Showing posts with label Music and Lyrics. Show all posts
Showing posts with label Music and Lyrics. Show all posts

Tuesday, April 10, 2012

Music and Lyrics 006: Can't Cry Hard Enough





3rd floor, Phase I, room 309, III Mercury ng Zamboanga City West High, tanda ko pa, nasa pasilyo ako, nakadungaw pababa, kitang kita ko sila, paksyet, magkasama na naman sila, kung nakakamatay lang ang pagmumura, siguradong kalansay na ang lalakeng yun ngayon, dahil sa tuwing nakikita kong magksama sila, di ko siya tinitigilan hanggat di siya natatadtad ng mga mura ko.

II Graphite, 2nd year high school ako ng maging syota ko “Si“, maganda, matalino, at kamukha ni Joyce Jemenez, one length ang buhok, kaliwete at higit sa lahat morena,  malakas ang kanyang sex appeal, sa love letter ko siya unang nilagawan sa love letter din niya ako sinagot at sa love letter din niya ako binasted, yahoo, ako na ang hari ng love letter, kasi bukod sa pagbasted niya sa akin sa love letter, sa kanya ko rin kinukuha ang mga stationeries na ginagamit ko sa pinapadala kong mga sulat sa kanya, ako na di ba?

Nakalimutan ko na kung ano ang pinag-awayan namin, basta ang naaalala ko, kinabukasan may pinaabot siyang sulat sa akin, masaya naman akong nagbasa, kasi akala ko makikipagbati na siya sa akin, yun pala, nakikipag hiwalay na ang lola mo, tae, putakte, umiyak ang ilong ko ng mabasa ko ang sulat niya, packing tape, for the first time in my life, nakatikim ako ng pambabasted ng isang bakla e este babae pala, siya aking unang nakarelasyon, bagamat matatawag na puppy love e naging masaya naman kaming dalawa, naging maharot at marupok ang aming pagsasama, siya rin ang unang nambasted sa akin, huhuhuhu….

Nang dumating ang summer, sobra ko siyang hinanap-hanap, namiss ko ang mga kulitan namin, namiss ko ang paghaharutan namin, namiss ko ang habulan namin, namiss ko ang kanyang nguso habang kumakain ng puding sa canteen na sinasabayan pa niya ng pamaya-mayang pagsinghot sa tumutulo niyang sipon, yahoo, gandang-ganda ako sa kanya, tapos ngingisi-ngisi siya sa akin at sasabihin niyang pakagat naman ng banana-Q mo, ako naman bilang isang nagbibinatilyo, masaya na ako sa ganoong sestema, ibibigay ko naman sa kanya ang banana-Q ko at pakakagatin siya.

Unang araw ng pasukan ng 3rd year, masayang-masaya akong pumasok sa eskwelahan namin, bagamat alam kong magkaiba na ang sekyon namin, ok na rin sa akin, kasi alam kong makikita ko rin naman siya pagsapit ng uwian, pwede ko siyang sabayan sa paguwi, pwede ko siyang pasakayin ng jeep, pwede ko na siyang ilibre ulit ng puding, pero nagkamali pala ako, dahil ito nga, toksyet, magkasama na naman ang dalawa, saan ba sila nagkakilala, paano sila naging magnobyo’t nobya, tae talaga, napaka sakla nito, sa loob ng isang taon, noong 3rd year high school ako, di ko masasabing lubusan ang kasiyahan ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama, napapailing na lang ako at napapatanaw sa dalampasigan na nasa harap lang ng aming paaralan, nag-iisip, nagtatanong, saan ba ako nagkamali, Katapusan na ng mundo ko, LORD BAKIT AKO PA???? ANO ANG NAGAWA KONG KASALANAN, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak, but I can’t cry hard enough. NAKSSSSS….

Kinailangan ko magtransfer ng paaralan noong 4th year high school na ako, para makalimutan ko lang siya, kinailangan kong iwanan ang aking mga naging katropa sa West-High, para mahanap ko ang aking katahimikan, syet-toksyet, kinailangan ko pang gawin ito, para matagpuan ko ang aking sarili. Yahoo ako na….



