Sunday, October 9, 2011

Ang Babae sa Septic Tank


Once again, ay ginulat na naman tayo ng mga Indi Filmmaker na yan sa kanilang kakaibang approach ng paggawa ng pelikula, “Ang Babae sa Septic Tank is a very nice movie”, maganda at may sense of humors talaga, masasabi ko na hindi ito tipikal na pelikulang Pinoy na mapapanood mo araw-araw sa telibisyon, may kakaiba itong hatid sa Audience na hindi mo makikita sa ibang pelikula.


Ang story outline ng pelikula masasabi kong pang award winning nga, kaya naman among all the Indi film o Independent Film that we had in our country this movie is one of the best and had earned so much compares to other Pinoy Indi film, The film was released to over 50 theaters nationwide and has a total gross of 40 million pesos, 20 million on its first 10 days, a very huge amount for an Indi Film isn’t it.

Eugene Domingo’s performance is very natural, masasabi ko na hindi siya naging O.A dito at bumagay talaga sa kanya ang character, plus the fact that she is portraying herself in the Movie (portraying herself?) Uu… ginampanan niya ang sarili niya sa pelikula, actually dalawang character ang ginampanan niya una ang character ni Mila (isang wasted nanay na binenta ang kanyang anak sa isang pedophile) at ang ikalawa ay ang kanyang sarili, naging natural na lang talaga sa kanya ang pag-arte, at masasabi ko na in this movie she really done it well, talagang nakuha na niya ang respect at paghanga ng ibang artista sa kanya, she played Drama Queen, Musical Artist and Comedians in this film, I like the part where she explained that there are three types of acting she used in the movie, first “Elevator Acting”, second “TV Patrol Acting”, third “Acting like not acting but she is definitely acting”.. well hindi ko na eelaborate kung ano-ano ang mga iyon, pero kung gusto niyo malaman, panoorin niyo na lang.

Sa unang parte pa lang ng movie eh massasabi ko na nakuha na agad ng pelikula ang interest ko, unang sequence ng pelikula ay ganito agad ang makikita mo at maririnig mo “Wideshot, Payatas Dumpsite” tapos, Cut to, “Interior, Sa kauna-unahang pagkakataon ipapakita ang madilim at masikip na bahay ni Mila kasama ng pito niyang anak”, “Magpapakulo si Mila ng tubig at magbubukas ng instants para sa kanyang mga supling” “tulala si Mila” habang naririnig mo ang V.O na yan or Voice Over na yan eh makikita mo naman kung ano ang ginawa ni Mila sa Pelikula, kung hindi niyo po alam kung ano ang tinutukoy ko, ito ang tinawag na Screenplay, maganda ang pagkakagawa nila, meron kang V.O na maririnig sa ilang eksenang kinunan nila (well atleast similar sa ganon ang maririnig mong O.V sa pelikula).

Sa katulad ko na gustong matutunan kung paano gumawa ng script o screenplay eh madali ko agad naintindihan ang pelikula at kung bakit merong ganong V.O ang pelikula, matagal ko na rin itong pinag-aaralan, nagseself study ako sa ngayon tungkol sa paggawa ng Script dahil sa wala pa akong panahon para pumunta sa mga workshops, dahil nakakulong pa ako sa dalawang taong kontrata dito sa Saudi, pero kung naka-uwi na ako ng Pinas, eh susubukan kong maghanap-hanap ng mga Intitute na merong kurso nito, ang alam ko eh meron sa Edsa, APFi ata ang pangalan ng institute na iyon, kaso ang mahal ng bayad, nasa 45K ang pinaka mababang tuition fee, pero sulit naman dahil isa sa mga magiging mentor mo eh si Derek Celso ad Castillo.

Anyway back to the future tayo eh este sa pelikula tayo, tinaob lahat ng Ang Babae sa Septic Tank ang lahat ng Indie Film kung income lamang ang paguusapan, well as far as I know at ayun na rin sa nabasa ko sa Wikipedia eh ito na ang may pinaka mataas na kita kung Indi Film lang ang paguusapan hah, isa ako sa mga fanatic ng Indi Film, unang indi film na napanood ko ay “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” tapos nasundan ng iba pang pelikula, madalas kasi eh nakukuha talaga ng mga indi filmmaker ang aking panlasa, kaya madalas akong manood ng mga indi film.

I personally recommend na manood kayo ng Ang Babae sa Septik Tank, kung gusto niyong tumawa, umiyak, kumanta, kung gusto niyo Makita kung paano makipagmeeting sa artista at kung paano gumawa ng script at higit sa lahat kung gusto niyo malaman kung ano ang tatlong uri ng pag arte na tinutukoy ni Eugene Domingo.


Ang Babae sa Septic Tank also features JM De Guzman, Kean Cipriano of the band Callalily, Cai Cortez the daughter of veteran actor Rez Cortez and special participation of Mercedes Cabral and Cherry Pie Picache.


Nga pala.. natawa ako doon, walang script si Cai Cortez, puro pacute lang ginawa niya doon. she played road assistant in the movie, JM De Guzman played Producer and Kean Cipriano played Director. 

Salamat sa pagbabasa.



D”N



3 comments:

  1. Magaling nga yang si Eugene Domingo. Mapanood nga yan.

    ReplyDelete
  2. ay daming magagandang reviews ang natanggap ng indie film nato.. Panonoorin ko to, syempre. :D

    ReplyDelete
  3. papanoorin ko talaga to sa cinema 1...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...