Kilalanin si Super Hero (Ni
AL Diwallay) Kabatana - I
Dahil sa kanyang pangaasar walang
nang nagawa ang binatang si Ricky ng iwanan siya ni Mika sa kanyang internet shop,
pinagmasdan nalang niya ito mula sa bintanang salamin ng kanyang shop ng
biglang.
“Hoy! Nabalitaan mo na ba?” nagulat
pa siya, hindi niya kasi namalayan ang pagpasok ni Obet sa kanyang internet
shop, nakaformal ito, long sleeve cream na tinernuhan ng itim na slacks at
kurbatang pula, pang executive talaga ang dating nang binata. Isang medical
representative si Robert Barredo o mas kilala sa pangalang Obet, isa rin ito sa
malapit na kaibigan ni Ricky at katulad ni Mika madalas din itong pumirmi sa
kanyang internet shop pagkagaling sa trabaho.
“Pare! Ano, nabalitaan mo ba?”
tanong ulit nito sa kanya.
“Alin ba! na natapos na ang
martial law o nakalanding na sina Niel Armstrong galing sa buwan?”
“Pare nama ang korni mo, yung
tungkol sa sunog”
“Yung natrap ang isang bata,
tapos dumating si Super Hero, tapos sinagip niya ang bata?”
“Eh alam mo na pala eh.”
“Kakagaling lang dito ni Mika.”
“Tapos?” patananong na sagot
ng kaibigan habang nakatayo sa harap ng counter kung saan naroon rin ang server
at nakaupo si Ricky.
“Ayun nga, ibinalita niya!”
“Ano sabi?”
“Ayun nga daw, dumating nga
daw si Super Hero pero hindi na naman daw niya inabutan?”
“Hahahaha, hangang ngayon ba
naman, yan parin ang misyon niya ang kilalanin si Super Hero?”
“Hahaha, inasar ko nga eh.”
“O! anong nangyari?”
“Ayun napikon, nagwalk out ang
lola mo!”
“Hahaha, ikaw talaga, maya
dyan magkatuluyan kayo?” biro ni Obet kay Ricky.
“Ulol… kaibigan natin yun
ok!!!” pabirong sigaw niya sa kaibigan.
“Bakit ba obsess talaga si
Mika na Kilalanin si Super Hero no?”
“Ikaw ba naman ang bigyan ni
Mayor ng 1Milyonng pabuya sa kung sinong makakapagbigay ng impormasyon tungkol
kay Super Hero, hindi ka ba magkakandarapa”
“Kung sabagay!!! O sige pare
tuloy na muna ako sa bahay, may gagawin pa ako?”
“Sabay na tayo, uwi na rin muna
ako, titignan ko ang bakery, walang kasama si nanay.”
tumayo na si Ricky at tinawag si Cythia ang katiwala niya sa shop na kanina
pang aliw na aliw sa kachat niyang matandang Amerikano.
Itutuloy… .. .
0 According to them:
Post a Comment