Dito sa Saudi habang pinagmamasdan ko ang mga batang Arabo na naglalaro, di ko maiwasan ang hindi mapangiti, naaalala ko kasi ang aking kabataan, naging makulay ito at punong-puno ng saya, hinyaan kasi ako ng aking mga magulang na maging bata, naranasan ko kung paano maging bata, naaalala ko pa ng minsan kakatapos ko lang paliguan eh hayon at nasa bakuran na ako nakikipag habulan habang kumakanta ng “Pen Pen De Sarapen de Kutsilyo De Almasen, haw haw De Carabao Batuten” tapos tawanan kami ng mga kalaro ko, ang saya, wala ng sasaya pa.
Ito ay isang blog entry na ginawa ko para sa Saranggola Blog Awards, sana ay magustuhan niyong lahat, isang blog entry na pinilit kong buuhin para makalikha ng isang video na siyang magbibigay sa atin ng saya.
Laro
Halika maglaro tayo
Hayaan na muna ang problema
Pasasaan bat lilipas rin yan
Tulad ng araw na sumisikat sa umaga
Ito’y lumulubog pagsapit ng hapon
Ang ating lakas
Nanghihina
Mula sa pagiging bata
Tayo’y tumatanda
Ganyan talaga
Wala na tayong magagawa
Sa buhay natin
Kailangan rin nating magsaya
Maglibang
Kalimutan muna ang problema
Kalimutan muna ang lahat
Di nga bat kay sarap maging bata muli
Wala kang pinoproblema
Walang iniisip
Walang bumabagabag
Napakainosente pa ng bata para intindihin
Ang mga bagay-bagay sa mundo
Walang kamuwang-muwang
Munting anghel
May gatas pa sa labi
Bata batuta ika nga
Ang kulit
Ang Likot
Ang gulo
Pero napakasarap pagmasdan
Madalas nating sabihin
“Kung maibabalik ko lang ang kahapon”,
“Kung maibabalik ko lang ang nakaraan”
“Kung magiging bata lang ako muli”
Pero ang hindi natin naisip
araw-araw eh binibigyan tayo ng pagkakataon
Para balikan ang ating kabataan
Ang nakaraan
Ito ay sa puso, sa isip at gawa
hindi man ito litiral
pero maari parin nating subukan ang maglaro at maglibang
Bakit nga ba gusto nating maging bata muli?
Bakit nga ba gusto nating balikan ang nakaraan?
Bakit ba kailangang maranasan natin ito muli?
Dahil ba sa marami tayong natutunan dito?
Dahil ba sa marami tayong mga pagkakamaling nais nating iwasto?
O baka
Ito ay dahil lamang sa namimiss natin kung paano maging bata muli.
Sa paglalaro
Hindi mo naman kailangan maging bata para sumaya
Napakaraming laro at laruan na pangmatanda
Yun bang tinatawag na “for adults only”
Nandyan ang Car Racing
Nandyan din ang Wakeboarding
O kaya Wall Climbing
Nandyan din ang sikat na sikat na
Airsoft Gun Compitition
Marami pa
Ito ang tinatawag na Recreational Sports
Pang matanda lang
Pwede namang laruin ng mga bata
Subalit kailangan ng patnubay ng mga magulang
Nandyan din ang talagang Sports
Tulad ng Basketball
Badminton
Baseball
Tennis
At Maging Chess ito rin ay isang sport
At pwede karing makipaglaro ng Dama
Kasama ng mahal mo sa buhay
Pwedeng-pwede tayong magsaya
maglibang
Maglaro habang kaharap natin ang ating problema
Yin and Yang nga daw dapat di ba
Yun tipong balanse lang ang lahat
May oras ka para sa trabaho mo
Pamilya mo
Kaibigan mo
At para sa sarili mo,
Kahit ano pwede mong laruin
kahit anong oras
Walang nagbabawal sa iyo
Kahit ano pwede mong gamitin
Tulad ng blog ko
Nilalaro ko lang.
Salamat.
D”N
parang namiss ko tuloy maging bata! pinilit mo pang buuin yan ah! pano kaya pag may gana ka? hahaha
ReplyDeletegood luck sa sarangola awards.
ReplyDelete@Sey: ahahhaha... di na sana po ako sali.. kaso kahapon eh sinabi ko na sayang ang pagkakataon... kaya gumawa na lang ako.. eheheh...
ReplyDelete@Mond: thanks.. sumali po ba ikaw????
wow ganda nyan AL...:)) good luck :))
ReplyDeleteNice. Good luck sa Saranggola Awards.
ReplyDeleteThinking Out Loud
gudluck sa iyo chong :)
ReplyDelete