Can’t cry hard enough, It was 1992, halos kasabayan ng kantang ito ang kantang Heaven Knows ni Rick Price, isa rin ito sa mga paborito kong kanta, paksyet, na hanggang ngayon e talaga namang napakasarap paring pakinggan, ito ay kantang nagmula sa William Brothers, Can’t cry hard enough, sa tuwing naririnig ko ang kantang iyan, ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko ay ang mga unang karanasan ko noong High School pa lang ako, I-Bravo sa MEIN College High School, at sa West High noong 2nd and 3rd year ako tapos balik sa MEIN College ng mag 4th year na ako, mula noon, hanggang ngayon naging paborito ko na ang kantang iyan, paboritong kantahin sa tuwing nalulungkot ako, sa tuwing masaya ako,  sa tuwing nagiisa ako, at higit sa lahat sa tuwing nasa loob ako ng aming kubeta. Masarap din yan kantahin lalo na kapag sintonado kang katulad ko, nyehehehe.

Anyway here is the song, like what I’ve said it is originally from William brother’s but I can’t find the original in Videokeman.com so I will just give you Jed Madela’s version of Can’t cry hard enough.


Can’t cry hard enough.
Jed Madela





I’m gonna live my life
Like everyday’s the last
Without a simple goodbye
It all goes by so fast
And now that you’re gone
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now

Can I open my eyes
And see for the first time
I’ve let go of you like
A child letting go of his kite

There it goes
Up in the sky
There it goes
Beyond the clouds
For no reason why
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now

Can I look back in vain
And see you standing there
With all that remains
Its just an empty chair
And now that you’re gone
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now

There it goes
Up in the sky
There it goes
Beyond the clouds
For no reason why
I can’t cry hard enough
No I can’t cry hard enough
For you to hear me now




here is a video of song from William Brothers


Can't cry hard enough




enjoy

Shukran





Tuesday, February 14, 2012

Music and Lyrics 005: Heaven Knows – Rick Price


A Valentines Entry



This is one of my favorite song ever written, I think I was 1st year high-school when it hits the radio stations, it is indeed one of the most meaningful song for me and it really mean a lot to me, I was having this last song syndrome (LSS) with this song, I been singing the chorus part of it for 3 days now, I don’t know why, I just love too.

I was 1st year High School when I met this girl, she is one of the most beautiful girls in our campus, and she was my classmates, a lot of guys turn on to her every time they saw her, I really like her eyes and her voice, we easily became friends, we had a good days, but just after sometime, she wasn’t able to attend our class, from days it turn to weeks, from weeks it turn to months, then just before we lose hope we heard that she’s in the hospital, she is sick, by that time, I am not yet allowed to go out alone, so I wasn’t able to visit her, it was a month or two after we heard about her conditions when we learned that she already passed away, I was depress, nobody knows that, I had a feelings for her but eventually never had the chance to tell her.

Many years had passed I met another girl again, a girl that would play one of the biggest role in my life, a girl who would occupied a big space in my heart, I was a collage-freshmen in a very known I.T School when I met her, we easily became friends, classmates and seatmates, I told her I like her, she told me she likes me too, we became lovers and partners in crime since then, we had a great relationship, until she met this one handsome man, she easily fall for this guy, after almost 9-10 years, from being friends to lovers she would tell me she’s dumping me, I cried out loud, I was in my most darkest hour, “My friends keep telling me, that if you really love her, you've gotta set her free and if she returns in time, I'll know she's mine”, “But tell me, where do I start, 'Coz it's breakin' my heart, I don't wanna let her go”.

What else could we do, if someone wanna say good bye to us, there is nothing we can do but to let them go, I admit I was scared and everything, frighten and traumatized, I don’t wanna feel that kind of pain again, it’s hard, its miserable, it’s the kind of feeling that you don’t wanna feel, I was praying and hoping that she would comeback, everyday’s and every night I waited for her wishing you would return, I longed for her kisses and hugs, I am slowly melting down, burning like a candle, bleeding inside and out, I felt so lost, all the melancholies and heartaches I suffered it all, I wanted to run and hide into my most comfortable zone and that is her arm, I wanna tell her I was scared, that every time I act so brave I’m shakin’ inside but I know she wouldn’t mind, she’s no longer mine, somebody owns her heart, she could never be mine and all I can do is hope & pray 'Coz heaven knows.

