Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang trabaho ko ngayong araw na ito, kakagaling ko lang sa dalawang araw na rest day, kaso pagdating ko dito sa office, di ko parin alam kung saan ako magsisimula, bukod sa iilang papeles na nakakalat sa desk ko eh masasabi ko na organized naman ang filing system ko, although hindi maganda ang pagkaka ayos ko sa kanila, pero oks lang, hindi mo masasabi na hindi siya organized, pero ganun pa man, di ko parin matatantsa kung saan ako magsisimula sa araw na ito, nakapag coffee na ako lahat-lahat pero blanko parin ang utak ko.
Naiwan parin ang utak ko sa masamang balitang natangap ko kahapon mula sa Pinas, pumanaw na raw ang isa sa mga uncle ko, unang beses ito nangyari sa amin sa loob ng sampung taon, unang beses kaming binigyan ng matinding pagsubok at trahedya, kaya naman nalulungkot ako sa biglaan niyang pagkamatay, sakit sa puso ang ikanamatay niya, masasabi ko na napaka bait niyang uncle, lahat naman sila eh mabait talaga, kasi hindi naman kami pamilya ng mga magugulong tao, ako lang ata ang magulo sa kanila… joke lang… dinadaan ko lang sa tawa ang kalungkutang nadarama ko ngayon.
Anyway… hanggang dito na lang muna sa araw na ito.
Maraming salamat sa pagbabasa.
"Inna lillahi wa inna ilaihi raji'un" ('We belong to Allah and to Him do we return,') So long my Beloved UNCLE....T hank you for everything ... MAY ALLAH SENT YOU TO PARADISE.. . .. .
Salamat!!!
D”N
masakit pero kailangang tangapin.
ReplyDeletenakikiramay Al.
Pare condolence! Isipin mo na lang na nasa maganda at mabuting kalagayan na sya ngayon.
ReplyDeleteInnalillahi wa inna ilaihi raji'un...Ako'y lubos na nakikitaramay sayo at sa buong angkan mo.
ReplyDelete"Inna lillahi wa inna ilaihi raji'un" condolence AL..
ReplyDeleteMy heartfelt condolences to you and yours.
ReplyDeletecondolence AL..
ReplyDeletenakikirama po ako
ReplyDeletekuya al!!!!!
ReplyDeleteang lungkot naman eto pa ang entry na nabasa ko sa pagbalik ko sa blog.... condolence po...
anjan pa din naman sya sa mga puso nyo eh... ganun talaga ang buhay....