Saturday, October 29, 2011

Fill in the blank tayo, SANA ___________




Sigurado ako na merong mga bagay sa mundo na ating pinagsisisihan, at sigurado ako na minsan sa buhay natin nasabi natin na “SANA _________” na may halong lungkot at pagsisisi, anot-ano pa man ang dahilan natin, alam ko na minsan sa buhay natin ay meron tayong nais balikan.



Ang susunod ay mga bagay na pinagsisisihan ko pero taos puso kong ipinagdarasal na sana ay matutunan ko nang tangapin.

SANA pinagbuti ko ang aking pag-aaral, hindi ko naman literally na hindi ko siya pinagbuti, pero sana dinoble ko ang aking pagsisikap na makatapos, di sana eh Degree Holder ako ngayon, pang dalawang taong kurso lang kasi ang natapos ko, yun ay ang Computer System Design and Programming sa AMACLC. Noong natapos ko ang aking kurso, nabigyan ako ng parangal na Programmer of the Year, kaya masasabi ko na sana masdinoble ko pa ang aking pagsisikap.

SANA noon pa ako nagabroad dito sa SAUDI, ngayon ako nagsisi kung bakit ngayon lang ako nagabroad, sana marami na akong pera ngayon, sana by this time eh ang pagriritiro na sa Saudi ang inisip ko, sana by this time marami na akong naipundar at hindi yung saka pa lang ako naguumpisa, napakaraming taon pala ang sinayang ko sa Pinas na dapat sana ay narito na ako at nakikipag sapalaran, sana ngayon ay isa na akong tunay at ganap na OFW.

SANA noon ko pa pinag-aralan kung papaano mag-ipon ng pera, sana noon pa ay masasabi ko na na magadna ang financial status ko, di sana ako nahihirapan ngayon pagdating sa mga gastusin, di sana ako nangangapa ngayon kung saan ako maghahanap ng pera para makapagpatayo ng maliit na negosyo.
SANA noong 2003 ng makapunta ako ng Malaysia eh hindi na ako umuwi, kahit na wala akong Working Visa eh sana nakipagsapalaran na lang ako bilang T&T, di sana baka ngayon ay nakakuha na ako ng mga pekeng citizenship nila doon, di sana magaling na magaling na akong magsalita ng Malay, baka nga by now eh may sarili na akong Condo Unit doon at sasakyan.

SANA noon ko pa ginawang seryosohin ang pagboblog, dahil ngayon ko lang nalaman na masarap pala ang magsulat at talagang nakakagaan ng loob, kahit konti lang ang aking mambabasa eh masasabi ko parin na talaga namang nagpapsaya na ito sa akin, peksman, laking ginhawa sa damdamin ang meron kang mapaglalabasan ng iyong mga hinaing.

SANA umuwi ako ng maaga noong July 8, 1999, di sana eh inabutan ko pang buhay ang lola ko, siya kasi ang nagalaga sa akin noong bata pa ako, siya ang aking mahigpit na kakampi sa mga umaapi sa akin, nagkaroon siya ng malubhang karamdaman na siyang naging sanhi ng kanyang pagpanaw, mabait at sobrang maalagain ang aking lola, kaya naman sobra na namin siyang namimiss.

SANA hindi ako nagtrabaho sa Forex, di sana wala akong hinanakit ngayon sa may ari ng account ko at kahit kanino sa pamilya ko, naging mahirap kasi ang pagkatalo ng account na hawak ko sa Forex, halos isang milyon din ang nawala sa amin, dahil ang may ari ng account ko ay ang mismong nagluwal sa akin, ang aking inah, ayaw ko nang edetalye kung ano ang nangyari sa account ko at kung anong klaseng nigosyo meron ako, basta pinagsisisihan ko na iyo.

SANA hindi ko tinanggap ang unang Job Assignment ko ng mapunta ako dito sa Saudi, dahil yun talaga ang nagbigay sa akin ng sakit ng ulo, may choice naman ako that time para mamili ng trabaho na ibinigay sa akin, pero hindi ako umayaw, marahil gusto ko magpaimpress sa aking amo, kaya ako rin ang dapat sisihin, naging masyadong kumpiyansa rin talaga kasi ako sa sarili ko eh, kaya ganon.