And then I realized, I am falling back, all my dreams are fading, I had to do something before its too late, then I started to fix my self, I started to pick up the pieces, I build my life again, and Alhamdullillah (Praise to God) I am slowly learning to stand up again, I am slowly regaining the missing piece, I am learning to smile again, you see ladies and gentlemen, the secret of letting go is acceptance, the secret to happiness is contentment, jealousy usually comes after you compare, I had lived in despair, that I almost forgot how to smile and almost lose my faith in GOD ALLAH, but eventually GOD ALLAH has plan for me, he molded me into something I am not, he(ALLAH) brought me to life again, he(ALLAH) showed me the way, now here I am smiling at last…. Happy and contented, still single but ready to mingle… nyeheheheheh…. Happy Valentines Every-One…..


Here a song from Rick Price

Heaven Knows



She’s always on my mind,
From the time i wake up
’till I close my eyes
She’s everywhere i go
She’s all I know

Though she’s so far away
it’s just keeps getting stronger
every day
and even now she’s gone
I’m still holding on

so tell me where do Istart
’cause it’s breaking my heart
don’t wanna let her go

chorus:
Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
and maybe our hearts will find their way
Only heaven knows
and all I can do is hope and pray
’cause heaven knows

My friends keep telling me
that if you really love her
You’ve gotta set her free
and if she returns in kind
I’ll know she’s mine

So tell me where do i start
’cause it’s breaking my heart
Don’t wanna let her go

chorus

Why I live in despair
’cause wide awake or dreaming
I know she’s never there
and all these time i act so brave
I’m shaking inside
why does it hurt me so…

chorus

Heaven knows



Shukran…..



Wednesday, October 12, 2011

Music and Lyrics 004: Iris - Goo Goo Dolls



videokeman mp3
Iris – Goo Goo Dolls Song Lyrics


“And I’d give up forever to touch you
Cause I know that you feel me somehow
You’re the closest to heaven that I’ll ever be
And I don’t want to go home right now”

Unang part pa lang yan ng kanta… pero ang lupet na… isa yan sa mga “ALL TIME FAVORITE SONG KO” (talagang dapat naka CAPS LOCK), Third Year Collage ako ng lumabas ang kantang iyan at mula noon hanggang ngayon eh kinakanta ko yan sa tuwing masaya ako, malungkot, emo, punk, inspired at higit sa lahat feeling signer, sa kubeta ko yan madalas kantahin o kaya sa loob ng kwarto naming magkakapatid na boys, di naman maganda ang boses ko at wala sa tono pero wa pakers ang lolo niyo, kapag feeling ko na kailangan kong kumanta eh kumakanta ako.

Sa tuwing naririnig ko ang kantang iyan, naalala ko parati ang mga araw na kung saan ay isa pa akong ganap na dalaga eh este estudyante pala sa kolehiyo, may isang insidente na kung saan ay papasok sana ako ng eskwelahan, sakay ng tricycle, naka puting Hanes na T-Shirt, Blue Faded Old Wagon Reply na pants, Adidas Punk Shoes, may dalang isang binder na notebook habang sinasabayan ko ang kantang iyan mula sa sound ng stereo ni Manong Driver, iniisip ko pa kung anong Title nito noon, kasi di ko siya narinig ng maayos noong binangit ng DJ ang title nito, Hindi ko rin makakalimutan ng una kong mapanood ang "City Of Angels", ito kasi ang Movie na kung saan eh Sound Track niya ang song na ito eh.

Ito din ang song na parating kinakanta ng isa sa mga crush ko, parati niya itong kinakanta sa harap ko, at sinasabayan ko naman siya minsan kahit na wala ako sa tono, super crush ko siya, pero natakot akong manligaw sa kanya dahil baka mabusted lang ako, later on ng matapos na ang unang simester namin eh saka ko lang nalaman na may crush din pala siya sa akin at kaya niya kinakanta yan sa harap ko eh para ipaalam sa akin na “She just want me to know who she was”…. Ehehehheh.

Lumabas ang kantang ito noong mga araw na nagdadalaga pa lang ako, eh este nagbibinata pa lang pala, mahilig pa ako sa mga Alternative Music, Rock at Metal, halos TOP 40 T-Shirts lahat ng suot ko, nakikisabay sa mga kaguluhan ng mga Fraternity, Org at kung ano-ano pang mga Clubs na yan, certified rockista daw ako, pero hindi nila alam Hip-Hop talaga ang gusto ko, di pa uso ang Cellphone na yan, wala pang Text noon, walang pang VICE GANDA, pero may Internet na, ito ang mga panahon na kung saan ay akala ko isang malaking impyerno na ang eskwelahan, kung saan ang tingin ko sa lahat ng teacher ko ay dimonyo at salot ng lipunan.

