Friday, June 24, 2011

Music and Lyrics 002: Rico Mambo by Breakfast Club






Paaarap pap para… paaaarap pap paraaaa…
Paaarap pap para… paaaarap pap paraaaa…
Paaarap pap para… paaaarap pap paraaaa…


Oh Rico Mambo.


Oh Rico Mambo Yeah!!!!

I get that feeling every time that you care to Mambo

Oh Yeah.. 1987, golden years for myself… around 8 years old ako noon, hindi pa ako masyadong marunong makinig ng mga musiko at kanta, pero naririnig ko na yan at nakatatak na yan sa puso at isipan ko, isa rin yan sa mga kantang baon ko hanggang sa pagtanda ko.

Sa tuwing naririnig ko ang kanta na yan, si Maricel Soriano ang agad na naisip ko, alam niyo ba na minsan ay sinayaw ni Miss Maricel Soriano ang kanta na yan, ang galing-galing talaga niyang sumayaw, iniiko-ikot ang dalawang braso na parang wind mill o pedal ng bike, naka loose pants pa si Diamond Star na naka tuck-in pa ang long sleeve na malaki habang sumasayaw.

Naaalala ko rin ang kabataan ni Mr. Richard Gomez, hindi ko makalimutan ang isa sa mga pelikula niya, although nakalimutan ko na ang title ng pelikula pero naaalala ko pa na doon siya unang ipinakilala, kasama niya si Miss Maricel Soriano at si Mr. William Martinez, ang kwento ay isa siyang anak mayaman na nagkagusto kay Maricel at si William naman ang kanyang mahigpit na karibal sa Puso ni Maria. Naks.

Naaalala ko rin ang mga lumang pelikula ng Tito, Vic and Joe, nakilmutan ko na rin ang title ng pelikula pero ang naaalala ko lang ay yung panaginip ni Snookey Serna sa pelikula na nakasakay sila ni Albert Martinez ata yun sa isang kabayong puti na may pakpak at lumilipad sila at bigla nanduon sina Tito, Vic and Joe na nakasakay naman sila sa isang parang cart na lumilipad tapos binabaril nila ina Snookey Serna at Albert Martinez ng Laser Gun na parang spiral ang bala nito.

Naalala ko rin ang mga araw na nanonood kami ng sine kasama ang pamilya ko, dinadala kami ng aming inah na manood ng sine, apat kaming magkakapatid kasama ang nanay ko at dalawang aunty ko, hindi sumasama ang tatay ko sa panonood ng sine, ihahatid lang kami ni Paps sa sinehan at aalis na, pupunta na siya sa isang coffee shop at duon hihigop ng masarap at mainit na 3 in 1 coffee habang nagbabasa ng news paper.
Ang sarap balikan ng mga ala-alang nagdaan, ang sarap balikan ng nakaraan habang sinasabayan mo ito ng isang kantang masarap rin pakinggan, sa tuwing naririnig ko ang mga lumang kanta na nagpapaalala sa akin ng mga masasayang ala-ala, napapabuntong hininga ako at napapangiti, dahil talaga namang masasabi ko na sa kabila ng lahat ng aking pinagdaanan na kasawian ay masmarami pa pala akong mga masasayang ala-ala na dapat ipagpasalamat.

Maraming kanta ang nagpapasaya sa atin at nabibigay ng buhay sa tuwing naririnig natin ito, sa tuwing depress ako, ang tanging ginagawa ko lang ay making na musika na magbibigay sa akin ng lakas upang maniwala na “MAY LIWANAG ANG BUHAY…” tulad ng Meralco.


Salamat sa pagparito at pagbabasa.





  


 
Rico Mambo
Breakfast Club

Just like the morning comes from the night
And changes everything in sight
I'm walking by a lot of open doors
But I never heard that sound before

Always joking about it
Always I try to figure it out
Always better not thinking about it
It's easier to fall in love

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

I think I'll go right by that door again today
Perhaps not the same way
I'm thinking who is gonna show it if You don't
I'm not so sure that You won't

Always joking about it
Always I try ti figure it out
Always better not thinking about it
It's easier to fall in love

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

So would You show me what You do again today
You say well that can be arranged
But I won't dance if You're just gonna smile
You say that's gonna take a while

Always joking about it
Always I try ti figure it out
Always better not thinking about it
It's easier to fall in love

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah

Breakfast Club - Rico Mambo Music Lyrics


D”N

2 comments:

  1. bakit ito pumasok sa kukuti mong music hehe! palagi nga itong sinasayaw ni maricel soriano noon..

    ReplyDelete
  2. I cannot believe it! I was just thinking of this song a couple of hours ago and decided to look for it on-line.

    I first heard it in a cinema in the P.I. Horsey-Horsey: Tigidig-Tigidig. I'm pretty sure Tito, Vic, and Joey did their own lyrics for it. Any idea if that version is available anywhere?

    Either way, thanks for posting this. I love it! It brings back so many memories...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...