P.E. (Physical Educations) isa sa mga curriculum na dapat mong kunin sa kolehiyo, hindi ka makakagraduate kung wala kang P.E., ito na marahil ang pinaka masayang subject na makukuha mo sa pagtuntong mo sa iyong college life, marami kang pwedeng pagpilian, andyan ang Physical Fitness, Folk Dance, Ballroom, Sports, at kung ano-ano pa.
P.E. (1st Year, 1st Semester 1996-1997) – Physical Fitness ang kinuha ko, from Monday-Saturday kada umaga, nasa Grand Stand na kami, nagjojogging, doon din namin ginagawa ang aming klasse, total walking distance lang talaga ito papunta ng Universidad na pinapasukan ko.
P.E. (1st Year, 2nd Semester 1996-1997) – Folk Dance naman ang kinuha ko dito, gusto ko sana Ballroom kasi usong-uso talaga ito noon, kaso hindi ako umabot sa quota, maagang nagsara ang pagtangap nila ng studyante, kaya naman napilitan akong kunin ang folk dance, anyway nagenjoy naman ako, kasi kahit papaano eh natuto akong sumayaw ng tinikling, naks….
P.E. (2nd Year, 1st Semester 1997-1998) – Nakalimutan ko na talaga kung ano ang kinuha ko, ehehehhe, pero basta natatandaan ko dito sa panahong ito ay madalas kaming maglaro ng mga pambansang laro, dito rin kami nagkaroon ng Farewell Party.
P.E. (2nd Year, 2nd Semester 1997-1998) – Table Tennis naman ang kinuha ko dito, sa Grand Stand ulit kami nagme-meet pati ng teacher namin, doon namin ginagawa ang klase, napakasaya ng mga araw na ito para sa akin, ito ang panahon kung saan eh nagdadalaga palang ako, eh este nagbibinata pala, lahat ng bagay ay gusto kong subukan, kasama na ang pagbubulakbol, ehehehhehe. Echos.
Isa sa paksang aming pinag-uusapan noon sa P.E ay ang mga pambansang laro, tulad ng “Patintero”, “Tumbang Preso”, “Luksong Tinik”, “Habulan”, “Taguan” mga karaniwang laro ng pangkaraniwang “Batang Pinoy”, mga pambansang laro ika nga, marami akong mga masasayang ala-ala at kwento sa panahong ito, dahil sa halos lahat ng mga binangit kong laro eh nilaro namin sa amin “Farewell Party”.
Pero sa lahat ng larong nilaro namin, wala ng sasaya pa noong laruin namin ang “Patintero”, kakaibang saya ang naramdaman ko sa mga araw na iyon dahil, nakalaro ko ang isa sa mga babaeng nagpatibok ng aking puso, tawagin na lang natin siyang “si Architect” dahil isa siyang 2nd Year Architecture Student sa Universidad na aking pinapasukan, morena, mahaba ang buhok, mapungay ang mga mata at higit sa lahat matalino, kakaiba ang kanyang kasootan, nakanative attire parati, yun bang “Batik” kung tawagin, at napakaraming borloloy sa katawan, yari sa ratan ang kanyang Bag, talagang native, parang cultural attire, parang ganun, talagang masasabi mong Artist nga talaga siya, sila lang magkakapatid ang ganon ang kasootan, kaya naman madali silang mapansin ng mga tao lalo na sa eskwelahan namin.
Patapos na ang semester, at dahil sa always on the go ang aming teacher (Note: Nanay siya ng isa sa mga myembro ng dating sumikat na female group na Vana-Vana) nagyaya siyang mag-outing, summer get away daw, napagkasunduan naming lahat na pumunta sa isang local beach resort sa Zamboanga at doon ganapin ang farewell party daw? Masaya ang aming beach party na yun, dahil sumama lahat ng mga kaklase ko at maging ang ibang section, at ibang P.E. class ay naroon rin, halos mapuno namin ang beach resort sa araw na iyon, lahat ay nagkakasiyahan.
Dahil sa gusto ni teacher na maging masaya ang lahat ng kanyang hinahawakang klasse eh pinakilala niya kami sa isat-isa, at sinabi niyang maglalaro kami ng mga pambansang laro, isa nga sa nilaro namin ay ang Patintero, at dito ko nakalaro si “si Architect”, naaalala ko pa, pareho kami ng kupunan at parehong nasa loob na ng linya, tatawid kaming pareho sa kabilang linya ng magkabanggan kami at matumba, pak boom @#$%!^, parang sa palikula lang, natumba ako at nadapa naman siya sa ibabaw ko, nagkatamaan ang aming tingin, parang may narinig tuloy akong isang musika na pinapatugtug, “Kapag tumibok ang puso, lagot ka na siguradong huli ka”, doon ko napagmasdan ng mabuti ang kanyang mukha, napakaganda pala niyang talaga, parang gusto ko sanang halikan siya, ang kaso hindi ko nagawa, dahil tumayo na agad siya at humingi ng paumanhin, tumayo narin ako at nagpunas ng dumi, matapos kaming maglaro, nilapitan ko siya at tinanong ulit kung nasaktan ba siya, at nakita kong may galos siya sa kanyang braso, pero sinabi naman niya na hindi naman daw masakit, pinagmasdan ko siya muli ng mabuti, tama nga ang nakita ko kanina, napakaganda nga niya, at di nga ako niloloko ng aking mga mata, nag-kausap kami ng matagal sa araw na iyon, but sad to say, hanggang doon lang ang nangyari, hanggang pag-uusap lang, hindi na nasundan pa, dahil kinabukasan ay bakasyon na, two weeks after matapos ang sem-break, di na kami nagkausap, pareho na kaming naging busy sa kanya kanyang career, pero masaya parin ako, dahil kahit papaano eh nagkaroon kami ng moments sa isat-isa, isa lang ito sa mga masasayang araw ko noong kolehiyo.
Bukod sa insedenteng iyon, ay hindi na nasundan ang aming paguusap, di ko kasing kayang lapitan siya, nauunahan ako ng takot at kaba, TORPE pa ang lolo niyo noon, ehehhehe,,, kaya naman, walang nangyari sa lihim na paghanga ko kay lokaretang “si Architect” na iyon.. kamusta na kaya yun? Architect na marahil siya ngayon?
Salamat sa pagbabasa.
D"N