Sa Mall, sa Jeep, Tricycle, Bahay, Eskwelahan, maririnig mo ang kantang ito, maganda naman kasi, pero alm niyo ba, hanggang ngayon eh hindi ko parin alam kung bakit “Iris” ang pamagat niyan, at bakit Goo Goo Dolls ang pangalan ng kanilang grupo? Hmmm.. ma Google nga yan mamaya.

Favorite part ko talaga sa kantang iyan ay ang “When everything seems like the movies, Yeah you bleed just to know your alive”…. Kapag kinakanta ko ang kanta na yan, kapag dumarating na ako sa part na ito, kahit wala ako sa TONO at di MAGANDA  ang BOSES ko eh binibigay ko na talaga lahat lahat ng sama ng loob ko sa mundo para makabirit lang, yung tipo akala mo nasa ARANETA Collusion ako at punong puno ito ng tao na nanonood sa akin.

------------------------------------

Kahapon habang nagsusulat ng mga bagong Blog Entries na ipopost ko eh nakikinig naman ako ng mga Underground Pinoy Rap Music (to be specific DELLO), sumakit ulo ko sa kakagawa ng mga blog post, kaya naisipan kong eralax muna ang aking sarili, kumuha ako ng Pepsi in can at kumain ng chips, habang nagrerelax eh naisipan kong magchange mode ng kantang pinapakingan, Una kong pinakinggan ang Edwin Macain hit na “I’ll be”, tapos “This are the Moments” then  “Iris by  Goo Goo Dolls”, ang sarap sa pakiramdam, kasi parang nagbalik lahat ng ala-ala ng aking kabataan, parang namiss ko tuloy bigla ang mag-aral, pumasok sa eskwelahan para pagalitan lang ng teacher kasi late na naman, yung tipong hindi pa nakakain at halatang bagong gising pero papasok parin sa eskwelahan kahit wala namang pasok para mabigyan lang ng baon at makita ang mga tropang naghihintay, o kaya pormahan ang babaeng halata namang may gusto sa iyo pero nagpapakipot lang.

Ang sarap pakinggang ng mga awitin na minsan ay nagbigay saya sa puso mo.


Iris – Goo Goo Dolls

And I’d give up forever to touch you
Cause I know that you feel me somehow
You’re the closest to heaven that I’ll ever be
And I don’t want to go home right now


Verse 2
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
Cause sooner or later it’s over
I just don’t want to miss you tonight


Chorus
And I don’t want the world to see me
Cause I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am


Verse 3
And you can’t fight the tears that ain’t coming
Or the moment of truth in your lies
When everything seems like the movies
Yeah you bleed just to know your alive

Chorus
And I don’t want the world to see me
Cause I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am


Chorus
I don’t want the world to see me
Cause I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am

I just want you to know who I am
I just want you to know who I am
I just want you to know who I am
I just want you to know who I am




Iris – Goo Goo Dolls (MTV)


Salamat sa pagbabasa.


D"N


Monday, July 11, 2011

Music and Lyrics 003: Gangsta's Paradise - Coolio Featuring L.V.





If there would be someone whose gonna ask me what’s the best American Rap song for me, it would be Gangsta’s Paradise, as young Teenager I grew up listening this great hit from Coolio.



If we’re gonna talk about my high school life, it won’t be complete unless we won’t tackle about Coolio Featuring L.V. - Gangsta Paradise, because it’s one of my favorite Rap Song. For me the songs is pointing to everyone of us in the society, it speak about how young genre was raise by a strip and went to brother hood of gangster. It point to our face and telling us that indeed there are serious problem in street.

When I first heard about this song I was so amazed and at the same time afraid because the song sounds like it really has a soul of its own, it gives me the perception that in real scenario in real world only the toughest guy survive.

Every time I heard this song I remember my niece, we’re almost at the same age, after we played table tennis we go home to our house, we are walking in the street when I started to rap the song, I am all sweat in sleeveless M.J. Jersey while singing the song and My niece was the one who sing’s the chorus part.

I also remember watching the substitute teacher’s Michelle Pfieffer’s movie “Dangerous Mind”, it was a big surprise hit in the summer of 1995, leading to the creation of a shirt-live television series of the same title, it was based on the autobiography “My Posse Don’t Do Homework” by the former U.S Marine Lou Anne Johnson.