SANA noong sinabi ng dati naming resident supervisor na indiano na may deduction ako na 1000 Riyal dahil sa device na naiwala ko eh sana kinausap ko ang accountant ng opisina namin kong talagang may deductions nga ba talagang nangyari at sana tinawagan ko rin ang dating Manager ko sa dating department na kung saan ako unang na assign eh di sana naging maayos ang lahat at ang perang kinaltas sa akin ay napunta mismo sa dati kong manager, at hindi ako naloko ng dati naming Resident Supervisor.

SANA noong makipaghiawalay si “She who must not be named” sa akin noong 2008 eh sana hinayaan ko na lang siya, di sana ako nandidiri sa sarili ko sa mga pinaggagawa kong kalokohan noon para maipaglaban lamang siya, di sana may mukha pa akong ihaharap sa mga kaibigan ko, kamaganak at kapatid, di sana ako nanliliit ngayon sa tuwing naaalala ko na minsan sa buhay ko eh ipinaglaban ko siya sa kabila ng ginawa niya. Ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa siya ipinaglaban.

Marami pang mga bagay ang pinagsisisihan ko, ganyan naman talaga yan eh, hindi tayo normal kung hindi tayo nagsisisi sa isang bagay, pero anot-ano pa man, basta ang mahalaga ay ang pangako ko na kapag mabibigyan ako ng isa pang pagkakataon upang itama ang isa man sa mga nabanggit ko ay hindi ako magaatubiling pagbutihin ito, hindi naman natin kailangan balikan ang nakaraan para maiwasto ito, kailangan lang nating matuto rito upang sa susunod eh alam na natin ang ating gagawin.



Maraming salamat po.


D"N




4 comments:

  1. ang mahalaga sa lahat meron kang dinaanang isang bagay na nag iwan ng mga alala at aral sa buhay na bumuo ng kung sino ka ngayon.Embrace it as a teacher as it was.

    Programmer of the year wow!iba ka Al.Malayo pa ang iyong mararating.

    ReplyDelete
  2. Uu mond.. malayo pa ang mararating.. pangarap ko na ngayon makarating ng Amerika.. eheheheh

    ReplyDelete
  3. nalungkot naman ako dahil madami ka pinagsisisihan AL.. sana hindi mo i-take negatively comment ko.. sabagay pinagdarasal mo naman na sana maka-move on ka na sa mga SANA.

    Payo ko lang... make use of your time today.. don't waste it on contemplating on what had happen from the past.. but ponder on and use it to plan for tomorrow...

    lahat tayo may chance to dream big... and everyone deserves a failure..kase minsan ang failure naman talaga ang tutulong sa tin makamit mga dreams natin.. kaya kung ano man ang mga pinagsisisihan mo.. wag mo isipin na kahit isa jan eh naging hadlang para maging ano ka at para maging maunlad ka...

    isipin mo lahat sila eh mga small step to a gian mankind na someday babalikan mo.. at iisipin mo.. kung hindi nangyari ang lahat ng yan di mo mararating ang patutunguhan mo..

    alam ko magulo ang sinabi ko..at in a way wala ako karapatan mag payo... pero.. alam mo na... nagbabalik ako.. at na-miss ko mag comment sa blog mo AL. ALLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! :)

    ReplyDelete
  4. Ganyan talaga ang buhay,ngayon siguro marami kang pinagsisisihan pero pasasaan pa pag dating ng tamang panaohon doon mo makikita ang mga magagandang dahilan kung bakit nga ba nangyari yaong mga bagay na iyon.

    Hindi natin hawak ang buhay natin; tanging papel natin dito ay mabuhay base sa kung anong plano ng diyos sa atin. At lahat ng nakaplano sa buhay natin ay pawang mabubuti kung ngayon siguro nagtataka ka kung bakit nga ba ang daming maling nangyayari sa iyo pero pag lipas ng isa o higit pang mga araw doon mo maiintindihan ang lahat.

    huwag kang mabuhay sa nakaraan o nakalipas sa halip mabuhay ka sa kasalukuyan at huwag masyadong pakaisipin ang hinaharap.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...