sa payo.. yaan niyo po.. di na po mauulit... pwamise...
hmmm career-wise hindi, ang dami mo'n blessings eh. medyo sablay lang sa lovelife. na siguro ay darating din in time
ReplyDeletehay siguro nagsisisi na ang mga bruha ngayon. hehe... OK lang lahat ng dinanas mo Al, kailangan mo yu para lubusang makilala ang sarili mo. kahit papaano ang mga masasakit an salitang sinabi nila ang naging inspirasyon mo para maging MABUTING IKAW!
ReplyDeleteLook at you now, pa-laptop laptop na lang at pa-itouch itouch na lang. hehe.. someday the right girl will come. Basta pag nagmamahal hindi naman kailangan laging bigay todo. kung minsan kasi pag super binibigay mo lahat nakakaumay din. bigyan mo sila ng challenge. hehe..
keep it up Al. Para sa amin hindi ka miserable at nakakaawa. :)
fix yourself al. hmmmm.? sa mga sinabi mo.. siguro nga hindi rin katanggap tanggap. nabitawan lang siguro ang mga salita na yun dahil broken ka kumbaga sa puso mo. hindi sa kakayanan.
ReplyDeleteat mukha naman xa ngayon, okay ka na al... :)