I also remember my hommies called D’Rap Templa, every day after school we hangout in one of my hommies house just to listened to different rap music starting from eheem of course 2pac, after that we will go to Zambonga’s version of Baywalk called The Boulevard of the broken dreames to eat Balot.

I have lots of stories behind this iconic rap song; it really signifies my personality, a black sheep and misunderstood by his family trying to fit in.

Just recently, I heard this song again when I watched the 2011 movie “Green Hornet”, it was the part where The Green Hornet and Kato driving their car called Black Beauty, they played this song.

So here it is. 

Coolio Featuring L.V. - Gangsta's Paradise



 (Spoken part: Michelle Pfieffer)
You want to tell me what this is all about?

(Rap start here.)
As I walk through the valley of the shadow of death
I take a look at my life and realize there’s nuttin left
Cause I’ve been blastin’ and laughin so long that
Even my ma’ma thinks that my mind is gone
But I ain’t never crossed a man that didn’t deserve it
Me, be treated like a punk, you know that’s unheard of
You better watch how you talkin, and where you walkin
Or you and your homies might be lined in chalk
I really hate to trip, but I gotta loc’
As they croak I see myself in the pistol smoke, fool
I’m the kinda G the little homies wanna be like
On my knees in the night
Sayin prayers in the street light

We been spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We been spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We keep spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We keep spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise

Look at the situation, they got me facing
I can’t live a normal life, I was raised by the strip
So I gotta be down with the hood team
Too much television watchin’ got me chasin’ dreams
I’m a educated fool with money on my mind
Got my ten in my hand and a gleam in my eye
I’m a loc’ed out gangsta, set-trippin banger
And my homies is down, so don’t arouse my anger, fool
Death ain’t nuthin but a heart beat away
I’m livin life do-or-die-a, what can I say?
I’m twenty-three now, but will I live to see twenty-fow’?
The way things is goin’ I don’t know

Tell me why are we, so blind to see
That the ones we hurt, are you and me

We been spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We been spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We keep spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We keep spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise

Power and the money, money and the power
Minute after minute, hour after hour
Everybody’s runnin, but half of them ain’t lookin
What’s goin on in the kitchen, but I dont know what’s cookin
They say I got ta learn, but nobody’s here to teach me,
If they cant understand it, how can they reach me?
I guess they can’t; I guess they won’t
I guess they front;
that’s why I know my life is outta luck, fool!

We been spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We been spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We keep spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
We keep spending most our lives
Living in a Gangsta’s Paradise
Tell me why are we, so blind to see
That the ones we hurt, are you and me
Tell me why are we, so blind to see
That the ones we hurt, are you and me.



Thank you for listening.


D”N






Friday, June 24, 2011

Music and Lyrics 002: Rico Mambo by Breakfast Club






Paaarap pap para… paaaarap pap paraaaa…
Paaarap pap para… paaaarap pap paraaaa…
Paaarap pap para… paaaarap pap paraaaa…


Oh Rico Mambo.


Oh Rico Mambo Yeah!!!!

I get that feeling every time that you care to Mambo

Oh Yeah.. 1987, golden years for myself… around 8 years old ako noon, hindi pa ako masyadong marunong makinig ng mga musiko at kanta, pero naririnig ko na yan at nakatatak na yan sa puso at isipan ko, isa rin yan sa mga kantang baon ko hanggang sa pagtanda ko.

Sa tuwing naririnig ko ang kanta na yan, si Maricel Soriano ang agad na naisip ko, alam niyo ba na minsan ay sinayaw ni Miss Maricel Soriano ang kanta na yan, ang galing-galing talaga niyang sumayaw, iniiko-ikot ang dalawang braso na parang wind mill o pedal ng bike, naka loose pants pa si Diamond Star na naka tuck-in pa ang long sleeve na malaki habang sumasayaw.

Naaalala ko rin ang kabataan ni Mr. Richard Gomez, hindi ko makalimutan ang isa sa mga pelikula niya, although nakalimutan ko na ang title ng pelikula pero naaalala ko pa na doon siya unang ipinakilala, kasama niya si Miss Maricel Soriano at si Mr. William Martinez, ang kwento ay isa siyang anak mayaman na nagkagusto kay Maricel at si William naman ang kanyang mahigpit na karibal sa Puso ni Maria. Naks.

