Mayo ng 2008 ay ang isa sa mga yugto ng buhay ko ang hinding-hindi ko makakalimutan, dahil hindi lang ako nagging isang Certified Members ng The Young Society of Magicians kundi nabigyan pa ako ng pagkakataon na magtanghal ng aking talent sa MAHIKA sa taas ng entablado, Ito ay isang kusepto ni Robert Zapata ang tagapagtatag n gaming grupo.
Matapos nilang umattend ng kasal ng kapatid ko, nagtanong sa akin si Robert kung magkano ang nagastos naming sa Reception sa Hotel, at kung sino ang dapat naming kausapin, wala kaming idea kung papano naming bubuohin ang plano naming pagtatanghal, pero dahil sa tulong tulong kami at desidido na maisakatuparan ang lahat, eh nagawa rin naming.
Ginamit naming ang tinatawag na Division of Labor, ibig sabihin, hahatiin ang trabaho sa lahat ng myembro, upang masmapadali ito, si Robert ang bahala sa mga gagawin naming Illusions, si Jun naman ang bahala sa pag-gawa ng props naming, ako ang bahala sa pakikipagusap sa mga taong dapat kausapin, mula sa hotel, ticket at posters, sponsors, permit at kung ano-ano pa, yung mga iba naman ay inutusan naman naming maghanap ng mga prospect para gawing sponsors namin.
Kaya naman masnapadali namin ang pagbuo ng kunsepto ng show.
So heto na.
Hindi ko na pahahabain.
Ladeis and Gentledog… YSM – One Magical Night.
Trivia:
Yung lalaking nakajocket na pula na naka-upo sa tabi ko sa taas ng stage ay naging Magician na rin, naaliw daw siya sa magic at talagang naghanap ng paraan upang matuto at gusto ngang sumali sa aming grupo, kaso hindi na siya nabigyan ng pagkakataon, kasi lumipat na siya sa Basilan para magturo.
Ako sana ang kasama ni Jun (yung nakaitim) sa Metamorphosis box Illusion niya, kaso dahil sa takot akong makulong sa box, eh hindi ako pumayag, natawa sila ng sabihin kong takot ako, pero oks langnaitindihan din naman nila.
Yung matandang lalake balancer na nagperform ng cone paper na nasusunog ang umubus sa oras namin, 30 minutes siya lang mag-isa. Halos lahat ng alam niya nilabas na niya.
Sobrang kinakabahan ako bago magperoform, dahil sa nauna magperform sa akin ang balancer, nawala ang kaba ko at napalitan ng pagkainip, dahil sa sobrang tagal niya.
Ang batang nagmamagic dyan ng Ninja ring o mas kilala sa tawag na Linking Ring ay ang pinakabatang Magcian sa Grupo namin, edad 8 years old, siya si Jan-Jan, anak ni Jun.
Salamat sa pagbabasa.
amazing..
ReplyDeletemahilig ka talaga ng magic..grabi!
sayang ang kupad ng internet kanina pa. comment muna. Wow wow wow may performance.at takot ka talaga makulong ha natawa ako doon
ReplyDeleteHanep pAturo na man. Pwede nxt post mo mala Magic Gimik gawin mo, magmask ka tapos bubuko mo yung mga magic nyo lol
ReplyDelete