Ang sarap pagtatalakan ng mga Supervisors ko, kakainis at kakairita ang mga ugali, every month kasi meron silang monthly meeting, every month talaga yan hah, at every month din nagpapadala ako sa kanila ng mga emails para ipaalam sa kanila kung kelan ang kanilang monthly meeting, ako kasi ang taga gawa ng schedule nun eh, at least 5 days prior to the meeting ang paginform ko sa kanila, pero ang mga ugali nila, always and forever na ata eh mahilig sila sa “Rush Hour”, last week ko pa pinadala sa kanila ang schedule ng meeting nila throught outlook, kaso hanggang ngayon eh wala pang pakialam ang mga mokong na ito.
Tuwing monthly meeting nila kasi, meron silang monthly report, kung saan lahat ng supervisors eh magrereport sa manager ng monthly progress ng kanilang section, lahat ng monthly report nila eh dapat isubmit nila muna sa akin para para mamerge ko into one presentation file, ang kaso, tulad nga ng sinabi ko, always and forever na atang ganito ang mga ugali nila, last five days ago ko pa pinaalam sa kanila ang meeting pero hanggang ngayo eh wala nga talaga silang pakialam.
Ang malupit pa dito eh, ngayong araw na ito ang meeting nila, mamayang 10:00am maguumpisa pero hangang ngayon wala pa akong natatangap na monthly report galing sa kanila, 8:10am na dito sa amin ngayon, ang dami ko pang dapat asikasuhin. Nakailang remind na ako sa kanila pero yes lang ng yes, at tatawa lang at sasabihan ka lang ng “Kamsa Dagiga” o “Five Minutes” kung sa wikang English.
Naman… always and forever na ata ito… kakainis, tapos syempre dahil lack of time na ako, hindi ko maiiwasan ang hindi magkamali sa pagaayos ng kanilang report, tapos isisisi nila sa akin ngayon kung magtatanong ang manager namin ng “Eish Hada” o “Why Like This?” during the meeting nila, sasabihin nilang secretary’s mistake, huwaaaaa… ako nga ba talaga ang nagkamali o sila lang talaga ang nagkamali, kasi sa pagkakaalam ko ay wala akong ginagawa sa report nila kundi “Cut and Paste” lang, kaya papano mo masasabi na ako ang nagkamili? Kung may nadelete man ako duon eh malamang .01% percent lang ang chances na mangyayari yun.
Hayst buhay… tatanda ako ng wala sa oras nito…
Hmmmp!!! Makapag kape na lang nga muna…
Hanggang dito na lang muna ako…
Thanks sa pagbabasa…
Hahahaha. Natawa naman ako sa post mo.. Anyway, aging is good, as long as you maximize it well..
ReplyDeleteNow and forever talaga yan at sadyang kailangan gawing last minute para mas maraming mali mas safe ang mga supervisor.Wag munang seryosohin mag chai ka na lang. Ang manager mo ang kausapin mo ng minsanan lang kung seryoso ba siya sa gusto niyang gawin or palabas lang ang lahat at ikaw ang gagawin nilang tagasalo ng pagkakamali.
ReplyDeleteano akala nila magic lang ang paggawa ng presentation.
Pero galing mo nagagawa mo ang mga yan ng last minute. kaya ibig sabihin wala silang lusot masyado.kawawa naman sila wa effect ang style.
hehehe may point!
ReplyDeletegrabi ang title akala ko love story or story kay 'She who must not be named'
ReplyDeletehay naku.. kalma lang al, huwag mong dibdibin kasi tatanda ka talaga niyan sa stress.. hehe
masarap daw kaing gumawa ng report sa last minute. o kaya baka nahihirapan cla mag isip ng progress kasi wala namang nagawa.. haha.. Good luck Al. kaya mo yan.. masasanay ka din. smile ka lang baka magka wrinkles ka nyan! :)
ReplyDeletemalaking TAMA>.. hahaha ako nga eh last minute to deadline lang gumagawa.. hahaa
ReplyDeletehahaha.. lam mo naman ugali ng ibang lahi.. (ibang lahi nga lang ba?) hehe..joke.. hilig sila sa ganun.. sabihin pa "kalas, mafi mushkila, dagiga.." bwiset na dagiga yan, isang oras na wala pang nagagawa. haha, pati daw ako nag rant..
ReplyDeleteanyway, gudluck sau kuya..hehe..kaya mo yan.