Naaalala ko rin ang mga lumang pelikula ng Tito, Vic and Joe, nakilmutan ko na rin ang title ng pelikula pero ang naaalala ko lang ay yung panaginip ni Snookey Serna sa pelikula na nakasakay sila ni Albert Martinez ata yun sa isang kabayong puti na may pakpak at lumilipad sila at bigla nanduon sina Tito, Vic and Joe na nakasakay naman sila sa isang parang cart na lumilipad tapos binabaril nila ina Snookey Serna at Albert Martinez ng Laser Gun na parang spiral ang bala nito.

Naalala ko rin ang mga araw na nanonood kami ng sine kasama ang pamilya ko, dinadala kami ng aming inah na manood ng sine, apat kaming magkakapatid kasama ang nanay ko at dalawang aunty ko, hindi sumasama ang tatay ko sa panonood ng sine, ihahatid lang kami ni Paps sa sinehan at aalis na, pupunta na siya sa isang coffee shop at duon hihigop ng masarap at mainit na 3 in 1 coffee habang nagbabasa ng news paper.
Ang sarap balikan ng mga ala-alang nagdaan, ang sarap balikan ng nakaraan habang sinasabayan mo ito ng isang kantang masarap rin pakinggan, sa tuwing naririnig ko ang mga lumang kanta na nagpapaalala sa akin ng mga masasayang ala-ala, napapabuntong hininga ako at napapangiti, dahil talaga namang masasabi ko na sa kabila ng lahat ng aking pinagdaanan na kasawian ay masmarami pa pala akong mga masasayang ala-ala na dapat ipagpasalamat.

Maraming kanta ang nagpapasaya sa atin at nabibigay ng buhay sa tuwing naririnig natin ito, sa tuwing depress ako, ang tanging ginagawa ko lang ay making na musika na magbibigay sa akin ng lakas upang maniwala na “MAY LIWANAG ANG BUHAY…” tulad ng Meralco.


Salamat sa pagparito at pagbabasa.





  


 
Rico Mambo
Breakfast Club

Just like the morning comes from the night
And changes everything in sight
I'm walking by a lot of open doors
But I never heard that sound before

Always joking about it
Always I try to figure it out
Always better not thinking about it
It's easier to fall in love

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

I think I'll go right by that door again today
Perhaps not the same way
I'm thinking who is gonna show it if You don't
I'm not so sure that You won't

Always joking about it
Always I try ti figure it out
Always better not thinking about it
It's easier to fall in love

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

So would You show me what You do again today
You say well that can be arranged
But I won't dance if You're just gonna smile
You say that's gonna take a while

Always joking about it
Always I try ti figure it out
Always better not thinking about it
It's easier to fall in love

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah
I get that feeling every time that You care to Mambo

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah

Oh Rico Mambo
Oh Rico Mambo yeah

Breakfast Club - Rico Mambo Music Lyrics


D”N

Monday, June 20, 2011

Music and Lyrics 001: Porque by Maldita (Pilot Episode)









videokeman mp3
Porque (Tagalog Version) – Maldita Song Lyrics



Narinig mo na ba ang kantang iyan? Maganda ba? Malungkot ba o Masaya?

Masarap bang pakinggan o nakakainis?

Panalo ba o talo?

Para sa akin… maganda ang kantang iyan.. meaningful, matagal na yan, kung hindi ako nagkakamali eh 2009 pa yan, isang pure Chavacano song po iyan, opo tama po ang pagkakabasa niyo, hindi po yan Españiol, isa po yang Chavacano song, na sinulat ng grupong Maldita na taga Zamboanga City, paano ko nalaman? Syempre, taga Zamboanga City po ako..

2008, pak, noon inis akong naririnig ang kantang iyan, dahil iyan ang taon kung saan kami’y naghiwalay pati ni (ehem )“She who must not be named” (siya na naman?) opo.. siya na naman… tinatamaan po kasi ako sa kanta nila… noon po ay pure Chavacano pa po yan at wala pang tagalong version, pero naiintindihan ko naman po dahil “Sabe tamen yo kombersa Chavacano (marunong din po ako magsalita ng Chavacano)” , kaya bawat salitang ginamit nila sa kanta nila, paksyet, ako’y tinatamaan, tagos hanggang buto.

