Kilalanin si Super Hero (ni AL Diwallay) Kabatana - I
“Kakainis talaga!” pamaktol na sabi ni Mika sa kaibigan pagdating niya sa internet shop nito. “nahuli na naman ako!” sabay upo sa silya na nakaharap sa bakanteng computer station na malapit sa server ng internet shop kung saan nakaupo ang kanyang kausap.
“Ano na naman ang problema mo?”
“Eh! Pano naman kase nahuli na naman ako ng balita”
“Balita?, Balita saan?”
“Hay naku! Palibhasa kasi nandirito ka lang sa shop mo buong maghapon, kaya tuloy hindi mo alam ang nangyayari sa mundo.”
“Ano ngang balita, ang kulet!”
“May nangyaring sunog daw dyan sa kabilang barangay malapit sa atin”
“O! Tapos”
“Tapos natrap daw ang isang bata sa loob ng Gusali ng department store”
“Oh talaga! Tapos anong nangyari?”
“Eh dumating daw si Super Hero at nailigtas niya ang bata”
“Eh nailigtas naman pala, anong problema doon?”
“Eh kase hindi ko na naman siya nakita at nainterview, kakainis talaga!”
“Hahahaha!” tawa ni Ricky sa kaibigang si Mika habang nakaupo ito sa server ng kanyang internet shop.
“Haha! Tawa ka pa dyan” asar na sagot ni Mika kay Ricky.
Matalik na magkaibigan ang dalawa kahit na medyo malayo ang agwat ng kanilang edad, eh naging mabuting magkaibigan pa rin ang dalawa, nagtitinda ng Avon, Natashia, MSE at kung ano-ano pang mapagkakakitaan ang bente anyos na dagalang si Mika at si Ricky naman sa eded na bente nuebe ay may ari na ng isang maliit na internet shop na pinangalanan niyang “Cyber Ricky Internet Shop” at ng isang bakery sa kanilang lugar sa Barangay Ginhawa Poblacio B sa Bayan ng Rosario Batangas.
“Asar! Hahahaha!”
“Hmmmp! Ewan makaalis na nga!”
“Oh saan ka pupunta?”
“Pakialam mo.”
“Hahahaha!”
Madalas ganito ang eksena ng dalawa simula ng dumating si Super Hero sa sambayanan, madalas kasing inisin ni Ricky si Mika sa misyon nitong mainterview at makilala si Super Hero kaya madalas siyang tarayan ng dalaga, matagal ng magkaibigan ang dalawa simula pa ng lumipat sina Mika sa kanilang lugar sampung taon na ang nakakalipas at madalas sa internet shop niya tumatambay ang dalaga kapag wala rin lang itong pasok o ededeliver na mga paninda pero nitong huli naging abala ang dalaga sa ibang bagay, ang kilalanin si Super Hero.
“Balik ka dito, kwentuhan mo pa ako.”
“Heh!”
“Pikon!”
“Ewan!”
Walang nang nagawa ang binata ng iwanan siya ni Mika sa kanyang internet shop, pinagmasdan nalang niya ito mula sa bintanang salamin ng kanyang shop ng biglang.
Itutuloy… .. .
oi ayus...
ReplyDeleteang kulit ng blog mo al..pwede palit palitan.. lol... al!! ikaw na talaga mahilig sa super hero..
ReplyDeleteinfairness.. interesting!!!
sumi-series ka na din ah! hahaha, yung kasunod na dali, kasi hula ko si Ricky si super hero eh! hahaha. assuming ako.
ReplyDelete