“Bein macarisas gayot, no kere gad yo huwi de ila kansyon (Nakakainis talaga, ayaw ko talagang marinig ang kanta nila)”, words per words, packing tape, nagdurugo ang aking damdamin, sa tuwing naririnig ko ang kanta nila, naiinis ako, hindi lang dahil sa nalulungkot ako sa paghihiwalay namin ni “Mokong or si She who must not be named” eh dahil narin sa nagagandahan ako sa kanta kaso eh hindi pa ako maka-appreciate sa mga ganyang kanta, dahil nasa emo stage pa ako noon kumbaga.

…… … .. .

Kanina, 6:10am, habang naliligo ako, bigla kong naisip si Moks, ayayay, ang bastos talaga niya no? kung kelan ako naliligo ng hubot-hubad sa loob ng toilet, saka naman pumasok sa isip ko si Moks, hmmmp, nakita ko tuloy na tumingila sa akin si Pag-Asa (makapag ano nga muna!!! Joke), naisip ko lang ang blog niya na “Music in My Head” isa rin kasi yun sa mga inaabang-abangan kong blog eh.

Pagkatapos kong maligo eh sinilip ko muna ang aking Facebook, at ang Dashboard ng aking Blog, at ayun nakita ko naman ang Blog ni Damuhan, nako ang lalago na pala ng mga damo sa bahay niya, kailangan ng alisin, pero may napansin ako, may blog siya na patungkol sa kanta, “Your Song Present: All at Once” yan ang pamagat, tapos nasilip ko rin ang blog ni Iya_Khin, patungkol rin sa kanta, “Kissing You” naman ang pamagat, weow!!! Napapalibutan na ako ng kantang patungkol sa blog.

Kaya, kanina (ulit), habang nasa sasakyan kami papuntang office, habang nakikinig ako ng music sa aking mp3, narinig ko ulit ang isang kanta, na madalas kapag naririnig ko iyon eh may naaalala ako, at duon ko naisip na gawing regular topic ang ganito, ang magsulat ng anything about sa kanta na talaga namang tumatak sa puso at isipan ko, kaya (ulit), pagdating ko dito sa  office eh agad akong nagbukas ng mga Music and Lyrics at naghanap ng mga kantang magiging subject ko, dapat bongga di ba, kasi parang Pilot Episode ko na ito, naks naman.

Weow!!! Samot saring kanta ang tumatakbo sa isipan ko, buti hindi sila napapagod no? wala akong mapili at wala akong magustuhan, kasi lahat parang gusto ko na agad ilabas at isulat? Ngayon ko lang kasi narealized na napakarami palang kanta ang talagang tumatak sa puso’t isipan ko, sa aking buhay, wow, nice… hindi man ako Music Lover eh masasabi ko na hindi rin pala ako mauubusan ng mga paboritong kanta.

Hanggang sa mapadpad ako sa kantang ito, Porque (Tagalog Version) by Maldita, napangiti ako, at biglang naalala ang mga panahong nagdaan, may konting kirot kirot syempre, normal lang naman siguro yun, kasi kahit papaano, naging bahagi na siya ng buhay ko, pero oks lang, masaya na ako, kaya naman, bigla kong pinakinggan ang kantang ito, wow, napapangiti ako ngayon, kasi parang naninibago ako sa kanta, kasi nga tagalong version na siya, ang sarap pakinggan, ang layo na pala ng narating ng kantang ito, hmmm, I wonder papano ko kaya ito madodownload sa aking music player.

Kaya heto na, ang tagalong lyrics niya.

Pasenysa na at wala ako ng Chavacano Lyrics niya.

Thanks sa lahat…

Porque (Tagalog Version) – Maldita

Tulala lang sa’king kwarto
At nagmu-muni-muni
Ang tanong sa’king sarili
Sa’n ako nagkamali
Bakit sa’yo pa nagkagusto
Parang bula ika’y naglaho

Chorus:
Porque contigo yo ya iskuji

Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo



Ang lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising-sisi
Sobra sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa

Wag nang lumapit
At tumawag pa at baka masampal lang kita
Di babalikan
Magsisi ka man
Ako ay lisanin

Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti

Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati

Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko



Congratulation Maldita for the job well done.

You might also wanna see the Original MTV and Pure Chavacano Version nito,



Porque (Original Chavacano Version) – Maldita





Salamat po.






D"N
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...